Chereads / Devanne (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter One

Chapter 3 - Chapter One

Chapter One

Devanne POV

Tumayo na kaming lahat ng matapos na 'yung Filipino subject namin, kinuha ko na rin 'yung bag ko at nilipat sa may first chair at doon nilapag. Next subject is Math. Hindi naman mahirap 'yung subject kapag computation ang usapan ang ayaw ko lang 'yung geometry.

Lumabas na ako at hinabol si Miami-- my friend. Napagdesisyonan namin na kumain sa may Main Canteen dahil nandoon 'yung pancit canton na pinareserved nilya.

"Oh, babalik na ba tayo kaagad sa room?" tanong ko.

"Hindi pa. Samahan niyo 'ko sa Senior HS building, ibibigay ko lang 'yung baon ni kuya. Tanga-tanga kasi!"

"Osige. Lakad na tayo. 20 minutes pa bago magmath."

Dumaan kami sa may mini forest para kumuha doon ng putol na sanga para mamaya sa science, ewan ko ba bakit pinapadala pa kami non.

"Miami, pinatatawag ka ni Ms. Orsola, may ipapagawa ata sayo," sabi nong isang estudyante na alam ko ay isa itong Library Warrior sa school.

"Ahh? Eh? kasi ihahatid ko pa 'tong baon ni kuya baka hindi ako makapunta. Pakisabi na lang kay Ms. Orsola." Nakahawak ito sa kaniyang ulo at hinila na ako.

"Hmmm... Miami?" Tawag ko dito. Lumingon ito at tumingin sa akin na may pagtataka.

"Ano 'yun?"

"Pwede ako na lang maghatid sa baon ng kuya mo? Baka importante 'yung ipapagawa sayo ni Ms. Orsola," sambit ko.

"Okay lang sayo?" tanong niya. Tumango lang ako at kinuha na 'yung bento box at perang nasa kamay nito.

"Sige. Maraming salamat talaga sayo Dev." Niyakap na niya ako at tumakbo na papalayo.

Nakarating na ako sa harap ng building at umakyat sa may third floor. Masiyado akong hiningal dahil malayo sa building namin 'yung building ng mga Senior High dito.

Naglakad-lakad ako para hanapin 'yung Room 304. Hindi maiwasan ng mga Senior High student ang mapatingin sa akin dahil sa I.D lace kong suot.

*Pedo jowa nito!*

*Baka may kuya lang!*

*Hey Ms. Cute*

Hindi ko na lamang sila pinansin hanggang sa makita ko na ang room na hinahanap ko.

Kinakabahan akong huminga at sumilip sa pinto. Masiyado maingay ang room na 'yon wala ata silang klase kaya nag-iingay sila.

"Hoy may tao sa pinto!" sigaw ng isang estudyante dito sa room nila.

" 'Di ba ayan 'yung kapatid ni Chianti?" tanong nung isa sa babae doon. Tumango ako at hinanap 'yung kuya ni Miami.

"Pshh. Ginagawa mo dito sa room?" tanong bigla ng tao sa likod ko. Si Kuya Zenos na naman. Room niya 'to?

Lumingon ako sa kaniya at pinakita 'yung bento box. Nagsitilian lahat ng mga kaklase niya dahil akala nila kay Kuya Zenos ko ibibigay.

"Ayiiiie pumapag-ibig na si Zenos!" Pang-aasar ng mga kaklase nito sakaniya. Hindi niya ito pinansin at nakatingin lamang sa hawak ko.

Akmang kukunin niya ito ay agad akong tumalikod at pumasok na sa class room nila kahit trespassing na ako. Nakita ko ang kuya ni Miami at lumapit na doon. Tulala ang iba dahil akala nila kay Kuya Zenos ko ibibigay 'yung bento box na hawak ko. Asa siya. Sinaktan niya si ate tapos dzuh!

*Aww! Hindi sa kaniya!*

"Kuya Marco ito po 'yung bento box niyo at 'yung pera, pinaabot po ni Miami kasi may gagawin pa siya," sabi ko at sabay nilagay sa may desk.

"Ahh gan'on? Thankyou." Ngumiti lang siya at tinignan kung anong laman 'yun. Tumango lang ako at umalis na sa class room nila.

Aalis na sana ako nang hilain niya dahilan para mapaharap ako kay Kuya Zenos.

"B-bakit p-po?" Naiilang akong tumingin sa kaniya dahil unti na lang mahahalikan ko na ang dibdib nito. Seryoso lamang ito nakatingin sa akin at walang ka-emosyon sa mukha nito.

"Bakit mo 'yun ginawa? Pinahiya mo ako," Seryoso nitong sabi at nakatingin lamang sa akin ng tuwid.

"M-malay k-ko ho ba ganun magiging r-reaction nila." Kinakabahang sambit ko sa kaniya. Tumango lang siya at hinawakan ako.

"Tara na, hatid na kita sa klase mo," sabi niya. Hindi na ako nagreklamo at nahihiyang tumingin sa may daan dahil marami ang nakakita at ang mga iilan sa kaklase nito ay naghihiyawan at kinukutya si Kuya Zenos.

"Huwag mo na sila pansinin."

"S-sige po..."

*kakatanga ka naman Kuya Zenos!*

Nandito na kami sa tapat ng room at tinignan ang aking kamay na hawak-hawak pa kanina ni Kuya Zenos.

"K-kuya--"

"Ayy, oo nga pala, pasensya na. Sige alis na ako. Kamusta mo rin ako sa ate mo." Ngumiti lang siya at umalis na.

Pumasok ako sa may room ng tulala.

*Bakit ka ganun Kuya Zenos.*

Until now hindi ako makapaniwala sa pangyayari kanina, hindi ako makapagfocus sa klase kaya and nangyari naka-upo ako sa may chair sa dulo at naka-one on one 'yung wall namin.

Kaboring naman. Matutulog na lang ako para hindi na rin maka-istorbo sa lecture ni Sir. Jade.

Napabalikwas ako sa kinauupuan ko ng mahulog ako at napahawak na lamang sa pwetan.

"Ano ba?! Ansakit non!" Nagrereklamong sabi ko. Tatayo na sana ako makita ko ang mga pagmumukha ng mga kaklase kong tumatawa at 'yung iilan ay may hawak pang cellphone para videohan ako.

Hindi ko na lang sila pinansin at umupo na sa may 2nd row dahil Science na ngayong subject. Lalo ako nito mabobored dahil wala rin akong interes sa science siguro Araling Panlipunan lang 'yung maiintindihan kong subject sa pagpasok ko araw-araw.

Tumayo na kami dahil nasa harap na si Ma'am Chen at pumunta na sa may harap ang magdadasal. Nang matapos na kami magdasal at hindi naman nagdasal 'yung nasa harapan ay bumati na lang kami kay ma'am at naupo na.

"So, we have a long quiz today, get one half length wise. Walang magbibigay, minus 5 sa over all points."

Nakita ko sa mga lalaki kong kaklase na wala na naman silang dalang papel. Lagi naman. First day of school nga may nanghingi na nga sa akin eh.

Natapos na ang klase kaya napagdesisyonan ko ng umuwi kasama si Miami. Hindi na kami dumeretso sa may 7 eleven and also sa tig2-29 na Milktea, wala daw kasi siyang pera kaya ayon joglaks ang gaga kaya iwas muna kami sa bisyo naming milktea.

Masiyadong malayo ang aming nilalakad siguro mga 1 km nilalakad namin bago makarating sa may sakayan ng jeep pero okay na rin marami naman kaming kasabay maglakad.

"Magwawantutri ka?" Tumatawa kong sabi. Tumango siya at naghintay ng masasakyang jeep.

"Hoy Dev, huwag mo akong kakausapin para hindi ako makita ni manong," sabi niya.

"Oo. Basta puntahan mo ako sa bahay bukas."

"Hah?! Bbyahe na naman ako papunta sa inyo. Sayang pamasahe!" Angal niya. Akmang sisigaw ako ng takpan niya 'yung bunganga ko.

"Okay. Bukas lang ah?" Ngumiti lang ako at hindi na siya pinansin nong umandar na ang jeep.

------------

- Meow.