Chereads / MY POOR PRINCESS (TAGALOG) / Chapter 7 - CHAPTER SIX

Chapter 7 - CHAPTER SIX

CHAPTER SIX

"OUT MO na di ba?" tanong ni Dennis pagkatapos ibigay kay Wilma ang bulaklak.

"Ha!" nagulat siya.

Instead of repeating what he ask, he look at Ary who's busy with her laptop. "You're the owner, right? Tapos na ang duty ni Cathy. Can she go out now?"

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig na tanong nito. Ganoon din ang reaksyon ni Ary. Binigyan siya ni Ary ng nagtatanong na tingin. Agad siyang suminyas na wag magsalita. Oo nga pala. Ang buong akala ni Dennis ay isa siyang staff noong unang nagkita sila. Kinuha niya ang bag na nakalagay sa ilalim ng mesa at lumabas ng cashier area. Lumapit siya kay Dennis at hinawakan ito sa braso.

"Aalis na kami, Ma'am Ary. See you tomorrow po." Sabi niya at hinila na palabas ng shop niya si Dennis.

Alam niyang nagtataka si Ary sa ginawa niya. Saka na siya magpapaliwanag. Ito ang unang pagkakataon na pumasok ng shop niya si Dennis. Madalas kasi ay sa entrance ng mall o di kaya sa parking area siya nito hinihintay. Kaya nga nakasanayan na niyang magpahatid sa driver ng ama niya. Nalaman din kasi ng kanyang ama ang nangyari kaya nagdesisyon ito na bigyan siya ng driver. Hindi sana siya papayag ngunit naki-usap ang anak niya na pumayag na lang para sa kaligtasan niya. Mas mapapanatag daw ito kapag may nagbabantay sa kanya.

"Gutom ka na ba?" tanong ni Dennis habang naglalakad sila papunta ng parking area.

Napatingin siya dito. Nakatingin din pala ito sa kanya. Wala ng bahid ng galit ang mukha nito at isang ningning ng kasayahan na lang ang nakikita niya. "Hindi pa naman." Sagot niya.

"Kung ganoon ay okay lang ba kung samagan mo ako. Hindi ko na kasi siya napupuntahan simula ng lumabas tayo." Sabi nito.

Nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi nito. "Sinong pupuntahan natin?"

Ngumiti lang si Dennis at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse nito. Hindi niya namalayan na nasa harap na pala sila ng kotse nito. Hindi na siya nagtanong pa. Sumakay na siya ng kotse at agad nagsuot ng seatbelt. Napatingin siya sa likuran ng kotse at nakita niya ang isang bouquet ng dilaw na rosas. Nagsalubong ang kilay niya ng makita iyon.

"Kanino mo iyan binili?" tanong niya ng makapasok din ito ng kotse.

Tumingin muna sa mga bulaklak si Dennis bago siya hinarap. "Sa flower shop mo. Dumaan ako kaninang tanghali pero wala ka daw. Yayain sana kitang kumain. Nakita ko ang mga iyan kaya bumili na agad ako. Akala mo ba sa iba ako bumili?" may isang ngiting naglalaro sa labi ni Dennis.

Nag-iwas siya ng tingin at sumimangot. Hindi niya ito sinagot. Guilty naman kasi siya, naghinala siya na sa iba ito bumili. Narinig niyang tumawa si Dennis. Binuhay na nito ang sasakyan.

"Don't worry. Hindi kita ipagpapalit." Sabi ni Dennis na nagpabilis ng tibok ng puso niya.

Anong sinabi nito? Tama ba ang narinig niya o nagkamali siya ng tinig? Sinabi ba talaga nito iyon. Sinulyapan niya ang binata. Nasa daan na ang atensyon nito kaya malaya niya itong napagmasdan. Paano niya kaya naging kaibigan ang isang tulad nito? Hindi maganda ang unang pagtatagpo nila kahit ang mga sumunod na pag-uusap. Pero sa isang iglap ay naging magkaibigan. Niligtas lang siya nito sa kamay ni Marko ay naging okay na ang lahat sa kanila. Well, mabait naman si Dennis. Wala siyang masabi sa kabaitang pinapakita nito sa kanya. Marunong din ito rumespeto ng privacy niya.

"Gwapo na ba ako sa paningin mo?" tanong ni Dennis na nagpapukaw sa naglalakbay niyang isip.

Agad siyang umiwas ng tingin ng mahuli siya nito. Naramdaman niyang may dumaloy na init sa buong mukha niya. Pinilit niyang itago ang mukha sa binata. Nakakahiya! Alam niya kung anong reaksyon meron siya ng mga sandaling iyon.

'Cathy, get hold of you! You're already Twenty-seven years old. Bakit ka nagbablush ng dahil lang sa nahuli ka niyang nakatingin dito?' pangaral niya sa sarili.

"Wag kang ambesyoso, Mr. Madrigal." Mataray niyang sabi dito.

Imbes na magalit ay tumawa lang si Dennis. Inirapan niya na lang ang binata. Naging tahimik ang buong durasyon ng byahe nila. Nagulat siya pumasok ang sinasakyan nila sa sementeryo. Napatingin siya kay Dennis. Seryuso ang mga mata nito. Bago pa siya makapagtanong ay huminto na ang kotse. Sumulyap muna sa kanya si Dennis bago lumabas ng kotse. Naiwan siya sa loob na hindi alam ang gagawin. Ano ba kasi ang ginagawa nila doon? Kinuha ni Dennis ang mga bulaklak sa likuran ng kotse bago siya pinagbuksan ng pinto. Para naman may sariling isip ang kanyang katawan na lumabas ng kotse. Hinawakan ni Dennis ang kamay niya at pinagsalikop ang kanilang mga daliri.

"I want you to meet her." Sabi ni Dennis.

"Sinong ipakilala mo sa akin?" inikot niya ang paningin sa paligid para hanapin ang ipakilala nito.

Natigilan lang siya ng tumawa si Dennis. Napatingin siya sa binata at sinamaan ito ng tingin.

"Anong tinatawa mo? Akala ko ba ay may ipakilala ka sa akin."

"Common! Naroon siya." Hinatak siya ni Dennis papunta sa kaliwang direksyon.

Sumunod na lang siya sa binata at hindi na nagreklamo pa. Pagdating kay Dennis ay hindi niya kayang sabihin lahat ng nilalaman ng kanyang isipan. Para bang takot siyang sabihin dito kung ano bang iniisip niya ngunit kahit hindi niya iyon sabihin ay nalalaman niya pa rin. Sa isang puntod sila huminto ni Dennis. Inilapag nito ang bulaklak na hawak. Pinagmasdan niya ang puntod na iyon. May nakita siyang bagong bulaklak na nakalagay din doon. Binasa niya ang pangalan na nakasulat sa puntod. Napasinghap siya ng mabasa iyon.

'Daina Maria S. Madrigal'

Kung tama ang hinala niya at nabasa  sa ilang article ang babaeng nakalibing ay ang ina ni Dennis. Napatakip siya ng labi lalo na ng makita ang nakasulat na petsa ng pagkamatay nito. Ngayon ang araw na iyon. Napatingin siya kay Dennis. Nakikita niya ang lungkot sa mga mata nito. Muli siyang napatingin sa puntod ng ina nito. Tatlong taon ng patay ang ina ni Dennis kung pagbabasihan ang petsa na nakasulat. Kung ganoon ay hindi pa ganoon ka hilom ang sugat sa puso ng mga ito.

"Siya ba ang ipakilala mo sa akin?" basag niya sa katahimikan.

Napatingin sa kanya si Dennis at malungkot na ngumiti. Tumungo ito at binitiwan ang kamay niya. Yumuko ito para linisin ang lapida. Napatingin siya sa iba't-ibang kulay ng rosas na katabi ng rosas na dala ni Dennis.

"I guess, Dad went here." Sabi ni Dennis at hinaplos ang iba't-ibang kulay ng rosas. "Mom loves roses. Kaya nga iyon ang lagi namin dinadala dito kapag pumupunta kami pero mas gusto niya ang dilaw na rosas. Alam mo kung anong ibig sabihin ng dilaw na rosas, di ba?" tanong ni Dennis. Hindi maitago ang lungkot sa boses ng binata.

Yumuko na din siya at pinakatitigan ang lapida ng ina nito. Tumungo siya bilang sagot sa tanong nito. "Joy, happiness. I guess, she dies with a smile."

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Dennis. Wala iyong buhay. Tiningnan niya ang binata at nakita niya ang sakit, lungkot at pighati sa mukha nito. Kahit lumipas na ang tatlong taon ay nagdadalamhati pa rin ito.

"Mom... Mom die with a beautiful smile, Cathy. Masaya ito ng araw na iniwan niya kami. Nang araw na iyon alam namin na iyon na ang huling araw niya. May sakit sa puso si mommy at wala kaming nagawa kahit pa may pera kami. Ang tagal dumating ng heart donor pero hindi nawalan ng pag-asa si Mommy. Sinabihan na kami ng doctor na hindi na magtatagal si Mommy. We did our best to make her happy everyday of her life. Naging masunurin kaming anak ni Kuya Renz para hindi sumama ang loob nito. Nilisan ni mommy ang mundong ito na may ngiti sa labi dahil nasa maayos kaming kalagayan."

"Dennis..." hinawakan niya ito sa likod ng makitang pumatak ang mga luha nito.

"Ngunit hindi naging madali ang lahat ng lumisan siya kahit pa nga handa na kami at alam namin na kukunin na siya sa amin ng Panginoon. Lahat kami ay nagluksa sa pagkamatay niya. Isang buwan akong nanatili sa Spain para puntahan ang mga lugar na nais puntahan doon ni Mommy. At sa tuwing pumupunta ako doon ay hindi ko mapigilan na hindi siya maalala. Alam mo ba na sinasabi nilang mommy's boy ako. Hindi kasi ako mahiwalay kay Mommy. Sa tuwing uuwi ako ng mansion pagkagaling ng opisina ay si Mommy agad ang hinahanap ko. Ganoon ko siya kamahal, Cathy. Sobrang sakit na iniwan niya kami. Hindi ko pa nga napapakilala sa kanya ang babaeng pakakasalan ko tapos iniwan niya agad ako."

Tuluyang umiyak si Dennis. He is vulnerable at the moment. At hindi siya sanay na ganito ang binata. Niyakap niya si Dennis para ipadama dito na may kasama na ito sa laban na pinagdadaanan. Hindi niya man alam kung anong sakit ang dinadala nito ay nandoon lang siya para dito kahit pa nga hindi niya alam kung anong pakiramdam na magkaroon ng isang ina. Bata pa lang kasi siya ng iniwan sila ng kanilang ina. LJ was just two years old; she was five years while her Ate Cathness is eight years old. Hindi pinag-uusapan sa loob ng bahay nila ang tungkol sa kanyang ina. Lumaki siyang walang alam tungkol sa ina at noong nakaraang taon lang ay nabalitaan niyang namatay ang kanyang ina sa sakit na cancer. Hindi pa nila malalaman iyon kung hindi dahil sa kaibigan ni LJ na si Jacob. Naghiwalay ang kanilang mga magulang dahil sa sobrang workaholic ng kanyang ama. Hindi siya naisama ng ina dahil sa wala itong pera para buhayin sila. Namatay itong nag-iisa ayon kay Jacob at ang tanging nag-alaga dito ay ang nag-iisang kapatid nito.

Nais nilang magluksang magkapatid ngunit hinarangan sila ng ama. Wala siyang magawa dahil hawak nito ang kaligtasan ng kanyang anak. Kailangan niyang maging maamong aso sa ama at hindi iyon alam ng kanyang mga kaibigan.

"It's okay to cry, Dennis. Nandito lang ako." Bulong niya sa binata.

Naramdaman niyang humigpit ang yakap sa kanya ni Dennis. Hinayaan niya itong umiyak sa kanyang mga dibdib. Hinimas na lang niya ang buhok nito. Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa ganoong sitwasyon, basta niyakap na lang niya si Dennis. Tumigil si Dennis sa pag-iyak at niyakap na lang siya. Pagkalipas pa ng ilang minuto ay kulamas ito sa pagkakayakap sa kanya. Tumitig ito sa kanyang mga mata.

"Thank you."

Ngumiti siya. "Thank you for what?"

"Thank you for listening. Thank you for not saying anything. Thank you for comforting me. Pakiramdam ko ay gumaan ang dibdib ko dahil sa ginawa mong pagyakap." Hinawakan ni Dennis ang kanyang pisngi. Natigilan siya at aatras sana ng hinawakan siya nito sa braso. "You make me feel alive again, Cathy. Thank you for being with me today." Hinatak siya ni Dennis papalapit dito.

Nagulat siya sa ginawa nito pero mabilis niya itong nahawakan sa dibdib para ilayo ang sarili. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung gaano kalapit ang mukha ng binata sa kanya. Hindi siya nakagalaw sa kanyang kinauupuan ng unti-unting inilapit ni Dennis ang mukha sa kanya. Nakatingin na ang mga mata nito sa kanyang labi. Bumilis ang tibok ng puso niya at hinintay na lang ang susunod na gagawin nito ngunit bago pa tuluyang lumapat ang labi ni Dennis ay may nagsalita mula sa kanyang likuran.

"Bro, mom will be shock if she saw what you're doing. Baka multuhin ka niya." Narinig niyang sabi ng isang boses lalaki.

Natigilan si Dennis at nakita niya sa mga mata nito ang disappointment. Nagdikit din ang mga labi nito na tandang naiinis ito sa lalaking bagong dating. Inilayo siya nito sa katawan nito. Nakita niyang gumalaw ang labi nito ngunit hindi niya narinig ang sinabi nito. Hinawakan ni Dennis ang kamay niya bago tumayo para harapin ang lalaking bagong dating. Agad naman niyang itinago ang mukha sa balikat ni Dennis. Nakakahiya na muntik na silang maghalikan ni Dennis tapos na huli pa sila ng kung sinumang lalaking ito. Nais niyang kutusan ang sarili ngayong bumalik na sa tamang pag-iisip ang utak niya. Bakit ba kasi hindi niya kayang itulak kanina si Dennis? At bakit ba napatulala na lang siya kanina? Hindi lang iyon, bumilis din ang tibok ng puso niya na kahit ng mga sandaling iyon ay mabilis pa rin.

"Bakit kasama mo si Ashley?" narinig niyang tanong ni Dennis.

Tumawa lang ang lalaking bagong dating.

"Anong masama kung kasama niya ako? At may kasama ka din naman?" narinig niyang sabi ng isang boses babae. Hindi lang isang boses babae, pamilyar sa kanya ang boses ng babaeng iyon.

Napaangat siya ng tingin at tinitigan ang dalawang bagong dating. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang dalawa. Si Ashley Cortez at Lorenzo Madrigal. Ang mapapangasawa ng Ate niya ay kasama ang bestfriend ni Dennis. Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Ashley.

"Ikaw?" tanong nito. "Kasama mo ulit siya? Kung ganoon ay tama nga ang sinabi ni MJ at Jack, girlfriend mo talaga ang babaeng ito?" tinuro pa siya ni Ashley. Hindi maitago sa mukha nito ang disgusto.

"Don't point at her, Ashley." May pagbabantang sabi ni Dennis.

Agad naman binaba ni Ashley ang kamay nito. "Sabihin mo sa akin, girlfriend mo talaga ba ang babaeng iyan?"

"Yes!" seryuso ang mukha ni Dennis ng sagutin nito ang tanong na iyon.

Lahat sila ay napasinghap dahil sa sagot na iyon ni Dennis. Naramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Dennis sa kamay niya.

"Alam ba ito ni Dad?" tanong ni Lorenzo.

"Hindi pa. Ikaw, alam na ba ni Dad na hindi mo na itutuloy ang kasal mo sa kay Cathness at pakakasalan mo si Ashley."

Napatingin siya kay Dennis ng marinig niya ang tanong nito sa kay Lorenzo. Anong sinasabi nitong kasal? Iyon ba ang tungkol sa kasal ng Ate Cathness niya. Kung ganoon ay walang balak si Lorenzo na pakasalan ang Ate niya dahil sa kay Ashley Cortez. Muli siyang napatingin kay Lorenzo, doon niya lang napansin ang kamay nitong mahigpit na nakahawak kay Ashley. Kung ganoon ay magnobyo ang dalawa.

"I am planning too. Naghahanap lang ako ng pagkakataon." Sagot ni Lorenzo.

"Kailan? Ilan buwan na lang ay engagement party na." Tumingin ito kay Ashley. "I already told you the consequences of your action, Ashley. Oras na ipaglaban niyo iyong pag-iibigan niya, wag sanang mapahamak ang lahat ng pinaghirapan ng mga Madrigal. Sana'y walang gagawing masama ang mga pinsan mo sa negosyo namin dahil alam mo kung anong mawawala sa iyo."

"Don't worry, Dennis. Hindi ganoon kasama ang mga pinsan ko. Kagaya ng huling pag-uusap natin hindi sila makiki-alam sa problema ko."

Hindi umimik si Dennis. May malamig na hangin siyang nararamdaman sa tatlo kaya agad niyang pinisil ang kamay ni Dennis para kunin ang atensyon nito. Mukha naman napansin ni Dennis ang ginawa niya dahil tumingin ito sa kanya. Ngunit hindi lang si Dennis ang nakuha niyang atensyon kung hindi pati narin ang dalawa.

"Ah... Dennis, nagugutom na ako. Pwede na ba tayong umalis?" mahina ang boses na tanong niya.

Ngumiti si Dennis. "Okay." Muli nitong hinarap ang dalawa. "Aalis na kami."

Hahakbang na sana si Dennis ng magsalita ang kuya nito. "Hindi mo ba ako ipakilala sa girlfriend mo."

Tumingin siya kay Lorenzo. Seryuso ang mukha nito at mataman nakatingin sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Hindi dahil sa uri ng tingin nito kung hindi dahil baka makilala siya nito. Hindi pwedeng malaman ni Dennis na anak mayaman siya at mas makapangyarihan ang pamilya niya sa mga ito. Na isa siya sa mga Dela Costa na na-uugnay sa pamilya nito. Pasimple siyang nagtago sa likuran ng binata. Mukhang napansin ni Dennis ang discomfort niya sa tingin ng Kuya nito kaya agad nitong hinarang ang katawan.

"Her name is Sofia Cathy Alonzo." Sumulyap sa kanya si Dennis. "Siya naman ang nag-iisa kong kapatid, si Kuya Daniel Lorenzo Madrigal."

Bahagya siyang lumabas para bumati dito. "Masaya akong makilala ka."

Ngumiti si Lorenzo sa kanya. "Nice to meet you, Cathy. Pagpasensyahan mo na ang ugali ni Dennis. Ganyan talaga iyan pero mabait naman iyan. Best friend siya nitong girlfriend ko." Inakbayan nito si Ashley.

Ngumiti siya kahit ang totoo ay naiinis siya sa nalaman. Kung ganoon ay may nobya na ang kuya ni Dennis tapos magpapakasal ito sa Ate Cathness niya. Is he cheating on her sister? Pero hindi ba ito ang tamang pagkakataon. Ang sabi nito ay wala itong balak na pakasalan ang ate niya, kung ganoon ay makakalaya pa ang Ate Cathness niya sa usapan nila ng kanilang ama. Bigla siyang nabuhayan ng loob dahil sa narinig.

"Let's go, babe."

Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang boses ni Dennis. Nanigas siya sa kinatatayuan dahil sa tinawag nito sa kanya. Babe? Tama ba ang pagkakarinig niya? Tinawag siya ni Dennis na babe. Para naman may kung anong humapos sa puso niya dahil sa narinig. Hindi lang iyon, nakaramdaman siya ng munting saya sa kaloob-looban niya. May mga bulaklak na lumilipat sa tiyan niya dahil sa narinig. Isang ngiti ang sumibol sa mga labi niya. Lalong nagpatuloy ang pagpapantasya niya ng hilahin siya ni Dennis. Naging sunod-sunuran naman ang katawan niya sa binata at habang naglalakad silang dalawa ay may nakikita siyang nagliliparang bulaklak at paru-paro. Pakiramdam niya ay nasa isa siyang paraiso. Sumakay sila sa kotse nito na hindi nawawala ang ngiti sa labi niya. Sinusundan niya ng tingin ang lalaking nagbigay ng kakaibang damdamin sa kanya.

Isang prinsipe ang nakikita niya sa kay Dennis ng mga sandaling iyon. At totoong prinsipe naman talaga ito. Nang galing ito sa angkan ng mga Madrigal at may-ari ito ng isang mall. Ngayon ay masasabi niyang may pumasa na rin sa panlasa niya. Ngunit....

Nawala ang ngiti sa labi ni Cathy ng may naalala siya. Iniiwas niya ang tingin kay Dennis ng sumakay ito ng kotse. May tinatago nga pala siya sa binata. Anong gagawin ni Dennis kapag nalaman nitong isa siyang Dela Costa? At hindi lang siya isang simpleng Dela Costa, siya ang magiging President ng Dela Costa sa hinaharap. Hindi siya isang mahirap na babae kung hindi isang prinsesa. Isa siya sa mga Prinsesa ng Dela Costa.

PAGKATAPOS ng dinner nila ni Dennis ay pumunta sila sa isang park at buong magdamag na nag-usap. Pansamantala niyang nakalimutan ang problema niya. Kapag kasama niya si Dennis tanging iniisip niya lang ay ang mga sandaling kasama niya ito. Alam niyang may nagbago sa nararamdaman niya sa binata at natatakot siya kung saan iyon papunta. Lalo na at nagsisinungaling siya sa totoo niyang pagkatao.

Natigil si Cathy sa pagtingin sa mga bituin sa may teresa ng kanyang kwarto ng tumunog ang phone niya. Agad niya iyong sinagot ng makita ang pangalan ng anak.

"Hello my baby girl." Bati niya dito.

"Mom!" may pagbabanta ang boses na sabi nito.

Tumawa lang siya. "Kamusta ang aking pinakamamahal na anak?"

"I'm your only daughter." Sabi nito sa seryusong boses.

Napangiti siya. Yes! She is her only daughter. Para sa kanya ay anak niyang tunay si Mary Ann. "I know, baby."

Narinig niyang huminga ng malalim ang anak. Alam nitong nagbibiro lang siya. "Tumawag ako para kamustahin ka, mommy."

"I'm good, baby. Ngayong nakakulong na si Marko ay tiwala na akong walang mangyayari sa aking masama." Sumandal siya sa upuan at muling napatingin sa mga bituin.

"That's good. Uuwi si Tito LJ para hawakan ang kaso mo, sasama daw si Tita Franchiska."

"Iiwan ka nilang mag-isa dyan?"

"Mom, I'm not a baby anymore. I can perfectly take care of myself."

Lalo siyang napangiti sa sinabi ng anak. Mary Ann really grow up. Marunong na itong sumagot sa kanya. Hindi na nababakasan ng mahinang babae ang boses nito. "I know, Mary Ann but you can stop me from worrying at you."

"Mom, hindi mo na dapat ako inaalala. Dapat mas inaalala mo ang sarili mo. Si Tita Cathness malapit ng mag-asawa. Si Tito LJ nagpaplano ng magpakasal kay Tita Franchiska. Kayo po, kahit nobyo ay wala."

Bigla siyang napa-upo ng tuwid ng marinig ang sinabi ng anak niya. Aba! Tumanda lang ng ilang taon ang anak niya ay pinagsasabihan na siya ng ganoon. Sumimangot siya dahil sa sinabi nito.

"Mary Ann, paalala ko lang sa iyo, anak kita at hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan sa akin. Kahit matanda ka na, papalu---"

"Mom, nag-aalala lang ako sa iyo. Ayaw ko naman tumanda kang dalaga. Kailangan mo ng makakasama sa buhay kapag tumanda ka na."

Napangiti siya sa sinabi ng anak. "Nariyan ka naman para alagaan ako."

"Oo nga po pero iba pa rin kapag nakapag-asawa ka."

"Tinutulak mo na talaga akong mag-asawa. Gusto mo na ba ng Step-Dad?"

"MOM!!!" sigaw ni Mary Ann mula sa kabilang linya.

Tumawa na lang siya. Alam niyang nakasimangot ng mga sandaling iyon ang anak niya. "Wag kang mag-alala anak. Pag-uwi mo dito ipakilala kita sa kanya." Pumasok sa isipan niya ang imahe ni Dennis.

Nawala ang ngiti sa labi niya. Paano niya mapapakilala ang binata sa anak niya gayong hindi nito alam ang totong pagkatao niya?

"Kung ganoon ay may dinidate ka? Sino? Anong trabaho niya? Mabuti ba itong tao? Ibigay mo sa akin ang pangalan niya?"

Muling bumalik ang ngiti sa labi niya ng marinig ang sunod-sunod na tanong ng anak. "Saka na anak kapag sigurado na akong liligawan niya ako. Sa ngayon magkaibigan lang kami."

Hindi nagsalita si Mary Ann sa kabilang linya ng ilang sandali. "Wag ka lang niyang sasaktan, Mom dahil kapag ginawa niya iyon. Sisiguraduhin ko na magsisisi siyang may nakilala siyang isang Dela Costa."

Napayoko siya at huminga ng malalim. "Sa tingin ko nga anak magsisisi siya dahil nakilala niya ang isang tulad ko."

Bakit ba kasi naisipan niya pangmagpanggap na isang mahirap sa kay Dennis? Ano ba kasing pumasok sa kokote niya?