◆◆❃◆◆ᴅᴇʀᴇᴋ's ᴘᴏᴠ◆◆❃◆◆
(Tuesday, 6:17 am) (August 6, 2019)
*knock* *knock* *knock*
"Kuya! Gising na! Di ba may pasok ka?" kahit na naaalimpungatan ako ay napabangon na lang ako ng marecognize ko ang boses na iyon.
"Gabby! Didn't I tell you do not go or enter a boy's room whout consent!" ang tigas talaga ng ulo ng kapatid kong to. Eh dati rin naman, matigas ang ulo ko ah? Dati...
"Eh, you're my kuya! And you're so laaate! It's still your second day! Bakit ka ba kasi kuya napuyat?" hay nako. Bossy siya kasi only girl at spoiled masyado ni Dad.
Napafacepalm ako. Grabe tong bunsong to. Mas malala pa yata to magalit kesa kay Dad. Yeah, nasa bahay ako ngayon nila Dad since mamaya, sa dorm na ng school ako tutuloy.
"Kuya...don't tell me na may nagugustuhan ka na sa mga kaklase mong babae? Don't tell me na stinastalk mo siya? Kaya ka ba puyat? Sa facebook? Kuya *sniff* am I not your baby girl anymore?" oh no. Oh...no. It is too late. Umiyak na siya.
Si Gabby kasi, ayaw niya na mapalapit ako sa ibang babae. Kaya kapag magkasama kami, lagi siyang nagmamayabang na may kuya siya at baby girl ko siya kahit daddy's girl siya. Hay. Kinarga ko siya tsaka pinatahan. Kung gaano siya magalit, ganon din siya magtampo at mag selos. Kanino pa nga ba nagmana?
"Shh..tama na. Wala pa akong natitipuhan sa mga kaklase ko. Tsaka, kahit na may crush ako or girlfriend, ikaw pa rin ang baby girl ko." kalmado kong sinabi pero niyakap niya ako ng mahigpit to the point na ginawa na niya akong teddy bear.
"You're warm kuya. I wonder kuya, is there a person who is cold?" sa sinabi niya ay naalala ko ulit si Snow. To be honest, when I touched her arm, nagulat ako na ang lamig niya kahit na ang init ng panahon. Napatingin ako kay Gab. Is there really such a person?
"Anyways, YOU are not allowed to have a girlfriend unless I know her!" there she goes. Bossy mode on na, kaya naman si Dad, minsan napapaikot ng kapatid ko. Hayst.
"Okay okay boss." I chuckled and she hugged me.
"Kuya baba na tayo. Andyan na ang maghahatid sayo sa school po." ngiting ngiti na sinabi sakin ni Gabby. Kahit na may pagka-bossy siya, she always smiles. People find her adorable. Tumayo na ako at naghanda para pumasok. And that's when I saw my dad reading a newspaper.
They say demons are very different and strong, but the truth is, they still have weaknesses. When my mom went missing and reported dead, my dad lost his track in life. Before that, my sister was still young. He always train so hard hanggang wala nang nakatalo sa kanya. He even did that to me. After few years, parang bumabalik na ang Dad ko sa dating siya. Pero kada nababanggit ang tungkol kay Mom, he looks like he doesn't moved on yet.
Mom, me and my sister, was his weakness, and he and my sister was my weakness. Kahit anong mangyari, kahit mamatay man ako, proprotektahan ko ang pamilya ko.
*kring* kring* *kring*
"Wow! Wala pa sa ikaapat na ring sinagot mo na! Nice one Derek!" paano ko ba natolerate ang ugali ni Sniper since when we're kids?
"That's all? Papasok na ako." balak ko sanang babaan siya nang marinig ko ang sinabi niya.
"The HM cancelled the skills practice, and you will just join the physical exam." wait? Even the HM joined the guessing game. What the hell is happening here?!
"Ok then." binaba ko na at tsaka minasahe ang noo ko. Hayst. New student pa lang ako tas ang rami ko na agad na problema.
◆━━━━━━◆❃◆━━━━━━◆
"As you can see Mr. Manediul, Ms. Volmalos should be the one who you should fight, but the HM cancelled it and grants you the opportunity to join the physical exam." hindi ko na muna iniisip ang tungkol kay Snow at pilit tinutok ang atensyon ko sa mga walang kwentang sinasabi ng teacher na to.
"Mr. Manediul, are you with us?" I nodded to this stupid teacher. Napakaboring naman kasi ng mga pinagsasabi niya eh.
"As I was saying, that skills practice should determine whether you should be joining the physical exam. Now, train for the exam. Don't let the HM down, Manediul."
Pero bago siya umalis, parang may hinahanap pa siya.
"Damn, where is the student council president?!"
Isang nakakabinging katahimikan ang pumalibot samin hanggang sa may nagsalita at tuluyang sinira ang katahimikan.
"I am here." amber-colored eyes...yan ang mga matang pitong taon kong hindi na nasilayan. Me and Sniper doesn't know where the hell that this person went, but still, he looks more matured now. Dapat nga talagang Ice nickname niya eh. Kung gaano siya kacold dati, mas lumala ngayon. That thought made me mentally chuckle.
Pagkaalis na pagkaalis ng teacher ay may isang student ang lumapit sakin at bigla na lang akong tinulak. Kinuwelyuhan pa ako tangina.
"Wag ka ngang humarang sa daan! Pasalamat ka at hinayaan ka lang ng Headmaster na sumali sa mangyayaring physical exam! Kundi, baka gumagapang ka na ngayon! HAHAHA!!"
Pati ang ibang estudyante ay nagsitawanan pero nung lumapit ang Council president ay nanahimik na sila. Tss.
"Ngayon lang kita nakita Mr?" Andrew talks calmly but his voice contains authority. Nagbago na nga siya kasi kada titingnan niya ng mga mata ng students, wala ng emotions ang makikita.
"Balderton p-president." nawala bigla ang angas niya nang nakita ang presidente at mukhang hindi niya alam kanina na nandito ang president.
"Pasalamat ka at wala ako sa mood ngayon para ipadala ka sa guidance councelor, Mr. Balderton..." nakahinga naman ng maluwag ang hambog na balde pero nawala wrin ito nang muling nagsalita si Andrew. "...pero nasa mood ako ngayon para ipadala ka sa DH..." napaluhod ang hambog at hindi makapaniwala sa sinabi ng president. DH?
"Come with me and let's say hi to the demons." parang bumigat ang tension ngayon sa training field nang tumayo bigla ang estudyante at biglang inatake ang presidente. Pero hindi man lang siya nagulat kaya nakipagsagupaan pa siya.
Attack.
Dodge.
Dodge.
Attack.
Attack.
Swish.
Masyadong mainit na ang laban at mas gumaganda ang laban. Parang mas hinahamon pa niya yung Balderton. Kung normal strength ang meron siya, bakit pinasok siya ng Royal Family dito?
"Balderton, when will you surrender?" ngumsi siya ng nakakaloko. Instead na mang-asar pa, umatake na siya ng mas mablis. Namilog ang mata ko sa ginawa niya. May hawak na siyang dagger at pati na rin si Balderton. He is looking at him deadly and at the same time, nagdadark na ang mukha niya, means na seryosong seryoso na siya. Damn, he is so fast!
"President, why can't you just shut up and fight?" maangas na sinabi ni Balderton at yun pa yata ang dahilan kung bakit mas lalo bang napangisi si Andrew. Mukhang ang galit ni Balderton ay napunta kay Andrew.
"Tss...hell is a place for the strong. Glad to know that you don't easily giving up." tinignan niya si Balderton ng nakakaloko. Para bang dinidistract ni Andrew ang kalaban niya. Nice strategy you have there Andrew.
'Andrew, bakit ka nasa impyerno? Bakit dito pa tayo nagkita?' I think na narinig niya ang sinabi ko kasi napatigil siya at nakakalokong ngumisi sakin.
The two of them are actually drawing more and more attention from the students.
"Tsk tsk, poor Balderton." dinig kong bulong ng isang student.
They continued fighting until Andrew attacked Balderton's vitals and got pushed to the ground. Siguro na bored na siya sa laban kasi halatang pinaglalaruan lang ni Andrew si balde.
"Balderton, admit defeat. I don't want to report a death once again to the headmaster. Isa pa, hindi ka naman na maghihirap once na tatapak ka sa DH." binalik niya ng maayos ang dagger niya at tinignan ako sa mata. Tss..akala ko hindi na niya ako mapapansin.
Binawi niya ang tingin at tinawag ang ibang council kasi lumapit sakanya ang mga nakablood red bold letters ang nasa I.D , which means they are a part of the council. Pagkaalis na pagkaalis niya, doon na umusbong ang nga bulungan, at ako naman, wala na sa mood para makichismis kaya nagpasya akong pumunta sa canteen, at hindi ko naman inaasahan na nandito rin si Andrew. Ang bilis naman? Siguro inutusan niya na lang ang mga kasama niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta sa counter para bumili. Aalis na ako sa canteen nang marinig kong nagsalita si Andrew in Italian. Sigurado akong ako ang kausap niya kasi wala naman nang ibang tao dito maliban samin. Pero, hindi ko pa rin siya nililingon.
"Derek, sai che la curiosità può uccidere il gatto? In realtà stai facendo affari con i lupi. Ricorda che non puoi fidarti di un lupo."
(Derek, do you know that curiosity can kill the cat? You are actually making a business with the wolves. Remember that you can't trust a wolf.) unti-unti ng sumilay nanaman ang isang ngisi sa labi niya. I wonder kung mahahati na ba ang mukha niya ngayon.
"Ma tu sei un lupo e io sono una tigre. È difficile sapere chi vincerà. Andrew....o dovrei chiamarti, signor Presidente?"(But you are a wolf and I am a tiger. It is hard to know who will win. Andrew...or should ahould I say Mr. President?) namilog ang mata niya sa sinabi ko. Alam ko na sa simula palang, hinding hindi niya sasabihin agad sakin ang mga dahilan kung bakit siya nandito. Until I saw his mocking smirk.
"Interesting..." tumawa siya at lumapit sakin. "...a battle between a wolf and a tiger? Wow. Just giving you a warning, hell welcomes you with many mysteries. Knowing what the roots are can drown you even more."
Umalis na siya at naiwan naman ako at sa kamalas-malasan pa ng buhay, nakita ako ng teacher na nagbantay samin kanina sa training field at inutusan pa akong dalhin ito sa council secretary, great.
Malalaman na isang student council kapag may bloody red ink ang pangalan ng estudyante. I entered the class and got all of the attention. Again.
"May I ask, where is the student council secretary?" walang emosyon kong sinabi habang nakatitig sa isang officer. I think na isa na siyang 3rd year.
"Ah, si Moon? Wala siya eh. Absent eh." napatingin naman sa mata ko ang officer. He is like observing me. Ah. Oo nga pala. Si Snow ang secretary. Great. Nilibot ko ang paningin ko at hinanap si Andrew pero wala naman siya. Sa kanya ko na lang kasi ibibigay kasi ayokong maghawak ng mga papeles.
"Where is the student council president?" nagtinginan naman ang mga officers at aakmang magsasalita nang may nagsalita sa likod ko. Why didn't I felt his presence?
"Present." napalingon naman ako sa nagsalita at nagulat ako na si Andrew yon. No wonder nagbobow sila kada nakikita siya. Wait, he is the Student Council President isn't he? Then why the hell is his officers were older than him?! Same with Snow?!
"Take this. Sir Max instructed me to give it to the class secretary but sabi nila wala siya." tinuro ko ang opisyal na kausap ko kanina na nagulat pa sa biglaan kong pagturo sa kanya.
"Oh right. Moon was excused." excused?
"Excused? Why is she?" tinanong ng officer na kanina kong kausap. Nakita kong napakuyom ang kamao ni Andrew bago nagsalita.
"The HM ordered her to do something." tipid niyang sagot at naglakad pero tumigil sa gilid ko.
'Remember what I have said earlier, Derek.'
After that, the bell rang.
◆━━━━━━◆❃◆━━━━━━◆
Hinanap ko si Andrew nang mapansin ko ang isang blonde hair girl wearing a mask entered the room. Nang makita niya ako, bigla na lang siyang umatras at tumakbo.
Hinabol at hinanap ko siya at nabigla ako nang nakita ko siya sa may gilid ng puno sa likod ng school. Mukhang nagulat pa nga nang nahabol ko pa siya. Bago siya tumakbo ay parang may nahulog sa kamay niya. Balak niya sana yun kunin pero tumakbo na siya dahil malapit na ako. Pinagmasdan kong maigi ang nahulog and it was a---
---black rose.
◆━━━━━━◆❃◆━━━━━━◆
◆━◆❃◆━◆ᴍᴏᴏɴ's ᴘᴏᴠ◆━◆❃◆━◆
[August 5, 2019. MONDAY. 5:47 PM]
Stress.
Stress.
Stress.
Stress.
Hay nako! Hanggang ngayon ba naman stress?!
That fuckin mentor actually reminded me of the so-called skills practice. I hate it becquse it brings some memories.
Matagal tagal na rin kasi nang nag skill practice ako. Matagal, hmm...last 2 years?
Hindi ko pala napansin na nahiwa na ako. Paano ba naman kasi? Naghihiwa ako ng sibuyas at nahiwa ang daliri ko. Jusko! Absent minded na naman. Pero, that's me. Minsan hindi ko mararamdaman na nasasaktan na pala ako.
They say na manhid daw ako. Sabi nila acting strong lang daw ako. Hindi ko naman talaga kasi minsang maramdaman na ang sarili ko.
*BLAG!*
"Hey! What's the purpose of the door if you can just go in?" sarkastikong sinabi ko sa harap ng student council president, na ngayon ay naghahabol ng hininga.
"Okay ka lang?" tinitiis kong hindi pagirapan si Andrew. Obviously?
"Well, kita mo naman di'ba? Simpleng sugat lang to."
"Oo nga. Ok ka lang kasi nagagawa mo pang pagmalditahan ang kaibigan mo. Imposible ring hindi mo makakayanan ang isang simpleng hiwa sa daliri." mahina SIYANG tumawa na kinainis ko pa.
"Kaibigan? Ikaw? Who you? Chupe. I don't know you." napaharflip ako at umirap. I heard his annoying chuckles.
"Mayroon ka ba ngayon at grabe kang magsungit-sungitan?" feel ko na uminit ang mukha ko sa sinabi niya. T*ng*na mo Andrew.
"Grabe! Porket ganito ako ngayon!" lumapit ako at niyakap siya. Wala namang malisya yon para saming dalawa kasi halos close friends na kami plus, we are training buddies. Ni hindi ko nga alam na may makikilala pa akong ganitong tao sa school na to.
"Okay lang ba yan? Baka mag katetano ka niyan. " humiwalay si Andrew at kinuha ang kamay ko at inayos ang sugat. Saglit siyang kumuha ng band aid at inayos.
"Well, siguro sa pagod lang as a student council secretary, siguro rin dahil yung kanina." I let out a helpless sigh. He just shrugged.
Tahimik lang siya at pumunta sa dorm kitchen para siguro tapusin ang iluluto ko sana.
"Anong balak mong lutuin?" hmm...ano kaya? Gusto ko ng sinigang. Sinigang na baboy. Tutal masarap siyang magluto ng sinigang eh.
"Yung favorite ko. Masarap kang magluto eh." magkapitdorm lang kasi kami ni Andrew. Bale nakahiwalay ang mga student council sa ibang normal students. Di gaya ng normal dorm, ang dorm ng isang student council ay medyo maluwang, at may kitchen part na rin.
Si Andrew Kroburur ang una kong naging kaibigan sa U-High. Yun yung panahong naoffend ko ang previous secretary at since naging kapartner ko siya sa isang project nun, nasali siya sa away. Nagkaissue nung biglang dumating ang former council pres non at sumali sa away namin and we discovered that they actually have contacts to the enemies of our school. Bilang kaparusahan, pinadala kami sa DH. Pero during those three days, we managed to survive in the torture chamber, which is the DH. We don't want any students to spread rumours about it kaya we just simply...killed them.
And due to that, the HM himself offered the position of the president to Andrew. And of course, the secretary was offered to me.
Pilit kong inaayawan ang offer nila sakin na maging isang secretary ayon na rin sa kagustuhan ni Andrew noon, kaya lang, bibitaw daw siya kapag hindi ako ang magiging secretary niya. Weird di ba? Doon kami naging close friends. Kung nasaan kasi ang president, dapat kasama rin ang secretary.
Hindi ko namalayan na nangangamoy sinigang na sa dorm kaya mabilis pa sa alas kwatro ako pumunta sa gilid niya para tikman ang niluluto niya.
"Wow. Mukhang masarap kainin. Pwedeng tikman?"
"No. Hindi pa nga tapos eh. Sandali na lang." he winked at me nang mapasimangot ako. Yes. He appears to be a cold, ruthless and bloodthirsty assassin, pero deep inside, alam kong mabait siya. I don't know kung bakit ganon siya pero, I know he has a reason kung bakit sakin lang siya ganito tas sa iba hindi.
"Wait, gusto mo ba ditong kumain? Samahan mo naman ako please?" nagpout ako para kaawaan niya. Minsan kasi, dito na siya sa dorm ko kumakain kaya nasanay akong may kasama minsan.
"Sige." bakit lagi niyang tintipid mga salita niya? Tas minsan lang siya ngumingiti?
Hmm...
𝓣𝓸 𝓫𝓮 𝓬𝓸𝓷𝓽𝓲𝓷𝓾𝓮𝓭.....