Chereads / He's My Guy (Finding The Right Guy Series #1) / Chapter 3 - HMG 2: Meeting the bad boy

Chapter 3 - HMG 2: Meeting the bad boy

Natasha

Kanina pa ako hindi mapakali. Kung bakit naman kasi first day na first day ng pasukan eh doon pa mawawala ang ID ko.

Ang nakakainis lang, hindi ko matandaan kung saan ko na nga ba talaga iyon nailagay.

Mabuti nalang dahil maganda ako? Haha. The guards let me in kahit na wala akong identification na ipinakita pagpasok ko sa gate ng bago kong eskwelahan.

May advantage din pala talaga ang looks minsan. Haha.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng aking sasakyan nang mapansin na pinagtitinginan na agad ang kotse ko ng maraming estudyante.

I don't get it, ngayon lang ba sila nakakita ng isang mamahaling sasakyan? Gosh! Dahil sa pagkakaalam ko exclusive lamang ang eskwelahang ito para sa mga kilala at mayayamang pamilya.

Nagtext na muna ako kay Danica para ipaalam sa kanya na nasa parking lot na ako at dito na rin kami magkikita.

Hindi magtagal ay agad na may natanggap akong reply.

"Okay beshywap. I'll be there in five." Napangiti ako sa aking sarili bago napabuga ng hangin sa ere.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang yata akong nakaramdam ng kaba na hindi ko naman nararamdaman dati-rati.

Well, maybe because bagong environment ang meron ako ngayon? At isa pa, baka masyado lamang akong excited sa mga mangyayari para ngayong school year.

Maya-maya lamang ay may narinig na aking bumusinang sasakyan sa tabi ng kotse ko.

Agad na napalingon ako atsaka na patawa na rin noong makita si Danica na kumakaway sa akin habang naka suot pa ng shades.

Akala mo naman ang taas na ng sikat ng araw. Hindi ko mapigilang komento sa aking sarili.

Nauna itong bumaba ng kanyang sasakyan at agad na lumapit sa tapat ng aking kotse. Hindi naman na ako nagtagal pa sa loob, kinuba ko lamang ang aking bag bago tuluyang lumabas na rin.

Nag beso ito sa akin atsaka mabilis na isinukbit ang kanyang braso sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang maiinit na titig ng mga estudyante sa amin, lalo na sa akin. Ngunit ipinagwalang bahala ko na lamang ang kanilang mga mata dahil matagal naman na akong sanay sa ganoong atensyon.

"Omg. Who is she? New girl?"

"Yeah, I think so. Bagong mukha eh."

"She's so gorgeous. I want to be her friend na."

"Bro kapag ako napansin nito, hindi ko na yan pakakawalan pa."

"Ako, I'll make her my queen."

"Pati 'yong girl na kasama niya, ang ganda rin. Saang University kaya sila nang galing?"

Iilan lamang iyon sa mga bulungan na naririnig namin ni Danica habang naglalakad papalayo sa parking lot.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang ginawang pag ngisi ni Danica.

"And what with that's smirk?" Curious na tanong ko.

Naglalakad kami ngayon patungo sa faculty office nang magiging building namin. Pareho kami ni Danica na Business Course ang kinuha. Parehas kasi kaming tagapagmana. Actually, malaya naman kaming piliin ang kurso na magustuhan namin eh, pero mas pinili parin namin itong kunin bilang paghahanda na rin sa aming future.

"Hanggang dito kasi, ang benta talaga ng itsura mo, beshywap. Nakakaloka! Ang haba talaga ng hair mo." Parang ewan na kinikilig pang wika niya.

Napatawa na lamang ako sa komento nito habang napapailing.

"Of course, ikaw rin ano? Hindi kaya ako nakikipag kaibigan sa hindi maganda." Pabiro at ganting komento ko rin sa kanya.

Danica is pretty. Isa siyang half Chinese and half Filipino. Ang kanyang ina ay Chinese at ang ama naman nito ang Filipino. Ngunit mas nangingibabaw ang pagiging tsinita nito kaya mas nagiging malakas ang karisma sa mga kalalakihan.

Iyon nga lang, hindi kasi nito trip iyong mga ka age niya. Mas gusto nito iyong medyo matanda at matured na kung magdala ng relasyon.

Bagay na mas lalo kong kinakahangan pagdating sa kanya. Iyong pagiging malandi niya pero pihikan sa lalaki.

Unang hinanap sa amin pagdaging sa Faculty office ay ang aming mga ID. Ngunit dahil wala akong maipakita na ID dahil kung saang lupalop ko na iyon nailagay eh, nakiusap na lamang ako sa aming magiging adviser na kung pupwede eh kumuha nalang ako nang bago.

Mabuti nalang dahil pumayag naman ito kaagad. Pero isang linggo ko pa ito bago makukuhang muli. Dadaan pa kasi ito sa maraming proseso.

Kaya wala akong choice kung hindi ang magtiis at ang maghintay ng ganoon katagal. Mas okay na iyon kaysa naman hindi na ako tuluyang makapasok sa gate sa mga susunod na araw, tama?

Binigyan na lamang din ako ng gate pass para incase na hanapan na ako ng guard sa susunod na pagpasok ko, eh may ipapakita ako.

Wala pang masyadong klase ngayon. Iyong ibang Professor kasi ay nasa meeting pa, habang ang iba naman ay masyado pang abala para sa pag welcome sa freshmen.

Kaya naman nagpasya na lamang kami ni Danica na maglibot sa University para makabisado ang bawat building rito ganoon din ang ibang department.

Sa totoo lang, wala namang bago eh. Dahil kung ano ang meron sa eskwelahan na pinanggalingan namin eh, ganoon din ang meron dito.

Ang pinagkaiba nga lamang eh, this time puro mga hambog at mayayabang na estudyante ang karamihan sa makakasalamuha mo.

Ganoon talaga siguro kapag anak mayayaman ano? Biglang singit ng aking isipan.

No! That's not true. Eh bakit ako? Si Danica at Carol. Mayayaman din naman ang pamilya nila pero never kaming naging mayabang sa harap ng iba. Marunong kaming rumespeto at magbigay galang sa iba.

Sa Cafeteria ang huling destinasyon namin. Sakto dahil medyo nagugutom na ako at ganoon din si Danica.

Medyo marami na rin ang mga estudyanting nandito ngayon. Napangiti ako kasi kapag ganitong mga oras talaga, comfort zone ng isang estudyante ang pagkain. Hehe.

Sino ba naman kasi ang gustong mag-aral nang mag-aral na walang laman ang sikmura? Wala diba?

Habang naglalakad papasok sa loob, eh muli na naman kaming pinagpiyestahan ng maraming mga mata. Agaw atensyon na naman po kami kahit na wala naman kaming ginagawa.

Hindi nakaligtas sa aming paningin at pandinig ang kanilang pagbubulungan, ngunit muli ay binalewala lamang namin ito ni Danica.

Agad kaming nakahanap ng bakanteng lamesa kung saan mayroong dalawang upuan sa gilid nito.

Ngunit hindi pa man tuluyang nakakalapat ang aming mga pwet sa upuan nang may marinig kaming nagsisigawan, iyong iba naman ay napapatili pa. Habang nagtatabuhan ang mga ito.

Mas lalo tuloy naging crowded ang buong cafeteria.

"Guys, si Nico. Bilis!"

"Sino na naman kaya 'yong kawawang napag tripan niya?"

"Omg. My Nico!"

Nico?

And who the hell is he? Mukhang kilalang kilala siya sa buong campus.

Pati si Danica ay na iintriga na rin kaya mabilis itong napatayo para maki tsismis sa iba at pagkatapos ay basta na lamang akong hinila sa aking braso.

"Hindi ba pweding maupo nalang tayo at kumain?" Reklamo ko sa kanya.

"Beshywap, kailangan natin ito para mabuhay naman tayo. Tsismis ito! Hindi dapat pinapalamps ang mga ganito." Nanimilog ang mga mata sa sambit nito habang hinihila ako sa kung saan mayroong nag uumpukan na mga estudyante.

Napatawa na lamang ako sa sinabi niya.

"Siraulo ka talaga." Iiling-iling na muling wika ko bago napatingin sa unahan kung ano ba talaga ang pinanonood ng karamihan.

Mayroong isang babae ang nakaluhod ngayon sa harap ng isang matangkad na lalaki, nakasuot ito ng isang itim at makapal na jacket na akala mo eh nasa isang malamig na lugar. Halatang maangas din ito at saksakan ng presko. Nakatalikod kasi ito mula sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang itsura. Sayang...

Umiiyak iyong babae habang nagmamakaawa. Ang dumi ng suot nitong damit at panay na rin mantsa, maging ang kanyang mukha, na sa tingin ko ay mula sa isang sabaw ng pagkain na ibinuhos sa kanya.

Napa ismid ako. Grabe naman! Bakla siguro itong si kuya kaya pati babae pinapatulan.

Nakakainis lang. Hanggang ba naman sa panahon ngayon eh uso parin ang ganitong eksina sa University na ito? Ang childish lang huh!

Awtomatiko na naging tahimik ang buong paligid noong napalingon ang lalaki sa mga nakapalibot sa kanya na mga estudyante.

Lalo na ako, noong sandaling napaharap na ito sa direksyon kung nasaan kami ni Danica nakatayo.

Halos literal na malaglag ang aking panga sa sahig dahil sa gulat, noong magtama ang aking mga mata sa kanyang pamilyar at guwapong itsura.

My future husband.

I can't believe na dito sa University na ito ko lamang pala siya matatagpuan. Pakiramdam ko ngayon, umaayon sa akin ang tadhana. Biruin mo ninyo? Hindi ko na kailangan pang suyurin ang buong Pilipinas para lamang hanapin ito. Dahil siya na mismo ang dinala ng tadhana sa akin.

Ang galing diba?

Kusa akong napalunok noong nagsimula na ito sa paghakbang patungo sa direksyon ko.

Teka wait, hindi ako handa.

Natatandaan pa ba niya ang mukha ko? Kaya ba siya naglalakad ngayon palapit sa akin? Ganon ba?

Agad na nagbigay ng daan ang karamihan sa kanya, awtomatiko na umalis sila sa kanyang daraanan dahil halata na takot na masaktan.

Mas lalong naramdaman ko ngayon na sa akin at sa kanya lamang naka pako ang mga mata ng mga estudyante, iyong iba pa nga ay napapasinghap pa, lalo dahil ako lamang yata ang hindi pa umaalis sa aking kinatatayuan.

Biglang nagtama ang aming mga paningin. Ibang-iba ang awra niya ngayon kumpara noong unang beses na nagkita kami. Tinignan ako nito ng malamig sa aking mukha, iyong tingin na kikilabutan ang kahit na sino. Pero bakit parang kinikilig pa ako?

Kaya naman agad na napakagat ako sa labi ko upang pinigilan ang kung ano mang kumikiliti sa aking sikmura. Handa na rin ako sa pagbati sa kanya, itinaas ko rin ang kanang kamay ko.

"H-Hi--" Magsasalita pa lamang sana ako nang basta na lamang ako nitong nilampasan habang naka ngisi pa siya ng may pagkamayabang.

So, hindi nga niya ako namumukhaan?

-----

Hindi ko alam pero dahil sa nangyari eh buong maghapon yata na nanghina ako, lalo na ang mga tuhod ko. Nawala na rin ako sa mood and all I can think is about him.

Mabuti nalang at wala pang masyadong discussion sa dalawang subject na meron kami ni Danica. Yes, magkaklase rin po kami.

Sandaling nagpaalam na muna rin ako sa kaibigan ko na mag CR lang, kanina ko pa rin kasi gustong ilabas itong ihi na meron sa pantog ko.

Pagdating ko sa CR, mabuti nalang ay walang maraming gumagamit kaya naman natapos ako ng mabilis.

Hindi na ako nagtagal pa sa loob. Pinagbubulungan at pinagtitinginan ako ng ilang estudyante habang humahakbang palabas ng CR.

Who cares? They're just insecure anyways. Maganda kasi ako. Period.

Habang naglalakad sa hallway pabalik kung nasaan naghihintay si Danica ay mabilis na muling natigilan ako.

Napapalunok ako ng maraming beses at tila ba biglang huminto ang lahat ng nasa paligid ko noong muling masilayan ko ang kanyang mukha.

Oh God! I have never seen a perfect face like him.

He looks so hot in his outfit. He's so handsome that anyone would really fall for someone like him.

Pakiramdam ko mapapasukan na ng langaw ang aking bibig sa laki ng pagnganga ko.

Hindi yata ako magsasawa na makita siya sa araw-araw. At magiging kompleto lamang ang bawat araw ko dahil sa kanya.

Parang ang sarap-sarap hawakan ng mga braso niya at habambuhay lamang na kumapit roon. Ang linis at ang bango rin nitong tignan kahit na panay puti at itim ang suot niya. Kahit na napaka bad boy niyang tignan, ang yummy parin niya. Gosh!

He is really my guy.

"Hoy!" Naramdaman ko na mayroong matigas at malakas na bagay na pumitik sa noo ko.

Ang sakit naman 'non.

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya at isang hakbang na lamang ang layo mula sa akin.

"Tabi." Matigas at malamig na utos nito.

Inayos ko sandali ang aking pag tayo bago sinalubong ang kanyang mga mata. Nakakunot na naman ang kanyang noo.

"H-ha?"

Wala sa sarili na sambit ko dahil sa kanyang mga mata at mukha lamang nakapako ang buong atensyon ko.

"Ang sabi ko...tabi. Pwede ba? Nakaharang ka sa dadaanan ko." Mahina ngunit punong-puno ng pagbabanta na utos nito sa akin.

Noon lamang ako tuluyang bumalik sa realidad kaya agad at mabilis na humakbang ako para bigyan ito ng space.

Hindi pa man ito tuluyang nakakaalis sa aking harapan nang marinig ko ang hinihingal na boses ni Danica habang tinatawag ang pangalan ko.

Awtomatiko akong napalingon rito. Ganoon din si... Nico? Tama, si Nico.

Ang future husband ko.

Halatang nang galing sa kung saan si Danica at malayo pa ang nilakbay makapunta lamang agad sa akin. Sa likod nito ay mayroong nakasunod na matipuno, matangkad at guwapo rin na dalawang lalaki. Naka outfit sila ng katulad kay Nico, isang puting shirt sa loob na pinatungan ng itim na leather jacket.

"What is it? What happened?" Agad na tanong ko noong hinihingal na huminto ito sa harap ko at sa harap ni Nico.

Napasulyap ako sa dalawang lalaki. Mukha silang bata na nahuli ng isang ina na may ginawang kasalanan.

Napabuga muna si Danica ng hangin sa ere bago tuluyang nagsalita.

"Y-Yong kotse mo...b-basag ang harap a-at ang likod.." Hinihingal na sumbong niya.

"What?!" Gulat at hindi makapaniwalang tanong ko.

Ngunit biglang nagbaling ito ng kanyang mga mata kay Nico bago siya dinuro sa mukha.

"Iyan, yang lalaking yan ang maty kasalanan. Pati sila." Sabay turo nito sa dalawang lalaki na kadarating lamang din.

Ngunit napangisi lamang ang mga ito habang si Nico naman ay nagpakawala ng isang mapang-asar na tawa.

"So that's your car?" Tumatawa parin na tanong niya.

Pagkatapos ng ilang sandali ay dahan-dahan na inilapit nito ang kanyang mukha sa akin, iyong malapit na malapit dahilan upang mangamatis ang aking mga pisngi.

"Sorry ha. Nakaharang kasi 'yong kotse mo sa sasakyan ko." Bulong nito sa akin dahilan upang agad na mapapikit ako sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

Isang nakakaloking ngiti ang iginawad nito sa akin noong muli nitong inilayo ang kanyang mukha.

"Bili ka nalang ng bago, mukha ka namang mayaman e." Sabay talikod na pahabol pa niya.

Agad naman na sinundan ito ng dalawa niyang asungot.

What the!! Napapanganga na lamang ako in disbelief.

Bakit imbis na mainis ako sa ginawa niya eh, mas lalo pa yata akong nahuhulog sa akin nitong kagwapuhan? Isama mo na rin na ang lakas ng dating niya.

Sige lang, angasan mo lang ako. Tiyak na sa akin din ang bagsak mo.