Chapter 10 - 9: Worried?

◆◆❃◆◆ᴅᴇʀᴇᴋ's ᴘᴏᴠ◆◆❃◆◆

(Tuesday, 3:46 pm at the library) (August 13)

Lalapitan ko na sana siya nang naglandas ang mata niya sa direksyon ko. Pinagsawalang bahala ko lang ang mga tingin niya at kumuha ng isang upuan at nagbasa doon na parang wala akong kasama doon at gayun din ang ginawa niya. Tahimik ang buong library which is gusto ko.

Kinginang periodic table yan! Ang hirap imemorise! Buti na lang at dalawa lang kami dito kaya nung padabog kong binitawan ang ballpen ko, nabwisit din siyang tumingin sakin. Siguro nagcoconcentrate siya at naistorbo ko. Well, pasensya naman! Hindi kasi ako mahilig anything about sa science!

'Tiyaga lang Derek.' bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto akong lumipas nang nagets ko na kung paano ko ito mamememorise ng mas mabilis. Tinignan ko si Moon na tahimik na nagbabasa ngayon at nakita kong wala siyang dalang papel manlang. 

Kaya naman nagtiyaga ulit akong mag memorise ng masinsinan. Bwisit.

"Do you have anything sharp?" inalis ko ang tingin ko sa librong hawak ko saka tumingin kay Snow na nakatingin pa rin siya sa makapal na libro. Wait, is she asking about something?

"Porque?" [Why?] nabasa ko kasi sa profile ni Snow na alam niyang magspanish tsaka nasa mood ako ngayon magspanish. Bakit ba? Wala ako sa mood mag-italian eh.

"Lo necesito por un momento. Tienes la daga que te di?" (I need it for a moment. Do you have the dagger I gave you?) bindi niya pa rin inaalis ang antensyon niya sa libro. Honestly, this girl is really cold.

"Si." [Yes.] nakasanayan ko nang mambara ng mga sasabihin ng kausap ko kaya siya na lang sana ang magaadjust sa ugali ko kaso ako ang nagaadjust ngayon.

"Argh, quit speaking in spanish. As I was asking, dala mo ba yung dagger na binigay ko sayo kahapon?" kahapon? Ay, yung binigay niyang dagger na dahilan kung bakit ako sinermonan ni Sniper kagabi? Nagtataka ko man siyang tinignan ay alam ko na kung anong nais niyang sabihin. I just want to butter her up.

"Anong dagger?" painosente man, sigurong nakapoker face lang ako kasi umirap siya tsaka aalis na nung kinuha ko ang isang dagger na sa may paanan ko. Alam kong nabwisit na siya kaya mas gusto ko pa siyang bwisitin.

Swoosh.

Pigil ang tawa ko nang lumingon siya sakin at nangangaling sa kanya ang isang murderous aura. Paano kasi, nasalo niya yung tinapon kong dagger sa direksyon niya. Medyo nagulat pa ako kasi mabilis ang reaction niya at reflex niya.

Which means, she is well trained.

Kasi, kahit na nakatalikod siya, naramdaman niya sa paligid niya ang paparating kong dagger. Tss. I wonder kung pati sa dilim nakakikita pa siya.

"If you want to kill me, tell me. Wag yung patalikod." binalik ko ang atensyon ko muli sa science book na hawak ko ngayon. Nawalan agad ako sa focus dahil sa kanya. Great.

Kita ko sa peripheral view ko na bumalik siya sa pwesto niya kaya tumahimik nanaman ang buong library. Hanggang sa tumayo siya ulit at bumalik sa harap ko. Hindi ko parin inaangat ang paningin ko pero nang may napansin akong maliit na book katabi ng dagger ko ay nilingon ko siya. Paalis na siya sa library.

Pinakiramdaman ko muna kung umalis na siya at wala na siya sa library. Nang nasiguro ko nang wala na siya, kinuha ko ang book tsaka tinago ko na ang dagger ko. Kulay blue ang book na wala masyadong design pero mukhang maayos at iniingatan talaga ito ni Snow.

Nagdadalawang isip kong binuksan ang book nang ang bumulaga sakin ang isang neat, clean and readable handwritten note. It was written in Italian.

'Il libro che hai in precedenza non conteneva così tante informazioni sugli elementi. Quindi, controlla questo quaderno. Era completo. Ma se dubiti di me, chiedi al tuo amico di questo. Prendi questo cuino come regalo di ringraziamento poiché mi hai permesso di prendere in prestito il tuo pugnale.'

[The book you are holding earlier didn't have that much information about the elements. Hence, check this book. It was complete. But if you doubt me, then ask your friend about this. Take this book as my thank you gift since you let me borrow your dagger. ]

I have to admit, her handwriting is good. No wonder she is a secretary.

Napapailing man ay sinara ko at binalik ang librong ginamit ko sa shelves. Plano ko pa kasing puntahan si Sniper kasi yung sa tinatanong ko kanina sa kanya na informations.

Habang naglalakad, hindi ko maiwasang hindi silipin at basahin. In fairness, bawat element ay nakaayos at nakalagay rin kung ano ang parang elemental uses nun.

Hindi ko nalang namalayan na nasa tapat na ako ng dorm ni Sniper. Malapit lang pala ang dorm niya sakin. Katapat ko lang pala anak ng tinapa.

*KNOCK* KNOCK* KNOCK*

Nung may narinig akong kalansing ng kung ano man sa loob ay bigla kong tinakpan ang tenga ko kasi--

"OmyfvkinGod! Shet Derek! You scared the hell out of me! Goodness gracious!" sabi ko nga (-.-)

"Tss. Kumatok lang ako eh. Tsaka, ba't parang gulat na gulat ka at parang..." pinapasok niya ako at naamoy ko na nay kababalaghang hinagawa ang baril na to.

"A-anong parang?!" tingnan mo nga naman. May dalaw ba to?

"...parang may 'kababalaghan' kang ginagawa ngayon. Di bale, mabilis lang naman ako. Pwede mo nang balikan yang 'kababalaghang' ginagawa mo." talagang diniinan ko yung word na 'kababalaghan' at kita sa mukha ni Sniper na nagulat siya sa sinabi ko kaya tinignan niya ako na para bang nalilintikan na siya sa sinabi ko.

"Anong kababalaghan---gago?! Wag mo ngang dumihan ang utak ko fvck. Virgin pa utak ko gago." mas ngumisi pa ako sa kanya. May sinabi ba ako?

"Teka, may sinabi ba akong certain word para gawing adjective sa sinabi kong kababalaghan?" nanlaki ang mata niya at bwisit na tumingin sakin habang tumatawa ako. Thank you Sniper! Hahaha! Nagbibinata na siya tngina! Hahahaha.

"Hahahahaha."

"Gago hindi nakakatawa. Sige tawa lang. Mamatay ka na sana sa kakatawa. Anyway, anong pinunta mo dito?" seryoso niyang sinabi habang hawak ang buhok niya. Pastilanbudoybudoy. Gusto niyang baguhin ang topic.

Since seryoso na siya at ayaw ng makipagbiruan dahil sa nga kababalaghan, pinakita at binigay ko sakanya ang book na binigay sakin ni Snow. I am not a first name basis person sa ibang tao.

"What---OhMyFreakinGod! Derek Manediul! Paano mo to nakuha?!" tinignan ko lang siya ng what-the-fuck-are-you-

talking-about look. It's just a damn book for all I care that Snow---

"What I mean is, napakarare makakuha ng ganitong book! Just look at that! All of the informations are advance! Saan mo to nakita?! I know this book kasi nakita ko na ito sa isang museum exhibit worth millions! So tell me, saan at paano mo ito nakuha?" sabi ni Sniper habang binubuklat ang libro. Agad ko namang hinablot sa kanya yon kasi baka hindi na niya ibabalik...isa pa...itong book ay hindi sakin.

"Tss...I just want to confirm if that person who lets me borrow this is telling me the truth." pinandilatan niya ako ng mata sa sinabi ko. I just don't trust that person easily since I have my suspicions about her.

Nung nahalata na ni Sniper na wala na akong balak sabihin ay pinalayas na niya ako kahit na nasa pintuan lang ako nakatayo. Umalis na lang ako para magayos na ng sarili ko.

Habang nagrereview, hindi ko maiwasang tignan ang book na binigay ni Snow. Is it true na ang book na nasa mesa ko ay rare gaya ng sinabi ni Sniper? And it was worth millions? Tinignan ko ulit ang note niya.

Is she really the normal daughter of Mr. Volmalos?

Kumain naman na ako kanina. Busog pa naman ako at wala akong magawa. Sighing, I went to my table and grabbed the book at nagbasa basa na ako.

(10:15 pm. Derek's Room)

Hours later, hindi ko namalayang malapit ko nang matapos ang pagbabasa sa book. It was just a small book, parang pocketbook kaya mabilis lang. Never in my life akong nagenjoy sa pagbabasa ng isang librong galing sa isang stranger. Lalo na ang subject is about science.

I looked at the clock, it was already 10:16 pm. Gising pa ba siya? Tinanong ko si Sniper kung saang dorm 'siya' at tinext naman na sakin ni Snipe.

Sinuot ko ang jacket na niregalo sakin ng kapatid ko last Christmas. Ah, how I miss Dad and Gab already. Not to mention another family of mine na nasa States ngayon. Hindi ko siya kabati since bata pa ako kasi may isang insidenteng naghiwalay saakin at sakanya. I wonder what 'that man' is doing right now.

'COUNCIL DORM 13'

Nasa tapat na ako ng dorm 'niya' na may ilaw pang nakabukas sa loob. Nagtaka man ako pero naglakas loob na akong kumatok. Gusto ko nang matapos ang gabing to nang walang utang na loob.

Nang makarinig ako ng yabag ng paang parang papunta sa direksiyon ko, tinignan ko ang itsura ko muna. Kasi ayaw na ayaw ko sa lahat ng pagtatawanan man ako kung magulo ang buhok ko o ang ayos ko.

Pagbukas ng pinto ay tumambad sa harap ko ang sekretaryang nakamaskara na gising pa. Bakit gising pa siya sa ganitong oras? Nagkatitigan pa kaming dalawa nang nagpasya na akong maunang magsalita.

"*ehem* I don't know kung bakit mo pa sakin pinahiram ang librong yan pero salamat pa rin." inabot ko ang libro pero tinignan lang niya ako ng nagtataka. She stares like I did something ridiculous.

"You shouldn't return it to me. I gave it to you as a thank you gift. You know it's very rude to return a thank you gift? Just keep it. Hence, your dagger helped me earlier than you could imagine." huh? Is that so? Tsk, she just wanted to say that I am rude to her huh?

" But...if I didn't let you borrow my dagger , will you still give me this?" tinignan niya ako na para bang alien ako. Hindi ko naman iniwasan ang nakakaloko niyang tingin at saka pinipigilan kong pandilatan siya ng mata.

"Pero...pinahiram mo naman di ba? You still let me even touch that precious dagger of yours, didn't you?"  pigil ang tawa niyang sinasabi sakin. Pinipilosopo niya ata ako ah?

"But--"  hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang hinila ako ni Snow sa loob ng dorm niya. Halos nagsalubong na ang kanyang mga kilay habang nakatingin sa relo niya. Is she just checking her watch? Maybe checking what time is it? Hindi ko dala kasi ang akin.

"Hey, did you saw some other students just now?" tumaas ang kilay ko sa tanong niya. Geez I went out this late at night and now she's asking me if I saw someone out there?

"No. I haven't notice even a few." ngayon mas lalo akong nacucurios lalo na nung may binulong siyang hindi ko narinig. What's wrong with--.

"Where's your goddamn watch?! Argh Derek Manediul! You are a walking trouble!" nandito kami ngayon sa parang living room kasi may mini sofa. So, these were the privileges of being a member of the council huh?

"Are YOU listening DEREK MANEDIUL?!" bored ko lang siyang tinignan habang nakacross arms siya. Lumapit siya sakin at mukha kaming couple dahil abot lang siya hanggang sa balikat ko and because of our distance, I can feel the coldness radiating form her.

"Pardon?"

"Don't pardon pardon me! You are worst than Andrew! Do you not remember what I have told you about the gangs time to hunt? Look at my watch!" naguguluhan man, tinignan ko pa rin at binalik ko sa kanya ang nagtataka kong mga mata.

"God! You are hopeless! Arrrgh!" she went to her room and left me looking at her door.

Is she so worried about the gangs thingy or is she worried about me?

"NOT A CHANCE DEREK MANEDIUL! WORRYING ABOUT YOU IS THE LAST THING I WOULD DO!"

Oh, I forgot she can read minds.

ᴛᴏ ʙᴇ ᴄᴏɴᴛɪɴᴜᴇᴅ....