Chereads / "Love Me” / Chapter 6 - CHAPTER 5

Chapter 6 - CHAPTER 5

TIFFANIE

Na mamalik mata ba ako? O lasing na talaga ako kaya kung ano ano ang na kikita ko? Feeling ko tuloy tulo laway na ako sa kaharap ko ngayun.

Babae ako kaya madali ako mabighani sa lalaking kabigha-bighani talaga. Ang mga mata nya parang dinadala ka sa ibang dimensyon sa sobra titig sayo. Ang labi nya ay parang sobrang lambot kahit titigan mo lang ito. Kakaiba talaga ang presensya nya masyado maatoridad kahit nag salita lang sya.

" you should not drink little girl. Lalo na ikaw lang mag isa" kinuha nya ang baso nasa kamay ko at ni lagay nya sa kung saan man.

Bakit maka tawag ito ng little girl? Mukha ba sya bata sa paningin nya? Marami nga nagsasabi sakin na sobrang matured nga ang features ko. Tapos sya sasabihin nya ako na little girl? Porket ba na mas matangkad sya sakin, aba nang liliit ata ito si mr. Intruder eh.

Taas kilay ko sya hinarap ng maayos.

" excuse me? Who the heck are you? At wala ka din pake-alam kung umiinom ako"

"at isa pa i'm not little girl, nasa tamang edad na ako. And will you go away? Huwag mo ako guluhin dito iba na lang" nginisi an lang ako ng impakto. Aba hindi na dala sa pagtataray ko.

" well for me you are still a little girl. And hindi ka dapat umiinom na mag-isa. Pano pag may mambastos sayo?" seryoso saad ng lalaking ito.

" well mr. Intruder if ever bad happened to me kaya ko protektahan ang sarili ko" pagtataray ko dito.

" really huh?" amused na saad nito.

" oo at isa pa my mga kaibigan ako dadating kaya pwede shupi na?" pagtataboy ko pa dito.

Kahit pinag tatabuyan ko na ito, nanatiling naka tingin pa rin sya sakin. Halos nagtitigan na kame walang bumibitaw, walang nagpapatalo sa titigan namin. Kahit nakaka takot ang aura nya at kung pano rin sya tumitig sakin hindi ako nagpatalo sa kanya.

" tiff na saan kana?" tawag ni ems sa hindi kalayuan.

Dahil sa tawag ni ems dun lang ako napa bitaw sa titigan namin dalawa.

Bago umalis ang lalaki my sinabi pa ito sakin. Halos pa bulong na ang saad nito.

" i'm watching you little girl" napa tunganga ako sa pwesto na alisan nya.

Pambabanta ba yun? Pero bakit? Ano ba na gawa ko dun? Ngayun ko lang naman sya na kita? Sa sinabi nya ibang kabog tuloy ang naramdaman ko.

" love? Nyare sayo? Para kang naka kita ng multo" wala sa sarili napa iling ako.

" oo nga sweety sino ba yang tinitignan mo" nakiki silip na din ang dalawa.

Umiiling na lang ako sa dalawa at sinabi na may na alala lang ako. Para wala na silang itanong pa.

Nag patuloy ang gabi namin na umiinom at nagkwekwentuhan. Na wawala na din sa isip ko yung lalaki kanina. Ng dahil dun na wala din sa isip ko ang pagtawag at pagtxt sa boyfriend ko.

Maaaga kame gumising para sabay sabay kame mag lahat magbreakfast. Kahit masakit ang ulo dahil sa gabi ay ininum ko na lang ng kape. Nakaka hiya naman na ako lang ang magpa iwan samantala sila mag-iikot na dito sa palawan. At sayang din naman kung magkukulong ako sa kwarto sayang ang libre punta namin dito. Mawawala din naman ito kung iinumin ko ng gamot.

" ah.. Ma'am ito po gamot nyo po" biglang singit ng isang staff.

Wala sa loob naman na tinanggap ko ang gamot na binibigay nya sa akin. Hindi naman ako humingi, i mean hindi pa ako humihingi ng gamot sa pang hang over.

" ano yan tiff?" tanong ng classmate ko

" ah.. Gamot lang sa hangover" sagot ko na lang.

Ininum ko na lang, wala naman siguro mangyayari sakin. Ikakasira naman nila kung lason ito.

After namin kumain nag pahinga muna kame ng ilang oras. After a hour nag ayos na kame para maka alis na at maka libot kame sa palawan.

Masaya kame naglibot at kung ano ano activity din ang ginawa namin. Bumili din kame ng kung ano ano souvenir namin. Yung iba pasalubong naman para sa pamilya at sa mahal nila. Pumili na din ako para pasalubong kay jules.

Si jules nga pala, madali ko tinignan ang cp ko para tignan kung may messages or calls sya sakin. Isang nakaka dismaya ang na kita ko dahil kahit isa wala sya binigay. Kahit txt o tawag hindi nya ata na isip. Hindi man ata ako na alala ng taong yun. Samantala ako inaalala sya. Buntong hininga binalik ko sa bag ang cp ko at pinagpatuloy na lang mamili.

Hapon na kame naka balik yung iba nagsi lusong na sa dagat, yung iba naman bumalik sa kwarto at magpapahinga muna para sa gabi my energy sila at ang iba naman kumukuha ng litrato sa ibat ibang angulo ng beach resort.

Ako si ems at damiel naman ay nag decide na lumusong muna sa dagat. Kaya ito kame mga nagpapalit ng damit pang swimming. Parehas kame ni ems naka bikini samantalang si damiel ay naka swimming trunk. Sa unang tingin mo talaga kay damiel hindi mo aakalain na ka federasyon natin ito. Kung naging lalaki ito malamang marami na ito napa iyak na babae. May itsura si damiel, sabihin na natin na mas may itsura si damiel kesa kay jules. Kaya nga minsan na sasayangan kame ni ems sa gandang lalaki ni damiel. Well kung saan sya masaya support naman namin ni ems.

" dun tayo sweety" turo ni damiel dun malapit sa may malaking bato.

" tamang tama yan maganda pictorial yung lugar na yun" na uunang pumunta si ems kung saan tinuro ni damiel. Sumunod na kame ni damiel para maumpisahan na namin ang mag pictorial.

Nang nakakarami na kame ng kuha sa iba't ibang ang gulo. May na mukhaan ako bulto ng lalaki sa hindi kalayuan samin. Ng mamukhaan ko kung sino ito, para ako naupos sa kinakatayuan ko. Pano naman ang magaling kong boyfriend ay may kasamang babae. Hindi lang babae ito ang katrabaho nya. Ano ginagawa nila dito? Sila lang ba dalawa? Imposible na sinundan nya ako dito, kasi hindi ko naman na sabi sa kanya na dito kame pupunta. Diba mula nung makarating ako dito wala sya paramdam sakin. Sana mali ang iniisip ko na sila lang dalawa dahil hindi ko alam kung ano pwede ko gawin.

" tiff uy tara na" sa pag tawag sakin ni damiel. Dun lang lumingon si jules.

Bakat sa mukha nito ang gulat miski din sa kasama nya. Hindi ko mawari kung nag aalinlangan lumapit sakin si jules. Kaya ako na ang naglakad pa punta sa kinakatayuan nila. Tipid na ngumiti ako sa dalawa, tumigil ang tingin ko kay jules at dun na ako naghihintay ng paliwanag o magsalita man sya.

Tumikhim muna sya sabay yakap sakin at halik sa pisngi ko. Hindi ko tuloy alam kung ngiti ba o pilit na ngiti na ba ang naka paskil sa labi ko.

" a-ah hon bakit nandito ka? K-kala ko sa batangas kayo?" tanong nito sakin.

" changed of plan" tipid na sagot ko naman.

" kayo? Bakit nandito kayo?"

" kayong dalawa lang ba?" tumingin ng panandalian si jules dun sa kasama nya sabay balik ulit sakin ang tingin nito.

Naka ngiti ito lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko.

" hindi hon, buong company staff nandito din. Biglaang nagpa outing kasi ang big boss namin " paliwanag nito.

Bago pa man ako magsalita biglang dumating si ems at damiel. Parehas sila na katulad ko na gulat. Kaya ito si jules inulit ulit yung sagot nya sakin.

" ganun ba bakit hindi mo sinabi kay tiff? "taas kilay na saad ni damiel.

" h-huh?... Ahh.. Kaya hindi ko na sinabi dahil alam ko naman na may lakad din sya ayaw ko naman na alisin ang bonding nya sa inyo lalo na sa mga naging close nya nung high scholl " paliwanag naman nito.

" oh? Sana sinabi mo pa rin kasi buong araw... Ay mali mula kahapon kapa kasi nyan iniisip hindi ka daw kasi nagpaparamdam " sabat naman ni ems. Naka cross arm na ito ng kausap nya si jules.

" oo nga pala naka limutan ko sabihin sayo hon na sira kasi yung phone ko kaya ito nakiki hiram muna ako " paliwang naman nito.

May rason naman pala kaya halos dalawang araw na sya wala paramdam sakin. Akala ko kasi kung ano na.

Babae ako alam ko kung may problema sa relasyon namin. Hindi naman ako manhid o tanga para hindi mapansin yun. Alam ko na unti unting nagbabago si jules, alam ko na unti unti na sya na wawala sa kapit ng relasyon namin. Kaya minsan hindi ko maiwasan baka dahil ito sa babaeng palagi nya kasama. Ayaw ko man kausapin sya about dun dahil baka may dahilan or na mali lang ang ng interpretasyon. Gusto ko sya mag sabi kung may problema or kung meron na talaga gusto ko yung na kikita ko para sa huli wala ako pagsisi kung nagkamali ako ng intindi.

~~~~~

Thank you for reading

Sana nag enjoy po kayo sa pagbabasa. Kahit napa daan lang yung iba.

Thank you parin kasi kahit papano binigyan pansin nyo ang kwento ko.

Gracias

Adiós