CHAPTER 2
Maaga umalis si tiffanie sa bahay ni ems. Pagka dating nya sa bahay nila ay sandamakmak na tanong ang inabutan nya sa dalawa nyang kuya. Mabuti na lang dumating ang mommy nya kaya napa hinga sya sa mga katanungan ng mga kapatid.
Pagkatapos nila mag agahan ay hindi rin nag tagal si tiff, umalis din sya para naman pumasok sa bakeshop nya. Kahit gano man kabusy o kawindang sya hindi-hindi nya makakalimutan ang shop na mismo sya ang nagpundasyon. Wala tulong ng magulang at ng mga kapatid. Mismo pera at tyaga nya ang puhunan nya sa pag tayo ng isang shop.
Sa dedicated nya sa shop nya, unti-unti ito nakikilala sa bansa. Balak na din nya mag tayo ng bakeshop sa ibang bansa. Ang sweet tiff ay na ngunguna na sa mga pastries. Balak na din nya mag patayo ng learning center kung pano mag bake.
Kahit 7 months pa lang ang sweet tiff ay kilala na ito. Marami na ang bumibili at nagtitiwala sa kanya. Nung una nagtataka sya dahil biglang lago ang bakeshop nya, hindi nya ineexpect na ganun ka dali. Iniisip nya aabot pa ng taon bago makilala ang shop nya. Kahit man may pagdududa sya, may tiwala naman sya sa sarili dahil sa galing at dedikasyon nya kaya napa lago nya ang shop. At andyan ang pamilya at kaibigan nya handang tumulong at umagapay sa kanya.
Medyo napa aga sya sa pag dating sa shop. Wala pa gano tao iilan pa lang, kaya habang wala pa tao kinausap nya ang mga staff nya. Hindi naman nag tagal ang pag-uusap mga reminders at new rules lang naman ang pinag usapan nila.
TIFFANIE
" LOVE!!! "
" grabe ito si emie ang boses pang gising sa mga tulog eh " na papailing na lang ako sa ka-abnormalan ni ems.
Kahit kelan talaga ang babaeng ito ang boses sa umaga megaphone. Mabuti hindi na gagalit si tita sa boses nito.
" love pumasok na ako "
" alam ko hindi ka naman kumakatok eh " sabay lahad ng kamay nito sa harapan nya.
' problema na naman nito? ' tanong nya sa isip nya.
" masakit sa kamay pag kumatok ako love " maarte saad nito.
Napapa irap na lang talaga ako sa kaartehan ng babaeng ito. Sarap tanggalan ng kuko eh.
" oh? Bakit ang aga nandito ka? Ano meron? "
" wala mambubulabog lang ako. Tapos na kasi ako sa trabaho ko. Alam mo na naghahanap ako ng magugulo " pang aasar pa nito sakin.
Binigyan ko nga ng masamang tingin ang babaitang to.
" sa dame mo pwede bulabugin ako pa talaga pinili mo "
" hay sana si damiel andito para sya naman ang kulitin mo " pagpatuloy ko.
Si damiel nakaka miss din ang lalaking iyon ilang buwan din sya wala. Mukhang sinulit ang long vacay nun.
" oh. Speaking damiel babalik ang bruha. Nandito na sya next week "
" ano? Babalik na ang babaitang yun? "
" yup, kaya nga sabi nya sakin na mag leave daw tayo next week " sa sinabi ni ems inilapag ko muna ang mga papeles na binabasa ko kanina.
Ang baklitang yun biglaan talaga kahit kelan. Miski nung umalis sya biglaan, na gulat na lang kame nasa airport na kasama ang long time boyfriend nito. Tapos ngayun biglaan din ata ang uwi nya.
Nag-cross arm ako humarap ng maayos kay ems saby sabing " ang daya naman ni sweety bakit hindi sya nag sabi sakin. Bakit sayo lang nagcocontact? "
" loka tinatawagan ka daw nya kahapon hindi ka naman daw macontact kaya sakin na sinabi " aba at inikutan pa ako ng mata.
" oo nga pala tinatawagan kita bakit hindi ka sumasagot? "
Oo nga pala yung cellphone ko na sira, nakaka inis kung kelan kaylangan ko dun pa na sira. Kainis kasi si kuya denver ihulog daw sa pool, kaya ayun ang ending basang basa ang phone ko.
" sira ang phone ko, mukhang bukas ko pa mapapa ayos " naka simangot kong sagot.
" lalo na ngyun kaylangan ko tapusin ang dapat tapusin para next week wala ako mapending na work.. Yung work ko ng next week tatapusin ko na this week "
" kung sabagay may point ka alam mo naman ang bruha yun pag sinabi nya na no work for this week wala talaga. For sure kung saan saan na naman tayo mapupunta nyan… Aray! " tinapik ko nga ang kamay naka salumbaba naman malas yan tapos keaga-aga pa naman.
" malas yang pagsalumbaba mo eh " abay ngusuan pa ako hilahin ko yan eh.
Nagkwentuhan muna kame ng ilang oras. Bago bumalik sa gawain, lalo na sya need nya matapos ang ginagawa nya project para next week daw hindi sya mag hahabol.
Sa sobrang busy ko hindi ko na namalayan na lunch na. Pero wala parin ako gana kumain lalo na hindi ko macontact si jules. Madalang na nga kame magkita at mag usap mawawalan pa kame ng Communication. Okey na yung kahit normal greetings nya sakin basta alam ko na aalala pa rin nya ako kahit sobrang busy nya. Ayaw ko naman bumili ng bago dahil yung mga picture namin naka save dun mismo sa phone ko. Namimiss ko pa naman sya hindi kame nagkita kahapon. Eh kung… Tama!.. Puntahan ko kaya sya sa office nya?! I-suprise visit ko kaya sya? Oo… tama.. pwede dadalhan ko na lang din sya ng cookies and cakes.
***************************************
4:38pm. Tama lang ang dating ni tiff sa TriTone TeleCom, kung saan nagtratrabaho ang boyfriend nito. Alam ni tiff kung gano kabigat ang responsibilidad na hawak ni jules. Dahil ang TriTone TeleCom ay kilala, maunlad at na ngungunang sa buong bansa ng mga telecommunications company. Sabi nila mahirap maka pasok dito, dapat matalino at masipag ka para maka pasok ka dito. Sabi sabi din na once naka pasa ka sa interview magkakaruon pa ng evaluation. Ang evaluation ay umaabot daw ng 2months. Kung maganda daw ang performance mo in that whole months dun kapa lang tanggap. Kung bagsak ka naman hindi kana ulit makaka pasok o makaka pag apply ulit sa kanila. Kaya nga todo support si tiff kay jules dahil alam nya kung gano ito naghirap para makuha lang ang posisyon na gusto nito.
Naglalakad na sya papunta sa Office ni jules. May iilan na kilala na sya dito. Dahil ilang beses na din sya naka pasok rito.
Ng nasa harap na sya ng pintuan kumatok muna sya, at sabay bukas ng pintuan. Na kita nya si jules na busy sa harap ng computer nito. Umangat lng ito ng tingin ng marinig ang pagbukas ng pintuan.
Naka ngiting tinignan sya ni jules at binalik ulit ang tingin sa monitor.
" what are you doing her tiff? " tanong ni jules sa kanya
" binibisita lang kita jules and dinalhan din kita ng cookies and cake " naka ngiting saad ni tiff.
Lumapit si tiff sa lamesa ni jules, nilagay nya sa gilid ang dalang pastries.
" ganun ba. Thank you hon " sagot ni jules sa Girlfriend.
Naka ngiting umikot si tiff hangang sa tumigil sya sa likod ni jules. Na kita nya mabilis itong nagtatype sa keyboard nya. Mukhang gumagawa ito ng report.
" basta huwag ka lang magpalipas huh " panglalambing ni tiff.
Inikot ni tiff ang braso nya sa balikat ni jules at niyakap ito. Habang naka yakap sya patuloy parin sa pagtatype si jules.
Mas hinigpitan ng yakap ni tiff. Umobob sya sa balikat ni jules, kaya ang ilong at labi nito ay lumalapat na sa leeg ni jules. Binibigyan nito ng mumunting halik ang leeg ni jules. Hanggang umabot ang mga halik nya sa pisngi nito at sa labi nito.
Binigyan nya ng maalab na halik si jules. Nung una hindi rumerespond sa halik si jules, hindi nagtagal ay naki sabayan na din ito sa halikan. Kaya ang kaninang kamay na nasa keyboard ay nasa bewang at leeg na ni tiff. Yung kaninang atensyon nito sa monitor ay na punta na kay tiff.
Ng makapos na sila ng hininga dun lang sila tumigil sa paghahalikan. Naka ngiting tinignan sya ni jules.
" hintayin mo na ako hon. Malapit na din ako matapos umupo ka muna dun "
Tinuro nito ang visitor chair.
" okey, love you hon "
" love you too " sagot naman ng lalake at pinagpatuloy na nito ang ginagawa.
Samantala si tiff ay umupo na dun, kinuha nya ang phone ni jules at nagfacebook muna habang naghihintay.
Sa loob-loob ni tiff masaya sya dahil kahit papano naka sama nya ang lalaking mahal nya. Kahit unti oras lang okey na sa kanya, alam naman nya na pagna tapos si jules kakain lang sila sa labas at ihahatid na sya pauwi. Kahit papano nagkaruon sya ng oras para maka sama at matignan ang lalake. Sobrang na miss nya ito.