Chapter 4 - 03

"Are you bored?" Daddy asked. Nandito kami ngayon sa dining area for our late lunch because it is already 2:00 PM.

"Sakto lang po." I yawned. "Palagi akong inaantok dito sa loob ng bahay."

Nilabas ni Mommy ang mga natirang chicken adobo mula sa kusina. "Kamusta si Lyde? Parang hindi ko kayo nakikitang nag uusap."

"Paano ko naman makakausap 'yon Mommy, eh kapag gumising ako sa umaga it's either kakatulog lang or patulog palang siya."

Yes. My best friend and her unhealthy body clock.

"Papuntahin mo na dito." Daddy laughed. "Para naman ay hindi na US - Philippines ang timezone niyong dalawa."

"Kung pwede lang po eh. " I yawned again.

Grabe, antok na antok talaga ako ngayon.

"Atleast I met new friends here. Jewel and Mina." I drank the glass of water besides me.

Natawa si Mommy. "Lyde's probably jealous now."

"Bahala siya dyan."

Lyde is very close to my parents. And when I say very close, halos sa bahay na naming siya tumira. Parang pangalawang anak na nila kung ituring ang kaibigan ko. We are bestfriends since the fourth grade. Naging mag ka-klase kami noong nag transfer ako sa school niya. At first, feeling ko ayaw niya sa akin dahil parati niya kong iniiwasan tuwing lalapit ako sa kanya at ang sungit sungit niya sa akin.

Pero noong nag umpisa na kami maging close ay halos hindi na kami mapaghiwalay na dalawa.

Ngayong college lang kami hindi naging magkaklase dahil magkaiba ang course naming dalawa. I am taking up business course while she is in the field of education.

One of our unforgettable moment was that night na napa over night siya sa bahay namin. Bumalik siya sa amin around 2:00 AM dahil noong umuwi siya sa kanila ng mga bandang 1:00 AM from our house ay sinaraduhan na siya ng pinto dahil akala ay nasa kwarto siya at natutulog na. Late na siya umuwi sa kadahilanang iyak siya ng iyak dahil sa kanyang ex-boyfriend. Pero pagbalik niya sa bahay ay tawang tawa kami noong kinewento niya na naglagay siya ng malaking note na doon na lang siya natulog sa amin sa tapat ng gate nila gamit ang mga bond paper sa bag niya.

That night until the next morning ay instant carbonara with mayo and cheese toasted sandwich ang paulit ulit naming kinain at imbis na juice or alcohol ang inumin naming ay inubos naming ang ilang pitsel ng tubig mula sa refrigerator.

I suddenly miss that instant carbonara with mayo and cheese toasted sandwich combo.

And I miss Lyde so much.

"Kamusta nga pala ang mga health workers sa ospital?" Manang Rosie asked. Kasalukuyan na kaming kumakain.

Mommy answered, "Iniwan na lang namin 'yung mga boxes dahil sila na daw ang mag aasikaso. Staying in the hospital is too risky for everyone."

We all woke up at 5:00 in the moring to cook chicken adobo, na siyang ulam na napag desisyunan naming na ibahagi sa ospital and to prepare everything as well na good for 150 frontliners.

Pero sina Mommy and Daddy lang ang nagpunta doon kaninang 11:00 AM. Dahil hindi daw advisable ng ospital na maraming volunteers ang pumunta doon dahil magiging risky sa kalusugan and besides, iniiwan na lang naman ang donation mo at sila na ang nag aasikaso ng lahat.

Nang matapos kami kumain ay diretso si Mommy sa kanilang kwarto dahil pagod na pagod daw siya. Samantalang si Daddy ay inaasikaso ang inventory ng mga mga gatas kasama ang ibang empleyado sa labas. Si Manang Rosie naman ay nag huhugas na ng aming mga pinag kainan sa kusina.

While I helped Mina to clean the dining table.

I saw her yawned while wiping the table. "Tutulog ka after?" I asked her.

"Oo. Antok na antok na kaya ako." She said.

"Ikaw ba?"

"Inaantok din." Nilagay ko ang mga placemat sa loob ng cabinet. "Pero ayoko matulog."

"Bakit naman? Bored ka na dito 'noh?"

Although may internet kami dito ay hindi ko naman magawa na sobrang babad sa phone buong araw dahil may pagka mabagal 'yung connection. Minsan may oras na sobrang bilis tapos minsan naman ay sobrang bagal kaya hindi ko rin na e-enjoy kapag nanonood ako.

"Gusto ko pumunta kayna Jewel kasi eh."

Niliitan niya ako ng mata. "Bakit? Gusto mo makita si Kuya Jerald 'noh?"

Nagulat ako sa sinabi niya. "Hoy! Hindi! Grabe ka sakin." I said. "Atsaka hindi naman umuuwi 'yon sa kanila."

"Paano mo naman 'yan nalaman?" Mas lalong lumiit ang mga mata niya sa akin.

"M-malamang ano.. sundalo siya! H-hindi naman talaga sila umuuwi k-kapag duty 'noh!"

She shrugged. Pumasok siya sa kusina para banlawan 'yung basahan. Naupo naman ako sa kabisera. Naalala ko nanaman na nag chat kami at fi-nallow niya ako sa Instagram kagabi.

Hindi ko mapigilan mapangiti.

"Ngiti ka d'yan?"

Inirapan ko siya. "Ang hilig mo mang gulat."

"Hindi kita ginugulat. Pre-occupied ka lang."

Inayos ayos niya 'yung mga upuan. She yawned again. "Matutulog muna ako Aby 'ha. Hindi ko na talaga kaya." Tinaguan ko na lang siya at nagdiretso na siya palakad.

Napa stretch ako ng mga braso. "Haaaaaayyyy!"

Lumabas si Manang Rosie mula sa kusina. "Hindi ka ba matutulog Aby?" tanong niya.

"Nawawala po antok ko eh."

"Mag relax ka lang makakatulog ka din. O sige na, matutulog lang ako sa 'ha?"

"Sige po."

Naiwan akong mag isa sa baba.

Ilang minute ang nakalipas ng mapagdesisyunan ko na umakyat at subukang matulog.

I tried to see if Lyde is already online pero nakalagay ay active 9 hours ago. Obviously, tulog pa siya kahit 3:00 PM na.

At dahil hindi ako makatulog kahit inaantok ako ay nag scroll scroll lang ako sa mga social media accounts ko.

"Hay ano ba 'yan hindi talaga ako makatulog!"

I sat at the edge of my bed. At napag desisyunan ko na kunin na lang ang bullet journal ko to update my life's happenings.

Lumabas ako ng kwarto dala dala ang aking journal and a box na laman lahat ng bullet journal essentials ko.

My colored pens, washi tapes, sticky notes and paints. I have a lot of art stuffs pero hindi ko na dala ang iba ko pang mga gamit, mga essentials ko lang. Mahirap din kasi mag impake.

Sinusulat ko sa journal ko 'yung mga to do's ko and mga activities, thoughts, and highlights ng bawat araw ko. I also put pictures na kinunan each day. Kaso for now ay hindi ko muna magagawa ang usual journal set up ko because of the quarantine. Hindi ko din malalagyan ng mga pictures since walang printer dito sa bahay.

I jot down all the things that happened since my last day in school up to the present time. Ilang linggo na din ang nakalipas since the last time na nabuklat ko ito. Buti na lang ay natatandaan ko pa ang mga nangyayari.

While writing some of my thoughts and experience for almost a week here in Ilocos ay napapangiti ako. On the previous page of my journal, I said that labag sa loob ko at ayaw ko na umuwi dito sa probinsya. But look at now, nag e-enjoy ako kahit na medyo boring.

I am happy with all my experience here so far. Totoo nga na less polluted sa probinsya. Masarap gumising dito sa ingay ng mga manok. Masarap makita ang kulay berdeng paligid na gawa ng mga halaman. Madami din akong natututunan kayna Mina at Manang Rosie. At nagiging may sense ang araw araw ko, hindi tulad noong nasa Metro pa kami, palagi akong nasa tapat ng computer screen.

I am happy as well nagkaroon ako ng bagong kaibigan. Wala pa akong isang linggo dito ay naging close na kami lalo na ni Mina. Kahit na nahihiya ako noong una, ay pinaramdam sa akin ni Mina at Jewel na handa sila makipag kaibigan sa akin.

And of course, my soldier crush, Jerald. Na talaga namang mas nag pa-paganda ng bawat araw na pag stay ko dito. Joke!

Hmm.. kailan ko kaya siya makikita at makakausap?

Saktong pagtapos ko magsulat ay may pumaradang itim na sasakyan sa baba. Nakita kong bumaba si Tito Anton mula sa driver's seat at sa kabila naman ay si Jewel.

Dali dali kong tinawag si Jewel mula sa balkonahe. "Jewel!" sigaw ko. Lumingon naman siya sa taas. Kinawayan ko siya at sumenyas na bababa ako.

Niligpit ko ang gamit ko at pinasok ito muli sa kwarto.

"Uy, Aby!" Bati niya sa akin. "Kamusta ka? Kayo ni Mina?"

Naupo kami sa sofa. "Medyo pagod kami ngayon dahil maaga kami gumising to prepare foods na dinonate sa hospital."

"Nasaan si Mina?"

"Natutulog sila ni Manang Rosie ngayon eh." Sabi ko. "What do you want? You want some foods or drinks?" Pag aalok ko.

"Hindi, huwag na." Pagtanggi niya. "Kayo nga sana yayayain ko eh."

"Saan? Anong meron?"

"Sa bahay. Nag bake kasi ako ng strawberry cake. Wala lang na bo-bored kasi ako."

I pouted. "I don't know if papayagan ako umalis eh. You know, the quarantine.."

"Papayagan ka niyan!" She said. "Tignan mo nga, nandito kami."

"Bakit anong meron?" Tanong ko dahil nakakagulat na bigla ko silang nakikita.

"Hindi ko alam. Business related siguro. Sumama lang naman ako."

Napalingon kami nang sa malakas na boses ni Tito Anton at ni Daddy.

"Hi Tito!" Cheerful na bati ni Jewel at nag mano siya kay Daddy. Napaka cheerful na tao neto ni Jewel. Palaging naka ngiti.

Nag mano naman ako kay Tito Anton. "Hello po." Bati ko.

"Tito Rom, pwede ko po ba si isama si Aby sa bahay? Nag bake po kasi ako ng cake. Ipapatikim ko po sa kanya. Don't worry po, bibigyan ko din po kayo ng slice." Nakangiting sabi niya. Natawa si Daddy sa pagka energetic ni Jewel kaya natawa din ako.

"Napaka jolly ng anak mo Anton!" Sabi ni Daddy kay Tito.

Bumaling siya kay Jewel. "O sige pero papahatid ko kayo doon sa driver naming atsaka papasundo ko din mamaya."

"Kailangan pa po mag kotse?" I asked.

"Oo, Aby." Tito Anton said. "Baka kasi hulihin kayo dyan sa daan kapag palakad palakd kayo."

Lumabas si Daddy at tinawag ang isang trabahador para ihatid kami sa kabilang kanto.

Siniko ako ni Jewel. "Sabi sa'yo papayagan ka eh."

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Daddy. "Andyan na 'yung kotse. Papasundo na lang kita mamaya."

"Okay po. Thank you!" I said.

"Thank you, Tito!"

Excited ako pumasok sa kotse. "Ngayon na lang ulit ako makakapag lakwatsa!" Natatawang sabi ko.

"Sayang lang at wala si Mina!" She said.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila ay naalala ko ang aso nilang si Jasper. Kinalabit ko si Jewel. "'Yung aso baka lapain ako."

"Tinali ko na kanina pa. Binilin sakin ni kuya na ikulong si Jasper kapag pupunta ka."

Sayang wala si Jerald..

Iniwan naming ang tsinelas namin sa labas ng screen door nila at sinuot ang house slippers nila. Pinahiram niya sa akin ang isa niyang spare slippers.

"Upo ka muna d'yan. Maghahanda lang ako." Excited niyang sabi at dumiretso agad sa kusina. "Buksan mo na lang ang TV, Aby!" She shouted.

Bubuksan ko na sana ang TV ng mahagip ng mata ko ang puting gitara na naka sandal sa corner ng pader.  Kinuha ko ito.

I start to strum the strings.

Natuto ako mag gitara because of Daddy.

Musically inclined at kumakanta talaga siya. Nasa lahi talaga nila ang pagka hilig sa musika. Ako naman ay sakto lang, ang pag tugtog ay hobby ko lang but it is not actually my passion. Mas passion ko ang arts.

Nakaka miss din pala ang paghawak ng gitara.

"Hey, have you ever tried?.. A Really reaching out for the other side?..  I may be climbing on rainbows, but baby here goes.."

Napahinto ako ng magsalita si Jewel. "Taray!"

Nilapag niya ang tray kung saan nakalagay ang mga pagkain namin at may juice pa. "Magaling ka pala mag gitara at kumanta!" Natutuwang sabi nito.

"Marunong lang hindi magaling." Binitawan ko ang gitara. "Sorry I didn't ask for permission."

"Ano ba 'toh! Okay lang 'yon! Akin naman 'yan eh." She said.

"Tugtugan mo ako Aby please!"

"Nakakahiya. Huwag na."

"Dali na." Pagmamakaawa niya. Nilayo niya ang tray sa akin. "Hindi kita papatikimin nito sige ka!" Banta niya.

"Sige na nga." I said.

Narinig ko ang pag busina ng sasakyan. "Alis na ako, Jewel." Tumayo ako. "Thanks for the cake. May kasama pang take out."

"Wala 'yon! Basta promise mo 'ha? Turuan mo ako mext time!" Excited na sabi niya.

Dalawang oras lang ang tinagal ko sa bahay nila at sinundo na agad ako dahil mag di-dinner na kami sa bahay. At sa dalawang oras na 'yon ay pina tugtog lang ako ng pina tugtog ng gitara ni Jewel.

Sabi niya kasi sa akin ay gusto niya matuto mag gitara kaso nahihirapan daw siya matuto sa tutorials sa Youtube. Kaya naman ay tuwang tuwa sa akin, turuan ko daw siya, kahit mga basic lang sa pag gi-gitara. Sinubukan kong tanggihan siya dahil hindi naman talaga ako hundred percent na may alam sa pag gi-gitara, pero ayaw ako tantanan kaya pumayag na ako.

Hinatid niya ako hanggang sa gate nila. We bid our good byes. Saktong pagkapasok ko sa kotse ay may dumating na pulang sasakyan at may bumaba na isang matangkad na babae.

"Ate Monica?" I heard Jewel's voice. Sinilip ko ang babae mula sa bintana ng sasakyan pero hindi ko nakita ang itsura niya dahil naka side view siya at natakpan siya ng kanyang mahabang buhok.

But I saw Jewel's face. She was so shocked. I guess she never expect that woman tonight.

Sino kaya 'yon?

Pag dating ko sa bahay ay nasa hapag kainan na ang lahat. Ako na lang ang kulang.

"Nagtatampo si Mina. Hindi niyo daw sinama." Bungad ni Mommy.

Umupo ako . "Tulog ka kasi kanina." I said.

"Ayos lang 'yon. Mas pipiliin ko pa matulog. Antok na antok talaga ako kanina."

If Jewel's too jolly and energetic, Mina is a bit serious and have the boyish and firm vibes.

Nilapag ko sa lamesa ang paper bag na naglalaman ng strawberry cake ni Jewel. "Pa take out po ng binake na cake ni Jewel. Pang dessert daw natin."

"Ano ginawa niyo doon?" Aby asked.

Nginuya ko ang karne ng tinola na ulam namin ngayon. "Kumain tapos pinag gitara ako ng pinag gitara ni Jewel." I drank my water from the glass. "Tapos kanina pag alis ko, may dumating na babae, Monica yata ang pangalan."

"Monica?" Mina asked. Tumango ako.

"Sure ka?"

"Oo nga. Bakit? Sino ba 'yon?"

Naputol ang pag uusap namin ng tumunog ang phone ko. I received a text from Lyde.

Video call.

Nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na ako dahil nakikipag video call si Lyde. Tapos na rin naman ako kumain kaya pumayag sila.

I went straight to the balcony and sit there. I called Lyde. Sana naman ay hindi mabagal ang internet.

Her face flashed on the screen when she answered the call. May tuwalya pa sa ulo niya. Bagong ligo.

"How's your soldier?" Bungad niya sa akin.

I rolled my eyes. "Seriously? Ayan ibubungad mo sa akin?"

"Kinakamusta lang naman kita dahil thrilling ang province life mo d'yan."

"I hate you, Lyde."

"I love you, Aby."

"Kadiri ka!"

We talked about what happened in my 'province life' today. Ako lang ang kwento ng kwento. Wala naman daw siyang ikwe-kwento dahil nanonood lang daw siyang Money Heist.

"Baka pinagpapalit mo na ako d'yan 'ha."

"You are always on the top priorities."

"Talaga lang 'ha. Kunin sasampalin kita Abygail!"

"You are being brutal Ms. Marupok." I teased her.

She rolled her eyes. "Excuse me –"

"Dadaan ka?" I sarcastically said. Lagi niya kasi line 'yung 'excuse me' kaya lagi ko siyang binabara.

"Hindi ako marupok Abygail. Isang linggo ko na siyang hindi kinakausap." She proudly said.

"Congrats sa isang linggo 'ha. Tagal n'yan."

"Nakakainis ka!" Asar na sabi niya. "Charge lang ako, sis." At bigla bigla niyang pinatay ang tawag. Walang hiya talaga.

Halos isang oras din ang tinagal ng pag uusap naming dalawa.

I checked my social media notification and I saw an Instagram notification from Jewel.

"Ano 'toh?"

I viewed the story and it was a video of me while strumming the guitar and singing Make it With You of Ben&Ben.

I chat her.

I didn't know that video!

Seconds later, she replied.

That's okay! Ang ganda kaya!

Anyway, I still repost her IG stories to my stories.

Kinuha ko ang laptop at isang libro mula sa kwarto ko at bumalik sa balkonahe. I opened my Spotify app in my laptop and turn on shuffle of my playlist and started read my book.

It really feels good to relax here at the balcony at night. Wala kasi kaming ganito sa bahay namin sa Metro. This is my favourite spot of the house so far.

Nagulat ako ng umilaw ang phone ko. Meaning that I have received a notification. Pinatong ko ang libro sa lamesa ang grabbed my phone.

"Seriously? You gotta be kiddibg me!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili.

That's my guitar.

Tinapik tapik ko ang magkabilang pisngi ko. Gusto ko mag sasasayaw at mag sisisigaw dito kaso baka may makakita at makarinig sa akin.

Hindi ako maka paniwalang nag reply si Jerald sa story ko!

Really? I thought it's Jewel's.

Halos mapunit na ang labi ko sa pag ngiti sa mabilis niyang pag reply sa akin.

Inaangkin niya pero hindi sa kanya 'yan.

Hindi nabanggit ni Jewel sa akin na kay Jerald 'yung gitara. Sabi niya sakin ay sa kanya.

Sorry for using. I didn't know.

Nag uumapaw na kilig ang dumadaloy sa katawan ko. I can't believe that I just used Jerald's guitar!

Ayos lang. Anyway, good choice of music.

Tumayo ako at dumungaw sa railings ng balkonahe.

Current fave song.

Wala pang samoung segundo ay nagreply siya agad.

Same, Aby.

Napangiti ako. Meant to be ba kami?

We can.. you know.. jam together.

Sobrang tinamaan ako ng hiya the moment I send it. Kaso wala namang delete for everyone option sa Instagram and besides na seen agad niya as if he is really waiting for my messages. Joke!

Kaya why not push 'diba? Ako na ang pinaka masaya kung makaka jamming ko si Jerald!

Naramdaman kong may paakyat kaya lumingon ako sa loob. I saw Mina na papasok ng kwarto nila.

I suddenly remembered 'yung tinatanong ko sa kanya.

Pinatong ko muna sa lamesa 'yung cell phone ko at lumapit sa kanya.

"Mina!" Tawag ko. Lumingon naman siya sa akin. "Sino ulit 'yung Monica?"

"Ha?"

"'Yung Monica. Pinag uusapan natin kanina."

"W-wala 'yon."

"Ano nga?"

"Si Ate Monica. Ex ni Kuya Jerald."

I was taken back with what Aby just have said.

"Ahh.."

Naglakad ako pabalik sa balkonahe at tulalang na upo.

My screen flashed Jerald's messages.

Sure, bakit hindi?

May utang akong kanta sa'yo.

After this COVID, we can do that.

Kikiligin na sana ako dahil sunod sunod ang message niya sa akin. Kaso naalala ko ang sinabi ni Mina.

"Nagkabalikan yata kayo eh." I said while looking at the screen.

Medyo na off naman ako. I have a habit of not having crush on someone na may ka-relasyon. Gusto ko kasi 'yung happy crush lang, pwede ko gawing fling ganon.

Napa irap ako sa kawalan. I-u-uncrush na kita, Jerald.

Sakto namang tumugtog ang kantang Make it With You, I opened my Instagram stories.

I took a video of this quiet and glommy side of the farm na binibigyang ilaw lang ng buwan at maliliit na ilaw sa baba with the song in the background.

Life can be short or long.. A love can be right or wrong.. And if I chose the one.. I'd like to help me through.. I'd like to make it with you.