Chereads / He's My Guy (Finding The Right Guy Series #1) / Chapter 2 - HMG 1: Family Tradition

Chapter 2 - HMG 1: Family Tradition

Natasha

Ang sabi ni mommy magkulong daw muna ako dito sa loob kwarto ko. Kaya sinunod ko siya. Mahirap kasi kapag nagagalit siya at nagiging dragon, pati mga kasambahay na walang kinalaman sa init ng ulo niya eh nadadamay. Kaya para sa ikabubuti ng lahat, tahimik na pumasok ako sa aking silid at nagmukmok na lamang.

Pero aba! Mukhang ilang oras na ang nakalilipas eh hindi parin niya ako pinagbubuksan. Naiinip na ako, kailangan ko pang kitain si Carol at Danica mamaya sa mall.

Hindi nagtagal ay nakarinig na rin ako ng pagkatok sa aking pintuan.

"Ms. Pinatatawag na ho kayo ng inyong mommy." Sabi ni Ate Jema. Siya ang pinaka bata na kasambahay dito sa bahay, hindi nagkakalayo ang edad namin kaya ate ang itinatawag ko rito.

"Hayyyy. Salamat naman." Parang nabunutan ng tinik sa dibdib na wika ko bago tuluyang lumabas ng kuwarto at agad na dumiretso sa opisina ni mommy.

Daddy's not here, he's always out of the country so mommy and I are always together.

Pagdating ko sa labas ng opisina nito ay kaagad na kumatok ako. Nang marinig ko ang kanyang boses ay mabilis na binuksan ko ang pintuan.

Awtomatikong napanganga ako ng tumambad sa aking mukha ang magara at kumikinang na isang wedding gown.

Teka nga....A WEDDING GOWN?!

At sino naman ang ikakasal?!

Dahan-dahan na nag-angat ang aking mga mata at sinalubong ang malawak na ngiti ng aking ina.

OH. NO!

Alam ko na kung para kanino itong wedding gown. At kung para saan. Napapailing ako habang naka titig kay mommy.

"No no no no, mom." Hindi makapaniwala na sabi ko sa kanya.

"Yes." Matigas na bigkas niya.

"No way, mommy!" Pagtatanggi ko pa.

"Yes, hija. That's your wedding gown." Para bang amused pa siyang nakatingin sa akin bago muling ibinalik ang mga mata sa gown.

"Mom, I'm only eighteen!" Pagmamaktol ko. "Hindi ako pweding magpakasal ng ganito pa kabata."

"Exactly, you're only eighteen. Believe me or not, ganyang age ko rin nakilala at natagpuan ang daddy mo." Para pang nagdadaydream na wika ng aking ina. Napa irap ako.

"And besides, hindi ka pa naman ikakasal dahil wala ka pang nahahanap na lalaking mapakakasalan mo." Oo nga naman. Wala pa pala akong magiging groom. Dahil kahit kailan, NEVER as in NEVER pa nila ako pinayagang magka boyfriend dahil sa tradition na iyan.

Medyo kinakabahan na talaga ako sa mga nangyayari. Hayyyys.

"And that's what you do. You will find a man worthy of this family."

Kung bakit naman kasi masyadong nagpapaniwala sa tradition ang pamilya namin. Ganito kasi yan, naniniwala ang pamilya ni mommy, sa mala fairytale na kwento ng pag-ibig. Which is, nasa dugo na talaga nila. I mean...namin.

Hindi ka pupweding magka nobyo hangga't wala ka pang eighteen. At kapag dumating kana sa ganoong edad, mapipilitan ka talagang maghanap ng magiging boyfriend mo, na siyang magiging fiancé mo at hanggang sa maikasal kayo kapag umabot kana sa edad na twenty.

See?

Ganoon na ganoon ang nangyari kina mommy at daddy. Noong pwersahang pinahahanap si mommy nina Lolo at Lola ng kanyang magiging nobyo. Yup, ikaw mismo na babae ang maghahanap ng magiging nobyo! At hindi sila ang lalapit sayo. Arrrrrgh! Nakaka stress.

Magmumukha akong desperadang babae dahil sa tradition na ito eh.

Okay lang sana kung ang mahahanap ko eh katulad ni daddy na, na love at first sight kaagad kay mommy. Eh paano kung antipatiko at saksakan ng yabang ang makikilala ko?

"Natasha! Are you listening?" Bigla akong bumalik sa realidad ng marinig ko ang maawtoridad na boses ng mommy.

"Y-yes mom." Kaagad na sagot ko sa kanya.

Mataman at seryoso na tinitigan niya ako sa aking mukha. Walang emosyon ang lumalabas mula sa kanyang mga mata.

"Good." Naka ngiting wika niya. Ang bilis magpalit ng kanyang mood. Amp. Alam niyo ba na mas nakakatakot si mommy kapag naka ngiti? Ugh! Hindi niyo talaga gugustuhing maging ina ang katulad niya.

"Do you have nothing to ask and want to know more?" Muling pagtanong pa niya. Napailing ako. Gusto ko ng matapos ang pag-uusap na ito. Dahil nanghihina lang ako na pag-usapan ang bagay na ito.

Napatango siya ng maraming beses.

"Now find your Prince charming, before you turn 20. That's our family tradition hija, and you were born a princess." Pag didismiss niya sa usapan at agad na tumalikod na sa akin.

Princess, my face!

Hindi ko naman pinangarap na maging ganito ang buhay ko. Huhu! Jusko!

------

"Excited na ako sa monday guys, new school+new crush=New boyfriend! Yepeyy!" Halatang excited nga na sambit ni Danica dahil nagtatatalon pa siya sa tuwa.

Malungkot naman na napatingin sa kanya si Carol. "Huhuhu. Ang daya daya niyo, porke magkasama kayo sa bago niyong school."

Oo nga pala, hindi na namin makakasama pa si Carol sa bago naming eskwelahan, simula ngayong Lunes. Siya lang kasi ang hindi pinayagan ng kanyang parents na mag transfer. Unlike sa amin ni Danica na kung saan namin gustuhin eh magagawa namin.

"Ano ka ba, magkikita at magkakasama parin naman tayo kapag free day natin eh." Pagcocomfort naman sa kanya ni Danica. "Right, beshywap---" Sabay lingon na sabi sa akin nito ngunit agad din na natigilan.

"What's with the face beshywap?" Dagdag na tanong pa niya.

"Yeah, you are still not in the mood." Pag sang-ayon naman ni Carol. "Akala ko ba gusto mong mag shopping ngayon? Eh ang dami-dami mo ng nabili pero hindi ka parin masaya?"

Bagot na nagpapadyak ako ng paa sa floor. Dahilan upang pagtinginan ako ng iilan sa paligid. Naupo ako sa isang pahaba na bench sa may gilid at agad din na sinundan ng dalawa.

"Naaalala niyo pa ba iyong family tradition namin?" Sabay silang napatango.

"Yeahh..." Chorus din nila. Napahinga ako ng malalim.

"So dahil eighteen na ako ngayon, gusto ni mommy na maghanap na ako ng magiging----

"Aaaahhhhh!" Sabay na tili nilang dalawa na halos kulang nalang eh mabasag na ang eardrums ko.

"Sshhhhh! Pwede bang tumahimik muna kayo?! Hindi pa nga ako tapos magsalita, diba?" Inis na saway ko sa kanilang dalawa. Mabuti naman at nakinig sila.

"Sorry, na excite lang kami. Kasi magkakaboyfriend kana. Yiiiie." Kinikilig parin na wika ni Danica.

"Tompak! At isa pa, tiyak na maraming magkakandarapa sayo dahil maraming abangers dyan sa paligid na naghihintay lamang ng sign na maligawan ka!" Parang kinikiliti naman na wika ni Carol.

Napa buga ako ng hangin sa ere.

"Sa tingin niyo ba, isa sa kanila ang pwede kong pakasalan?" Again, sabay silang napatango.

"Don't worry beshywap, kami ni Carol ang bahala." Sabay kindat na sabi nito sa isa.

"Aha! At pipiliin namin ang pinaka pogi at pinaka yummy na lalaki. Eek!" Atsaka sila nag-aper na dalawa. Tatawa-tawa naman ako habang naka tingin sa kanila.

"Eh paano kung walang magkagusto sa akin?" May pag-aalala na tanong ko sa kanila. Tinitigan naman nila ako na parang mga ewan.

"Seryoso ka ba talaga sa tanong mong yan?" Tanong ni Carol.

"Natasha Domingo, hindi lang maswerte ang lalaking makikilala mo. Napaka swerte pa! Maganda na, matalino na, mabait na AT mayaman pa." May pagmamayabang na komento ni Danica.

"Tama ka dyan girl!" Pag sang-ayon muli ni Danica "Kaya, piliin mo ang darapat-dapat sa perlas ng sinilangaaaaan! Este sa puso mo pala." Isang malutong na tawa ang pinakawalan ko atsaka siya pabirong hinampas sa braso.

"Mga baliw!" Sabi ko sa mga ito. Napa tingin ako sa paligid, may mga iilan akong nakikita na may mga itsura na lalaki, kaso ang karamihan sa mga ito ay may kasamang gilfriend o kung hindi naman ay...boyfriend.

Well, sabi rin nila, huwag daw dapat magbase sa panlabas na anyo. Kung sa akin okay lang sana yun. Eh paano si mommy? Napaka perfectionist kaya 'non.

Hayyyy. Paano ba kita matatagpuan? Saang lupalop ng mundo naman kita hahanapin? Tanong ko sa sarili.

-------

Dahil sa biglang malakas na pagbuhos ng ulan, na stuck ako ngayon dito sa isang waiting shed sa labas ng clinic ng aking puppy na si Boggy.

I couldn't even bring an umbrella. Napahinga ako ng malalim. Sandaling nagtatatahol naman si Boggy habang naka tingin sa malakas na pagbuhos ng ulan.

"Sshhh..be quite handsome." Pabulong na pagsaway ko sa kanya atsaka siya marahan na hinalikan sa kanyang ulo.

Napa tingala ako sa may bubong. Kailan kaya ito titila? Tanong ko sa sarili.

Medyo may kalayuan kasi ang aking kotse mula dito sa clinic kaya kahit na tumakbo pa ako eh, mababasa parin ako.

Muling napayuko ako at tinignan ang aking puppy. Well...hindi naman siguro ako mamamatay sa malakas na pagbuhos ng ulan, hindi ba? Kailangan ko lang makarating sa aking kotse at pagkatapos, pwede na kaming makauwi ni Boggy. Tama!

Pagkaraan ng ilang sandali, walang nagawa na tumakbo na nga ako sa gitna ng malakas na ulanan patungo sa aking kotse habang yakap naman si boggy, upang hindi mabasa.

Nakakailang hakbang pa lamang ako mula sa pagtakbo nang may bigla na lamang akong naramdaman na tumatakbo rin sa aking tabi at agad na pinayungan ako.

"You may get sick because of the rain." A soft male voice said.

Nagtataka na napahinto ako at awtomatikong napalingon upang tignan ang kanyang mukha, kung sino man siya.

At ganoon na lamang ang aking gulat ng makita ang kanyang napaka gwapo na mukha. In the midst of heavy rain, I would never have imagined that I would find such a handsome man.

He just stared at me as his lips slowly formed a smile. Hindi ko tuloy alam kung mapapangiti rin ba ako pabalik sa kanya o tatarayan siya dahil sa amo ng kanyang mukha.

My mom says, don't talk to strangers. Eh paano kung ganito ka gwapo ang nasa harapan ko ngayon? Hindi ko parin ba siya kakausapin?

"Here, take this umbrella. You need it more than I do." At marahan na ini-abot niya sa akin ang kanyang hawak na payong.

Hindi ko pa sana ito tatanggapin ng siya na mismo ang kumuha sa aking kabilang kamay at inilagay nito doon ang payong para aking mahawakan.

"Uhmmm...T-t-thanks!" Utal na pasasalamat ko sa kanya.

He just smiled at me. Iyong ngiti na mapapatulala ka nalang sa kanya.

For the first time in my life, ngayon lamang ako nakaranas ng ganitong kaba dahil sa ngiti ng isang lalaki.

Noon lamang muling bumalik sa aking isipan ang tradition ng aking pamilya. At bago pa man ako muling makapag salita, wala na ito sa aking harapan.

Pero...hindi bale na. Sabi ko sa aking sarili.

At least ngayon, nahanap ko na siya. Ang lalaki na sa tingin ko ay karapat-dapat sa posisyon na hinahanap ko. Ang maging groom ko.

Ang kailangan ko na lamang ngayon ay hanapin siya. At hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha na iyon.