Chereads / The Lost Princess of Zapphora / Chapter 4 - Chapter 2

Chapter 4 - Chapter 2

Hindi pa man malapit ay rinig na rinig ko na ang boses ng aking pinakamamahal na mga magulang, pero mas nangingibabaw doon ang tawa at masayang tinig ng aking ama na tila ba nanalo ito sa loto dahil mukhang good mood ngayong araw na ito.

Huminga muna ako ng malalim at muling nagpatuloy sa aking paglalakad, hindi ko maiwasan ang mapayakap sa aking sarili habang lumalapit ako. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa aming pamamahay.

Habang papalapit, bigla nalamang siyang napatigil sa paglalakad at napatitig sa pigura ng isang lalaking nakatalikod sa kanya na tila ba kanina pa ito nag hihintay at inip na inip na.

Nilingon at binati siya ng kanilang katulong na si dona kaya naman naagaw nito ang pansin ng kanyang ama. Isang minuto rin siyang naka tayo sa bungad ng pinto bago naglakad papalapit sa mesa na may kabang dinadala.

"Good morning iha, halika at sabayan mo na kaming kumain ng umagahan" sinalubong ng ama niyang mayroong malaking ngiti at ganun rin ang kanyang ina na tila ba may isang himalang nangyari.

"Good morning iha, kamusta ang naging tulog mo?sinadya kong ipagising ka ng mas maaga dahil may bisita tayong darating ngunit ang sabi sakin ni manang kora ay nag sisisigaw kapa daw sa kwarto mo sabihin mo nga sakin Reign.? May ginawa kana naman bang kalokohan?" tila mapanuri, matalim at nagtatakang tanong sa kanya ng kanyang ina

"G-Good morning din po, nako wala po iyon mama nanaginip lang po ako. Napasama po kasi alam niyo naman nako kakakain kaya ayun binabangungot na" kahit kinakabahan ay pilit akong nagpaliwanag

Kamot batok lamang siya at muntik nang mabulunan ng sariling laway nang mapansin pa niya na muntikan pang hindi paniwalaan ng kanyang ina.

Dahil sa medyo nauutal nitong paliwanag at dahil narin sa pasulyap sulyap na tingin ng lalaki sa kanya kaya hindi na siya makapagsalita ng maayos pero mas pinagtataka niya dahil nakatagilid sa kanya ito na animoy walang balak humarap dito at titigan siya kahit isang segundo lamang

"Bakit parang may kakaiba ngayong araw, hindi ko mawari kung ano ba ang aking nararamdaman"

Sa lalim ng kaniyang pag iisip ay hindi na pala niya namalayang nilalaro na niya ang isa sa mga baso na naglalaman ng kanyang inumin habang tinititigan ito ng walang buhay ang mga mata. Napansin naman ito ng mag-asawa kaya tinawag siya ng ilang beses ngunit tila walang ito sa sariling katinuan.

"Reign, stop playing your milk!" madiing ani ng kanyang ina na kulang nalang ay umusok ang ilong at tenga nito

Doon ko na lamang napansin na halos matapon na pala ang aking gatas sa mga pagkain. Dali dali ko naman itong binitawan at tinago ko na lamang ang aking mga kamay sa ilalim ng lamesa

"Pasensiya napo mama, papasok napo siguro ako" nakayuko at nahihiya kong sagot bago ako tumayong muli pero pinigil ako ng ama ko ng isang tingin kaya yumuko na lamang ako at napakapit ng mahigpit sa aking uniporme

"Ano kaba hon wag mo pagalitan ang anak natin at baka mawalan ng gana kumain, pinaluto kopa naman ang mga paburito niya" nakahinga naman siya ng maluwag nang marinig nito ang tinig ng kanyang ama na tila ba nanglalambing sa ina niya na ngayun ay matatalim ang mga titig na pinupukol sa kanya

"At isa pa, nakakahiya sa bisita natin" Kahit bulong lamang iyon ay hindi parin ito nakaligtas sa kanyang pandinig ngunit nang mga sandali din na iyon ay dun lamang niya napansin na nakaharap na pala ang lalaking kanina pa niya gustong makita ngunit mukhang gusto niya na atang tumakbo paalis sa pwesto niya ng makita ang itsura nito.

"Hala, nakakatakot naman bakit meron siyang malaking hiwa sa mukha?" Kinabahang ani nito sa kanyang sarili

"Iha maupo kana"

Bumuntong hininga muna ang kanyang ina bago ito tumayo at lumapit sa kanya. Ito na mismo ang umalalay sa kanya ngunit hindi nakawala sa kanyang pandinig ang mariing pag bulong nito na ikinatigil at ikinayuko niyang muli

"Huwag mo kaming ipahiya sa bisita namin, umayos ka"

Nginitian niya na lamang ito nang pilit nang makaalis ito sa tabi niya.

"Sige na, damihan mo ang kain"

Sa sobrang kahihiyan ay napababa nalang ang tingin niya sa harapan at doon napagtanto na lahat ng kanyang paborito ang nakahain ngayun. Dali-dali itong nagsandok nang pagkain at sunod-sunod na sumubo na parang hindi nakakain ng isang taon. Mukha nagulat naman ang kanyang mga magulang sa asal na pinakita ng mapansing nakatitig sila sa kanya pati ang estrangherong lalaki na may pilat sa mukha. Napayuko na lang itong muli habang ngumunguya ng marahan.

"Ehem any way, Zharinna since you're already late in your class just don't go to school for today dahil meron tayong isang mahalagang pag uusapan, don't worry honey ako na bahala sa teacher mo"

Kinabahan naman ako ngunit napatango nalang ako na may halong pagkagulat sa mukha ng sabihin sakin iyon ng aking ama dabil minsan lamang niya akong pa absinin, minsan nga pag nakikita niya akong hindi pumapasok ay pinagagalitan niya pako dahil sa kapupuyat ko ka-kawattpad pero nakakapag taka dahil pinagliliban niya pako sa klase ko

Tahimik lamang kami habang kumakain ng biglang binasag ni ina ang katahimikan na sumasakop sa buong paligid.

"By the way, reign do you have any plans for the next month? Since you're now getting in legal age...What gift do you want sweetie? Car? Gadgets?Clothes? Shoes?" Binaba muna nito ang hawak na kuwadernos at nag punas ng bibig bago nagsalita

Masasabi ko na ang ina ko ay isang napakabuti at maalagang magulang. Hindi naman siya istrikto at masungit, ngunit pinag tataka ko lamang kung bakit ganto nalang ang kanyang reaksyon ngayun dahil noon naman ay halos siya ang maging kapareha ko sa tuwing gagawa ako ng kalokohan lalo na sa aking ama

"Reign, reign!"napatigil naman ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses ng aking ina at doon lang pumasok sa aking isipan ang kanyang mga sinabi

"hala next month na pala birthday ko, diba October palang? Bakit ang bilis naman ng araw. Mag December na pala at ang masaklap magiging ganap na dalaga nako, huhu gusto kopa ienjoy yung pagiging bata ehh"

"Oo nga naman anak hindi kapa nagsasabi samin kung ano ang balak mo sa iyong kaarawan" sagot din ng aking ama habang pinag papatulog nito ang pagkain

"Eh mom, hindi pako nakakapag isip kung anong balak ko ngayun. Masyado po kasi busy sa school kaya di ko napansin na ano malapit na pala birthday ko"

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ng aking mga magulang ngunit mas narinig ko ang pag tikhim ng estranghero na nakapwesto sa bandang dulo ng lamesa habang nakatitig saamin

Bale ganito ang pwesto namin

Mom Ako Upuan upuan

Dad Estranghero

upuan upuan upuan upuan

"Oh yes dear nakalimutan ko ipakilala sayo si Trex. Zharinna meet My friend you must call him Tito Trex okay malapit din siyang kaibigan kay Papa and Trex this is my one and only daughter Zharinna"

Nginitian ko naman ito ngunit nag iwas lamang ito ng paningin sakin para maging dahilan ko upang magulat sa kanyang iniasta.

Kaya pinagpatuloy na lamang niya ang pagkain ngunit naalala niya ang nasaksihan kanina sa banyo kaya napatanong siya sa kanyang magulang kung may peklat nga ba siya

Tumikhin muna siya upang maagaw nito ang atensiyon ng kanyang magulang at hindi nga siya nabigo. "Ma, i have something to ask po"

"Yes, what is it?" taka naman siyang sinulyapan ng ina at ama

"May peklat po ba ako?"

Tila nabulunan naman ang kanyang ama at ang estranghero kaya napatitig siya dito ngunit saglit lamang iyon at sinalubong muli ang mata ng kanyang ina na para bang tinakasan ng dugo ang mukha nito dahil bigla itong namutla

"P-peklat? pano mo naman nasabi yan? wala kang peklat ng ikaw ay aking isilang" mukhang kabado pa ang ina niya nang sabihin niya ito at napagtanto nga niya na parang may tinatago ang mga ito sa kanya lalo na ang kanyang ama na nag iwas ng tingin at para bang hindi mapakali sa kanyang kinauupuan

"K-kanina lamang po kasi ay may napansin ako saking likuran sa bandang baba ng aking bewang na parang may marka ako na hindi ko mapaliwanag. Bigla bigla din po itong nawala, n-naisip ko kasi na ano na baka malabo na ang mga mata ko kaya tinanong ko kayo dahil balak ko po sanang magpatingin sa doktor pagtapos sana ng aking klase" mahaba kong paliwanag bago ako yumuko at paglaruan ang aking mga daliri

"N-no, sweetie namamalikmata ka lang at pano ka naman magkakaroon ng peklat. Kami mismo ang nakakita nung ikaw ay unang isilang ng iyong ina, sasamahan kita magpatingin mamaya and please wag kana pumasok at magpahinga kana lamang sa iyong silid baka kulang ka sa lang sa tulog"

Nahihirapang banggit ngunit may halong otoridad na sabi sakin ng ama ko at pagtapos noon ay tumayo na siya at tinitigan ang estranghero na nakikinig lamang saming usapan. Naglakad papalabas ng dining area ang aking ama at ganun din ang ginawa nung trex na sumunod sa aking ama papunta sa pangalawang palapag ng aming tahanan

"Anak mabuting magpahinga ka muna dahil mamaya ay may pag uusapan tayo pero sa ngayon ay dun ka muna sa kwarto mo"

hinalikan muna ako ni ina bago tumayo at sumunod saking ama. Naiwanan akong mag isa sa lamesa kaya napag isipan ko na tapusin nalang ang aking kinakain habang nag iisip ng malalim.

"Siguro nga ay namamalikmata lang ako"

-

-

Nang matapos akong kumain ay pumanik narin ako at akmang bubuksan kona ang pintuan ng aking silid ng makarinig ako na tila ba may nagtatalo sa silid opisina nang aking mga magulang. Lumapit ako nang dahan dahan at nakinig dahil may siwang ang pinto ngunit pinagsisihan ko lamang ang aking ginawa.

Napaupo ako at napatutop na lamang ako saking bibig habang unti unti kong hinahayaang mag simulang magunaw ang aking mundo ng madinig ko ang salitang iyon.

Someone's POV

"Hindi naba ako nagkaka mali ng aking hinahanap?"

Pinagmamasdan niya lamang ang mga nakahilerang kristal sa kaniyang harapan ng dumating ang taong kanina niya pa inaantay. Kahit hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin ay ramdam naman niya ang kanyang prisensya sa kanyang likudan

"Oo, at nasisigurado ako na sa oras na dumating ang lahat ng ating hinihintay ay maaring masira ang ating mga plano"

"Kung ganun ay maghahanda nako"Tinitigan ko nang daretso ang kasama ko bago sumulyap sa hawlang puno ng dugong umaagos

"Kailan mo pa planong simulan?" sinilid kong muli sa hawla ang kahuli-hulihang ibon na hawak hawak ko at muli akong humarap sa kanya

"Kapag nagsimula na ang unang pahina."

Sa huli ay tinitigan niya na lamang ang ibon hanggang sa unti unti itong lumobo at maglaho na parang bula.

Zharinna's POV

Pinilit kong tumayo mula sa aking pagkaka upo ng mga sandaling iyon upang umalis sa harapan ng pintuan ng aking mga magulang ngunit napatigil na lang ako dahil sa ayaw gumalaw ng aking mga paa. Kahit na nang hihina ay kumuha ako ng suporta sa pader at muli kong narinig ang kanilang pag uusap dahil sa nagpapalitan na ito ng mga sigaw...

"Harry, kailangan na nating siyang paalisin! Hindi na ligtas dito. Malapit na siyang tumuntong sa nakatakdang edad na sinabi nang propesiya, baka mapahamak pa siya kung mamalagi pa siya dito"

"Alam ko iyon Victoria pero hindi pako handa para sabihin ang totoo, baka lumayo ang loob--"

Kahit hindi man nito banggitin ang kanyang pangalan ay malakas na ang kutob niya na may nais itong tukuyin pero sino? Siya lamang ang nag iisa nitong anak, maaring siya nga ang tinutukoy ng mga ito.

"Harry nag iisip kaba? Kung ipagpapatuloy natin ito,madaming tao ang mamatay at maaring ikabagsak ito ng---"

Hindi ko na narinig ang sinasabi ng aking ina ng putulin ito ng aking ama, kahit sobrang sakit at pinili ko paring manahimik habang nakikinig sa pag uusap nilang dalawa

"Alam ko naman yun mahal ko pero n-napamahal na siya sa akin Victoria, siya lamang ang aking tinuring na anak at nag iisang anak ko simula ng mapunta siya satin"

"Ganun din naman ako harry, Pero nagpapakita na ito sa kanya, wala na tayong magagawa kung hindi ang sulitin ang huling araw na natitira"

Sumilip muli siya sa siwang at natuklasan niya ang ina niya kung pano yakapin ang ama niya na parang ano mang oras ay hihimatayin na dahil nakahawak ito sa kanyang dibdib at kabinet

"Nakalimutan mona ba ang lahat bago tayo nagsimulang muli" tinitigan ng kanyang ina sa mata ang kanyang ama at niyakap ng mahigpit at bumulong sa hangin

Pero hindi parin iyon nakaligtas sa kaniyang pandinig dahil sa layo ng kanyang pwesto ay rinig na rinig niya parin ang mga binitawang mga salita nito

"Nanumpa tayo mismo sa nakakataas Victoria"

"Na po-protektahan natin siya hanggang sa huli nating hininga"

-

-

Umiiyak na lang din siya ng tahimik habang bumabalik sa kanyang isipan ang usapan ng kanyang magulang. Tila ba pinapatay siya ng mga salitang iyon at mas lalong siyang nanghina ng marinig ang huling salita na nanggaling sa kanyang kinikilalang ama at ina na nagpalaki sa kanya nang mahigit labing pitong taon.

Ngunit natigil siya sa pag iyak ng makita ang isang pigura na nakatayo malayo sa kanya at daretsong nakatitig sa kanya na may halong pag alala at awa sa mga mata nito.

-----------------------------------------------------------------

[Author : Hello hikhik thank you po uli sa oras ninyo sana po patuloy po ninyo kong subaybayan😊]

P.s : nagdagdag poko ng ilang mga salita haha

Follow me in wattpad for more updates.

UN: @Pretty_Christia