Chereads / He's My Guy (Finding The Right Guy Series #1) / Chapter 4 - HMG 3: Mr. Hard to get

Chapter 4 - HMG 3: Mr. Hard to get

Natasha

Sunod-sunod na sermon ang inabot ko sa aking ina nang malaman niya ang nangyari sa aking sasakyan. Ngunit wala na rin itong nagawa pa dahil nangyari na nga.

Next week pa darating ang bagong sasakyan na order nito galing Europa, kaya wala akong choice kung hindi ang magpahatid sundo ngayon sa family driver namin.

Takot kasi sina Carol at Danica kay mommy. Para raw kasi itong literal na mangangain ng tao kaya hindi sila madalas nagpupunta ng bahay, kapag may importanteng okasyon lamang. Naiintindihan ko naman sila, dahil maski ako eh natatakot din talaga sa kanya.

Kaya maging ang sunduin ako o daanan para isabay sa pagpasok eh, hindi magawa ni Danica.

Palabas pa lamang ako ng aking sasakyan nang makita ko si Danica na naghihintay sa akin. Nakaupo ito sa hood ng kanyang kotse. Habang sa katabi nitong sasakyan, nakatayo 'yung lalaki na asungot ni Nico.

Kumaway ako kay Danica, kumaway din ito pabalik at nagsimula ng ihakbang ang kanyang mga paa para salubungin ako, nang maunahan siya 'nong lalaki.

Agad itong huminto sa aking harapan. This time, hindi na siya mukhang pa cool boy or nagyayabang.

"What's your name again?" Ay, nagkamali pala ako. Mayabang parin pala lalo na kapag nagsasalita siya.

Hindi siya si Nico kaya hindi ako tatablan ng mga tingin niyang papogi.

"Anong kailangan mo sa pangalan ko?" Pagtataray ko.

Napa ngiti ito atsaka napakamot sa kanyang batok. Parang nahihiya.

"I just want to know. Gusto ko lang kasi sanang humingi ng tawad doon na nangyari kahapon. Lalo na sa ginawa ni Nico. Ganon lang talaga 'yon pero mabait 'yon." Nakikita ko naman ang sensiridad sa mga mata kaya napangiti na rin ako. "Minsan." Dagdag pa niya.

"Sorry lang? Hindi ninyo babayaran ang nasira niyong sasakyan?" Hindi ko napansin na nandito na rin pala si Danica. "Perwisyo kayo sa tao tapos sasabihin niyo, sorry lang? Aba! Ayos din kayo ha--"

"Ate hindi ikaw ang kausap ko. 'Yong kaibigan mo." Putol nito kay Danica bago muling napalingon sa akin.

"Ate? Mukha na ba akong gurang? Hoy! Mas mukha ka namang matanda kaysa sa akin, ano?!"

Ngunit nagkunwari na lamang itong hindi naririnig ang aking kaibigan.

"Pwede ko na bang makuha ang pangalan mo ngayon, Miss?" Tanong niyang muli sakin.

"Huwag mong sasabihin, kundi bibigwasan ko 'yang lalaking yan." Magkasalubong parin ang kilay na usal ng aking kaibigan.

Napatawa lamang ako rito habang naiiling.

"Natasha." Tuluyang pagpapakilala ko sa lalaki. "You can call me, Tasha." Dagdag ko pa. Napatango-tango naman ito bago inilahad ang kanyang kanang kamay.

"I'm Joshua." Naka ngiting pagpapakilala naman niya. Tinanggap ko ang kamay nito upang makipag kamay.

"And you are?" Muling pagbaling nito ng tingin kay Danica nang bitiwan ang kamay ko.

"Gago." Iyon lamang ang tanging nasabi nito bago kami tinalikuran ni Joshua. Natatawa na lamang ako sa kanya. Ngayon lamang yata siya hindi naging marupok sa lalaki.

Well, kung ako kasi ang magbabase. Cute si Joshua, moreno, matangkad, matipuno at sa tingin ko, sa una lang naman siya mukhang maangas kung tignan pero ang totoo eh, mabait naman talaga ito.

Hindi na rin naman nagtagal pa ang pag-uusap namin ni Joshua nang magpaalam na itong aalis na dahil hinahanap na siya ni Nico.

Magtatanong pa nga sana ako kung paano mapapaamo ang kanyang kaibigan, pero tinakbuhan naman na ako. Hayyy.

----

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa campus ngunit hindi ko parin mahagilap si Danica. Nasaan na kaya 'yong babaeng iyon?

Hindi kasi ito sumipot sa unang klase namin. Hindi ko na rin siya nakita mula noong umalis ito dahil sa inis kay Joshua.

Sinubukan ko na rin na tawagan ito pero patuloy lamang sa pag ring ang kanyang phone at hindi man lamang niya magawang sagutin.

My God! Nauubusan ng pasensya na napasabunot ako sa aking buhok. Malapit nang mag bell para sa second subject pero hindi ko parin ito matagpuan.

Hindi ko namalayan na napadpad na pala ako sa may soccer field, kung saan mayroong mga nag papractice na players.

Iginala ko ang aking mga mata sa buong paligid dahil baka nandito lang si Danica at nag boboy hunting. Pero ang siste, hindi talaga ito matagpuan ng dalawang mga mata ko.

Hayyy. Napahinga ako ng malalim.

Kusa akong natigilan sa pag hakbang 'nong makita ang isang pamilyar at guwapong pigura ng isang lalaki, na tumatakbo habang pinoprotekahan ang bola atsaka malakas iyong sinipa at pagakatapos ay...

Fuck! Omg. My noooose!!

Naiiyak na napahawak ako sa aking ilong na ngayon ay nagdurugo na, dahil sa lakas ng pagtama ng bola sa aking mukha.

Gosh! Kung bakit naman kasi hindi ko 'yon nabantayan.

"Tatanga tanga kasi. Ayan tuloy ang napala mo!" Rinig kong sabi ng guwapong lalaki na tinitignan ko kanina.

Dahan-dahan na bumangon ako at napaupo. Shit! Ang sakit talaga ng aking ilong at ang dami na ring dugo sa mga kamay kong nakatakip rito.

"Gusto mo bang dagdagan ko pa yan?" Sarkastikong tukoy nito sa pagdugo ng ilong ko, habang iiling-iling na dinampot ang bola mula sa aking tabi.

"Bro, don't be so harsh on her." Saway sa kanya ng lalaki na hindi ko alam kung ano ang pangalan. Ngunit sa pagkakatanda ko eh, kasama ito ni Joshua kahapon sa pag basag sa kotse ko.

Mabilis na lumapit ito sa akin atsaka inalalayan ako sa pag tayo.

"Come on. Dadalhin kita sa clinic." Aniya nito atsaka ako iginaya papunta sa kung saan.

Hmp! Talaga bang ganon si Nico? Hindi man lamang siya marunong magsorry.

Sabagay, ano pa nga bang ini-expect ko, bad boy nga diba? Malamang hindi talaga magsosorry 'yon kahit naman na obvious na mali niya.

Mabuti pa itong mga kaibigan niya, marunong mag sorry at may kusang gumawa ng mabuti sa kapwa.

Hayyy. Pasalamat siya at kahit na ano pa ang ugali niya, siya talaga ang trip ko. Mapapaamo ko rin siya.

Kalma ka lang self. Magtatagumpay din tayo.

----

Hanggang sa makauwi, hindi ko man lamang talaga nahagilap Danica. Lagot talaga sa akin 'yong babaeng yon.

Kakalbuhin ko talaga siya. Pero joke lang.

Nagtatampo lang naman ako kasi hindi talaga sinasagot 'yong mga tawag ko. Napahamak na ako kanina pero wala parin siyang kaalam-alam. Hays!

Lumabas na muna ako sandali ng bahay upang magpahangin. Mayroon kasing children's Park sa kabilang kanto lamang ng bahay, doon ako madalas tumambay kapag ganitong gabi na at hindi ako makatulog.

Masarap kasi doon, tahimik at presko ang hangin. Isa pa, isa iyon sa paborito kong lugar mula pa noong bata pa lamang ako, maganda kasing mag star gazing doon. Hehe.

Agad na naupo ako sa isang duyan na naroon. Napatingala ako sa itaas, awtomatikong gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi dahil sa dami ng bituin na makikita sa kalangitan. Isa sa mga paborito kong pagmasdan kapag gabi. Nakakatuwa sila at hindi nakakasawang panoorin mula rito sa ibaba.

Pagkatapos ng ilang sandali ay ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking mukha at balat.

Nang siya namang naramdaman ko na parang mayroong nanonood sa akin ng palihim.

Agad na nagpalinga-linga ako sa paligid, pero wala naman yata kahit isang tao ang nandito kundi ako lang.

Hayy. Napabuga ako ng hangin sa ere.

Baka masyado lamang akong nadadala sa mga horror movies na napapanood ko. Hilig ko kasi ang manood ng mga nakakatakot na palabas eh, para kung sakaling hindi maging sa akin si Nico eh, hindi na ako masyadong matatakot. Chaaar!

Syempre, takot ako 'no? Gusto ko kasi siya talaga ang lalaking maihaharap ko kay mommy. Aba! Perfect na perfect siya na maging husband ko kaya kapag. Hehe.

Sakto uupo na sana akong muli nang marinig ko sa may di kalayuan 'yong parang nagtatalo at nagmumurahan na mga kalalakihan.

Imbis na maupong muli ay hinanap ko na lamang kung saan ba ang pinang gagalingan ng mga boses na iyon. May kung anong nagtutulak kasi sa akin na alamin kung ano ba ang nangyayari.

Baka kasi mamaya mayroong kinikidnap, o kung hindi naman may babaeng napapahamak, diba? Tapos ako ang hihingi ng saklolo kung sakali.

Narating ko ang high way na wala na ring masyadong dumadaan na mga tao. Ngunit kapansin-pansin ang apat na kalalakihan na parang nagtatalo. Iyong isa pa nga sa kanila ay matangkad na payat. Habang nakahawak ito sa collar ng medyo may katangkaran din na lalaki.

Pero parang kahit konti eh hindi ito man lamang ito natatakot sa tatlong kaaway. Hays. Mga pasaway at feeling hari ang kalye talaga 'yong mga ganitong tao. Akala mo kung sinong matatapang kung umasta.

Kaya lang...teka nga.

Napakurap ako ng maraming beses at mas napatitig pa doon sa isang lalaki na hawak-hawak parin ang kanyang collar.

"Nico?" Hindi ko napigilan na banggitin ang kanyang pangalan at hindi na nagdalawang isip na lumapit sa kanila.

Mabilis naman na napalingon ang mga ito sa akin. Lalo na noong basta ko na lamang itinulak iyong matangkad na lalaki palayo kay Nico at walang takot na pumagitna sa kanila.

Infairness, naka cross arms pa ako niyan. Hahaha.

Tinignan ko si Nico sa kanyang mga mata na ngayon ay blangko na naman ang ekspresyon ng mukha habang nakatingin sa akin. Napa ngisi na rin ako bago napataas baba ng aking kilay, na tila ba nagyayabang at nag mistulang superhero niya.

Napailing ito bago muling ibinalik ang mga mata sa tatlong lalaki. Bigla kasi silang natahimik 'nong dumating ako eh.

Napalingon rin akong muli sa kanila na ngayon ay titig na titig sa mukha ko.

Narinig kong napatawa ng pagak si Nico.

"Maganda ba?" Tanong nito sabay hawak niya sa braso ko at itinulak ako sa may medyo katangkaran na lalaki.

"Oh, sa inyo na yan. Basta paalisin niyo lang ako." Naiinip na sambit niya.

Mabilis naman akong nahawakan 'nong mas maliit sa kanila ngunit mataba ang tyan.

Ewwww!! Sinusubukan kong bawiin ang aking braso pero mas malakas ito kaysa sa akin.

"What?!" Gulat na bulalas ko kay Nico. "NO! You can't just leave me here, Nicolas!" Sinasabi ba niyang ako ang ipapain niya sa mga panget na 'to? No way!

This time, siya na naman ang napa ngisi.

"Anong gusto mong gawin ko? Makipag suntukan? Na parang superhero? Ganon ka ba kaganda para hayaan kong basagin 'yong mukha ko para lang sayo? Ang swerte mo naman. Bahala ka na nga dyan!" Pagkatapos ay tinalikuran na ako at nag umpisa ng maglakad na parang isang bagay lamang ako na ipinamigay sa iba.

"Nicolas!" Sigaw ko sa kanyang pangalan.

Susubukan ko pa sana ang tumakbo pero ang siste, masyadong mahigpit talaga ang pag hawak ng pangit na'to sa akin.

"Let me go!" Nagpupumiglas na utos ko sa kanya ngunit pinagtawanan lamang nila akong tatlo.

Seryoso ba talaga sila?

Napabuga ako ng hangin sa ere atsaka walang sabi na sinuntok ito sa mukha dahilan upang mabitiwan niya ako.

Hindi ko rin mapigilan ang mapa ngiwi sa sakit ng kamao kong tumama sa matigas niyang mukha.

"Tangna kang babae ka!" Sasampalin pa rin sana ako nito, nang basta na lamang mayroong kamay ang pumigil sa kanya atsaka mabilis siyang sinikmuraan dahilan upang mapaluhod sa sakit.

Hindi ko makita ang itsura nito dahil nang galing ito sa likuran ko.

Noon din sumulpot na lamang din bigla sina Joshua at si Jude, iyong kaibigan ni Nico na nagdala sa akin sa clinic kanina.

"The girl said, let her go. Eh ayaw mong makinig." Punong-puno ng pagbabanta na wika ng isang lalaki na sumuntok doon sa panget na mataba ang tyan.

Itinayo naman ng dalawa ang kanilang kasamahan bago mabilis na kumaripas ng takbo.

"Mga duwag!" Sigaw ni Jude sa mga ito bago napa lingon sa akin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nito.

Hindi maipinta ang mukha na napailing ako.

"Hindi ako okay. Matapos kong ipagtanggol 'yong kaibigan niyo eh basta na lamang akong iiwan sa mga 'yon." May hinagpis na sambit ko.

Ngunit napatawa lamang si Joshua.

"Hindi naman kasi kailangan ni Nico ng taga pag tanggol. Kayang-kaya niya ang sarili niya." Pag tatanggol naman nito sa kaibigan.

Natahimik lamang ako sandali bago muling napabuga ng hangin sa ere.

"Paano ko ba mapapa-ibig ang isang Nicolas Salvador?" Sabay taas baba ko kilay sa mga ito.

Awtomatiko naman na napangiti sila ng malawak ngunit alam mong may iniisip na hindi maganda.

"Kahit ilang pusta, hindi mo siya mapapaamo." Biglang singit ng isang lalaki na kasama nila.

Ngayon ko lang nakita 'yong itsura niya. At hindi pa ako nakakapag pasalamat sa kanya dahil sa ginawa nito kanina.

Katulad nina Joshua at Jude, matangkad din ito, siguro pantay lamang sila ni Nico. Mas matangkad kasi si Nico kay Joshua at Jude eh.

Maputi ito, guwapo rin na kahit yata sinong babae rin eh mahuhumaling sa unang tingin pa lamang sa kanya. Ang bango-bango rin dahil maski may layo siya ng ilang hakbang mula sa akin eh nangingibabaw ang pabango nito. Iyon nga lang, mukhang playboy at hindi marunong sumeryoso ng mga babae.

"And who are you?" Nangingiti na tanong ko ngunit nandoon parin ang pag mamaldita na tono.

Napa ngisi ito bago napa saludo sa akin. Masyadong nkakailang 'yong mga titig niya kaya napaiwas ako ng tingin.

"I'm Jared."

Pagkatapos noon ay muling tumalikod na ito at walang lingon likod na nagsimula sa pag hakbang papalayo.

Hmmmm....parang modelo lang huh!