Chereads / Provenance (Taglish) / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

I made quick glances over Lester that was now at the living room watching tv with my other cousins while I'm still having my lunch with Lola and my father.

I'd never thought that Lester had been through a lot over these years, and also Ashlee. Akala ko, guminhawa sila at balak na tumira sa Dubai. Akala ko doon na silang lahat magkasama at nakatira. I thought... they were happy.

I heaved a sigh as I eat my lunch tiredly.

Pagkatapos na sabihin nila sa akin ang mahabang nangyare nung wala ako, parang nanlumo ako and at the same time nabigla din sa nalaman ko.

I'd never thought Lester wasn't a part of the family. He became comfortable with us. Laugh with us. Pero hindi ko man lang alam ang pinagdaanan niya. I wish I could be there to comfort him.

He is still a part of the family. A part of us. Kahit hindi kami magkadugo.

Si Tita Toni, the mother of Lester and Ashlee is an OFW in Dubai. Tito Kenneth and Tita Toni were married na that time and Tita insisted that she'll continue working abroad while Tito was planning to build their own house.

Nagtagal siya doon ng maraming taon. Maraming bahay na ang kanyang napasukan at hindi naman maiwasan na saktan siya ng kanyang amo. Palipat-lipat siya ng bahay at naging mapalad siya sa bago niyang magiging amo. A married couple and says that they love each other.

Kung paano natin isipin ang tunay na budhi ng Arabo, ganun din nangyayari doon. May isang di kilalang Arabo ang gumahasa sa Arabiana, at napagtanto ng kanyang asawa that she's lying and betrayed him. Kaya lumayas sa pamamahay nila ang lalaki at sawing-sawi naman ang babae.

She tried to abort the child but Tita Toni convinced her not to do what she wanted to do. After the child was born, ang Arabiana ay nagsuicide.

Police suspects Tita Toni that she killed the woman but after several crime investigations, they concluded that she's not guilty.

Police gave the responsibility of taking care of the child to Tita Toni since they hadn't found any of their relatives. So she took the child and got back to the Philippines suddenly and told everything to his husband, Tito Kenneth. Tito felt uneasy to take part of the responsibility since it surprised him na nagdala ng sanggol si Tita at ipaalaga ang hindi naman niya kaano-ano sa kanya. Akala niya pa mga nung una anak ni Tita Toni sa ibang lalaki.

Tita stayed in the Philippines for only just 3 years and she become a mother to Lester and treated him as her own. Pero napatagal ang pagstay niya dito nang nabuntis si Tita at ang bunga ay si Ashlee. After two years ata o one year bumalik sa trabaho si Tita sa Dubai at iniwan ang dalawang bata sa kalalagyan ni Tito.

Hindi maiwasan na mas may atensyon si Tito sa kanyang tunay na anak na si Ashlee kaysa kay Lester na hindi niya anak. Tinrato niya ito na parang katulong sa bahay at ni hindi man lang itinuring na anak. Para siyang si Cinderella noon, male version nga lang.

He was filled with repugnance just by looking at Lester. He despised him and repulsed him. Nandidiri siya kay Lester habang lumalaki ito na nagpapakitang hindi talaga kanya. Hinding-hindi niya gusto na mapabilang si Lester sa pamilya.

Hindi niya inamin kay Tita Toni ang pagtrato niya kay Lester. But eventually, he absently outburst of ambivalence at Tita of what he felt every time he's with Lester. Tita Toni had realized the bruises and scars on Lester's body and knew that her husband abused him while she'd gone working in Dubai. Thereafter, she forced to divorce Tito Kenneth.

Galit na galit si Tito Kenneth dahil nung dumating si Lester, pinatalsik siya sa trabaho at nagkawatak-watak ang pamilya niya. Sinisi niya lahat ng kamalasan kay Lester. Kahit wala naman kasalanan si Lester sa lahat ng nangyayari dahil hindi niya naman ginusto at hindi niya pinili na magiging ganito ang hantongan ng mag-asawa.

They immigrated together with her children in Dubai, where she's working, and knew nothing about her husband. Despite of what had happened to them, I thought they'll never come back. Akala ko iiwasan na ni Tita Toni si Tito Kenneth at ilayo ang mga anak niya sa kanya. Pero bumabalik pa rin sila dito just to visit Lola. And syempre, Lester and Ashlee convinced their mom to visit Lola occasionally and to see us again. Pero nandun pa rin yung takot ni Tita Toni na baka bumalik ang tatay nila at saktan si Lester.

Lester continued high school there until college while Ashlee is still in high school. Nasabi pa sa akin ni Ashlee kanina na Lester had an argument with their mother before they had left Dubai because he wishes to finish college here in the Philippines. Hindi niya lang alam kung bakit.

I treated him like my own little brother which I couldn't have. He spent those suffering years when he was still in high school. And he was still young to experience that kind of torture. He was being rejected by a man he once called 'father'. I pity him, really. But I shouldn't.

"Sum, I should go na." My mind reverted back to reality. I kissed my father on the cheek at tumingin siya sa mga pinsan ko at sinabing,

"Alagaan niyo ang Lola nyo ha and this sister of yours. Porket malalaki na kayo, you can go anywhere in this town anytime you want. Dangerous or not." Ayan. Lumabas ang pagkastrikto nya. Ganyan talaga siya sakin. Pero I didn't expect him to treat my cousins that way. I snorted silently.

"Ano ka ba Tom. Hayaan mo na ang mga bata. Ngayon lang nila nakita si Summer pagkatapos ng ilang taon at namiss din nilang magbonding. Wag mo nang tratohing bata si Summer." Pagsasaway ni Lola kay Papa sa lamesa.

"Okay, fine. Mag-ingat ka dito Sum ha? Nandun na sa labas yung bike mo. See you next next month." Lumabas na si Papa ng bahay at pinaandar ang sasakyan at pinaharurot ito.

Ang naiwan lang dito sa bahay ay si Lola, kaming magpinsan at si Manang Riza, ang nag-aalaga kay Lola mula noon pa. Ang asawa naman ni Manang Riza na si Mang Jay ay nasa baboyan at manukan sa labas medyo malayo mula rito.

Parang nagcacamping ulit kami dito eh. I mean, ako, kasi every year pala sila nagbabakasyon dito. I regretted not coming here in the last few years. Kung sana napagmasdan ko ang paglaki ng mga pinsan ko. Hay..

"Anong problema Ate Sum?" Tumabi sa akin si Tin-tin sa upuan na nasa labas lang ng bahay. Yung iba nagcecellphone o nanonood ng tv.

"What bothers you?" karagdagang tanong niya sa akin.

"About what you all told me earlier. Hindi lang talaga ako makapaniwala." I think alam na ni Lester na alam ko na. Syempre, mga chismosa tong mga pinsan ko. At kaya siya lumayo sa amin kanina, nandun pa din yung sakit na nararamdaman niya.

"Move on Ate Sum. Si Kuya nga tinatry nyang kalimutan ang nagawa sa kanya ni Tito." second to the last si Tinay sa aming magpipinsan at pinakahuli ay si Ashlee.

"Hindi lang talaga makatarungan yung ginawa ni Tito Kenneth kay Lester at pinagbuhatan pa ng kamay!" I couldn't resist myself of being indignant to the situation.

"Shhh! Lower your voice Ate! Baka marinig ka ni Kuya."

I try to calm myself and ibahin na lang ang topic.

"Oo nga pala. Yung magkapatid na naging kalaro natin dati sa katabing bahay, nasaan na?"

"Sabi ni Tita Krissa bukas daw sila darating. Wait. Bakit mo natanooongg?" Inilapit nya ang mukha nya sa akin na parang pinagdudahan ako.

"Ano ka ba! Syempre gusto ko ding malaman kung ano nang ganap sa kanila.. At isa pa hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila to be honest."

"Si Kuya Sedri at si Elise Ate! Makakalimutin ka na talaga. Yan ang napala mo dahil hindi kana pumupunta dito."

"Ah si Sedri..." Siya nga.

"Ikaw Ate ah. Kung iniisip mo na crush ka pa din ni Kuya Sedri nagkakamali ka. May girlfriend na yun!"

"Weh di nga?"

"Sayang! Magiging kayo sana kung napadalas yung bakasyon mo dito."

"Wag mo nga akong biruin ng ganyan. Matagal na. Alam kong wala na akong nararamdaman."

"Oh? Reallyy??" Pinandilatan ko siya para maniwala siyang wala na talaga.

"Okay, sige." Pagsusurrender ni Tin-tin. Haha!

Alam kong wala na. High school pa lang ako nun noh. And I know feelings do last.

"Ate, Tin. Pinapatawag tayo ni Lola."

Pumasok na kami sa loob at naabutan silang nakaupo na sa sala at si Lola. May hawak-hawak na wooden box si Lola and I don't know kung para saan.

"Dali Summer, Tin. Umupo na kayo." Nang umupo na kami biglang tumahimik ang lahat.

"Dahil kompleto na kayong lahat, at alam kong may mga disiplina na kayo. Bibigyan ko kayo ng chocolate." Biglang napayehey ang lahat na parang bata ule kami dahil sa sinabi ni Lola.

"Sa isang kondisyon. Akin na ang mga cellphone niyo." I think I know where this is going. Binigay din namin. Pati na ang mga tablet nila. I brought my laptop but can't fit inside that box.

"Ngayong nandito kayo sa bahay ko, wala munang social media, facebook at kung anu-ano pa." Napangiwi naman ang mga kasama ko except ako. I'm not into social media and whatnot.

"Hindi niyo maeenjoy ang bakasyon niyo dito kung puro cellphone ang aatupagin niyo. Parang pumunta lang kayo dito at magcellphone. Gusto ko mabalik tayo sa nakaraan na walang gadgets-gadgets at malaya sa gusto nating gawin." It excites me. Parang magcacamping nga kami dito.

"Kung sino man ang magbukas nitong kahon na'to at kunin ang mga cellphone, sa labas matulog." Nanlakihan naman ng mga mata ang mga kasama ko.

"Malinaw ba?"

"Opo!" "Opo Lola..." Ang iba palamya-lamya sumagot kay Lola halatang nagdidisagree sa kondisyon ni Lola. Hahaha!

"Pwede kayo magtv pero limitahin natin ha? Nakitira lang naman kayo dito nanakawin nyo pa ko ng kuryente." Nagsitawanan naman ang lahat at guminhawa naman sila na payagan pa rin kami manood ng tv.

"O sige iakyat nyo na yang mga bagahe ni Ate Summer nyo." Ayun naging alalay ko na sila. Hahaha!

Umakyat na kami sa taas at para ngang nirenovate itong bahay na'to dahil bagong-bago kumpara sa pagkakaalala ko dati. Ang gaan sa pakiramdam ulit na maaliwalas na ang bahay ni Lola at binago na din ang pinta sa mga dingding at kisame.

Idineretso nila ang mga bagahe ko sa isang kwarto na ang pagkakaalala ko dito kaming lahat natutulog except lang kay Lester kasi lalaki siya. All girls room lang 'to.

"Ang aliwalas naman dito. Parang walang taong natutulog." I said sarcastically to them. Pagpasok ko ba naman ang kalat-kalat ng mga bag at ibang kagamitan nila. Nakakalat pa yung mga charger nila na hindi na magagamit. Saadd..

"Ililigpit lang namin yan mamaya. Parang hindi ka na nasanay Ate Sum." Ang sabi naman ni Loreign.

"Syempre, matagal na yun at akala ko ba nagbago na kayo. Malaki na kayo ang kalat nyo pa rin sa gamit."

"Dito sa amin walang nagbago. Si Lester lang." Bulong nya sa akin nang lumabas na sa kwarto si Lester.

"Bakit naman?"

"Naging tahimik na kasi yan at nagdadrama sa tabi-tabi. Hindi na kami kinakausap ng madalas. Parang may sariling mundo palagi." Pagpaliwanag naman ni Tinay.

"Ganun din nga siya sakin eh. Sa Dubai, minsan siya nabubully dun dahil ang tahimik nya masyado para sa isang lalaki." Dugtong ni Ashlee.

"Hayaan niyo na. Intindihin nyo nalang kasi may pinagdadaanan." Pagsasagot ko sa kanila.

"Hindi na siya katulad ng dati."

Lumabas na sila at tumungo sa baba. Ang hirap siguro sa part ni Lester. Hanggang ngayon naaalala pa rin nya ang dinanas nya sa tatay nya. Pansin ko din kasi ang tamlay ng mga mata nya at pagod na katawan na parang walang ganang kumilos.

Kung hindi siguro yun nangyari sa kanya baka pinupuno nya na ako ngayon ng galit dahil sa kakaasar nya.

Pagdating ko dito, I was expecting na makikita ko siya na ang saya-saya nya na makita ulit ako pagkatapos ng mahabang panahon. Yun pala nagbago na ang lahat.

Alam na siguro ni Lester na siya ang pinag-uusapan namin kaya siguro parang umiiwas siya samin? O nung pagdating ko lang?

I pulled my bag and placed it near the window. Pinatong ko dito ang backpack ko at sinandal ang bag ng laptop ko sa pader pati na din ang bag ng tripod ko. I really missed this place. Mas masaya siguro kung nandito din ang mga tito namin.

Lumabas na ako ng kwarto at akmang pababa na nang tumawag si Lola sakin.

"Summer. Halika muna dito." Lumingon ako at nakabukas ang pinto ng kwarto nya at nakikita siya nakaupo sa higaan nya.

"Ano ho yun la?" umupo ako sa tabi niya.

"May ibibigay ako sayo." Lola stood up and go to her drawers. May kinuha siyang bagay mula dito at bumalik sa pwesto niya.

"Is that an old camera?" Naexcite naman ako kasi mahilig ako sa mga malulumang bagay at isa pa I love to take pictures which related din sa kinuhang course ko na Bachelor of Fine Arts in Photography.

"Yes. This was your Tita Hannah's and I want to give it to you. Alam kong mahilig ka magkuha ng mga litrato mula pa nung bata ka. I want you to capture all the memories you will have by staying here. Tutal, you had already missed those chances to be with them. Make more happy moments in this town–in this house before you separate ways."

"Thank you Lola for giving it to me. Pero kay Tita Hannah po yan. Baka magiging malungkot siya kapag ibigay nyo po sa akin ang malahagang bagay sa kanya."

"This camera was special to Hannah. I know she would be happy if you create more memories using this. Sabi ni Hannah nung bata pa siya, parang itong camera ay yung mga mata nya. Ang nakikita niya kinukunan niya talaga para hindi mawala sa isip niya ang itsura ng nakikita niya sa paligid. I want you to keep this, Summer. Malulungkot ako kapag hindi mo to tatanggapin." She looked at me with those weary eyes and as if her eyes were begging to me. Kinuha ko ang camera sa kanya at inoobserbahan ko ito sa mga kamay ko.

"Okay po Lola. Iingatan ko po to at gagawa kami ng maraming masasayang alaala gamit nito. Hindi ko po ito malilimutan. Thank you po Lola." I hugged her gently and pagkatapos nun ay nagpaalam na ako sa kanya.