Chapter 2 - 01

"Totoo ba 'yan?" Binuksan ko ang laptop. "Our classes is suspended for a week?!"

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko nang may kumatok dito. "Aby? Can I come in?" Boses ni Mommy.

"Let's talk later, Lyde." I said to my bestfriend. "Kausapin ko lang si Mommy." I hanged up the phone call.

Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. "Bakit po?" I asked.

Pumasok siya at naupo sa gilid ng kama ko. "I think we have to go to our province." She said na dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ko.

"Po?" Naguguluhang tanong ko. "But, why Mommy?"

"Hindi pa naman sigurado. Pinagiisipan ko palang." Nawala naman ang kaba ko sa sinabi niya. Ayoko kasi na umuwi sa probinsya  namim which is Ilocos Norte dahil I am not really used on how people are living there and besides may pasok ako.  Isang linggo lang naman ang suspension, hopefully.

"Pero maghanda ka pa din."

"Bakit? Para saan pa po?"

"If things go worst. We will leaving the Metro."

Nagising ako nang may mahina akong tapik na naramdaman sa aking braso. "Gising na, Aby." Mahinang tawag sa akin ni Daddy.

Munti kong minulat ang mga mata ko at bumangon. Nilibot ko ang paningin ko habang nasa loob ako sasakyan. I saw far different scenery from the Metro.

The leaves here are much greener. Mas madami rin ang puno sa paligid. May iba't ibang mga hayop tulad ng baka at mga bibe na palakad lakad lang sa malaking bakuran na puno ng mga damo.

Bumaba ako sa sasakyan at sinalubong kami ng mga tauhan dito sa farm.

"Magandang umaga Rommel!" Bati ng isang lalaking na ka edaran ng ama ko. Bumaling siya sa akin. "Eto na ba ang anak mo? Napaka gandang bata!" I just smiled at what he said.

Hinawakan ni Daddy ang dalawang balikat ko. "Abby, he's your Tito Anton, siya ang best friend ko dito simula pagkabata." Pagpapakilala niya.

I offered my hands to Tito Anton and he accept it. "Nice to meet you po."

"Aby, punta ka na sa loob ng bahay. Nandon ang mommy mo."

Iniwan kong magkausap si Daddy at si Tito Anton at ako'y pumasok na sa loob ng bahay. Our house in the metro is a lot bigger than this but this two storey house that is build using a wood is so fascinating.

It is my first time be here. Hindi kasi ako sumasama sa tuwing umuuwi dito si Daddy dahil madalas akong busy sa school or sadyang ayoko lang talaga. Ang madalas na nandito ay si Daddy sa tuwing may inaasikaso siya sa aming business. Our family business is a factory of fresh cow milk na galing sa mga baka na inaalagaan dito sa aming farm.

Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay nilibot ko ito ng tingin. Sakto lang ang laki ng sala. May isang mahabang sofa sa tapat ng TV set at isa pang mahabang sofa na nasa bandang kaliwa, sa may bintana ng sala.  May TV, radyo at lumang telepono na naka display dito at mga picture frame na naka dikit sa dingding.

Nilapitan ko ang mga picturr frame. This is my father's family. Sayang lang at hindi ko na naabutan sina lolo at lola dahil namatay na sila bago palang ako ipanganak. Hindi ko rin close ang dalawang kapatid ni Daddy dahil pareho na silang nakatira sa ibang bansa.

Mula sa sala ay tanaw mo ang dining area at nasa may kanang parte ng bahay ang hagdan papunta sa taas.

Pumunta muna ako sa dining area ng bahay para hanapin si Mommy. May isang malaking cabinet dito na puno ng iba't ibang klaseng mga plato at baso. I think this is their collection.

Pinasok ko ang screen door sa may gilid ng dining area nila dahil narinig ko ang boses ni Mommy.

"Mommy?" Napatingin si Mommy sakin nang makapasok ako sa kusina. Nilibot ko ang paningin ko. Malaki ang kusina. Kumpleto sa gamit at malinis. May pinto din dito na ang sa tingin ko ay banyo.

Lumapit siya sa akin. "Naka akyat ka na ba sa pansamantalang tutuluyan mo?" I shooked my head.

"Anyway." Hinatak niya ang kamay ko papunta sa isang matandang babae. "She's Manang Rosie, Aby. Siya ang nag alaga sa Daddy mo before."

"Kamukhang kamukha nga siya ni Rommel!" Masayang sabi nito at bumaling ulit sa akin. "Iha, mamaya ipapakilala kita sa apo ko. Mga kasing edad mo siya, para naman may makausap ka habang naririto kayo. Wala kasi kaming internet dito sa inyong bahay." I suddenly frowned at what Manang Rosie said. But then I realized, I have my postpaid balance. Kaso tatagal kaya 'yon for a month?

"Go to your room upstairs and take a rest, Aby." Mommy said. "Magluluto lang kami ng lunch." Tumango lang ako at umayat na sa itaas.

Tumambad sakin ang napakalaking balkonahe. Eto ang una mong makikita kapag umakyat ka. May sofa na maliit sa bandang kaliwa at may piano din. Parang maliit na sala.

Pumunta ako sa balkonahe. May isang coffee table set sa gilid. Mula dito ay tanaw na tanaw ang napaka ganda at napaka lawak na farm namin. Nakita ko pa si Daddy at si Tito Anton na nagtatawanan mula sa malayo.

I grab my phone and took a picture of this beautiful scenery.

Pinasok ko din agad ang cellphone ko sa bulsa. I'll just upload this one later. Lowbatt na kasi ang phone ko at wala akong signal na maayos sa ngayon.

May limang pinto dito sa second floor. Halos magkasing laki lang sila ng first floor. Pumasok ako sa pinto na may nakadikit na papel at nakasulat ang Abygail Fuentes.

Pagkapasok ko ay narito na ang mga bagahe ko. May pang isahang kama sa gitna. May study table at vanity table rin. May two door cabinet. At isang malaking bintana.

The room is quite empty. But its okay, isang buwan lang naman kami dito.

My parents decided to stay at the province nang ibalita sa news ang pag q-quarantine ng buong Metro Manila ilang araw bago i-suspend ang klase. We immediately went here na parang expected na nila ang mangyayari.

Daddy said that mas ligtas at mas madali ang pamumuhay if we stay here in the province for the mean time. Dahil dito, makakakain ka kahit hindi naglalabas ng pera.

It is already 9:00 am in the morning. I badly want to contact Lyde, kaso wala akong signal. I think I will going to die because of boredom here.

Hindi naman ako sobrang maarte na babae. Its just that, hindi lang ako sanay at mag a-adjust ang sarili ko sa pamumuhay dito. No WiFi. No fast foods and food deliveries. No malls. Less technology. Less social media.

Mommy and Daddy are born in the province. Nagumpisa sila sa hirap. And I am aware of that. Kaya kahit na may kaya na kami ngayon ay hindi naman ako naging super spoiled and brat dahil they want me to learn na paghirapan ko muna ang mga bagay bagay.

"Aby, wake up, kakain na sa baba." Nagising ako sa boses ni Mommy. I didn't know na nakatulog pala ako kanina.

Bumangon ako. "Baba na po. I'll just fix myself."

"Okay, be fast para hindi lumamig ang pagkain."

Kinuha ko ang mga face products ko mula sa bag. Naglagay lang ako ng kaunting pulbo and put some lipgloss. Sinuklay ko ang magulo kong buhok at inayos ko ang short at T-shirt na suot ko.

Lumabas ako ng kuwarto at mula dito ay naririnig ko ang mga hagikgikan at tawanan mula sa baba.

"Aby, halika na at umupo ka na dito." Tito Anton said.

The dining table is 10  seater at lahat yon ay puno. Umupo ako sa tapat ni Mommy.

Si Daddy ang nasa kabisera. Si Tito Anton naman ang sa kabila. Nasa kanan ni Daddy si Mommy at sa kaliwa naman ay ako. Katabi ko si Manang Rosie at isang babaeng kasing edad ko na malamang ay apo niya. Kahelera naman ni Mommy ang isang babae at lalaking hindi ko kilala.

"Aby, I want you to meet Mina, she's Manang Rosie's grandchild." Tinuro naman niya ang babaeng katabi ni Manang. She excitedly waved at me. I smiled at her.

Turo ni Daddy sa babaeng kahelera ni Mommy. "She is Jewel." Bumaling naman si Daddy sa katabi nitong lalaki. "And he is Jerald. They are your Tito Anton's children."

"Hi!" Jewel said. Tumango lang sa akin si Jerald.

"Hello. It is nice to meet you everyone." I casually said to them.

"Oh! Mamaya na mag usap usap ang mga bagets! Kain na tayo!" Mommy said at nag simula na kami kumain.

Habang kumakain ay napapatingin ako kay Jerald. He has this military kind of haircut. Moreno din siya at mukhang batak ang katawan. He is wearing black v neck shirt with a silver dog tag.

He has the.. looks.

But I think he is older than me, do I need to call him 'kuya'?

"Kailan ang duty mo Jerald?"

Tahimik lang akong kumakain nang magsalita si Mommy at nakuha nito ang atensyon ko.

"Bukas po ay magsisimula na ako, Tita." He said.

"Mag iingat ka palagi, Jerald." Manang said. "Delikado na at baka mamaya mahawa ka. Masyadong malupit ang kalaban natin ngayon."

"Serbisyo ko po ang tumulong sa bayan." He said and smiled. Napatingin siya sa akin kaya iniiwas ko ang tingin ko.

Tumulong sa bayan? So he is really part of the army, I think?

Pagkatapos namin kumain ay nilapitan ako ni Jewel.

"Hi, Aby! " She said. "Okay lang ba kung makipag kaibigan ako sa'yo?" She asked. I shyly nooded.

Wala namang masama kung makikipag kaibigan ako. Nahihiya lang ako.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"It's okay Jewel. Pasensya ka na, medyo nahihiya kasi ako." Nagulat ako ng humawak siya sa braso ko. "Pwede ka ba ngayon?"

"Bakit? Anong meron?"

"Wala lang. Ikot lang tayo ganun. Sabi kasi ni Tito Rommel, first time mo daw dito. Libangin ka daw namin ni Mina dahil hindi ka sanay sa buhay probinsya."

I think Jewel and Mina are close friends.

"Magpapa alam muna ako sa kanila."

Papunta na ko sa magulang ko ng pigilan niya ako. "Huwag na! Pinaalam na kita! Pumayag sila!" She giggled. "Susunod na lang daw si Mina sa bahay. Tumutulong pa siya kay Manang Rosie."

"Malayo ba ang bahay niyo?" I asked. Baka kasi mawala ako bigla at hindi ko alam ang lugar na ito.

Lumabas kami ng gate ng buong farm at tumambad ang kalsada. Medyo malayo din ang nilakad namin mula sa mismong bahay hanggang sa makalabas sa buong lupain.

O sadyang hindi lang ako sanay gaano sa paglalakad?

Naglakad kami papunta sa kabilang kanto at huminto sa tapat ng isang bahay. May garahe dito at dalawang sasakyan. Katamtaman ang laki at modern ang disenyo ng bahay na ito.

"Dito kami nakatira." Pag uumpisa niya. "'Yung negosyo ni papa ay medyo malayo kasi dito. Manukan naman 'yun."

Pumasok kami sa loob ng bahay. Maganda at maaliwalas ang itsura. Parang mga bahay sa Metro.

"May internet kami dito. TV at computer." Sabi niya. Umupo kami sa sala. "'Yung bahay niyo kasi ay medyo makaluma na. Sabi ni Papa, hindi na daw 'yun pina renovate ng Daddy mo into modern dahil parang bahay bakasyunan niyo na lang daw 'yon."

Oh, I see.

"Kami kasi dito talaga kami nakatira. Kaya ang bahay namin ay parang sa Manila na din. Hindi naman lahat ng nasa probinsya ay naka kubo lang."

Nahinto siya sa pag kwekwento ng may tumawag sa kanya mula sa labas. "Ay wait lang Aby 'ha? Mga kaklase ko 'yan. Lalabasin ko lang." Paalam niya at lumabas na siya.

Habang nililibot ang paningin sa bahay nila ay may narinig akong tahol ng aso.

Nanlambot ang katawan ko ng may makitang aso mula sa kusina nila. Hindi ko alam ang breed pero eto 'yung matatapang na aso na laging dinadala ng mga pulis.

'Yung aso ay parang galit na naka tingin sakin at tahol ng tahol. Parang anytime ay lalapain ako.

Takot pa naman ako sa aso!

Bigla akong napa sampa sa sofa nila Jewel kahit na naka sapatos ako ng biglang tumakbo papunta sa akin ang aso.

"JEWEL! JEWEL!" sigaw ko habang nakapikit. Nararamdaman ko ang pangangatog ng katawan ko. Pinagpapawisan din ako ng malala. Pakiramdam ko mamamatay na ko.

"JEWEL!" sigaw ko ulit mula sa bintana. I am so close of crying. Sobrang may phobia ako sa aso dahil noong bata ako ay muntik na ako makagat ng asong kalye.

"JASPER!"

Narinig ko ang boses ni Jerald. Naramdaman kong hinatak niya ang kanilang aso hanggang sa nawala ang maingay na tahol ng aso mula sa tenga ko.

Hindi ko pa rin magawang gumalaw at maidilat ang aking mata sa sobrang takot.

"Aby?" I heard Jerald's voice. Hinawakan niya ang aking kamay at braso para alalayan makababa. "Okay ka lang? Nakagat ka ba?"

I shooked my head. "I-I'm sorry.." Nanginginig na sabi ko dahil sa takot. "May phobia kasi ako sa aso."

Umupo siya sa tabi ko at hinagod ang likod ko. "Sorry, pagala gala lang kasi si Jasper dito sa bahay. Hindi ko alam na nandito ka pala since sa back door ako dumaan."

Huminga ako ng malalim. "O-okay lang."

"Hala!" Napatingin kami kay Jewel na kakapasok lang. Masama niyang tinignan si Jerald. "Anong ginawa mo, Kuya?!"

"Hoy! Wala akong ginagawa sa kanya." He said. "Takot siya sa aso at sinugod siya ni Jasper."

Lumapit sa akin si Jewel. "Namumutla ka! Hala! Okay ka lang ba?"

"Get her some water, Jewel." Utos ni Jerald na agad namang sinunod ni Jewel.

Nabaling ang tingin ko kay Jerald at nagulat nang siya ay mahuling naka tingin din sa akin.

"Mag iingat ka palagi, Aby." He sincerely said to me. "Sa aso man yan o iba pang hayop. O kahit sa tao man. Iba ang buhay dito sa probinsya kaysa sa nakagisnan mo sa syudad."

"S-salamat.."

Mabilis niyang hinawakan ang pisngi ko. "Eat healthy foods, Aby. Ang bilis mo mamutla. May sakit ka ba sa dugo?"

"W-wala.."

Pakiramdam ko para akong naging robot bigla sa harapan niya. Bakit kasi parang ang tagal ni Jewel bumalik.

"Keep safe, Aby. Huwag kang iiyak kapag natatakot ka. Hindi bagay sayo ang lumuluha. " He said straight in my eyes na pakiramdam ko ay naging dahilan kung bakit nanumbalik ang lahat ng dugo sa mukha ko.

"Eto na ang tubig, Aby."

Nang maka recover ako sa nangyari ay nagpatuloy na kami sa pagkwekwentuhan ni Jewel. Sumunod na si Mina dito sa bahay nila. Nanonood din kami ng dalawang movies dito sa sala nila at gumawa ng sandwhiches para sa meryenda.

Dito na rin ako pinakain ni Tito Anton ng hapunan dahil inabot na ako ng gabi.

"Salamat Anton!" Daddy said. Sinundo ako ni Daddy after namin mag hapunan.

"Thank you for a very warm welcome po." I said to them. Napatingin naman ako sa taas at nakita ko si Jerald na naka dungaw sa bintana.

I smiled.

"I had fun." I said. "Thank you Tito and Jewel. Pasabi na lang din kay Jerald."

Jewel smiled. "Pag pa sensyahan mo na si Kuya 'ha? Nagpapahinga na kasi 'yun dahil may trabaho na bukas."

"Sige, mauna na kami!" Pag papa alam ni Daddy.

Naglalakad lang kami mula sa bahay nila Tito Anton hanggang sa farm since malapit lang naman. Binuksan ng guwardya ang malaking gate ng farm.

"I think you enjoyed." Daddy said.

Naalala ko si Jerald at lihim akong napangiti. "Yes, Daddy. I enjoyed."

Sabay kami umakyat ni Daddy sa taas.

"Matulog ka na, Aby."

"Opo. Goodnight, Daddy." I kissed him on the cheeks.

"Goodnight, baby."

Napasandal ako sa likod ng pintuan ng kuwarto ko nang makapasok ako.

Napapangiti ako sa tuwing na aalala si Jerald. Do I have crush on him?

Kinapa ko ang cellphone ko at lumapit ako sa bintana wishing na magka signal na ako. And thankfully tumaas ang signal bar ko. I go to my Instagram and posted the picture that I took a while ago sa may balcony.

I smiled and pressed the post button.

I think living in the province for the mean time isn't bad at all..