Chereads / Devanne (Tagalog) / Chapter 2 - Simula

Chapter 2 - Simula

6 years ago...

Devanne POV

Tumayo ako sa hinihigaan ko at dumeretso na sa may Cr. It's already 10:46 am na ng umaga and mags-start ang class namin ng 12:30 pm.

Nang matapos na ako maligo kaagad ako dumeretso sa may Closet t'saka kinuha ang uniform ko. My uniform is simple, hindi manang tignan at hindi maikli kasi 'yung skirt namin hanggang tuhod and itutuck-in lang ang blouse and wear a neck-tie na hanggang tummy ko. Wala kaming Aircon sa school pero hindi na ako magrereklmo because Public School lang ang pinapasukan ko pero 'yung school namin is too big, maraming buildings, mayroong 5 canteen and we have a Chapel, Library and Mini Forest na tambayan ng mga student. Hindi rin nakakatakot umuwi habang naglalakad dahil almost sa mga nag-aaral doon mas choice maglakad kaysa sa sumakay pero syempre may malalayo kaya nagjejeep sila..

Btw, I'm Devanne Valrille Wrivvens, 16 years old. May half sister ako na si Ate Chianti Smith Wrivvens and yes, nanay lang ang pinagka-iba namin. Wala naman kaming problema sa isa't isa at tinuturing na tunay talaga kaming magkapatid and she's the first daughter and ang nanay niya na si Tita Agatha ang unang asawa ni Daddy. I have a white skin, matangkad, hindi ako kasing talino ni Ate Chianti na namana niya kay Daddy. Siguro ako sakto lang; 'yung nakakapag-top sa klase at minsan honor student.

----

Agad akong bumaba papuntang kusina namin at'saka tinignan kung anong ulam ang niready ni Mommy ngayong araw.

"Ang sarap naman ng ulam ko today! Adobong manok!" Pagpaparinig ko at sinadyang nilakasan dahilan para bumaba si Ate Chianti.

"Anong sabi mo, Dev? Paki-ulit nga?" Nagbibingi-bingihang sabi niya. Tumawa lang ako at hinila siya papunta sa ulam.

"Adobong manok."

Nakita ko sa mga mata nito na gusto niya kumain kaya agad itong humawak sa akin at itinulak ako papalayo.

"Aray!" Sabay hawak ko sa aking pwetan dahil tinulak lang naman ako ni ate sa sahig. Akala mo maagawan ng ulam eh.

"Patatas!"

Agad akong tumayo at hinila ang buhok nito.

"Hoy sayo 'yung Carrot akin 'yung Patatas! Aba walang agawan!" Nagsusumigaw kong sabi. Hindi siya nakutento at kumuha na ng plato at sumandok ng kanin.

"Tama na 'yang kanin. Ako naman," sabi ko. Umalis na ito sa may harap ng kanin at dumeretso kung saan nakalagay 'yung ulam na niluto ni Mommy.

Nagsandok ako ng tatloclang dahil baka mamaya may tinda si Manang Clarita 'yung nagluluto ng tigsasampung palabok sa may gilid ng hagdanan sa 1st floor ng building namin. Lagi akong nakakakuha ng Extra Egg doon tapos dalawang kalamansi hahaha.

Kumain na lang kami ng tahimik at mga kutsara't tinidor na lamang ang maririnig sa paligid ng bahay. Wala dito sila Mommy at Daddy nasa business silang dalawa.

Nang matapos na ako sa pagkain ay nagpaalam na ako sa kaniya at lumabas na sa bahay.

Agad akong nagtawag ng tricycle na may estudyante para nasa 7 pesos lang singil sa akin kaysa sa maging sampu sayang panghiram na rin 'yun ng wattpad books sa library.

Nakarating na nga ako sa may tapat ng school at tumawid, pumila na rin ako dahil checking bag na naman at titignan kung may suot kang I.D.

Malapit na ako sa gate at tumingin sa may Relo. 11:55 am na. Hindi na ako pumunta sa may tapat ng Science Lab doon kasi kami tumatambay with my section dahil bawal umakyat sa may building namin. Ewan ko ba bakit bawal eh ang tahimik ng section namin para mapa-alis kaya kapag papasok ako nakikita ko palagi 'yung prefic discipline ng Grade 9.

Agad akong tumakbo ng dahan-dahan sa may exit stairs at doon dumaan para makadaan papuntang room.

Isang hagdan na lang ng may humila sa akin at sumubsob sa dibdib nito. Tumingin muna ako sa paligid at inayos ang salaming suot. Nang makita ko kung sino ang humila sa akin agad akong natulala at kilala kung sino 'yun.

"I-Ikaw pala... k-kuya Zenos hehehe."

Siya 'yung jowa ni Ate Chianti este ex na mahal na mahal ni ate!

"Ginagawa mo dito? Mamaya pa akyatan ng room huh?" Nakataas kilay nitong sabi.

"A-ah eh? P-pinapatawag ako ni ma'am," sinungaling na sambit ko.

"Wala teacher mo ineng, may meeting sila ngayon. Nagsisinungaling ka ba?" Ngumingisi-ngising sabi nito at sabay na ginulo ang buhok ko.

"Edi bababa na!" Sigaw ko. Padabog naman akong naglakad pababa ng hagdan at tumungo sa may Sci-Lab.

*kung hindi ka lang pogi Kuya Zenos at hindi ex ni ate eh!*

--------------------------

- Meow.