CHAPTER 1
Mausok, maingay at iba't-ibang amoy ang pumapaligid kay tiffanie. Walang pake-alam si tiff sa paligid nya o kung sino man ang madikitan sya. Ang gusto lang nya ay uminom ng uminom hanggang sa malasing sya. Sa oras na ito ay walang makaka pigil sa kanya magpaka lasing. Wala sya pake-alam sa paligid nya kahit may mag suntukan o kung ano pa man yan. Basta maglalasing sya kahit umagahin pa sya sa paglalasing nya. Alam din naman nya na walang mangyayari sa kanya kahit maglasing sya ng sobra. Dahil kilala na rin naman sya sa bar at ng ilang bouncer. Ng minsan na magbar sya ay binati sya ng ilang tauhan dito kaya, sa isip nya siguro dahil madalas sila ng magkakaibigan dito kaya nakikilala na sya.
Kaya malakas din ang loob nya magpaka lasing dahil kasama naman nya ang kaibigan ngayung gabi.
" hi! Honey. Isang alak naman dyan katulad ng kanya " boses ng bagong dating na babae.
" bakit ngayun ka lang? "
" oh?! Hindi ako late love huh. Sadyang maaga ka lang nagpaka lunod dyan " inirapan ni tiff ang kaibigan sa sagot nito.
" oh.. Thank you sweetie " sabay kindat ng babae sa bartender.
" kakarating mo lang lumalandi kana "
" okey na yon para makarami noh "
" ewan ko sayo pag yan na laman ng bago mong boyfriend "
" ugh.. Correction ex na, love " naka ngising saad ni emie.
Gulat napa tingin si tiff sa kaibigan.
Pano naman 1 week pa lang ata mag on si emie at yung 'ex' nya daw'. Hiwalay na agad. Napapa iling na lang si tiff sa kalokohan ng kaibigan. Ginawa ng Collection ang mga lalake sa kanya.
" baka karmahin ka sa ginagawa mo ems "
Lumipas ang ilang oras ang dalawa magkaibigan ay napaparami na ang inom. Lalo na si tiffanie dahil kanina pa ito umiinom. Kaya si emie ay tumigil na sa pag-iinom dahil para may isa sa kanila ang aware para makauwi at wala madisgrasya.
" ano problema love? "
" alam ko hindi ka iinom ng ganyan kung walang nanyari sayo "
" hindi naman siguro dahilan yan sa bakeshop mo? " pagpapatuloy sa pagtatanong ni emie kay tiff.
" dahil alam ko na maayos ang bakeshop mo at malaki din ang kinikita "
" hindi naman yan about sa family mo. Dahil alam natin na support ka nila tito at tita "
" at hindi rin siguro about sa dalawa mong kuya? Kahit over protective ang dalawa eh hindi naman sila sumosobra " pagpapatuloy ni ems sa pagsasalita dahil wala sya na tatanggap na sagot.
" don't tell me.. About yan sa boyfriend mo bwiset? " malungkot na tumingin si tiff sa huli tanong ng kaibigan.
" haist sabi ko na nga ba eh "
" ano naman ang nangyari? "
" alam mo love.. Nung una botong boto ako dyan sa hudas na yan eh.. Pero habang tumatagal sarap itapon sa bundok eh " inis na inis na pahayag ni ems. Dahil sa na bangit nya ay biglang uminit ang ulo ni ems.
Hinuling inom muna ni tiff ang inumin nya bago sya sumagot. " kasi love naka limutan na naman nya ang monthsary namin "
" kung hindi pa ako tumawag kanina hindi nya pa maalala. Okey na eh. Alam ko naman kasi ilang araw sya busy. Pero nung sya mismo nag aya ng dinner sya rin naman ang umatras sa dinner " malungkot na pahayg ni tiff sa kaibigan.
" hindi lang ngayun ngyari ito, miski nung mga nagdaang monthsary namin wala nangyari. Parang hangin lang na dumaan ang mga araw na yun. Lahat yun inintindi ko dahil alam ko busy talaga sya. Kahit may mga araw na wala na din sya time sakin inintindi ko, kahit madalang na ang pagkikita at pag uusap namin inintindi ko parin yun. Na tatakot at na babahala ako love "
" baka isang araw mawala sya sakin at makalimutan nya na ako. Kaya nga hanggat maaari gumagawa ako ng paraan para magkaruon kame ng time kahit mag usap na lang tru chat or txt. Pero wala isang tanong at isang sagot, kung ma swerte sa isang araw my dalawa sya txt sakin "
Na aawa tumingin si ems sa kaibigan. Dahil alam nya na ilang araw na ito malungkot dahil wala sila bonding ng boyfriend nito. Swertehan na lang kung day off ng lalake kaso ang ending naman nito tinutulugan naman sya.
" ano ba kasi ang iniisip nya? Bakit ba todo sya trabaho? Eh diba na promote na sya? "
" oo na promote na sya. Kaya nag celebrate sila workmate last 2 weeks. "
" oh? Ayun naman pala eh. Bakit naman nagpapaka lunod pa sya? Baka naman nagpapayaman yan? " matamlay na ngumiti si tiff.
" tama! Siguro todo trabaho yan para sa future nyo. Nagpapa-yaman lang yan, malay mo sa Anniversary nyo next month andun yung bawi nya sa lahat ng monthsary nyo na kalimutan nya " pang che-cheer up ni ems sa kaibigan.
Na relief si ems ng makita nya na luminaw ang mukha ni tiff. Na kita nya na kahit papano ay ngumiti ang kaibigan.
Hindi rin nag tagal ay bagsak na si tiff sa kalasingan. No choice si ems kungdi humingi ng tulong para maidala si ems sa sasakyan nya. Naki usap na din sya sa bouncer na kung pwede bantayan ang sasakyan ni ems. At kukunin na lang bukas ng umaga ang sasakyan ni tiff.
Dahil sa gabi na rin inuwi nya na lang si tiff sa bahay nya. Para iwas galit at sermon sila sa kuya ni tiff. Tinawagan nya na din ang mother ni tiff para masabi na sa kanila si tiff.
Ng matapos nya mahiga at iayos si tiff ay biglang may tumawag kay ems. Isang tao na matagal na nila hindi na kikita at na mimiss nila.
~~~~~~
Thanks for reading.
Hindi po ako pro writer kaya pagpasensyahan nyo na lang. Kung ayaw nyo po nito okey lang naman kahit hindi nyo na po basahin.
Wala lang talaga ako magawa dahil sa quarantine.. Sa sobrang bored lang kaya naka pag sulat ulit ako.
Kung my mga wrong Grammar ako sorry ulit. Im not perfect po eh. Aayusin ko na lang ulit sya.
Thank you ulit 😊🙏