Habang tumatakbo siya palayo sa madilim na silid ay hindi na mawala sa kanyang napakagandang mukha ang takot at kaba habang binabaybay nito ang pasilyong hindi pamilyar sa kanya.
Sa tindi ng kaba na kanyang naramdaman ay muntikan na siyang mahilo. Simula kasi ng magising siya sa isang hindi pamilyar na silid ay mabilis pa sa alas-kuwatro siyang umalis.
Pero sa hindi inaasahan ay bigla bigla na lang siyang nakasaksi ng isang litrato na tila nakatitig at sinusuri nito ang bawat kilos na kanyang ginagawa.
Ito rin ang naging sanhi upang mapahinto siya sa kanyang pagbaba sa gitna ng napakalawak na hagdan matapos niyang makita ang kanyang sarili na nakatayo sa gitna ng napakalaking palasyo at sa harapan ng isang litratong tila ba hinuhukay ang kanyang isipan at damdamin.
Isa itong napakakisig na lalaki na may lobo na naka dikit sa kabilang mukha nito at ang ginintuang mga mata nito na tila may tinataglay na kapangyarihan at pang hipnotismo.
Pero isang nakakabinging pagkidlat ang nakapag pagising sa kanyang pagkakatulala na naging dahilan kaya siya umalis sa harapan nito.
Takbo lang siyang nang takbo pero nang makaliko siya sa isang madilim na pasilyo ay bigla siyang dinapuan muli ng kaba na naging sanhi ng kanyang paghinto at ganun na lamang ang kanyang gulat nang biglang nagsindi ang mga munting ilaw o kandila na nakasabit sa pader na gawa sa marmol na pinarisan ng ginto at itim na kulay.
Hindi maiwasan ni Zharinna ang mamangha sa kanyang mga natuklasan, kahit kabado ay binaybay niya ang pasilyo habang tinititigan ang mga nag gagandahang pigurin at bulaklak.
"Grabe, napakaganda naman sa lugar na ito. Hindi ko masukat kung gaano kalawak 'to pero sigurado ako na nasa palasyo ako ng mga mahaharlika," mahina kong bulong habang hawak hawak ang laylayan ng kasuotan ko.
"Pero nakakapag taka lang, bakit ako nandito at ganito pa ang aking suot? Sa pagkakaalala ko naman, eh. Nakatulog ako pag uwi ko galing sa paaralan? Ang Creepy ng gown na'to puti pa talaga, sana naman hindi ako na-ikasal sa engkanto at baka mapatay ako nila mama at papa ng maaga," takang taka kong ani sa sarili ko habang naglalakad pa rin sa madilim na parte ng pasilyo.
Habang naglalakad ay may isang pintuan na katulad ng mga asa fairytail ang nakaagaw sa'king pansin kaya hindi na ako nagdalawang isip na lapitan ito at buksan. Pero mas lalo lamang akong nabigla dahil sa natuklasan kong hindi kanais-nais.
"KYAAAAAHH!"
Hindi ko napigilang mapaupo at mapasigaw matapos masaksihan ang hindi kaaya-ayang sitwasyon na ngayun ko pa lang natuklasan sa tanang buhay ng buhay ko. Dahil sa takot at lakas ng pag sigaw ko ay naagaw ko ang pansin taong gumagawa ng miligro sa sa'king harapan.
"Sino bang poncio pilato ang matutuwa kapag may nakita kang ibon na parang manunuklaw"
Agad kong tinakpan ang bibig ng mapagtanto ko ang nangyari. Pero huli na ang lahat para magsisisi dahil marahas na akong nilingon at tinitigan ng taong kanina ay gumagawa ng milagro.
Kahit masama ang titig ay nag panggap na lang ako na para bang walang nakita. Nakayuko akong umaatras nang dahan dahan ng may isang kamay ang biglang humigit sa'kin at sinandal ako ng malakas sa pader. Sa sobrang lakas nito narinig ko pa na tila nag crack ang pader dahil biglang nanakit ding nanakit ang likod ko na naging dahilan para mapapikit at mapamura ako. Pero bigla na lang akong nanigas nang makaramdam ng isang mainit na bagay na tila tumatama sa sa'king mukha at sa pag mulat ko nang mata ay tumambad sa'king harapan ang isang napaka kisig at pamilyar na lalaki.
"What the hell are you doing here?" Mas malamig pa sa yelo ang boses nitong saad. Pero hindi ko naintindihan ang narinig ko dahil mas pinaka titigan ko lamang ang kantang mukha na ngayon ay isang pulgada ang layo nang kanilang mga labi.
When their eyes locked, all Zharinna could think about is how handsome this man is, his soft black hair, his golden eye, his pointed nose, his red and kissable lips and the patch in his eyes that shocked her.
"oh my gosh, adonis! Kahit may eye patch ito hindi naging dahilan yun para mas lalong kahangaan ko ang kanyang napaka gwapong mukha" ani nito sa kanyang sarili. Kagat labi siyang napalunok while making her self busy just to memorized those face of this man infront of her.
"Speak or I will kill you," Tila natauhan ako ng marinig ko ulit ang napakalamig nitong boses at sinalubong ko ang masasamang titig nito sa'kin.
"T-Teka lang pogi este manong. Baka pwede mo na akong bitawan dahil kailangan ko nang umalis" Pinipilit kong maging buo ang boses ko sa harapan ng lalaki 'to kahit kulang na lang ay mapaluhod na ako dahil sa panginginig at takot na nararamdaman.
"Huh. So, you're expecting me to let you go after you trespassed in my mansion, tell me? Are you planning to take the rings and the weapons?" Diin nitong sabi habang mas lalo akong diniin sa pader kaya hindi ko na napigil ang pagpatak ng luha ko.
"M-anong naman. Wala akong balak na magnakaw, Jusko. Kakauwi ko lang galing school at natulog lang ako, malay ko ba kasing gigising ako sa ganitong sitwasyon. Isa pa ni hindi ko nga gusto itong nangyayari ngayon dahil malilintikan talaga ako sa nanay ko ng di oras,eh." Kagat labi kong sagot habang tinititigan siya sa mata.
"Atska nga pala kung may nanakawin man ako, aba! Hindi ako tatanga-tangang hihiyaw ng ganun kalakas" mangiyak-ngiyak kong paliwanag sa binata. Pero kulang na na lang talaga ay humilata ako habang bumubula ang bibig ko dahil sa sobrang sama ng kanyang titig.
"Kahit ang titig, ang gwapo ay mali, mamaya na ang landi kailangan ko muna mag isip kung paano ako makakatakas sa adonis na ito" sigaw ng isipan ko
"Then, I'm asking you, why the hell are you here and who the fuck are you!" Mariin niyang saad at mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa pulso ko.
"Gusto ko pa pong mag ka-asawa at anak parang awa niyo na po" kulang na lang talaga ay tawagin ko na ang lahat ng santo dahil sa takot na nararamdaman ko.
Isang malakas na kidlat muli ang tumama malapit sa bintanang pinaroroonan namin at nabingi ako sa lakas ng tunog nito. Pero mas lalo akong napahito nang makarinig ako nang mga yapak na papalapit sa'ming kinaroroonan kaya hindi na ako nagdalawang isip na sipain ang oh-so-called "Birdy" nito na naging dahilan para mapabitaw sa kanyang marahas na pagkakahawak.
"Arggg fuckk!"
Nais kong matawa sa sitwasyon niya nang mapaluhod ito at mangiyak ngiyak na sinapo ang kanyang ari at kagat kagat din nito nang mariin ang labi. Halos mapaatras ako ng tignan niya ako nang sobrang talim.
"Lagot! Napalakas ata jusko sana magka anak pa siya. Hindi ko naman sinasadya, eh. Pero kasalanan niya pa din yun, patawarin niyo po ako Papa God,"
Napaatras na lang ako ng marinig ako ng mga sigaw sa labas ng pintuan kaya dali dali ko nang tinakbo ang malapit bintana. Malakas kong hinagis ang nakita kong pigurin dito upang mabasag ko'to. Akmang tatalon na sana ako ng mapagtanto kong sobrang taas pala ng pagtatalunan ko. Pero nakarinig ako nang malalakas na katok kaya nagtaka ako dahil wala namang pinto sa ere.
Sunod sunod na katok ang naririnig ko na nakapagpadilat sa'kin. Malabo pa rin ang paningin ko ng tumigil din ang kumakatok, marahil ay nangawit na. Muli akong pumukit upang ipagpatuloy ang pagtulog ko dahil baka panaginip muli ang lahat pero...
"Ma'am Zharinna,"
Isang malakas na katok muli ang nakapag padilat sa'king mga mata nang husto dahil malakas na sigaw na aking narinig.
Tila nabuhayan ako kaya bigla akong napatayo dahil napansin kong nakabalik na ako sa kwarto ko.
"Totoo ba ito?nakabalik na ako?! Hala oo nga, mabuti at nakauwi ako. Shit! baka mapatay talaga ako ng lalaking yun. Sa paraan pa lang ng mga titig niya nakakatakot na. Pasalamat siya at yung lang ang ginawa ko sa kanya" bulong niya sa hangin habang yakap yakap niya nang napakahigpit ang paburitong baboy na unan.
Nahiga akong muli ng pumasok na naman sa isipan ko ang nangyari sa panaginip ko pero nabasag din ito nang kumatok muli ang taong nagligtas sa'king mga bangungot.
"Ma'am Zharinna? Gising na po ba kayo? Pinapatawag na po kayo ng iyong Papa sa dining area,"
"Gising na po ako. Pakisabi po kay papa na susunod na lang ako. Maliligo lang po'ko at gagayak na rin." Magalang kong sagot habang gumugulong sa higaan.
"Masusunod po."
Narinig ko pa ang papalayong mga yabag paalis kaya naman ay nahiga akong muli nang maayos. Nang mahiga ng maayos ay nakaramdam naman ako ng sakit sa sa'king likuran na tila ba binali at dinurog ang mga buto ko.
"Zharinna ..enhale ...exhale hindi totoo yang napaginipan mong iyon. 'Yan kasi kaka wattpad mo kaya kung ano ano ang naiisip mo" Pag babawal ko sa isipan ko.
Nang makumbinsi ko ang naman ang diwa ko ay bumangon na din ako at napatingin sa orasang nakasabit sa'king kwarto. Doon ay damang dama ko talaga ang ang salitang...
SOBRANG LATE NA LATE NA SIYA.
Pinilit kong kumilos nang mabilis habang ininda ang sakit ng likuran ko ng makita ang oras. Paniguradong ako na naman ang pag iinitan ng guro naming baboy kaya naman.
Mabilis akong nagpunta sa banyo at walang patumpik tumpik na naghubad sa harapan ng salamin. Pero natigilan na lang nang makita ko na may parang marka sa bandang bewang ko sa likod. Kahit nagtataka ay binaliwala ko na lang ito.
Habang nag hahanda ako sa pagligo ay napansin ko din ang pangingitim ng aking pulsuhan at tila kumikirot lalo ang likodan ko sa tuwing nabibigla ako ng galaw.
"T-teka saan ko ito nakuha? Sa pag kakaalala ko la---. Oh my god! Sinasabi ko na nga ba. Hindi panaginip ang lahat ng iyon dahil kung panaginip lang naman iyon ay hindi ako magkakaroon nito." Nanghihina kong bulong habang iniinda ang sakit.
Sinubukan ko pa ring gumalaw nang mabilis kahit pa halos mangiyak ngiyak na ako habang sinasabon ko ang katawan ko. Maingat ang bawat pag galaw ko sa'king mga kamay dahil pakiramdam ko ay dinaig ko pa ang nadurugan ng buto.
Makalipas ang limang minutong paliligo ay sinimulan ko ng gamutin ang mga sugat sa pulso ko sa pulso. Tinapalan ko iyon ng benda hanggang sa matabunan ang pangingitin nito. Pagkatapos ko namang gamutin ang sarili ko ay humarap ako sa salamin at sinuklay ang maikling buhok ko na umaabot lang sa leeg ang haha. Ang makintab at malambot na abong kulay ng buhok ko ang mas lalong nagpangibabaw sa kulay ng balat ko.
Nagpahid din ako ng kaunting liptint sa namumutla kong labi pero natigilan din ako ng mapatitig nang matagal sa mukha ko hanggang sa unti unting nagbabago ang itsura ko sa salamin na nakapagpagulat sa'kin.
Hindi ko maiwasang magtaka sa nangyari lalong lalo na sa sarili ko dahil sa tuwing tititig ako nang matagal sa salamin ay parang may ibang tao akong nakikita dito.
Isang napaka gandang babae na nakasuot ng puting bistida at may napakagandang kutis. Mahahaba ang buhok na lumagpas sa bewang nito ang lagi kong nakikita at hindi ko maikakaila ang ganda nitong taglay. Pero mas nangingibabaw doon ang mga mata nitong nag mimistulang ginto at tanso na masarap titigan.
Kaya ako nagtataka dahil malayong malayo sa itsura ko dito dahil kung ako ang tatanungin ay higit pa sa salitang "Dyosa" ang maibabansag ko sa dalagang iyon kumpara sa simpleng itsura ko.
"Zharinna, 'wag ka nang mangarap pang magiging kasing ganda ka nung babaeng iyon. Baka nga pag dumikit ako dun ay maging dumi lang niya ako sa kuko. Pero sabagay napaka imposible ata madumihan yun dahil napaka linis at napaka ganda niya talagang tignan. Daig pa niya ang diyamante na sobrang mahal" ani ko sa'king sarili habang inaayos ang uniporme ko at mga gamit sa bag.
"Kung ganun lang talaga ang mukha ko baka napatulala ko na din yung ulupong na iyon sa'king panaginip" bulong kopa sa hangin ng matapos ko ang ginagawa ko.
Lumabas na ako sa'king silid para kumain ng umagahan habang hindi ko napansin na may munting pares na pala ng mata ang nagmamasid sa'kin simula ng makabalik ako galing sa panaginip.
SOMEONE'S POV
"Hindi pa dito natatapos ang laban, babagsak din ang pamilya niyo."Galit kong saad. Hindi ko maiwasang mapa kuyom ng kamao sa tuwing naalala ko ang mga ginawa nila.
Simula ng kuhanin nila ang lahat sa'kin ay pinag planuhan ko din ang mga kilos na aking gagawin para lang makapag higanti.
"Κύριε, πρέπει να φύγουμε."
[unfamiliar words : Sir, We have to go.]
Huminga muna ako ng malalim sa huling pagkakataon at hinarap ang taong kanina ko pa kasama.
"εντάξει."
[unfamiliar word: Okay.]
Tumalikod na siyang muli at hindi na siya mismo nag dalawang isip pa na umalis sa harapan ng bahay ng mga taong sumira sa buhay niya.
Zharinna's POV
"Magandang umaga sayo, iha" isang malaking ngiti ang sumalubong sa'kin ng makita ako ng aming kasambahay o ang pangalawa kong ina.
"Mas maganda pa po kayo sa umaga, Nanay Lita" nakangiti kong saad sa kanya.
Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang kasi sa aking kuwarto ay bumungad na sa aking harapan ang isa sa pinagkakatiwalaan naming kasambahay habang nag lilinis ito ng ilang kwarto malapit sa aking silid.
"Nako, napakahilig mo talagang mang bola, oh s'ya. Bumaba ka na doon ng makakain kana. Kanina ka pa hinahantay ng iyong mama sa kusina kasama ang bisita" Nabuhayan naman akong muli nang marinig ko ang salitang 'kain'.
"Sino po pala ang bisita na sinasabi mo, Nay?" Taka kong tanong habang hinihigpitan ang hawak sa bag ko.
"Hindi ko kilala dahil si Dona ang pinatawag sa kusina. Pero kasama siya ng iyong papa kagabi ng makauwi sila galing trabaho" medyo napapakamot ulong sagot ng matanda.
"Haha sige po nay, bababa na po ako. Kumain po kayo mamaya ah." Paalam ko at dumaretso na.
Habang bumababa sa malawak na hagdan ay dahan dahan akong napatigil dahil sa pamilyar na pangyayari pero hindi ko na matandaan kung ano iyon.
Pinalibot ko ang aking tingin sa buong kabahayan. Napakatahimik at tila walang ibang nakatira maliban sa'kin.
"Bakit parang may mali? pakiramdam ko ay may nakalimutan ako." Pagkabulong na pagkabulong ko ay bigla na lang humangin ng malakas kasabay noon ang pag tingin ko sa labas ng aming bahay.
Nakatayo ang aming bahay sa isang pribadong lupain kaya madalas kong makikita ang berdeng mga kulay ng dahon ng puno. Hindi ganun kalakihan ang aming bahay pero masasabi ko na isa na ito sa pinakamalaking tahanan na aking tinirhan. Simula kasi ng magkaroon ng maayos na trabaho ang aking ama ay nagsimula na din silang ipundar ang kanilang bahay na pinapangarap. Hanggang sa lumago naman ang business na kanilang nasimulan. Ang bahay namin ay hanggang dalawang palapag lang ngunit napakalawak naman ng aming nasasakupan, isama pa ang malaking swimming pool sa likod ng aming bahay.
Sa pagpasok pa lamang ay bubungad na agad sa mga bisita ang ilan sa mga atinque na naitabi ng aking ina na nakahilera sa'ming pasilyo. Sa unang palapag pa naman ay mayroon naman kaming tatlong kwarto para sa mga katulong, at meron din kaming teresita at malawak na sala na pwedeng matanaw ang buong lupain ng Laguna. Ang kusina naman ay nasa likuran ng hagdan paakyat ng ikalawang palapag.
Ang mga pader ng bahay ay gawa sa marmol na puti na may halong itim samantalang ang pang desenyo naman ay gawa sa ginto at pilak. Sa ikalawang palapag naman ay mayroon kaming limang kwarto kasama na doon ang Master Bedroom. Ang kwarto ko ay katabi lang ng kwarto ng aking mga magulang at ang tatlong natitira naman ay nagsisilbing guest-room.
"Oh, iha? Akala ko naman ay naka-alis ka na. Bakit ka pa nakatayo diyan?"
Nabasag ang katahimikan ng sumulpot sa'king harapan si Tatay Nowel habang hawak hawak ang vacuum at malalaking kurtina. Si Tatay Nowel ang hardinero namin at ang asawa ni Nanay Lita. Katiwala na sila ng aking mga magulang bago pa lang ako ipanganak kaya ganun na lang ang turing ko sa kanilang lahat.
"Magandang umaga po Tay. May naalala lang po kasi ako, hehe. Sige po aalis na po ako" Sagot ko at dali dali kong binaybay ang hagdan pababa at mabilis na naglakad papuntang kusina. Pero napatigil na lang ako ng marinig ko ang hindi pamilyar na boses sa hindi kalayuan ng aking kinatatayuan.
------------------------------------
Follow me in wattpad for more updates.
UN: @pretty_Christia
Author: Hehe pasensya na po kung hndi sya ganun kagandahan but thank you po sa oras ninyo para basahin ito