Chereads / Devanne (Tagalog) / Chapter 4 - Chapter Two

Chapter 4 - Chapter Two

Chapter Two

Devanne POV

Saturday na ngayon, wala na namang pasok and amboring kasi dahil sa No Homework Policy kaya wala akong magawa. Ang humilata na lang siguro magdamag ang ginagawa ko. Si Miami ayon pumunta sila sa may Luneta Park mayroon daw sila meet-up ng mga kasquad niya doon.

May Booksigning doon sa may Robinsons kaso wala akong pera ang sad hindi ko makikita mga fav kong author.

Tumayo ako sa aking hinihigaan nong may kumatok sa may pinto. Tinignan ko iyon at si ate na nakabihis ng pang-alis.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Hindi mo alam Dev?" kinikilig niyang sabi dahilan para mailang ako dito sa kinatatayuan ko.

"Hindi kasi hindi mo pa sinasabi. Ano ba kasi 'yun?" Naiinis na ako sa mga galaw nito marahil kanina pa ito nagtatatalon. Ewan ko ba pwede na siya maging bulate na binudburan ng asin.

"May Meet and Greet ang SB19 sa Robinsons! Sama ka?"

Nagningning ang aking mga mata at naka-isip ng paraan para makabili ako ng libro at makapunta sa book signing.

"Basta libre mo ako 2k." Ngumingiti-ngiti akong tumingin sa kaniya. Hindi na siya umangal at tumango na lang dahil siya rin naman kawawa kapag si Mama nakita siya nasa mall.

"Sige na, magbihis ka na d'yan. Dalian mo mamayang 3 pm start ng Meet and Greet!" singhal niya. Tumayo na ako at'saka nag-ayos baka kasi mamaya bulyawan na naman ako nito.

Bumaba na ako sa kusina at tinawag na siya.

"Tapos na," walang ganang sabi ko at sinuot na 'yung bag.

"Btw, nakapagpaalam ka na kay Daddy?" Tumango lang siya at kinuha ang susi na nakalagay sa mesa. Sinasara namin 'tong bahay kasi minsan kaming dalawa lang 'yung tao dito.

----

Nakarating na kami sa may Robinsons maraming tao ang pumapasok sa may entrance dahil na rin siguro napagsabay 'yung event ng SB19 at ng Psicom.

"Sasama ka pa ba sa akin? I know na mayroon ngayong Psicom event hah?"

"Kaya nga nasaan na 'yung 2 thousand ko ng makapunta ako doon." Ngiti-ngiti ko at tinuturo ang bag na suot niya. Umiling lamang siya at binuksan ang bag niya dahilan mas lalo akong ngumiti dito. Magmukha ng baliw atlis may pera.

Umalis na ako at dumeretso muna sa may starbucks para bumili ng Java Chip Frappucino.

Maraming tao ang bumungad sa akin, ang mga libro ay marami rin, siguro sapat na 'yun para sa bibiling mga Wattpaders dito. Dumeretso ako doon at kinuha 'yung new book ni Akosiibarra, Shinichilaaaabs kumuha pa ako ng copy ng libro ni Yanalovesyouu kasi 'yung pinsan ko nagpapabili rin.

Nasa pila na ako para ipapirma 'tong libro ko at hindi maiwasang hindi mapangiti makikita ko na naman mga favorite author ko.

Super dami ang dumalo siguro nasa part pa lang ako ng pila doon sa may entrance door, 'di ba anlayo ko pa sa mga author hahaha.

Habang nagmumuni ako dito at umiinom ng Frappe bigla ko naaninag ang isang pamilyar na lalaki at isang babae. Napakurap ako sa walang at tinignan muli baka nagmamalik mata lang ako.

Si Ate Chianti at Kuya Zenos magkasama!

*Akala ko ba pupunta si ate sa may event ng SB19?*

Habang busy ako sa pagmamasid sa kanila hindi ko na namalayan ay umaandar na ang pila.

"Hoy miss, huwag ka ng pumila kung hindi ka naman interesado dito!" singhal ng lalaki dito sa likuran ko. Tumingin naman ako sa kaniya ng masama.

Grabi naman 'tong si kuya akala mo wala rin siyang tinitignan eh, bago ko nga pagmasdan sila Ate Chianti nakatingin rin siya kanina doon sa girl.

"Nagreklamo ba ako nong tumingin ka sa may babae?" Sabay na itinaas ang aking kilay at sinamaan pa lalo ito ng tingin. Tumawa siya at nagpapadyak.

"Selos ka ba miss?" Nakangiti siyang tumingin na akala mo talaga may gusto ako sa kaniya.

"Hindi pa nga kita kilala tapos sasabihin mo nagseselos ako? Ano ka elyen?"

"Edi kilalanin mo ako," sabi niya.

"No thanks. Ayaw ko mangaibigan ng isang katulad mong feelingero!" sabi ko at pumunta na sa may first author na kanina pa nakangiti. Baliw na ba siya? Joke lang baka maaway ako.

"Ahmm, ito po." Sabay bigay ko sa may libro. Tumango lang siya at kinuha 'yung libro.

"Hoy miss, ako 'to si Wraxcel na mahal na mahal ka," salita pa ng nasa likod ko. Agad 'kong kinuha 'yung water bottle ko dito sa may bag at pinukpok sa kaniya.

"Harot mo!" Sigaw ko.

"Sayo lang haharot." Kumindat ito. Lahat ng nakapila halos kinilig sa sinabi nito except sa akin na sasabog na sa galit dahil sa kaniya.

"Ikaw nakakapikon ka na ah?!" Aambahan ko na sana siya ng ma-out of balance ako at nahulog sa dibdib nito. Dapak parang nirepeat lang namin 'yung scene na 'to sa wattpad story.

"Awts porn!" Sigaw ng isang author na alam ko si Ate Yana 'yun. Lalong nagtilian ang mga tao dito sa loob.

*hindi ba sila nandidiri myghad!*

Tumayo na ako at inayos ang sarili. Kinausap ko muna si Ms. BitaminangE para makalimutan 'yung nangyari.

"Ss na sa inyo. Separate soon," sabi ps ni Author BE. Hindi ko na lang siya pinansin baka mas lalo akong mahiya sa pangyayari, itong Author talagang 'to napakakulit hahaha.

"Hi po Ate Yana," ngiting sabi ko at ibinigay na 'yung book.

"Jowa mo?" Sabay turo sa lalaking feelingero. Mabilis akong umiling.

Nagpicture muna pala kaming dalawa before ako magstart na kausapin si Kuya Antonio the author of Silician Baby. Ampogi niya talaga sheets!

Ngiti-ngiti akong nakatingin kay kuya Antonio tapos 'yung isa sa likod ko mukhang badtrip, siya ba 'yung nagseselos?

Tumingin ako sa kaniya na may pagtataka nang mapansin niya bigla itong sumeryeso at tumingin sa may author na kausap niya.

*problema kaya niya?*

Natapos na 'yung event, masaya ako kasi may mga New Psicom Author akong nakita hindi lang isa mga lima ata sila. Tinext ko na rin si Ate Chianti baka tapos na rin siya sa date nila Kuya Zenos este Event ng SB19.

Nagpop-up bigla 'yung inbox ko kaya binuksan iyon at si Ate nga.

AteKongPanot:

*dito sa may harap ng KFC. Labyaah.*

CuteMongKapatid:

Geh.

Bumaba ako ng ground floor doon kasi makikita 'yung mga fast food dito. Nakita na ng mga mata ko 'yung KFC kaya kaagad ako doon dumeretso at hinanap si Ate Chianti. Ayon natagpuan ko na rin siya kumakain ng French Fries, 'di man lang nagbigay.

Pumasok na ako sa loob at tumakbo papalapit kay Ate.

"Pshhh, penge naman," sambit ko at pilit na kinukuha 'yung hawak-hawak niyang French Fries.

"Huwag mo na kuwain 'to Dev, papatayin kita. Bumili ka ng iyo." Sabay kuha ng pera sa bag nito at binigay sa akin. Pumunta ako sa may counter at nag-order ng makakain.

Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin kami umaalis dito sa table, ewan ko ba kung sino hinihintay ni ate pero sabi niya busog siya ng sobra kaya hindi daw muna kami lalabas or nasasarapan ata siya sa Aircon dito.

Biglang may pumukaw sa aking pansin nang makita ko si Kuya Zenos na papalapit sa table namin. Nagdedate talaga sila?

"I-ikaw pala Kuya Zenos hehehe." Ngumiti lang ako at pinagpatuloy 'yung kinakain ko. Nakita ko na tumango lang siya at naupo sa table namin.

"Wala pa ba si Cel?" tanong ni Ate Chianti.

"Wala."

"Okay." si Ate Chianti.

*sino kayang Cel 'yon?*

"Ate bakit mo kasama si Kuya Zenos? Ayiiiie." Pang-aasar ko sa kaniya at tinutusok-tusok pa siya sa tagiliran ng tiyan niya.

Nasaan na kaya 'yung feelingerong 'yun, sana naman payapa na siya. Tsk. Speaking of feelingero... Bakit siya nasa tapat ko?!

"Nandito ka na pala Cel. Ito nga pala si Devanne, kapatid ko." Nakangiting pagpapakilala sa akin ni Ate Chianti sa kaniya. *Not interested, tsk.*

"Devanne pala..." Rinig kong bulong niya.

"Ikaw pala love," sambit ni Wraxcel kuno, kaya lalo sumama ang tingin ko sa kaniya ng tawagin niya akong 'love'. Nagtataka namang tumingin si Ate Chianti sa amin samantalang si Kuya Zenos, hindi mo malalaman kung ano ba talag reaction niya.

"Love?"

"Cel, tara na." Si Kuya Zenos.

Tumayo na si Kuya Zenos at nagpaalam na kay Ate Chianti na may dinner pa daw silang pamilya.

---------

-meow..