Chereads / MY POOR PRINCESS (TAGALOG) / Chapter 5 - CHAPTER FOUR

Chapter 5 - CHAPTER FOUR

LALONG nainis si Cathy kay Dennis ng basta na lang siya nito iniwan pagkatapos ng reception. Nadagdagan ang pagkamuhi niya rito dahil nawala ito ng dumating ang kaibigan nitong matapobre na ang pangalan ay Ashley. May sasabihin lang daw ang Ashley na iyon na importante kaya nagpaalam si Dennis na kakausapin lang ang kaibigan. Nang makaalis ang dalawa ay sinabi ng mga kaibigan ni Dennis na bestfriend ng binata si Ashley. Doon niya din nalaman na isang Cortez si Ashley. Kaya pala ganoon umasta, may ipinagmamalaki pala sa lipunan ang pamilya nito. Kumulo ang dugo niya ng makalipas ang kalahating oras ay hindi pa rin bumalik si Dennis kaya nagdesisyon siya na lisanin ang lugar na iyon.

Ayaw niyang mapahiya kaya mas mabuti ng umalis nalang. Hindi naman talaga niya nobyo ang lalaking iyon kaya hindi niya ito dapat hintayin at sundin.

"Bakit nakasimangot ka dyan?" tanong ni Mazelyn sa kanya.

Tumawag kanina ang kaibigan para sabihin sa kanya na nais nitong makipagkita. Agad siyang pumayag dahil wala naman siyang gagawin sa flower shop niya. Nais din niyang iwaglit sa isipan ang nangyari noong nakaraan. Hindi niya kasi mapigilan ang galit sa binatang basta na lang siya iniwan pagkatapos ipakilala siyang nobya sa kaibigan nito. Well, hindi naman nito sinabing nobya siya ngunit iyon din ang pinapalabas nito sa galaw nito. Pinaglaruan siya ng hudyo at ang sarap niyang patayin.

"May naalala lang ako." Sagot niya at tinusok ang kasaba cake na nasa harap niya.

"May nangyari na naman ba sa shop mo?"

"Wala pero may tao akong gustong patayin. Gwapong antipatiko na sarap ihulog sa bangin. Kapag nabigyan ako ng pagkakataon hindi lang sipa ang matitikman niya sa akin." Galit niyang sabi at walang awang pinaghihiwa-hiwa ang pagkain sa harap.

"May nakaaway ka. May tumapat diyan sa katarayan mo."

Umangat ang tingin niya at tinitigan ng masama ang kaibigan. "Tumahimik ka dyan, Maze at baka gusto mong ikaw ang ihulog ko sa bangin."

Instead of feeling scared because of what she said, Mazelyn just laugh at her. "Ano ba kasing ginawa sa iyo ng lalaking iyon?"

Napasimangot siya sa tanong ng kaibigan. Bigla na naman kasi pumasok sa isipan niya ang ginawa nito sa kanya. "Ahhh!!! Don't talk to me, Mazelyn Lu. Baka makalimutan kong kaibigan kita at ihulog talaga kita sa bangin."

Lalong tumawa ng malakas si Maze. "Baliw ka talaga, Cathy."

Mas sumimangot siya sa sinabi nito. Hindi talaga siya siniseryuso ng babaeng ito. Wala na ang pagiging bitter ng isang ito dahil sa wakas ay nagkaayos din ito at ang lalaking sinisinta nito. Masaya siya sa kaibigan dahil sa nangyari dito.

"Nasaan na ba si Sancho?" tanong ni Maze pagkalipas ng ilang minutong katahimikan sa pagitan nila.

"Iwan ko sa unggoy na iyon. Wag na sana siyang dumating."

Ngunit hindi dininig ang panalangin niya dahil biglang dumating si Sancho na maganda ang bukas ng mukha. Lalo siyang napasimangot. Siya lang pala ang miserable ng mga sandaling iyon.

"Hey guys!" bati nito at umupo sa tabi ni Maze. Tumingin sa kanya ang kaibigan. "Anong nangyari sa'yo?" tanong nito sa kanya.

"Anong paki-alam mong unggoy ka sa mukha ko?" mataray niyang tanong.

"Tinatanong ka lang." sagot nito at hinarap si Maze. "May nangyari ba sa amazona na iyan?"

"May naka-away ang isang iyan. Unggoy din daw kagaya mo." Sagot ni Maze. Ito na ang nagtawag sa waiter.

"Unggoy? Mas gwapo ba sa akin ang unggoy na naka-away mo, Cathy?" tanong ni Sancho na ikinainit ng ulo niya.

Malakas na sinipa niya ang paa nito sa ilalalim ng mesa.

"Aray!!!" sigaw ni Sancho na ikinatingin ng mga tao sa coffee shop na iyon. "Bakit ka naninipa, Cathy?"

"Naiinis ako. Wag mong tatanungin sa akin ang pagmumukha ng lalaking na iyon."

Nataas ang kilay ni Sancho. "Kung ganoon ay lalaki nga ang naka-away mo at basi sa reaksyon mo ay gwapo siya. Kailan pa naging gwapo ang isang lalaki sa iyo, Cathy?"

"Tumahimik kang unggoy ka kung ayaw mong ikaw ang ihagis ko sa bangin."

"Common, Cathy. Matagal mo ng pinagbabantaan ang buhay ko pero hindi mo naman ginagawa. Kailan ba mangyayari iyang sinasabi mo?"

Napakuyom ang mga kamay niya sa tanong nito. Umiinit ang ulo niya dahil kay Sancho. Walang-hiya talaga ang lalaking ito. Ang lakas talaga nitong mang-asar. Kinuha niya ang bread knife sa harap niya at walang pag-alinlangan na itinusok iyon sa cake na kinakain ni Maze.

"Tumigil kang unggoy ka dahil talagang papatayin kita pagnagkataon." Madilim ang mukhang sabi niya dito.

Hindi umimik si Sancho ngunit nakipagtitigan naman ito sa kanya. Wala siyang nakitang takot sa mukha at mata nito. Instead she saw spark of happiness at his eyes. Tuwang-tuwa pa itong makitang nagagalit siya.

"Tumigil na nga kayong dalawa. Para kayong aso't puso. Sige kayo, baka isa sa inyo mahulog ang loob sa isa't isa."

Sabay silang napatingin ni Sancho kay Mazelyn. Parehong may disgusto sa mukha nilang dalawa. Nagbibiro ba itong kaibigan niya? Hindi iyon magandang biro. Nangilabot ang buo niyang pagkatao sa sinabi ni Mazelyn. Kahit noon pa ay wala siyang naramdamang especial kay Sancho. Tanging kaibigan lang ang turing niya.

"No way, Maze. Alam mong noon pa man ay may iniibig na ang puso ko." Mabilis na sabi ni Sancho.

"Hindi ako magkakagusto sa mukhang unggoy na ito." Tinuro niya pa ang binata.

Tumawa lang si Mazelyn at kinain ang cake na tinusok niya ng bread knife. Hindi nito pinansin ang sinabi niya. Itinuon na lang din niya ang sarili sa pagkain ng kasaba habang si Sancho ay nag-order na din. Nagkwentuhan sila tungkol sa mga nangyari sa buhay nila nitong nakaraang linggo. Nagkwento naman siya ngunit iniwasan niya ikwento ang tungkol kay Dennis. Alam niyang iyon ang hinihintay ng mga kaibigan niya ngunit walang nagawa ang mga ito dahil wala talaga siyang balak na magkwento sa mga ito.

Nang tumawag ang nobyo ni Maze na si Shilo ay nagdesisyon silang umuwi na.

"Hatid na kita, Cathy." sabi ni Sancho sa kanya.

"I bring my car." Ipinakita niya ang hawak na susi dito.

Ngumiti lang si Sancho at nagkibit balikat. Tinaasan niya lang ito ng kilay bago tinalikuran. Nilakad niya lang ang buong parking area. Hindi naman kalayuan ang pagkakaparada ng kotse niya. She was humming while walking towards her car. Malapit na siya sa kanyang kotse ng mapansin niya ang isang papel na nakaipit doon. Mabilis siyang lumapit at kinuha iyon. Salubong ang kilay niya ng makitang hindi iyon ticket for wrong parking.

Binasa niya ang nakasulat doon at nanlamig ang katawan niya. Mukhang nahanap na siya ng lalaking naging dahilan ng pagkakalayo nila ng anak. Napakuyom siya. Kung ganoon ay nasa paligid lang ang lalaking iyon. Agad niyang inilibot ang paningin sa paligid. Wala siyang napansin na kakaiba. Alam niyang nanginginig ang kamay niya ng mga sandaling iyon. A memories of past flows to her. Ilang beses na ba niyang napaginipan ang masamang ala-alang iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakalimot sa masalimot na nakaraan niyang iyon na itinago niya sa mga kaibigan. Tanging ang pamilya niya lang ang nakakaalam na minsan na siyang muntik mamatay.

Agad siyang pumasok ng kanyang kotse at hinagilap ang phone niya. Kailangan niyang tawagan ang anak, baka pati ito ay nahanap na din nito. Maari iyong mangyari lalo na at isang masamang damo ang tumatangka sa buhay nito. Dalawang ring palang ay sinagot na agad ng anak ang tawag niya.

"Mom, ma---"

"Are you okay?" tanong niya agad.

Hindi agad nakasagot ang anak. "I-I'm fine, Mom. May nangyari ba? Bakit parang hinihingal ka?" nabahiran ng pag-aalala ang boses ni Mary Ann.

"He found me, anak."

"What?"

"Nasa paligid lang siya at minamatyagan ako." Muli niyang tinitigan ang sulat na hawak. "Pinadalhan ako ni Marko ng isang pagbabantang sulat."

"Anong sinabi niya?" Walang bahid ng takot ang boses ni Mary Ann, bugkos ay galit.

"Ako ang magiging kabayaran kapag hindi kita ibinigay sa kanya."

Hindi nakapagsalita ang anak sa kabilang linya. Alam niyang napapaisip ito. Kung dati ay matapang siya kapag nasa ganoong sitwasyon ngayon ay hindi na. Natatakot siya hindi para sa sarili kung hindi para sa anak. Mary Ann is so precious to her. Ito ang nagbigay ng ibang kaligayahan sa buhay niya. Simula ng dumating ito ay nakita niya ang kahalagahan ng buhay. At alam niya na naging magandang impluwensya sa pamilya nila ang anak. Simula kasi noon ay nagbago ang ama niya. Hindi perpekto ang ama nila at marami itong pagkakamali sa kanila pero pagdating kay Mary Ann ay handa itong sumugal. Dumating si Mary Ann sa pamilya nila ay nagbago ito.

Muling itinuon ng ama ang sarili sa negosyo nila at hindi na gumawa ng labag sa pantao. Kaya nga ng manganib ang buhay ng anak ay pumayag itong protektahan ang kanyang anak.

"I tell Kuya Jacob. Hindi ako makakapayag na muli ka niyang gawan ng masama, mommy. Papatayin ko siya kapag nangyari iyon." Galit nab anta ng anak.

"Mary Ann..."

"Hayop talaga ang lalaking iyon. Sukdulan na talaga ang kasamaan niya. Hindi ako makakapayag na mapahamak ka ulit, mommy."

Pumatak ang mga luha niya ng marinig ang sinabi ng anak. Sobrang laki ng pinagbago nito. Mula sa isang mahinang babae ay naging matapang at may prinsipyong tao ang anak niya. Masaya siya na napalaki niya ito ng maayos kahit na nasa malayo ito.

"I'm okay now, Mary Ann. Tumawag lang talaga ako para alamin kung okay ka lang. Natakot ako bigla at baka nahanap ka niya. Alam mong ayaw kong may mangyaring masama sa iyo,"

"I'm fine, mommy. Alam mong kaya kong protektahan ang sarili ko. Hindi na ako ang batang Mary Ann. Hindi ba ako na si Marie Silina Annie Dela Costa. At bilang isang Dela Costa ay dapat akong maging matapang. Hindi na muli ako magpapaluko sa isang tulad ni Marko."

Sumilay ang isang ngiti sa labi niya ng marinig ang buong pangalan ng anak. Hindi niya akalain na yayakapin nito ngayon ang pangalan na iyon. Noon ay naiilang at ayaw nito, kaya masaya siya na marinig mula dito kung gaano nito ipinagmamalaki na isa na itong Dela Costa.

"Masaya ako at okay ka lang anak. Mag-ingat ka dyan. Iyan lang naman ang nais ko."

"I fine here, mom. Ikaw ang dapat mag-ingat ngayon. Marko is out there, looking for the perfect time to hurt you."

"Don't worry, like you, I can protect myself."

"Mom..."

"I'm fine, Mary Ann. Just take care of yourself. I love you, my baby."

Napabuntong-hininga ang anak. "Fine! Call me if something happen. I love you too, Mom. I be home soon."

Lalo siyang napangiti dahil sa sinabi ng anak. "Don't hurry up. Enjoy yourself in Australia."

"I will."

"Bye, my baby."

"Take care, mom. Bye." Siya na ang pumatay ng tawag.

Napatitig siya sa phone niya. Isang ngiti ang sumilay sa labi niya ng makita ang larawan nila ng anak na ginawa niyang wall paper. Kuha iyon ng minsan niyang pinuntahan ito sa Australia. Nagbonding talaga silang dalawa. Masaya siya kapag kasama ang anak. Pakiramdam niya ay bumata siya dahil masayang kasama ang anak. Pagnagkasama sila ni Mary Ann ay buong akala ng mga ito ay magkapatid sila. Kapag sinabi nilang mag-ina sila ay tinataasan lang sila ng kilay. They don't mind. Para naman kasi sa kanila ni Mary Ann ay mag-ina sila at masaya sila sa ganoong set up.

---Flashback---

ISANG ngiti ang sumilay sa labi ni Cathy ng makita ang saya sa mukha ng babaeng nakilala niya kagabi. Hindi niya akalain na mailigtas niya ito mula sa mga lalaking iyon na nais itong ibinta sa bahay-aliwan. Isa sa guest room sa bahay ng ama natulog kagabi ang babae. Pagkagising nito ay nag-almusal sila at nilisan ang bahay ng kanyang ama para umuwi sa sariling bahay niya.

"Sinabihan ko ang mga katulong kagabi na linisin itong magiging kwarto mo. Simula ngayon ay ito na ang magiging kwarto mo."

Napalingon sa kanya ang bata na puno ng pagtataka ang mga mata. Para bang may sinabi siya na hindi kapaniwala dito. Napangiti siya at nilapitan ito.

"Dito ka na uuwi simula ngayon."

"Bakit po dito?"

"Bakit hindi dito? May problema ba kung dito kita pa-uuwiin?" Balik tanong niya sa bata.

"Hindi niyo po ako kilala. Kahit nga po pangalan ko ay hindi niyo po alam."

Napangiti siya. "Well, I know your name. Ikaw si Mary Ann Padilla at taga-San Jose, Bulacan."

"Pero iyon lang ang alam niyo sa akin. Hindi po ba kayo natatakot baka masama akong tao?"

"Bakit masamang tao ka ba?" pinakatitigan niya ang mukha nito.

Nakayuko ito at hindi maitatago ang lungkot sa mga mata nito. Alam niyang may pinagdaanan ang batang ito at nararamdaman niya iyon. Narinig niya ang lahat ng sinabi nito kahapon sa mga pulis. They report what happen. Kailangan nilang mareport sa mga pulis ang nangyari para makapagfile sila ng TRO. Doon niya nalaman ang kwento ng batang ito. Nalaman niyang eighteen years old na ito. Pareho daw namatay sa isang car accident ang mga magulang nito at dahil sa walang pera ay napilitan na mamalimos sa kalsada. Doon nito nakilala ang lalaking nangangalang Marko. Ang sabi daw dito ng kapwa palaboy ay madaling lapitan si Marko kaya dito ito ng hiram ng pera ngunit may kapalit. Kapag hindi nakapagbayad sa panahong itinakda si Mary Ann ay magbabayad ito sa ibang paraan. Ginamit ng bata ang perang natanggap kay Marko para magsimulang magbinta ng sampaguita sa simbahan ng Quipo. Nakapagbayad naman ito ngunit talagang masamang tao ang Marko na iyon. Gusto niya pa rin ibinta si Mary Ann. Pinagsamantalahan ni Marko ang pagiging inosente ng babae.

Buti na lang at nailigtas niya ito sa mga kamay ng hayop na ito. Naawa siya sa bata. Walang pamilyang nais itong ikupkup. Kaya naman nagdesisyon siya kagabi na hindi ipinagpaalam sa ama na balak niyang ampunin si Mary Ann. She feels something special with this girl. Alam niyang mabait ito.

Hinawakan niya sa balikat si Mary Ann at iniharap sa kanya.

"Alam kong mabait kang bata. Hindi ko man alam ang buong kwento ng buhay mo pero nais kitang tulungan at alagan, Mary Ann. I feel you are special. I want to protect and treasure you."

"Pero bakit?" may luhang namumuo sa mga mata nito

Napangiti siya. "I don't know. I just want too. Kailangan ba talaga ng malalim na rason para tulungan kita?"

Hindi nakasagot si Mary Ann. Tuluyang pumatak ang mga luha nito. Niyakap niya ang bata at sa mga bisig niya ito umiyak ng malakas.

"Maraming salamat." Narinig niyang sabi ni Mary Ann.

Niyakap niya ito ng mahigpit. May humaplos sa puso niya dahil sa sinabi nito. Alam niyang tama ang desisyon niyang ampunin ito. Nararamdaman niya sa puso niya na mapapabuti ang batang ito sa buhay niya.

SIMULA ng ampunin niya si Mary Ann ay naging maayos ang lahat sa buhay nito. Dahil sa kalagitnaan ng taon ko siya nakilala ay hindi pa ito makakabalik sa pag-aaral. Nalaman niyang pangarap nitong maging lawyer kaya naman sinabi niyang susuportahan niya ito. Nalaman ng ama niya ang ginawa niya at ang akala niyang pagtutol mula dito ay hindi nangyari. Bugkos ay nagustuhan pa nito si Mary Ann. Madalas ay kinukuha nito sa kanya si Mary Ann para yayain na sumama sa opisina nito. Wala naman siyang magawa dahil gusto din ni Mary Ann.

"Ate Cathy, gusto ni Daddy na pumunta ako sa opisina bukas." Sabi ng anak niya.

Napatingin siya dito. Naglalakad na sila papunta sa kotse niya. Kagagaling lang nila sa flower shop niya. Tumutulong ito sa shop niya kapag wala ito sa opisina ng kanyang ama. Mabilis itong matuto na ikinatuwa ng mga staff niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa opisina ni Daddy?"

"Tinuturuan niya po ako ng mga tungkol sa negosyo." Sagot ni Mary Ann.

Natigilan siya sa sagot nito. Napahinto siya at ganoon din si Mary Ann.

"May problema ba, Ate Cathy?"

"Dad teaching you about our family business?"

Tumungo si Mary Ann. Nasa mukha nito ang kainosentihan sa mga bagay-bagay. Napakuyom ang mga kamay niya. Kung ganoon ay iyon pala ang ginagawa ng ama niya. Kaya ba nito gusto si Mary Ann ay balak nitong ipahawak sa bata ang negosyo ng pamilya. Alam nitong balak niyang ampunin ng tuluyan si Mary Ann, kaya magiging Dela Costa na din ito balang araw. Hindi pa nga lang niya natatanong si Mary Ann kung nais nito. May nabuhay na galit sa puso niya. Balak bang manipulahin ng ama ang pag-iisip ni Mary Ann. Iba ang pangarap ni Mary Ann at wala sa negosyo ng ama nila.

Magsasalita na sana siya ng may naramdamang may humawak sa kamay niya at may nagtakip sa bibig niya. Bago pa siya nakasigaw ay nakita niyang may tumakip din sa bibig ni Mary Ann. At kagaya niya ay nang hina din ang dalaga. Tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Nagising si Cathy ng may naramdamang bagay na tumatama sa pisngi niya. Binundol ng kaba ang puso niya ng kadiliman ang sumalubong sa kanya. Nararamdaman niya ang masakit na tali sa kamay at paa. May takip din ang mga mata niya.

"Buti naman at gising na ang prinsesa." Narinig niyang sabi ng isang lalaki.

"Sino kayo?" tanong niya. Pinilit niyang itinago ang takot na nararamdaman.

Tumawa ang lalaki. "Well, Miss Dela Costa. Magbibigay ako ng tip bago ko sabihin sa iyo ang buong pangalan ko."

Naramdaman niyang may lumapit sa kanya. Malamig na bagay ang tumatama sa kanyang tainga at nakaramdam siya ng kilabot dahil doon. Gusto niyang mandiri ng mga sandaling iyon.

"I want to sell your precious Mary Ann."

Pagkarinig niya sa sinabi nito ay parang may bumuhos na malamig na tubig sa katawan niya. Kilala niya ang lalaking ito. Hindi maari ito. Tuluyan siyang nakaramdam ng takot, hindi lang para sa sarili niya kung hindi para na din kay Mary Ann na alam niyang nakuha na din nito.

Mukhang napansin ng laaki ang panginginig niya kaya ito tumawa ng malakas. Lumayo na ito sa kanya.

"Dapat lang na matakot ka Sofia Fe Cathylyn Dela Costa dahil sisiguraduhin kung hindi ka na makakalabas dito ng buo." Muli itong lumapit sa kanya at tinanggal ang takip sa kanyang mga mata.

Naipikit niyang muli ang mga mata ng sumalubong ang liwanag ng buong kwarto. Nang muli niyang buksan ang mga mata ay sumalubong sa kanya ang puting kwartong kinalalagyan. Nakaupo siya sa sofa. Napatingin siya sa kama na nasa harap niya at doon niya nakita si Mary Ann na nakatali. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang sitwasyon nito.

Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. May galit na namumuo sa puso niya. Mga hayop sila. Lalong humigpit ang pagkakakuyom sa kamay niya. Wala talagang kaluluwa ang lalaking nasa harap niya.

"Anong ginawa mo kay Mary Ann?" galit niyang tanong dito.

Tumawa lang ang lalaki at lumapit sa kama. Lalong kumulo ang katawan niya ng hinawakan nito ang hubad na katawan ng dalaga. Pinilit niyang makatayo ngunit nakagapos ang paa niya sa sofa na kinauupuan. Nais niyang iligtas si Mary Ann ngunit hindi niya magawa.

"Don't touch her." Galit na galit niyang sigaw. Alam niyang namumula ang mukha niya ng mga sandaling iyon.

"Don't worry, wala pa naman akong ginagawa sa kanya." Isang demonyong ngiti ang ibinigay sa kanya. "Mamaya lang ay pupunta dito ang taong bumili sa inyong dalawa at sabay kayong dadalhin niya sa langit. Ang pangit naman na si Mary Ann lang ang masasayahan mamaya." Inalis nito ang kamay kay Mary Ann.

Tumayo ito at lumapit sa mesang naruruon. Nakita niyang may kinuha itong isang bagay doon at nanlaki ang mga mata niya ng may hawak itong isang injection.

"Alam mo ba kung anong nilalaman ng bagay na ito." Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa braso. Nagpupumilit naman siyang makawala dito. Unti-unti nitong itinurok sa kanya ang bagay na iyon. "Isang sex drugs ang laman nito. Mamaya lang ay makakaramdaman ka na ng init. Mawawala ka sa katinuan at ang tanging nais mo lang ay makipagtalik."

Unti-unti ay nakaramdam siya ng panghihina. Bumagsak ang katawan niya sa sofang kina-uupuan. Pakiramdam ni Cathy ay unti-unti siyang nawawalan ng buhay at bago siya mawalan ng malay tao ay narinig niya ang malakas na tawa ni Marko.

HINDI siya umasa ng gabing iyon na maliligtas pa sila ni Mary Ann ngunit isang himala ang nangyari. Jacob, my brother LJ's friend, come to save us. Matagal na palang may tracking device ang suot niyang kwentas. Ayon sa kapatid, iyon ang naging dahilan kaya mabilis siyang nahanap ng mga ito para mailigtas. Nabaril ni LJ si Marko ng makita nito ang kalagayan nila ni Mary Ann. Pagkatapos ng gabing iyon ay nagdesisyon ang pamilya na paliparin ng ibang bansa si Mary Ann para doon mag-aral. At para hindi na ito mahanap pa ni Marko ay tuluyan na niya itong inampon at pinalitan ang pangalan. Ngayon ay anak na niya si Mary Ann sa batas at Maria Anne Silina Dela Costa na ang buong pangalan nito. Naging madali ang lahat ng pagpapalit ng pangalan nito sa tulong ng kanyang ama na gumawa ng paraan. Pagkalipas ng apat na buwan ay lumipad ng Australia si Mary Ann para doon mag-aral. At ngayon nga ay nanganganib na naman ang buhay niya at buhay ng anak dahil sa lalaking iyon na hindi na sila tinigilan.

Sana sa pagkakataong iyon ay hindi na maulit ang nangyari. Sana ay mahanap ni Jacob si Marko agad para tuluyan na itong magbayad sa ginawang kasalanan sa anak niya.