Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Provenance (Taglish)

ania_bianca
--
chs / week
--
NOT RATINGS
12.7k
Views
Synopsis
After many years of busying herself from hectic schedules in her senior years in college, Summer will spend her vacation days at her grandparent's town house, again, and reunite with her cousins and friends that came from different places in the country. Summer reminisced the times she had with her cousins when they were children as the familiar wind she's longing for touches her bare face. She will not forget those moments they were free. Free from problems, pain and loneliness. She can't imagine what kind of adventure awaits her again in this serene and cozy town of Costa Verde. Will their situation be the same like what they have in their childhood days? Will they able to discover another adventure again? Or unexpected hindrances between relationships?
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

As we drove to the town where my father and his brothers had lived, and where we spent our summer every year when I was a child, I couldn't stop myself from reminiscing my childhood days.

I put my earphones into my ears and play Ed Sheeran's song which entitled "Castle On the Hill" while looking at the trees keep passing by. This song of Ed Sheeran tells about the happy moments he'd encountered with his brothers when he was young and this reminds me also of the past.

Naaalala ko pa ang mga times na ginugulong namin ang mga sarili namin sa maberdeng damo sa hindi medyo kataasang bundok o di kaya'y gumagamit kami ng malapad na kahoy at nagpapadausdos hanggang makaabot sa baba.

Hindi ko malilimutan na sa ganoong edad ko matutunan ang surfing sa dagat. I don't know if I can do that again. I really missed that part. Nakakaoverwhelming ang bugso ng hangin at dala na rin ang malalakas at matataas na alon.

I remembered when our uncles made us a cottage by the coast. Tapos hindi ko malilimutan na nagbabike kami papunta kung saan. Nandun pa siguro ang mga bike namin o di kaya ipinatapon na ni Lola.

Ang pinaka gusto ko sa lahat ay ang lumang simbahan ng Costa Verde. Wala lang. Mahilig lang talaga siguro ako sa mga malulumang bagay ba. I am just fascinated by the works of it and how gigantic it is. Parang binubutong ako ng simbahan at magdamag na pagmasdan na lang. Parang may istoryang bumubulong sa akin tuwing dumadapo yung atensyon ko dito.

It was made of huge coral stones at napaka realistic ng designs sapagkat itinayo ito nung Spanish era pa lang kaya kakaiba ang pagkagawa. Mayroon pa itong siyam na bell sa tower nya at isa doon ang pinakamalaki at pinakamabigat sa lahat. Minsan pinupuntahan namin ang balon dun at maligo kung trip naming maligo.

That church is considered one of the National Heritage site in the Philippines. May mga turista na din ang nakakapunta dito at nasilayan ang ganda ng St. Anne Parish Church.

Naaalala ko pa yung mga walang kwentang away namin ng magpipinsan. Lima kaming magpipinsan at iba-iba ang kanilang ama. Nadamay lang naman kaming tatlo kong pinsan sa dalawa na walang ginawa kundi makipagtalo sa isa't-isa kahit maliit na bagay lang ito.

And I couldn't forget the time I had a conflict with Loreign (yung war freak sa aming magpipinsan at palaging kaaway ng lalaki naming pinsan) just because of a boy. And he was also one of our friends in town. Particularly, neighbor namin siya. Mga bata nga naman. Pero after nun, bago na ulit crush nya. Hay..

I think the most saddest part is when Lolo died in that one summer. We felt something was missing. Something that won't come back how hard we'll try.

Despite of what had happened, hindi na muli kami nakapagbakasyon doon ni Papa. Ilang years na lang tapos na ako sa high school nun pero inilipat ako sa boarding school nung time na yun hanggang magcollege.

As the years go by, it's been tough for me to finish high school dahil nasa boarding school nga ako. No communication, contact and had no idea kung ano na ang nangyayare sa bahay na yun. Talagang maraming taon na din ang nakalilipas hindi ko na sila nakikita pati na din yung mga kaibigan namin sa bayan na yun.

Basta naging magaan ang lahat kapag umuuwi kami sa bahay ni Lola at Lolo. Parang ang mga problema namin sa bahay at sa school nawawala at ang pagiging malungkot dahil nag-iisang anak lang ako at hindi ko pa nakikita ang mga pinsan ko ay napapawi kapag pumupunta ako doon.

Ang pinaka natatandaan ko siguro sa lahat ay ang lalaking pinatibok ako. Bata pako nun ha. Pero may nararamdaman na. Kinalimutan ko na yun, syempre bata pako nun eh.

Ano nga yung pangalan nya? Basta S ang first letter pero hindi ko na matandaan. Matagal na kasi.

"Summer, we're here." Napalingon ako kay Papa at dali-dali kong binuksan ang bintana at nakikita ko na sa malayo ang Costa Verde.

The familiar scent of the wind tells me I'm finally back! Ang mas nagustuhan ko dito sa Costa Verde, malamig ang temperature dito kahit may araw. Madalas din dumadaan ang makakapal na ulap sa bayan nato at hinaharangan ang araw. Malapit lang kasi ang dagat dito kaya minsan inuulan. Kaya madalas kami lumalabas ng mga pinsan at kaibigan ko.

I'm so excited to see my cousins and friends again! And syempre si Lola na pinakamamahal ko sa lahat. I hope she's still okay.

Nadaanan namin ang madambuhalang simbahan ng St. Anne Parish Church. Hindi pa rin ito nagbabago. Buti na lang hindi nila to nirerenovate. At sana ganun pa din yung loob nito.

Hindi nagtagal ay dumating na kami sa bahay ni Lola.

Binusina ni Papa ang sasakyan para malaman na nandito na kami at dahil doon nagsilabasan ang mga pinsan ko.

"Ate Sum!" Lumabas ako ng kotse at agad silang niyakap ng mahigpit.

"Sum, ilagay ko na tong bagahe mo sa loob ha. At yung bike." Pag-iinterrupt ni Papa samin.

"Sige Pa, sunod lang ako." Binalik ko ang tingin ko sa mga pinsan ko.

"O nasan si Lester? Kanina pa kayo dumating?" Tatlong pinsan ko ang yumakap sakin. Si Loreign, Christina at Ashlee. Puros mga babae at iisa lang yung lalake, yun si Lester. Kaya minsan pinagtitripan namin siya dati na 'one of the girls'. Hahahaha. Pero hindi naman siya malambot.

Si Loreign at Lester nasa college na katulad ko pero isang taon lang ang agwat namin. Si Ashlee naman at si Christina maggegrade 10 na ata.

"Last week pa kami–asfghjkl."

"Lunukin mo muna yan, Loreign! Hahaha!"

"Ay sorry sorry. Last week pa kami dumating dito Ate Sum! Si Lester at Ashlee dumating nung two days ago pa. Speaking of Lester, nasa loob kumakain– oy nandyan ka na pala." Tugon ni Loreign, the second eldest among us. Syempre ako yung mas panganay. Isang taon lang naman ang pagitan namin. Tanghali na kami dumating ni Papa at halatang hindi pa tapos mga 'tong kumain.

Lester's walking towards us wearing his lopsided smile as he looked at me. Makikita mo talagang ang laki ng pinagbago ni Lester. Mas matangkad na at may laman-laman kumpara dati na parang naglalakad na kahoy. Bakat ang malalaki nyang braso sa midnight blue sweater na suot nya. And ganon pa rin ang style ng buhok nya sa pagkakaalala ko dati. Pero mas malinis tignan lang ngayon.

I had noticed before that his face was a little different from Ashlee's. Magkaiba yung mukha nila. But alike in some ways. Magkaiba yung mga ilong nila, si Lester matangos pero si Ashlee pango at pilipinang-pilipina talaga ang tindig ni Ashlee.

Moreno din siya pero parang hindi pilipino. Parang Arabo na Indian.. Aishh! Ano ba tong pinag-iisip ko. Kapatid pa rin siya ni Ashlee no! Magkahalong genes lang napunta sa kanya.

"Hi Ate Sum. It's been a long time." Lumapit naman siya at niyakap din ako.

"Huwaw. Ingleshero kana pala Les ha!" Tinignan ko silang lahat at halos magkatangkad na kami ni Loreign at si Tinay naman mas matangkad saming mga babae kahit na nasa grade 10 pa lang. Si Lester naman na ikatatlo sa aming magpipinsan, mas matangkad na sa aming lahat.

"Syempre, nag-aral lang sa Dubai nosebleed agad!" Tin-tin exclaimed at sabay tinakip ang ilong na nanonosebleed kuno. Palayaw ni Christina ay tinay.

"Ano ka ba, biro lang naman." Palusot naman ni Lester.

"Sa Dubai ka na nag-aaral Les? Ikaw din Ashlee? Doon kana din nakatira at nag-aaral? Bakit ni hindi ako nainform?" Si Lester at si Ashlee magkapatid yan.

Nagsimula nang lumayo si Lester sa amin at pumunta sa likod ng sasakyan at tinulungan si Papa.

"Mahabang istorya Ate at isa pa ikaw lang kaya yung kulang samin.  Pagkatapos lang nung namatay si Lolo, hindi kana bumalik. Every year kami dito nagbabakasyon Ate Sum pero minsan kami lang ni Tinay ang nandito. Syempre, nasa abroad na yung dalawa dyan." Mahabang paliwanag ni Loreign.

"Wala din kami balita sayo Ate kung ano nang nangyare sayo." Sabi ni Tin-tin.

"Akala ko hindi na kayo bumabalik dito. At isa pa nilipat ako ni Papa sa isang boarding school hanggang magcollege ako kaya medyo nahirapan ako. Madami na pala ang nangyare nung wala ako."

"Parang ikaw pa nga Ate yung nag abroad eh. Wala na kaming contact sayo." Pagsusulpot naman sa usapan ni Ashlee.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, nagmumukha na talaga siyang modelo. Iba na kung manamit. Matangkad na morena at payat at mahahaba pa ang mga braso at biyas. Malaki pa yung mga mata nya at may makakapal na kilay na parang Arabiana na siya kung titignan or Indiana. Pero nakuha lang naman nya yung maitim na kulay nya sa tatay nya at yung mga mata sa nanay nya. Halatang galing Dubai na nga siya.

"Pero buti naman bumibisita pa rin kayo Ash ni Les dito sa Pilipinas kahit nasa Dubai na kayo nakatira. Ano ba ang nangyare at napagdesisyonan nyong tumira sa Dubai?"