Chapter 3 - 02

"Crush lang naman!" I defended myself. "And if you are here, I bet, crush mo din siya." I rolled my eyes.

"Can I see a picture of him?" She asked. Curious.

"You can find him on facebook. His name is Jerald Santos."

"Ilang taon na ba 'yan?" Lyde asked. To be honest, hindi ko din alam ang eksaktong edad niya.

"I think he's around 24? Or 25? Yeah." I said. Unsure.

"You're 19 and he's 25. Pwede na!"

Tumawa kaming dalawa.

Pinakita niya sa screen ang facebook account ni Jerald. Meaning na nahanap na niya. "Can I add him?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Huwag!" I shouted. "Nakakahiya ka!"

"Bakit? Friends na ba kayo sa facebook para makita niya na mutual friends tayong dalawa?"

Naalala ko ang pag a-add ko sa 4 days ago. Pero hanggang ngayon ay hindi pa niya ina-accept ang request na 'yon.

Kinagat ko ang labi ko. "No.. not yet."

Kasalukuyan kaming nag vvideo call ni Lyde gamit akong laptop ko. It is 6:45 am in the morning.

"How's the life there, Aby?" She asked.

"It's fine." Nagsimula ako magsuklay ng buhok. "I feel productive everyday. Bawal yata ang tamad dito."

She yawned. "Sana all."

The quarantine started and it is my fourth day here in Ilocos. And ngayon lang kami nakapag usap ni Lyde. Kahapon lang kasi nakapag pakabit ng internet connection si Daddy. Buti nga ay nag nakuha pa siyang magkakabit mula sa bayan, medyo delayed nga lang at may pagka mabagal ang internet connection.

"I think you have to sleep na, Lyde."

She yawned again. "Yes. I know."

"Grabe ka!" I laughed. "Maguumpisa na ang araw ko samantalang ikaw matutulog palang." Baliktad na ang body clock netong kaibigan ko.

"Palibhasa malaki ang lupain ninyo dyan at pwede maglakad lakad. Dito sa manila, ni lumabas sa sarili mong gate nakakatakot na!" She said. "Sige na, Aby. Im going to sleep na. Let's talk na lang later. Bye!"

"Okay. Bye! Good morning and have a good sleep to you." I ended the call.

Pinatay ko ang laptop ko at sinuklay ng maayos ang buhok ko. Pumunta ako sa vanity area para magsalamin at naglagay lagay ng mga face products sa mukha ko.

I am wearing maong shorts, black printed tee and black slip-on slippers.

Since I went here, maaga na ako nagigising. Palaging 6 am dahil nagigising ako sa ingay ng mga manok. Dumederetso na ako agad maligo to start my day.

Four days ago ang huli kong punta sa bahay nila Jewel. Naging Luzon based na kasi ang quarantine so kahit dito sa probinsya ay mahigpit na and everyone is advisable to stay at home. May pinatupad na din na curfew na hanggang 8 pm lang dapat lumabas ang mga tao.

Si Mina ang lagi kong nakakasama since napag alaman ko na dito sila nag sstay ni Manang Rosie sa bahay dahil nandito kami. Ang tirahan nila ay nasa kanilang bayan pa. Mahirap naman kasi kung pupunta sila dito sa bahay para tumulong at uuwi sa bahay nila sa gabi lalo na sa sitwasyon ngayon.

Saktong pagkatapos ko mag ayos ay may naamoy akongo nilulutong chicken sa baba kaya bumaba na ako.

"Good morning, Aby!" Daddy greeted me as soon as he saw me in the stairs. "Kumain ka na so we can go out."

I kissed him on his cheeks. "Go out? Why?" I asked.

"Nagdecide ang mommy mo na mag handa ng simpleng almusal para sa mga frontliners na naka duty malapit sa atin." Manang Rosie said as she went inside the dining area. Kasunod niya si Mina.

"Good morning, Aby!" She said.

"Good morning!" I greeted back at tinulungan ko siya bitbitin ang tray na puno  ng mga tinapay.

"Salamat."

"Ano oras po tayo aalis?" I asked.

Tumingin si Daddy sa kanyang relo. "Aalis tayo ng 8 am." Tumayo siya. "Ipahahanda ko na ang din ang mga bottled milk na dadalhin natin." At lumabas na siya ng bahay.

"Kain ka na, Aby." Mina handed me a chicken sandwich.

"Thank you." I said. "Ilang chicken sandwich lahat ng 'to?" Tinuro ko ang dining table namin na punong puno ng tinapay.

"Good for 100 people 'yan, Aby." 

Wow. Ang dami.

Mabilis na inubos ko ang sandwich sa gilid at tumulong ako sa pagbabalot ng mga ipamimigay na tinapay sa mga frontliners.

"Kanino ito ibibigay Mommy?" I asked.

"Pupunta tayo doon sa check point ng army. Bibigyan natin sina Jerald."

Bigla akong na excite. "Talaga po?!" Bigla namang napatingin sa akin si Mina kaya medyo binawasan ko ang pagiging excited ko. "I mean, saan pa po tayo pupunta?"

"Magiikot ikot tayo sa bayan. Magbibigay tayo sa mga homeless, drivers at iba pang frontliners na makikita natin."

"How about health workers Mommy?"

"Tomorrow we will be giving free lunch for all the health workers sa hospital sa kabilang bayan."

Tinuloy na namin ang pagbabalot ng mga tinapay. Inaayos na rin ni Daddy ang mga bottled milk sa pick up namin.

Habang pa konti ng pa konti ang ang mga tinapay sa lamesa ay pa bilis naman ng pa bilis ang tibok ng puso ko. Pinipigilan ko na lang ang ngumiti dahil baka mag taka na sila sa kinikilos ko. Excited lang naman ako makita si Jerald!

Inabutan kaming dalawa ni Mina ni Mommy ng mask at gloves. "Wear that for protection."

"Tapos na kayo?" Daddy shouted from the screen door.

"Yes! Lalabas na kami!" Mommy shouted back.

"Mag iingat kayo ha." Pagpapaalala ni Manang Rosie. Tumango naman kaming lahat.

Tinulungan kami ni Daddy at ng ibang tauhan sa farm. Tuloy tuloy pa din naman ang trabaho dito sa farm kahit na naka quarantine dahil basic necessities ang gatas na kailangan ng mga mamamayan.

Ako, si Mina, si Daddy at Mommy lamang ang iikot para mag rasyon ng pagkain sa bayan at iba pang mamalapit na lugar mula sa amin.

Nang matapos na ilagay ang ibang gatas at tinapay sa pick up ay pumasok na kami sa sasakyan.

Kinalabit ako ni Mina. "Crush mo ba si Kuya Jerald?" Bulong niya.

Napakunot ang noo ko. "Ha?"

"Sabi ko, crush mo ba si Kuya Jerald?" Pag uulit niya.

Pumasok kami sa kotse. "Anong sinasabi mo dyan?" Bulong ko.

"Para kasing nagiging star ang mata mo kapag nababanggit siya."

Peke akong tumawa. "Imagination mo lang 'yon."

Ayokong may maka alam na may crush ako kay Jerald. Nakakahiya kasi! Parang kapatid ko na 'yong tao eh.

Atsaka crush crush lang naman.

Habang nasa sasakyan ay nararamdaman kong panay ang tingin sakin ni Mina. Pakiramdam ko ay hindi siya naniniwala sinabi ko at naghihinala na crush ko nga si Jerald.

Nag cellphone na lang ako para hindi ko mapansin ang pag sulyap sulyap niya sa akin.

"Ayan bigyan natin."

Inihinto ni Daddy ang sasakyan nang may makita kaming nagtitinda ng washable face mask sa daan.

"Kuya!" Tawag sa kanya ni Mina. "Eto po. Kain po kayo." Inabot niya dito ang pagkain.

Nakita ko ang tuwa sa mukha ni kuya. "Maraming salamat po! Pagpalain po kayo! Salamat po!" Sambit niya.

"Walang anuman po. Ingat po kayo! Isa kayong bayani." Sabi ni Daddy. Malapad na ngumiti naman si kuya at tumuloy na kami sa pag byahe.

Parang may humaplos naman sa puso ko ng masaksihan 'yon.

Ang sarap sa pakiramdam na pinasasalamatan ka ng isang taong hindi mo naman kilala.

Ang sarap sa pakiramdam ang tumulong sa kapwa.

Ang sarap makita ng kanilang malalapad na ngiti na isa ka sa dahilan.

Humihinto ang sasakyan sa tuwing may nakikita kaming vendors, drivers, garbage collectors o ang mga nagwawalis sa daan, mga empleyadong naka unipormeng pang grocery, banko at mga kainan, at mga taong nasa lansangan. Inaabutan namin ng isang sandwich at bottled milk ang mga ito.

"Last stop na natin ay ang checkpoint nila Jerald." Nakuha naman ang atensyon ko ng banggitin ni Mommy ang pangalan ni Jerald.

Inayos ko ang buhok ko at tinignan ang itsura ko sa screen ng phone ko. Tapos na kami mag ikot ikot kaya na excite ako ng papunta na pala kami sa checkpoint nila Jerald sa may border ng syudad.

"Hindi daw crush." Rinig kong bulong ni Mina sa gilid ko. Lumingon ako sa kanya at nilakihan siya ng mata.

"Ilan ang naka reserved na pagkain para sa mga sundalo?" Mommy asked.

"25 po, Tita." Sagot ni Mina.

Hindi ako mapakali habang umaandar ang sasakyan. Dahil anytime ay makikita ko si Jerald na suot ang kanyang uniporme.

I can't wait to see him in those uniforms. Ano kayang istura niya sa kanyang trabaho?

Inihinto ni Daddy ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Dito na lang ako mag park para hindi tayo makasagabal sa mga dumaan na sasakyan sa checkpoint."

Mula sa hinintuan ay tanaw mo na ang checkpoint. Hindi naman ito masyadong malayo.

"Okay lang ba sa inyo maglakad mga bagets?" Mommy asked.

Ako ang nanguna sa pagsagot. "Oo naman po!" Parang nagtaka pa si Mommy sa inakto ko pero hinayaan niya lang. Nakita ko naman na mahinang natawa si Mina sa gilid ko.

Bumaba kami ng sasakyan at kinuha ang plastic kung saan nakalagay ang mga ni-reserve namin na pagkain para sa kanila.

Si Daddy ang lumapit sa isang sundalo nang kami ay makarating na checkpoint. "Good morning, sir!" Bati ni Daddy. "May mga dala po kaming pagkain para sa inyo."

"Ay! Maraming salamat po sir!" Kinuha niya ang kanyang thermo scanner sa bulsa niya. "Iccheck lang po natin ang temperature niyo." Isa isa kaming lumapit sa kanya para mapa check ng body temperature namin.

"Normal po lahat." Sabi niya. Inayos niya ang lamesa sa gilid. "Dito na lang po ninyo ilagay ang mga dala niyo."

Biglang may lumapit na isang sundalo sa sundalong kausap namin. "Sir, tawag po kayo doon."

Bumaling ang sundalong kausap namin. "Tawagin ko lang po ang iba kong kasamahan para matulungan kayo." Bumaling siya sa mga kasamahan niya. "SANTOS! MAG ASIKASO KA DITO!" sigaw niya.

Santos? Si Jerald?!

Para akong nataranta ng makita ko siyang naglalakad papunta sa gawi namin.

Nagulat siya ng makita kami. "Tita! Tito!" Gulat niyang sabi.

Nakasuot siya ng kanilang uniporme. The usual green fatigue army uniform. Nakasuot din siya ng fatigue na sumbrero at N95 mask. Combat shoes naman ang suot niya na sapatos.

Bakat na bakat ang hulma ng katawan niya sa kanyang uniporme. Napansin ko din ang naka tahing "SANTOS" sa upper left ng kanyang damit.

"May rasyon kaming pagkain para sa inyo, Jerald." Daddy said.

"Maraming salamat po. Malaking tulong na po iyan para sa amin dito." Napunta ang titig niya samin ni Mina.

"Hi Mina and Aby." Bati niya. Para akong na estatwa sa harap niya.

"Hi Kuya Jerald!" Masayang tugon ni Mina. Siniko ni Mina ang tagiliran ko. "H-hello.." mahinang sambit ko at umiwas ng tingin.

"Tara na! Bigyan na natin sila." Bumaling si Mommy kay Jerald. "Mamimigay lang kami ha?" Tumango naman si Jerald bilang pag tugon.

Nag umpisa na si Mommy na magbigay bigay sa mga sundalo, enforcers at kaunting health workers na nasa paligid. Sumunod naman si Daddy at si Mina. Samantalang nanatili ako sa gilid ng lamesa kung saan ay kaharap ko si Jerald.

"Uh.." Kinuha ko ang isang sandwich at bottle milk sa lamesa at ngiting ngiting binigay kay Jerald. "E-eat well.."

Kinuha niya iyon sa kamay ko dahilan kung bakit dumampi ang balat niya sa balat ko.

"Salamat, Aby."

Tinanggal niya ang mask niya. Napatingin naman ako sa mukha niya habang nginunguya niya ang sandwich. Ngayon ko lang mas nakita ang mukha niya sa malapitan. Hindi ko kasi ito masyadong napansin noong nasa bahay nila ako dahil takot na takot ako sa aso nilang si Jasper.

Maganda ang shape ng makapal niyang kilay. Mahaba rin ang pilik mata. Napansin ko din na dark brown ang mata niya dahil nakatapat siya sa araw. Matangos ang ilong. May pagka pula ang kanyang labi.

Halos parehas sila ni Jewel ng face features.

"Aby?"

I came back on my senses when he snapped his fingers in front of my face.

"Tulala ka. Okay ka lang ba?"

"Ha?"

"Hindi ka yata talaga okay."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa hiya. Nakakahiya naman na nakita niyang nakatulala ako sa harapan niya.

"Ano, uhm, hindi.. okay lang ako.." Nakakatulala naman kasi ang itsura mo sa malapitan!

"Sigurado ka?"

"O-oo!" Hindi!

Nilibot ko na lang ang paningin ko sa paligid para mabawasan ang awkwardness na nararamdaman ko.

May ambulansya at army truck na naka park dito. May puting tent din na matatanaw mula sa kinatatayuan namin. May dalawang lamesa sa loob ng isang malaking tolda.

Tinuro ko ang mga puting tent. "Ano 'yan?" Tanong ko.

Umupo siya sa lamesa. Sumandal naman ako doon.  "Dyan kami nagpapahinga kapag tapos na ang duty namin."

"Hindi kayo umuuwi?"

"Bawal kami umuwi, Aby."

"Ahh.."

Gusto ko pa sana siya kausapin kaso hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

"Nasaan ang sasakyan niyo?" Napalingon ako sa kanya.

Tinuro ko kung saan naka park ang sasakyan namin. "Nandoon pa."

Hindi na siya naka sagot pa ng lumapit sa amin si Mina na may malaking ngiti sa labi. "Tara na daw Aby."

Lumapit samin si Mommy. "Mauna na kami Jerald ha. Mag iingat kayong lahat."

Ngumiti naman siya. "Maraming salamat po sa inyo."

"Walang anuman Jerald." Daddy said. "Magsabi lang kayo kung may mga kailangan kayo. Gagawin namin ang lahat para makatulong sa aming mga modern heroes."

"Manatili lang po kayo sa mga bahay niyo at magpalakas, malaking tulong na po 'yon sa amin." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Halika na mga bagets." Mommy said. Kumaway si Mina sa kanya.

"B-bye.." I said. "Ingat ka.."

Ngumiti siya sa akin. "Ikaw din."

Tumalikod ako at mabilis na naglakad papunta sa aming sasakyan. Pakiramdam ko ay pulang pula na ang mukha ko dahil ramdam ko ang pag iinit nito. Kinikilig ako pero hindi ko mailabas ang mga ngiti ko.

Daddy started the engine ng mapalingon siya sa akin. "Namumula ka, Aby. Okay ka lang ba?"

"Uh.." Inayos ko ang buhok ko. "Ma-mainit kasi doon Daddy eh."

Inabutan kami ni Mina ng face towel. "Magpunas kayong dalawang bagets para hindi kayo matuyuan ng pawis." Mommy said.

Narinig ko naman ang pag ubo ni Mina pero hindi na siya pinansin.

Buong byahe pauwi ay pinipigilan ko ang malaking ngiti sa aking labi. Iba ang epekto sa akin ni Jerald. Pakiramdam ko ay para akong high school teen ager na fangirl ng isang hearthrob varsity. Ganun mga level.

Nang makauwi kami ay pinaiwan samin ni Mommy ang tsinelas na suot namin sa labas. Maayos din naming itinapon ang suot naming mask at gloves. Dumeretso kami sa tamang paghugas ng kamay sa sink at nag alcohol.

"Aby, change your clothes upstairs. Lalaban na 'yan. Mas mabuti na ang maingat."

Umakyat ako sa kwarto at nagpalit ng damit.

Pagkatapos magpalit ng damit ay chinat ko si Lyde.

Hooooy!!! Sobrang good ang morning ko!!!

Para kong tangang nagpapadyak padyak. Ngayon ko palang nailalabas ang kilig na nararamdaman ko kanina pa.

"Ang gwapo gwapo naman talaga kasi ni Jerald!" Pagkausap ko sa sarili ko. Binaon ko ang mukha ko sa mga unan at tumili.

"HOY!"

"AHHHHH!!!"

Naihagis ko ang unang hawak ko kay Mina na biglang pumasok at sumigaw sa loob ng kwarto ko.

"Aray ko naman, Aby!"

"Bakit ka kasi biglang pumapasok!" Hawak ko ang dibdib ko sa sobrang pagkagulat sa kanya. "Nakakagulat ka kaya!"

Naka pamewang siyang pumunta sa harap ko. "Ikaw ha! Crush mo si Kuya Jerald!"

"What?! No!" Pag de-deny ko.

"Halatang halata ka!"

Nakuha nito ang atensyon ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Talaga? Halata ba?" I asked.

Tumawa naman siya. "Tignan mo! Umamin ka din!"

Hinawakan ko ang braso niya. "Huy.. secret lang. Huwag mo sasabihin."

Mas lalo siyang tumawa sa sinabi ko. Napakunot ang noo ko.

"Baliw ka ba? Bakit ka ba tawa ng tawa?"

"Wala lang. Para ka kasing high school na may crush. First time mo ba magka crush?"

"Of course not!" I said. "Iba kasi si Jerald. Hindi siya pang karaniwang lalaki."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Parang..." I try to explain myself pero hindi ko magawa. "Ewan! Ang hirap mag explain."

"Dahil sundalo siya?"

"Oo parang ganon. First time ko kasi magka crush sa mas matanda sakin tapos sundalo pa. I think it is kinda cool and different."

"May thrill ganon?"

"Yeah.. sort of."

"Siguraduhin mong crush crush lang 'yan ah."

Nagtaka ako sa kanya. "Bakit? Does he have a girlfriend or what?"

"Dati, meron. Pero alam ko wala na sila."

Good for me. Joke.

"Ilang taon na ba si Jerald?" I asked. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko parin alam ang mga tungkol sa kanya.

"25."

"Bata pa pala." Pwede pa kami. Joke.

"Crush lang 'yan Aby ha? Sundalo siya. Isang magiting na sundalo. Mas mahal at uunahin niya ang Pilipinas kaysa sa ibang bagay."

I know. And that's one thing that made him more handsome in my eyes.

Nag tanghalian kami pagkatapos namin mag usap ni Mina. Masyadong mabilis ang oras sa hapon dahil lahat kami ay abala sa pag gayat ng mga putahe at paghahanda ng mga gagamitin dahil bukas naman ay mag ra-rasyon kami ng pagkain sa isang hospital sa kabilang bayan. Kaya naman pagkatapos ng hapunan ay ramdam ko ang antok at pagod para sa buong araw na ito.

Naligo ako at nagpalit ng aking pajama para mas kumportable ang aking pagtulog dahil maaga pa ako bukas at madami lang dapat gawin at tapusin.

Masyado akong naging abala kaya hindi ko na nasulyapan ang aking cell phone. Hindi na tuloy kami ulit nakapag usap ni Lyde. Masyado na rin akong antok para makipag chat pa.

Naghahanda na ko sa pagtulog ng biglang tumunog ang phone ko. Kaya nagpag desisyunan ko na silipin ang mga notifications ko.

Jerald Santos accepted your friend request.

Bigla akong napabangon sa higaan. Parang nawala lahat ng pagod at antok na nararamdaman ko. Nanginginig ang kamay ko na binuksan ang facebook app.

"Shet! Inaccept nga niya ko!" Tili ko. Akala ko kasi namamalik mata lang ako.

Agad kong pinuntahan ang account niya para i-stalk siya. Wala naman siya masyadong shinashare maliban sa mga news at kung anu anong military stuffs.

I-e-exit ko na dapat ang account niya nang makita ko na may color blue line sa profile picture niya. Meaning he post something on his myday. Pinindot ko 'yon.

Thank you Fuentes family 🖤

Napangiti naman ako ng malawak sa nakita ko.

Selfie nila iyon ng mga kapwa niya sundalo na hawak ang sandwiches at bottled milk na binigay namin

I clicked the heart reaction and typed a message.

No worries for our frontliners ❤️ Keep safe! 🇵🇭

The moment I typed it ay humiga na ako sa kama at parang uod na nangingisay ang katawan sa kilig.

Lumipas ang mahigit kumulang isang minuti bago siya mag reply.

Salamat. Ingat din kayo.

I smiled.

Tapos na duty mo?

Actually, hindi ko alam kung bakit tinanong ko pa 'yan. Parang nakakahiya nga na may follow up question pa ako.

Oo.

It took me a while to compose a message.

Uh, sige ha? Pahinga ka na baka nakaka istorbo ako sayo. Goodnight!

The moment I send it ay na seen niya agad. Kinilig naman ako doon.

Hindi ka nakaka istorbo.

Napatayo ako sa kama. "OH MY GOSH!!!" Hinawakan ko ang dalawang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko pag iinit ng mukha ko.

Goodnight! 😊

Nag heart react lang ako sa huling message niya at sineen siya. May hiya pa naman ako katawan. Baka isipin niya na crush ko — well totoo naman — siya dahil sinundan ko pa ng bagong topic ang pag-g-goodnight niya.

I went to my Instagram and post a picture in my stories of my bedroom's window.

Goodnight... ❤️

Papikit na ako ng tumunog nanaman ang phone ko. I looked at the notifications on the lock screen.

jerald_santos followed you.