Chereads / The Lost Princess of Zapphora / Chapter 5 - Chapter 3

Chapter 5 - Chapter 3

"You're not allowed in here" malamig ngunit ma awtoridad na pahayag ni Trex habang lumalapit sakin na may awa at galit sa kanyang mga mata

"A-Alam moba ang lahat ng ito?" mahina ngunit may halong garalgal kong tanong habang nag i-iwas nang tingin sa kanya dahil parang unti unti ako nitong bibitayin sa titig pa lamang nito

"Sorry, but I don't know what are you talking about. Besides, if I ever know this, I won't let you hear any single words, from your parents without an authorization"

masungit ngunit may bahid pag alala sa tono nang pahayag nito. Naging dahilan iyon upang mag angat siya nang tingin dito pero mas ikinabahala niya nang bigla itong tumingin sa pintuan na nakaawang kaya sinundan niya ito ng tingin at nakahinga nang maluwag nang makitang wala na doon ang kanyang magulang. Nasisiguro niya na nasa balkonahe ito at doon nag uusap ng maayos sunod ay nilingon niya muli ang taong kaharap niya at may sinabi na naging sanhi ng pagkakakunot nito ng noo.

"I- I want you to do me a favor please" humihikbi kong sagot habang nakatitig sa mata niya nang daretso kahit na puno na nang kaba at takot ang nararamdaman ko

"Let me hear those favor before I'd say yes"

Nakahinga naman siya ng maluwag nang marinig yong salitang iyon at sa huling sandali ay sinilip niyang muli ang silid opisina ng mga magulang niya at pinasunod sa kanya si trex sa hardin upang doon niya ipapaliwanag ang lahat ng mga kahilingan niya na sana naman ay magtagumpay at makaya niya.

Trex POV

"U-uncle"

"Uncle?" nagtaka naman ako sa pagtawag sakin nito

"Yes, Uncle remember? you're my papa's friend so from now on I'll call you uncle, and also my sign of respect to you po" Tumango na lamang ako dahil tama nga naman ang kanyang sinabi

"As you can see earlier, I already know their secrets...pwede po ba na itago muna natin ang nangyari kanina. Ayoko pong masira ang kaarawan ko sa susunod na buwan kung totoo nga ang sinasabi nila na tungkol sa nakatakdang araw, gusto kopong masulit yung oras ko habang kasama ko pa sila. Hindi ko man kilala kung sino ang tinutukoy nila, pero malakas ang kutob ko na may hindi magandang mangyayari"

Daretsang ani nito habang humihikbi at nakayuko but still, I'm more suprise after hearing those words from her. Matapos nitong malaman ang katotohanan na kahit sino naman ay hindi pangangaraping mangyari iyon pero etong babaeng nasa harapan niya ay nakikiusap pa sa kanya na itago iyon alang- alang sa pagsasama nila ng mga kinilala niyang magulang

"Such a brave young lady" bulong nito sa hangin

"Ok, i'll keep this as a secret but you need to promise me too, because this is not a good damn joke understand" sinubukan niyang palamigin ang boses nito na naging sanhi nang pag angat naman ito nang tingin sa kanya ng may halong pag tataka at saya dahil sa narinig niya

"A-Ano 'yon?"

Rinig kopa ang pabungong-hininga nito bago ako sagutin na may halong hikbi parin siyempre

"You need to come with me after your birthday as long as possible, don't worry harry already know about this and they already accepted my offer"

Napatigil naman ito sa pag hikbi nang marinig ang sinabi ko

"O-Offer? excuse me uncle, but did you say offer? what kind of offer is that? do you have any plan to sell my body?!"

Nanlalaking mata nito sabay atras na nagpatawa namin sakin ng sobrang lakas

"Haha nope. Silly girl, well you'll know about this soon, just stand by and relax ok. Now go back to your room" natatawang sabi ko sabay talikod naglakad na papasok ng bahay

Zharinna POV

"Oh my gosh, mukhang namali ako nang nasabi. Nakakahiya, panigurado namumula ang mukha ko kanina at ang masaklap ay gusto kona agad magpalamon sa lupa, ano ka ba naman kasi zharinna yang isip mo"

Tulala akong pumasok saking silid at napaupo na lamang sa sahig habang sina-sabi ko iyon saking sarili matapos kong marealize ang mga binitawan kong salita kani-kanina lamang. Natigil lang ako sa pag iisip nang may biglang kumatok kaya dali dali kong pinag buksan kung sino iyon at mas lalo kong napatulala nang makita ko kung sino ang taong nasa labas ng aking kwarto.

"Zharinna kaya mo 'yan cheer up arasseo? baka maka-halata sila" tulalang napangiti ako nang makita ang ama ko saking harapan

"Dad w...what do you need? may problema po ba?"

Kabado kong pahayag habang pinag kikiskis ang aking mga paa, ganito ako sa tuwing may problema o kaya ay galit at malungkot ako pero pinag papa salamat ko naman dahil hindi ako nagkakasugat dahil sa hilig kong ito.

"Zharinna anak, kanina kapa namin tinatawag ng mommy mo kaya napagpasya kona akyatin kana lamang dito dahil may mahalaga sana tayong pag uusapan nang iyong ina sa ibaba" nginitian ako nito habang nag aantay ng sagot ko

"S-Sure dad susunod poko hahanapin ko lamang po ang tsinelas ko at baba nadin poko"

"Sige, hi-hintayin ka namin"

Muli akong napasandal sa pinto nang aking isara ito ngunit ng maalala ko ulit ang sinabi sakin ay dali-dali ko ngang hinanap ang aking tsinelas at umalis na sa aking silid. Habang pababa ay nakita ko sila sa sala na naghihintay sakin, napalunok naman ako nang mapansin ko na ka-kaiba na naman ang atmosphere ng paligid kaya naupo ako agad dahil baka matumba ako sa panla-lambot.

"Sit down properly zharinna, kaya ka namin pinatawag ng papa mo dahil may mahalaga kaming bagay na ibibigay sa iyo"

Nakangiti sa akin parehas ang aking mga magulang, pero hindi parin mapag ka-kaila na may bahid na lungkot ang kanilang mga mata habang nakatitig sila sa akin ng daretso.

"A-Ano po 'yon? atska para saan po?"

Naguguluhan ko naman silang binigyan nang nagtatakang tanong. Biglang tumayo ang aking ina at pumunta sa pinakamalapit na lamesa, kung na saan may nakapatong na isang kahon. Kung ti-tiganan mo ay parang napakamahal nito dahil sa kulay ginto nitong kulay, at may salamin sa gitna. Mas nakaka-agaw pansin naman ang kwintas na nagpa ganda pa lalo dito nang husto. Mukhang isang dyamante ito o brilliante na may simbolong nakaukit sa gitna.

Kung tititigan sa malayo ay parang normal lamang ang itsura nito na may maliliit na limang tuldok.

"Napaka pamilyar nito sa akin, Saan ko ba ito nakita?"

Ikinagulat niya naman nang makita ito ng malapitan. Dahil iyon ang kwintas na palagi niyang gustong hingin sa kanyang ina noong bata pa lamang siya. Buong akala niya ay binenta na ito dahil ilang taon din niya itong hindi nakita.

"Iha alam mo naman siguro kung ano ito hindi ba?"

"Yan yung kwintas na sabi mo po na iniregalo sayo ni lola hindi po ba?" Ngunit ngiti lamang ang sinagot sakin ng aking ina at umupong muli sa tabi nang ama ko bago lumingon sakin

"Anak tutal nalalapit na ang kaarawan mo, minarapat konang ilabas ito dahil ang kwintas na ito ay kailangan na ng susunod na tagapag mana "

Isang matamis na ngiti ang binigay sakin ni ina bago ako lapitan habang hawak hawak ang kahon

"Wait, pero ma ibig mo po bang sabihin niyan ay ibibigay mo sakin yan?pero bakit?ma baka mawala ko lamang ito" hindi ko napigilan ang mapasigaw kahit na gustong gusto ko isuot ang kwintas na iyon pero hindi muna maaari dahil sa baka masira ko lamang ito at maiwala

"Zharinna ang kwintas nato ay may mahalagang simbolo ng ating pamilya at isusuot mo ito sa pagsapit nang iyong kaarawan, eto na ang regalo ko sayo" nakangiti nitong sabi habang inaabot sakin ang kahon kaya wala nakong nagawa kundi tanggapin ito at tinignan sabay lingon saking magulang na nakatayo na saking harapan at magkayakap pa.

"Anak may tiwala kami sayo ng ina mo, huwag kang matakot dahil alam kong hindi mo basta basta maiwawala yan. Ipangako mo samin na iingatan mo palagi ang sarili mo" lumapit sakin ang aking ama at hinalikan ako sa noo sabay yakap nang napaka higpit

"Ma?" napalitan ng pag aalala ang aking boses ng aking lingonin ang ina kong halatang pinipigil ang pag iyak. Nang mapansin niya naman ay niyakap din niya ako nang napakahigpit

"Shhh magiging maayos din ang lahat zharinna, may tiwala kami sayo"

Kahit puno nang palaisipan ang tumatakbo sa aking isipan ay wala na lamang akong nagawa matapos akong papasukin muli ng ama ko saking silid. Humiga ako saking kama at pinakatitigan ang aking kisame ngunit nang maalala ko ang kwintas at dali dali ako bumangon upang tignan ito nang masinsinan. Doon ko lamang napansin na may limang simbolo sa mismong pendant nito ngunit ang kanilang pwesto ay magkakaiba dahil ang apat na simbolo ay tila ba pinalilibutan ang isa ring simbolo sa gitna nito

"Napakaganda ngunit ano naman kaya gagawin ko dito sa kwintas? hindi ko maaring isuot ito basta basta dahil isa ito sa pinaka iniingatan ng aking pamilya. Baka lamang ay manakaw pa, mas mabuting itatabi kona lang ito" bulong ko sa hangin at sinarang muli ang kahon

Ngunit nalungkot ako matapos ko maalala lahat ng narinig ko kanina sa silid aklatan at hindi ko na napigilan ang malungkot at mapahiga na lamang muli habang hawak hawak ang kahon

"Sana naman ay hindi tama ang aking iniisip"

Tinabi kona ang kahon sa aking aparador at muli akong lumabas nang aming tahanan. Dumaretso ako sa aming hardin upang tumambay sa may ilalim ng puno kung asaan ito. Ang pinakapaborito kong pwesto saming lupain ay ang hardin maliban sa bahay aklatan, dahil mas nakakapag isip rin ako dito at mas nakaka pag relax ako nang maayos

"Zharinna"

Napatigil naman ako sa pag titig sa langit nang may marinig akong boses. Ngunit nang tignan ko ang aking paligid ay wala namang tao kaya pinagsawalang bahala ko na lamang ito at pumikit nang muli

"Zharinna"

.

.

"agape"

Napabalikwas nako nang bangon ng marinig ko ang tinig na iyon saking tabi. Ilang beses akong luminga para suriin ang aking paligid, ngunit wala namang tao pero mas ikinagulat ko ang marinig ang ko ang huli nitong sinabi na tila ba katabi ko konang muli ang may ari ng boses na ito. Malamig, nakakatakot at may halong awtoridad ang boses nito na parang kayang kaya akong kontrolin ngunit ang mas lalo kopang ikinapag taka ay bumibilis ang tibok nang aking puso na para bang matagal konang kilala ang may ari nang boses na iyon.

Pero bakit ganito ang aking nararamdaman para bang may kung anong sumasaksak saking dibdib

Hindi kona napigil ang sakit na aking nararamdaman kaya naisipan konang bumalik sa aking silid ngunit napatigil ako sa paglalakad nang may nagsalitang muli na parang asa likudan ko naman ang taong iyon

"Zharinna you can't run away from me"

Kasabay nang mga salitang iyon ay bigla na lamang humangin nang napakalakas at bigla nalang nagdilim ang paningin

-

-

-

Isang nakakasilaw na liwanag ang nagpagising sa akin, Naka upo ako sa gitna ng batis na may isang malaking puno saking likuran at namumulaklak ito nang kakaibang uri ng napakagandang bulaklak na ngayun ko lamang nakita, hindi ko maaninag ang kulay nito pero nasisigurado akong hindi lang isang kulay ang mayroon ito. Nilibot ko ang aking paningin saking palagid upang pagmasdan ang mga parang buhay na mga halaman na nakapaligid mismo sa akin at tila ba may mahikang nababalot dito dahil sa sobrang ganda nito ay aakalain mo na nasa paraiso kana nang langit

"Bilisan mo naman iyong paglalakad!"

Nawala ang aking pagkamangha nang may makita akong mga pigura na tila papalapit saking gawi kaya dali dali ako nagtago ng husto sa likod nang puno at nakinig.

"Lorr bilisan mo, ang bagal mo naman eh"

Humarap ang batang babae sa kanya na naka pameywang at tila na-iniinis ng mapansin nitong mabagal maglakad ang kasama nito. Kaya tinalikuran niya itong muli at nagtatakbong lumapit sa may batong di kalakihan at doon naupo

"ang bilis bilis mo kasi maglakad!" masungit nitong pahayag

"Lorr naman alam mo naman na ito ang pinakapaburito kong lugar sa lahat at minsan lang ako makapunta dito,edi kng napipilitan ka lang sana sumama edi umuwi kana tse!"

Tila mas nalukot ang mukha nang batang lalaki dahil sa kanyang narinig at mabilis nilapitan ang batang babae na umuupo sa lupa habang nilalaro nang kanyang mga paa ang tubig ngunit mas nagpagulat sakin lalo ay nang mapansin ko ang kwintas na suot suot nito. Parang nakita kona ito pero hindi ko lang matandaan kung saan

"Diba sabi satin ng mahal na hari ay hindi tayo maaring lumayo baka mapagalitan kana naman niyan ih"

"Ano kaba naman lorr wag mo intindihin ang aking ama panigurado ay mapapanatag din yun kapag nalaman niya na uuwi parin ako nang buo at ligtas diba andyan ka naman. Narinig kong nangako ka sa aking ama na poprotektahan moko"

Hinarap nang bata babae ang batang lalaki at nakangiting binigyan ito nang isang bulaklak na nahulog mula sa kanyang kandungan

"Lorr paglaki ko ipinapangako ko sa sarili ko na ikaw lang ang pakakasalan ko"

Tila namula naman ang batang lalaki at sinuklay nito ang mahabang buhok ng batang babae pero di nagtagal ay tumigil din ng mapansin na biglang nawala ang ngiti sa labi ng batang babae at biglang napayuko

"K-kaso pano yan lorr, narinig ko ang usapan nang aking ina at iyong ina sa silid at ang sabi ng kamahalan ay aalis na daw kayo bago sumikat ang araw pagtapos ng hapunan na gaganapin sa palasyo" nalulungkot nitong himig habang pinaglalaruan sa kamay nito ang bulaklak na hawak hawak

"Babalikan naman kita eh, diba maglalaro tayong muli dito sa batis na ito" isang malungkot na sagot ng batang lalake

"Talaga bang babalikan mo ako?" Tila nabuhay naman ang loob ang bata na kanina lamang ay halos umiyak na

"Hay nako basta ipapangako mo rin sa akin na walang aaligid sayo at hihintayin moko ha" isang malawak na ngiti sabay kurot sa pisnge ang binitiwan ng lalaki

"Oo naman lorr, ipinapangako kong hihintayin kita" tila may bahid na sayang sagot nito

Ngumiti naman ito nang pagkalaki laki at mas lalong nagpalabas naman sa mga ipin nang batang babae na hindi pa kumpleto kaya napatawa nalang ang batang lalaki at niyakap ito

"Now sleep dahil pag tungtong mo sa tamang edad ay hahanapin kita at sisiguraduhin ko din na walang sino man ang pwedeng umagaw sayo sa akin,είσαι δικός μου agape"

[You are mine, agàpe]

Nang marinig ko ang lahat nang iyon ay tila ba pinukpok ng bato ang aking ulo. Nakita kopa ang batang babae na natutulog na habang nakaunan sa kandungan ng batabg lalaki. Napaka pamilyar pero napakaimposible ng aking iniisip dahil ang mga batang iyon ay nasisiguro kong may mga dughong maharlika.

"Hayst tutal bata naman sila ay mabuti pa na maghanap ako ng lalabasan bago pako mabuko" sabat ng aking isipan habang dahan dahang umaalis sa aking pwesto

Bago iyon ay nasisiguro ko naman na nakatalikod sakin ang dalawa ngunit akmang lalabas na ako ng tuluyan mula sa aking pinagtataguan ay narinig kona naman ang boses na tila ba nakapalamig ngunit may bahid ng lambing.

"θα επιστρέψω"

[I'll be Back]

Nilingon ko muli ang pwesto nang dalawang bata ngunit ganun na lamang akong kinilabutan ng makitang nakatitig sakin ang batang lalaki habang unti unting nagdidilim ang aking paligid kaya napatakbo ako ngunit sa hindi inaasahan ay nadulas ako sa ugat ng puno kaya nahulog ako sa tubig na hindi ko malaan kung saan nang galing.

-

-

-

Dahan dahan kong dinilat ang aking mga mata ngunit bigla din akong napapikit dahil sa liwanag na sumalubong sakin ganun din ang mga boses na tila ba natataranta. Napansin ko namang ang kakaibang amoy at purong puti na kwarto. Doon ko lamang na isip na asa hospital ako dahil sa may nga kagamitan at aparatong nakakabit sakin

"Oh my god, sweetie are you okay? kamusta ang pakiramdam mo?"

"M-ma" nilingon ko ang pinanggalingan nang boses na iyon at nakita ko ang aking ina na halos wala atang tulog at mugtong mugto ang mga mata

"Shhh mahiga ka muna, wag ka gumalaw dahil hindi pa mabuti ang lagay mo"

Lumapit naman samin si trex at sinabihan ang aking ina na kumalma dahil sa hindi parin ito tumatahan at tila ba nakakita nang patay na muling nabuhay.

"I already called the doctor, and they said that they on the way here" Habang inaabot nito saking ina ang hawak na tissue

"Thanks Trex"

"Ma, b..akit po ako nasa hospital?ano nangyari?a-san po si papa?" Kinakabahan kong tanong habang nagpapalipat lipat ng tingin sa kanila. Hinalughog ko din nang tingin ang kwarto dahil sa hindi ko napansin ang presensya ng aking ama

"Asa bahay ang ama mo umuwi muna siya dahil may inasikaso siya sandali pero babalik na din yun" hinawakan ako sa kamay ng aking ina ng akma akong uupo

"P-ero ma bakit nasa hospital tayo?" Kahit nahihirapan ay pilit kong binubuo ang boses ko

Tinitigan muna ako nito ng mabuti bago sumagot "Wala kabang naalala zharinna?"

Yumuko ako at inubukan kong isipin ang nangyari

"Sa pag kakatanda ko ay nasa hardin ako at balak matulog pero may mga boses akong naririnig ang kaso wala namang tao dun maliban sakin at huli ko na ding natatandaan ay ng marinig ko muli ang tinig nya na tila ba binalaan ako ay doon na bigla na nagdilim ang aking paningin"

"Ang naalala ko na lamang ay nasa hardin ako at may tumatawag sa akin ng mga oras na iyon ngunit wala namang tao maliban sakin at sa buong paligid. Nung ako naman ay aalis na ay narinig kong muli ang boses ns iyon at dun na nagdilim ang akong paningin" nakatitig ako sa mata nang aking ina habang pinaliliwanag ang lahat ng nangyari sakin kanina

Tinitigan din niya ako ng husto at huminga ng malalim "Hindi kaya ay nanaginip ka lang anak?"

Napansin ko namang tahimik lang si Tito Trex sa aming gilid na tila ba may malalim na iniisip ganun din ang aking ina na para bang nakakita na naman ito ng multo

"S-iguro nga po, baka po kulang ako sa tulog. ay ma ilang oras na po ako naka confine?"Napasinghap naman ang aking ina nang marinig ang aking sinabi

Muli ay umiyak na naman ang aking ina habang nagpapaliwanag sakin "Zharinna not just hours but 2 days, 2 days kanang tulog. Nakita ka na lang ni Tatay Nowel na nakahandusay sa damuhan. Ang buong akala namin ay nahimatay kalang ngunit nang mapansin namin na hindi kana humihinga ay sinugod kana namin agad nang ama mo*sob*buong akala namin ay mawawala kana samin pero nang sinugod ka namin ay biglang bumalik ang tibok nang puso mo. Nagising ka noong isang araw na para bang wala sa sarili at para bang may tinatawag ka ngunit di namin maintindihan dahil napakahina ng boses mo"

Napatigil ako ng marinig ko ang sinabi sakin ng aking ina, pero mas nagtataka ako ng malaman kong muntikan nakong mamatay dahil lamang sa maiksing panaginip na iyon.

"S-iguro ay pagod lamang ito ina kaya nanaginip ako nang masama"

Kahit na nag- alala ay pilit kong iniiba ang usapan at tila namang nakumbinsi ko ito kahit napakahirap paniwalaan ng dahilan niya.

Habang nag-iisip ay may nag abot sa kanya ng isang basong tubig at ng sinundan niya ng tingin ang nag mamay ari ng kamay, pero napatigil siya ng mapagtanto kung sino..dahil walang iba lamang kung hindi si Trex.

"Pero alam moang mas ikinapagtataka namin zharinna. Yun yung matagpuan ka namin sa hardin habang may kasa kasamang matandang lalaki"

Tila nabato naman ako saking pwesto nang marinig ko ang mga iyon, pero mas lalo kong nanlamig dahil parang may mga pares ng mata na tila nagmamanman sakin mula sa malayo kaya napatingin ako bigla sa bintana namin na biglang nagbukas. Kasabay ng pagsayaw ng kurtina at ay umihip ang napa- lamig na hangin na para bang may iba pa kami kasama sa silid na ito, ngunit wala namang akong ibang kasama dine maliban ang aking ina at si trex.

-----------------------------------------------------

Hey yow hihi update muna kahit hirap sa signal but pag bumalik na uli net namin mag uupdate na uli ako palagi , hikhik thank you sa oras❤

April 23, 2020

May tinanggal ako at binura, dun sa mga magbabasa palang haha swerte niyo at edit ko na.

Follow me in wattpad for more updates.

UN: @Pretty_Christia