Chereads / MY POOR PRINCESS (TAGALOG) / Chapter 6 - CHAPTER FIVE

Chapter 6 - CHAPTER FIVE

NAGLALAKAD sa parking area si Dennis. Katatapos lang ng general meeting niya kasama ang mga manager ng iba't-ibang department. Pupunta siya ngayon sa supermarket para bumili ng mga kailangan niya sa kanyang bahay. Sa loob ng ilang taon simula ng humiwalay siya sa bahay ng magulang ay naging independent na din siya. Hindi niya inaasa sa mga katulong ang ibang gawain sa bahay at saka mas mabusisi kasi siya pagdating sa pamimili ng pagkain niya. Ang mayordoma sa bahay ng ama niya at isang katulong ay dalawang beses sa isang linggo lang pumupunta sa bahay niya para linisan iyon at maglaba ng marurumi niyang damit.

Malapit na sana sa entrance ng parking area si Dennis ng may napansin siyang kakaiba sa kaliwang bahagi ng parking area. Napatingin siya doon at nakita niya ang isang babae na nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga kalalakihan. Sapilitan itong pinapasok sa loob ng van. Pinagmasdan mabuti ni Dennis ang babaeng pilit na sinasakay sa van ng mga lalaki. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino iyon. Agad siyang nag-isip ng paraan para maligtas ang babae. Tumakbo siya malapit sa guard na naroroon.

"Magandang gabi po, Sir Dennis." Bati ng guard sa kanya.

"Pahiram ako ng baril mo at tumawag ka ng pulis." Sabi niya.

"Sir, hindi po namin pwedeng ipahiram ang baril namin."

Uminit ang ulo niya. "May babaeng pilit na sinasakay sa isang van doon sa kaliwang bahagi ng parking. Hindi niyo ba nakikita iyon sa CCTV. Putang-ina, akin na ang baril mo para maligtas ko siya. Ako ang mananagot sa pulis, hindi kayo."

Mukhang nagdadalawang isip pa ang guardya. Hindi na niya pa hinintay na ibigay nito ang baril sa kanya. Sapilitan niya iyong kinuha sa lagayan nito. Mukhang nagulat naman ito sa ginawa niya kaya hindi agad nakagalaw. Mabilis siyang tumakbo ng makuha ang baril nito pero huminto siya ng ilang metro ang layo dito.

"Lockdown all the parking entrance of the mall. Hindi sila pwedeng makalabas ng terotoryo ko. Kapag hindi mo ginawa, tanggal ka na sa trabaho."

Nang makabalik siya kung saan ang van kanina ay nakita niyang sinuntok ng isang lalaki sa sikmura ang babae. Napahawak sa tiyan nito ang babae at nanghina. Nandilim naman agad ang paningin niya at mabilis na kinalabit ang gatilyo ng baril. Walang tinamaan sa mga ito ngunit naging dahilan iyon para makuha niya ang atensyon ng mga lalaki.

"Pakawalan niyo siya." Sigaw niya at tinutok ang baril sa mga kalalakihan.

Kung tama ang bilang niya ay tatlong lalaki ang nasa harap niya at isang lalaki sa driver seat. Hindi niya hahayaan ang mga ito na makaalis. Nakita niyang ngumiti ang isang lalaki sa kanya.

"Dapat ba kaming matakot sa iyo? Mag-isa ka lang." may bahid ng pang-iinsulto ang boses nito.

Ngumisi siya. "Oo mag-isa lang ako pero parating na ang mga pulis na tinawag ko. Hindi lang iyon, I also close all the parking gate, kaya hindi na kayo makakalabas ng mall ko. Now, let's see if you can escape." Kinalabit niya ang gatilyo at pinaputukan ang isa sa gulong ng van.

'Thank you so much, Ashley.' Nasabi niya sa kanyang isipan. Mahilig kasi magyaya ang best friend niyang si Ashley na magtarget shooting. Kaya walang mintis bawat kalabit niya ng gatilyo.

Mukhang nagulat naman ang mga lalaking iyon sa ginawa niya. Lalo siyang napangisi. Akala ba nito ay kung sino lang siya. Lumabas ang driver ng van at galit siyang tinitigan.

"Sino ka naman paki-alamero ka?" galit nitong sigaw at may inilabas sa likuran nito.

Baril din iyon at itinutok sa kanya. Instead of feeling fear, he pull the trigger again. Tumama iyon sa kamay nitong may hawak ng baril.

"I don't miss, Mister."

Nakita niyang bumalatay ang takot sa mga mata ng mga ito. Gustong matawa ni Dennis. Mga mahihina naman pala ang mga lalaking ito. Hindi man lang siya pinagpawisan sa mga ito. Nakita niyang tumayo na ang babae at naglakad palapit sa kanya. Kitang kita sa mukha niya ang iniindang sakit dahil sa pagsuntok ng isang lalaki sa sikmura nito. Nakita niyang hahawakan sana ng isang lalaki ang babae pero mabilis siyang nagpaputok ng baril.

"Don't you ever tried to touch her." Banta niya sa lalaki.

Mukha naman natakot ito kaya hindi ituloy ang balak. Hinayaan ng mga ito na lumapit sa kanya ang babae. Agad niya itong hinawakan sa braso at itinago sa likuran niya. Mamaya na niya aalalamin ang kalagayan nito. Baka kapag nalaman niya pa ay makalabit niya ang gatilyo at mapatay niya ang mga lalaking ito.

"Nasa iyo na ang babae kaya pakawalan mo na kami." Sigaw ng lalaking tinamaan niya ng bala dahil sa pagbunot nito ng baril. May umaayos na dugo mula sa kamay nito.

"Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi ko naman sinabi sa inyo na pakakawalan ko kayo kapag binigay niyo siya." Ngumisi siya.

Akala ba ng mga ito ay hahayaan niyang makawala ang mga ito. Pagbabayaran ng mga ito ang ginawang pananakit sa babae. Hindi siya makakapayag na hindi makulong ang mga ito. Kung anuman ang dahilan ng mga ito sa pagkuha sa babaeng ito ay wala siyang paki-alam. Hindi tamang pilitin ang isang babae na sumama sa mga ito. Well, mukha pa lang ng tatlong lalaking ito ay sigurado ng gagawa ng masama. Iyong isang lalaki naman ay mukhang mayaman. Mukhang ito din ang leader ng mga ito.

Natigilan siya ng may lumapit sa kanya. Hindi niya iyon nilingon pero naging alerto naman siya.

"Sir Dennis, papunta na po dito ang mga pulis. Ano pong pwedeng gawin namin?"

Napangiti siya sa narinig na sinabi ng guard. Mukhang sinunod naman nito ang utos niya.

"Handcuff them. Pagdating ng mga pulis, ibigay mo sila at ibigay niyo din ang CCTV footage." Binalingan niya ang mga lalaki. "You will going to root in jail. Nagkamali kayo ng teritoryong gagawan ng masama."

Agad na sinunod ng mga guardya ang utos niya. Saka lang siya naging kampante ng mapusasan ang mga ito. Ibinalik niya sa gwardya ang baril nito na kinuha niya kanina. Nagpasalamat siya at humingi ng pasensya sa pagkuha niya ng baril nito ng walang paalam.

Saka lang niya binalingan ang babaeng kasama. Nakayuko ito at nakahawak ng mahigpit sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito. Naramdaman niya ang biglang panginginig ng katawan nito. She was scared. Nabuhay ulit ang galit niya sa mga lalaking nais itong saktan ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi pwedeng unahin niya ang nararamdamang galit ngayon. Walang maitutulong ang galit niya sa sitwasyon ng babae at saka natuto siyang humawak ng baril, hindi para pumatay kung hindi para proteksyon sa sarili.

"Are you okay?" tanong niya. Pinakawalan niya ang kamay nito at hinawakan ito sa mga kabilang balikat.

"I-I'm fine." Sagot nito sa nanginginig na boses.

Iniangat niya ang mukha nito. Kumulo ang dugo niya ng makita ang mukha nito. Kitang kita sa mga mata nito ang takot ngunit mas ikinagalit niya ay ang nakitang pasa sa mukha nito. Namamaga iyon at sigurado siyang mangingitim iyon. Binitiwan niya ito sa balikat at lumapit sa mga lalaking nais itong kidnapin. Nasa tabi ng mga ito ang security guard ng mall. Agad niyang hinakat sa damit ang lalaking sa tingin niya ay ang leader ng mga ito. Hinatak niya ito para makatayo at walang pagdalawang isip na sinuntok.

"Hayop ka! Wala kang karapatan na saktan ang isang babae." Galit na galit niyang sigaw at sinuntok ito sa mukha.

Sinuntok niya ito ng sinuntok. Kahit nakita niyang pumutok na ang labi nito at namamaga na ang pisngi nito ay hindi niya tinigilan. Hinawakan na siya ng mga security guard ngunit hindi din siya napigilan ng lubusan. Galit siya, nandidilim ang paningin niya dahil sa ginawa ng mga lalaking ito. Mga walang kaluluwa ang mga ito para saktan ang isang babaeng walang laban.

"Sir, tama na." narinig niyang sigaw ng isa sa mga security.

Naging bingi siya sa mga sinasabi ng mga ito. Hindi siya makikinig kahit ano pang sabihin nila. Gaganti siya sa mga ginawa ng mga ito. Hindi niya bubuhayin ang mga ito sa ginawang pananakit. Basag na at may dugo na umaagos sa pisngi ng lalaki ng tumigil si Dennis. Isang yakap mula sa kanyang likuran ang nagpatigil sa kanya. Hindi pamilyar sa kanya ang yakap na iyon ngunit nagbigay iyon ng kakaibang pakiramdaman sa kanya. Kumalma ang buong sistema niya dahil sa yakap na iyon.

"Tama na." narinig niyang sabi ng babaeng nakayakap sa kanya ng mga sandaling iyon.

Nanigas siya ng marinig ang basag na boses nito. Pinakawalan niya ang lalaking wala ng malay. Nilingon niya ang babaeng nakayakap sa kanya.

May mga luha sa mga mata nito. Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa pisngi nito. Napabuntong hininga siya.

"Wag mo na siyang saktan. Wag mong sayangin ang buhay mo sa hayop na iyan."

Hindi siya umimik. Pinakatitigan niya ito ng ilang sandali bago hinawakan sa kamay. Hindi na ito nanigas ng hawakan niya. Hinarap niya ang mga security guard ng mall.

"Hintayin niyo ang mga pulis. Kapag hinanap nila ang may kagagawan sa lalaking iyan. Sabihin niyong ako, pupunta ako bukas ng umaga para harapin ang kasong isasampa ko sa lalaking iyan." Matigas niyang sabi bago nilisan ang lugar na iyon.

Walang pagtutol mula sa babae ng hinatak niya ito. Mukhang may tiwala ito sa kanya na hindi niya ito sasaktan. Well, hindi naman niya talaga ito sasaktan. He will protect her no matter what. Huminto sila sa sasakyan niya. Nang buksan niya ang kotse ay hindi gumalaw ang babae.

"May problema ba?" tanong niya.

"S-Saan t-tayo pupunta?" tanong niya.

"Dadalhin kita sa ospital. Kailangan matingnan ang pisngi mo at malapatan agad ng lunas."

Hindi umimik ang babae. Hinawakan lang nito ang kaliwang pisngi na unti-unti ng nangingitim. Muling may nabuhay na galit sa puso niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na sinaktan ito at hindi din siya makapaniwala na ang babaeng nagbuhos ng tubig kay Ashley ay ang babaeng nasa harap niya ngayon. Matapang ang babaeng iyon pero ngayon, pakiramdam niya ay may nagbago dito.

"Okay lang ako." Narinig niyang sagot nito.

"You are not okay. Dadalhin kita sa ospital sa ayaw at gusto mo." May awtoridad niyang sabi bago ito hinawakan sa braso.

Pumiksi ang babae at galit siyang tinitigan. " Hindi porket niligtas mo ako ay may karapatan kang paki-alaman ang buhay ko."

Natigilan siya sa sinabi nito. Biglang tumapang ang anyo ng babae. Agad naman siyang nakabawi at nakipagsukatan ng tingin dito. Wala siyang paki-alam sa galit nito. Kung matigas ang ulo ng babaeng ito. Pwes mas matigas ang ulo niya. Muli niya itong hinawakan sa braso.

"Wala akong sinabing pakiki-alaman ko ang buhay mo. Gusto ko lang masigurado na magiging okay ka. Nasa teritoryo kita Miss at responsibilidad ko lahat ng tao dito kahit pa hindi direktang nagtatrabaho sa akin."

"Teritoryo mo?" gumuhit ang pagtataka sa mukha nito.

"Yes! This mall is my territory. I own this mall."

Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng babae. Mukhang hindi nito inaasahan na siya ang may-ari ng mall na iyon. Inaasahan na niya iyon, hindi naman kasi siya ang tipo ng tao na pinagsasabi iyon kahit kanino. At saka ano mapapala niya kapag sinabi iyon sa mga tao. Sinamantala niya ang pagkagulat ng babae. Agad niya itong pinasakay ng kanyang kotse bago siya naman ang sumakay. Nakasuot na ang seatbelt nito ng pumasok siya ng kotse. Ngumiti siya ng makita iyon. Hindi naman pala matigas ang ulo ng babaeng ito. Binuhay niya ang sasakyan.

TAHIMIK lang si Cathy na naka-upo sa sasakyan ng lalaking nagligtas sa kanya sa kamay ni Marko. Hindi siya makapaniwala na niligtas siya nito pero nagpapasalamat na rin siya dito. Kung hindi ito dumating ay siguradong nakidnap na siya ni Marko at ginawang bihag para mapilitang bumalik ng bansa ang anak niya. Speaking of her daughter, kinuha niya ang phone na nasa bulsa. Nakita niyang may mga tawag siya mula sa kapatid na nasa Australia. Tatawagan niya sana iyon ng maalala na nasa sasakyan siya ng lalaking ito.

Napatingin siya sa kanyang tagapagligtas. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking ito na akala niya ay antipatiko ay sobrang tapang pala. Magaling din itong umasinta. Nakita niya kung paano nito binaril si Marko kanina. Natakot pa siya para sa kaligtasan nito. Apat laban sa isa. Nais niyang sigawan ito dahil sa katangahan ngunit nagulat na lang siya ng inasinta nito ang gulong ng sasakyan at si Marko. Para siyang nakakita ng knight in shining armor. She's very grateful that he came in no time.

"Thank you." Sabi niya.

Napasulyap sa kanya ang lalaki. May isang ngiti ang sumilay sa labi nito. Lalong naging magandang lalaki ito sa kanyang paningin. Bakit ba wala siyang makitang kapintasan sa lalaking ito?

"Walang anuman, Miss..."

"Sofia Cathy Alonzo. Iyon ang pangalan ko." Iniiwas niya dito ang mga mata. Sa pagkakaalala niya iyon din ang pagpapakilala niya sa kaibigan nito.

"I know, I just teasing you."

Napalingon siya sa lalaki ng marinig ang sinabi nito. Sisinghalan na sana niya ito dahil sa ginawa ng makita ang nakangiti nitong mga labi. Hindi niya napigilan na mapatulala sa ngiting iyon. Nagbigay kasi iyon ng kakaibang haplos sa puso niya. Bakit ba may magandang ngiti ang lalaking ito? Sigurado siya na maraming babaeng nahuhumaling dito. Iniwas niya ang tingin dito.

"Alam mo naman pala." Mataray niyang sabi.

"Hindi mo ba tatanungin ang pangalan ko?"

Bigla siyang napaayos ng upo dahil sa tanong nito. Oo nga pala, sumama siya sa lalaking ito na hindi niya alam ang pangalan. No! Alam niya ang pangalan nito. Kung tama ang pagkakaalala niya ay Dennis ang pangalan nito at kung ito ang may-ari ng mall kung nasaan ang flower shop niya, ang pangalan nito ay Dennis Renzo Madrigal. Isa nga palang Madrigal ang may-ari ng mall kung saan ang shop niya, bakit hindi niya naisip na maaring ito ang may-ari noong unang malaman niya na Madrigal ito?

'Nasaan utak mo, Cathy? Gumagaya ka na kay Sancho.' Kistigo niya sa sarili.

"So, kilala mo ba ako?"

Natigilan siya at napatingin sa lalaki. Sasabihin niya ba ang totoo dito? Isang kalukuhan ang pumasok sa kanyang isipan. Bakit hindi siya gumanti sa ginawa nito kanina sa kanya?

'It's revenge time.'

Umayos siya ng upo at pinakatitigan ang lalaki. Kunwari ay nag-isip siya. "Kung ikaw ang may-ari ng mall na iyon, ibig sabihin isa kang Madrigal." Sabi niya dito.

Nakita niyang sumilay ang isang ngiti sa labi ng lalaki. 'Binggo.' Pinigilan niya ang isang ngiti na sana'y sisilay sa labi niya.

"Oo, isa nga akong Madrigal." May tuwa sa boses ng lalaki.

"Kung ganoon ikaw si Daniel Lorenzo Madrigal?" sabi niya at pinaningning ang mga mata.

Bigla ay napapreno ang lalaki. Buti na lang talaga at nakaseatbelt siya dahil kung hindi ay tumama ang mukha niya sa dashboard ng kotse. Bakit ba kasi bigla ito napapreno? Ano bang meron sa sinabi niya na dapat nitong ikagulat? Nakakagulat ba na kilala niya ang kuya nitong si Daniel Lorenzo? Natural kilala niya ang Kuya nito. Sino bang hindi? Daniel o Lorenzo kung tawagin ng lahat ay kilala bilang isang magaling na piloto at siyang namamahala ng Madrigal Empire. Ito ang namamahala ng Madrigal Airlines at ang pakakasalan ng Ate Cathness niya.

Napakuyom ang mga kamao niya. Simula ng malaman niya na ikakasal sa isang Madrigal ang Ate niya ay inalam niya ang lahat at hindi niya gusto ang mga nalaman niya. Kaya nga gagawa siya ng paraan para hindi matuloy ang pagpapakasal ng Ate niya sa Kuya ng lalaking ito.

"Oh! Mag-ingat ka na---." Hindi niya naituloy ang sasabihin dito ng makita ang ekpresyong mukha nito.

"Kilala mo ang Kuya ko?" gulat na gulat nitong tanong.

"Kuya mo?" umayos siya ng upo. "Kung ganoon ay hindi ikaw si Daniel na kilalang anak ng mga Madrigal."

Nakita niyang pinadikit ng lalaki ang mga labi nito. Napangiti siya. Mukhang nainis ang lalaking ito sa sinabi niya. Got you! Akala niya ba ay magpapatalo siya. Kay Sancho nga hindi siya nagpapatalo, dito pa kaya. Sasabihin na sana niyang kilala niya ito ng humarap ito sa kanya at isang ngiti ang meron sa labi nito.

Inilahad nito ang isang kamay sa harap niya. "Dennis Lorenzo Madrigal, President of The Madrid Mall. It's nice to meet you Sofia Cathy Alonzo."

Mapatulala siya saginawa nito. Nawala ang galit sa mukha nito. Tinanggap niya ang kamay nito. Nais niya sanang hatakin ang kamay ng may naramdamang kuryenteng dumaloy doon ngunit mahigpit iyong hawak ng lalaki. Nakipagtitigan ito sa kanya at bago nito pinakawalan ang kamay niya ay pinisil muna nito iyon.

"Let's go to the hospital. Nangingitim na iyang mukha mo."

Hindi siya nakapagsalita. Tinitigan niya lang ang lalaki. Mayroong kakaiba sa lalaking ito. Hindi niya alam kung ano iyon, basta ang alam niya ay may kakaibing nararamdaman ang puso niya. Hindi pa niya mapangalan ng mga sandaling iyon at naguguluhan pa siya pero aalamin niya iyon. Saka na siya umiwas sa lalaking ito. Everything is new to her.

ILANG linggo na rin ang lumipas mula ng niligtas siya ni Dennis mula sa kamay ni Marko. Pagkatapos nilang pumunta ng hospital ay tumuloy sila ng presinto para pormal na magsampa ng kaso kay Marko. Tumawag ang secretary ni Dennis at sinabing pinapapunta ito ng presinto. Pagdating nila doon ay may isang Attorney na naghihintay sa kanila. Attorney Anna Cordero will handle her case. Sa tulong ni Atty. Cordero ay pormal silang nagsampa ng kaso laban kay Marko at sa kasama nito. Ng tinanong siya ng mga pulis kung bakit pinagtangkaan siya ni Marko na kidnapin ay sinabi niya ang totoo na noon pa may masamang balak ang lalaki dahil sa pagligtas niya sa anak sa kamay nito.

Na-ungkat ang unang kaso ng binata. At napabilis ang pagsampa nila dahil sa dati ng may record si Marko ng kidnapping sa kanya. Nagpapasalamat siya na wala si Dennis sa tabi niya habang sinasagot ang tanong ng mga pulis. Sa ngayon kasi ay ayaw niyang malaman nito na isa siyang Dela Costa. Paglabas nila ng presinto ay kinausap niya si Attorney Cordero na ipaubaya na ang kaso niya sa kanyang sariling attorney. Mukhang kilala naman ni Anna kung sino siya kaya isang ngiti lang ang sinagot nito at sinabing makakaasa ito na ipapasa sa kapatid niya ang kaso.

"Ma'am Cathy, may nagpapabigay po." Sabi ni Wilma na nagpagising sa malalim niyang pag-iisip.

Napatingin siya sa hawak nito. Isang bouget iyon ng pulang mga rosas. Nagsalubong ang kilay niya ng makita iyon.

"Sinong nagpapabigay?" tanong niya sa staff niya at tinggap iyon.

Pinagmasdan niya ang bulaklak. Walang note iyon at sigurado siyang wala silang bulaklak na ganoon. Naubos kahapon ang red roses nila at mamayang hapon pa ang dating ng order nila. Sino naman kayang baliw ang magbibigay ng rosas sa kanya gayong may-ari siya ng isang flower shop? Pumasok sa isip niya ang kaibigan na isang baliw. Kung may tao man na gusto niyang inisin ay sigurado siyang ang lalaki lang iyon.

Kinuha niya ang phone sa bag pagkatapos ilapag ang mga rosas sa mesa. Tinawagan niya ang baliw na kaibigan na sigurado siyang may pakana ng lahat. Nakatatlong ring bago nito sinagot ang tawag niya.

"Hello."

"Tell me, ikaw ba ang nagpadala ng bulaklak sa pagkakataong ito?" tanong niya.

Tumahimik ang kaibigan sa kabilang linya. At tama nga ang kinala niya. "JAMES SANCHO LIM!!!" sigaw niya.

Tumawa lang ang kaibigan. "Do you like my flowers? I heard from Maze that.."

Hindi na niya pinatapos ang iba pa nitong sasabihin. Abnormal talaga ang lalaking iyon, porket may lovelife na ito kaya okay lang dito na pagtripan siya. Sigurado naman siyang gumaganti lang ito sa ginawa niya noong panahon na hindi pa maayos ang relasyon nito kay Angel. Simula ng malaman nitong buntis si Angel sa pangalawang anak ng mga ito ay naging maayos ang relasyon ng dalawa. Nakakainis nga dahil mukhang naunahan siya ng unggoy. Narinig niyang nagbabalak na itong magpakasal.

"Who give you that?"

Isang boses ang pumukaw sa naglalakbay niyang isipan. Napaangat siya ng makita sa harap niya ang gwapong mukha ni Dennis. Nakatitig ito sa mga rosas na nasa mesa niya. Nagsalubong ang kilay niya sa talim na tingin nito sa bulaklak. Para bang kalaban nito ang bulaklak ng mga sandaling iyon.

"Dennis, nandiyan ka pala. Anong atin?" tanong niya para kunin ang atensyon nito.

Umangat ito ng tingin kaya kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito.

"Who give you that damn flower?" galit na sigaw nito na ikinagulat niya na naroroon.

Anong nangyayari sa lalaking ito? Napasinghap siya ng kunin nito ang bulaklak sa harap niya. Bago niya pa mapigilan ang binata ay may nilapitan itong isang babae.

"You can have this. Hindi siya kailangan ni Cathy." sabi ni Dennis kay Wilma na ikinapula ng mukha ng staff niya.

Did just Dennis give her flower to her staff? Anong ginagawa nito? Bakit ganoon na lang ang galit nito sa isang bulaklak? Hindi lang iyon basta na lang nito ipinamigay sa iba ng hindi tinatanong sa kanya kung okay lang ba. There's something wrong with Dennis. He is acting weird. Abnormal din ba ito kagaya ng kabigan niya. Oh NO! Hindi ito pwede! Hindi pwedeng maging kagaya ni Sancho ang lalaking nagbibigay ng kakaibang damdamin sa kanya.

Naikuyom niya ang mga kamay. Kasalanan talaga ito ni Sancho. Hindi magkakaganoon si Dennis kung hindi ito nagbigay ng bulaklak. Hindi naman kasi ganoon si Dennis, lalo na kapag magkasama sila.