Chereads / Provenance (Taglish) / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Tita Hannah was the first child and first daughter of Lolo Kenny and Lola Geraldine. Naabutan siya ni Papa and the rest of her brothers. Dalaga pa lang si Tita Hannah ay namatay na siya dahil sa Stage 4 bone cancer. Kaya nakakalungkot lang kasi hindi namin siya naabutan at hindi siya nakagawa ng sarili nyang pamilya.

I hold the camera in my hands while leaning on the rail of the terrace. Hindi ito malaki kumpara sa isang kamera ko. Tama lang ang laki niya sa kamay ko. Nafefade na ang kulay pink na kulay nito sa ibabang half part ng kamera. Ang kinakabitan nya ay hindi  part ng camera, kundi maong na mahaba na parang ki-nut sa isang maong na jacket o squarepants at itinahi ang edges nito at nagsilbing lace ng camera.

Tumingin ako sa baba at yung mga pinsan ko nagbabike na sa labas. So they also have their own bikes, huh? And brought it here.

Siguro sa mga taong wala ako dito, ang saya-saya nila at baka kinalimutan na nga nila ako.

Binalik ko ulit ang tingin ko sa camera at iniisip kung pano ko ito paaandarin dahil luma na nga ito. I checked if nandito pa rin ang memory nito, and try to open the back part kung nasan nakalagay ang battery niya.

Fujifilm ang brand nito katulad ng sakin. Fortunately, I brought two cameras. One is for creating videos and photoshoots for my projects which is Nikon P5300. And the other one is for pleasure of collecting picturesque views na Fujifilm.

Ang battery nito parang pareho sa Fujifilm ko tutal pareho naman yung brand. Pero sana compatible.

"I think I should get the other one." Tumalikod ako at muntik ko na mabitawan ang camera nang may tao pala sa likod ko at siguradong pinagmamasdan ako.

"Ano to? Camera?" Nasa kamay nya na ang camera at buti nalang nasalo nya.

"Uy Lester! Kung nahulog talaga yan magagalit sa akin si Lola. Ano ba ginagawa mo dito? Ba't hindi ka sumama sa kanila?" Yes. Si Lester yung nasa likod ko.

"I chose not to. Ang ingay nila masyado." Waw. Nag-eenglish na nga siya. Tumabi siya sa akin at tinitignan ang mga pinsan namin sa baba. Si Loreign yung pinakamatanda sa kanila, sya pa tong parang batang naglalaro kasama ang mas bata.

"Nagsalita ang hindi maingay dati ha."

"Dati yun. I'm sure you have noticed that I've changed." Yea. I already noticed it after we arrived and told me about you.

"Kung nagbago ka man, tatanggapin ko yun. Alam kong may pinagdadaanan ka. But it doesn't mean na palagi ka nalang magmukmok and shut us out. Try to become happy and be with the present." Waw. Ang haba ng advice ko ha. Hindi ko kasi mapigilan na sabihin sa kanya. And baka iiwasan din ako nito dahil binring up ko ang issue niya.

"I know you all were right, but I'm not ready for it." Bro-sis talk na ba to?

"Why do you need to be ready? What for?"

"I'm still not ready to be rejected, again." Lumingon ako sa kanya at parang ang tamlay-tamlay niya pa din. Parang napapansin kong ilang taon na siguro siyang hindi naging masaya at ngumiti man lang.

"I keep ignoring you all because I'm scared—I'm scared you still won't accept me—as a part of the family." I stared at his gloomy eyes and became relieved na sinasabi niya to sakin—kahit ako yung pinakahuling taong nakaalam nitong sitwasyon niya.

"And after you knew all about what had happened to me, baka hindi mo ako tatanggapin—baka mandiri ka sakin—baka iiwasan mo rin ako." He turned his eyes on me at ako patong nagtataka.

"Iiwasan? Bakit naman kita iiwasan? Pagkatapos ng nalaman ko, hindi sumagi sa isipan kong iwasan kita at pandirian ka. Anong tinutukoy mong baka iiwasan mo rin ako? Iniiwasan ka ba nila?"

"At first, nung nalaman nila na anak ako sa labas, parang iniiwasan nila ako—parang hindi na nila ako kilala—parang naging ibang tao ako sa paningin nila. I felt that when Ashlee knew it first. Mas mabuti pang hindi nyo alam para bumalik yung dating Lester na kilala niyo." Ngayon lang nag open up si Lester sa akin. At baka ngayon niya lang nilabas ang nararamdaman nya sa isang tao.

"Hindi naman sila siguro umiiwas sayo, Les. Baka binibigyan ka lang nila ng space—ng panahon, and ngayon na hindi ka nila nakakausap ng madalas dahil ikaw mismo ang lumalayo. Nahihiya lang ang mga yan lumapit sayo pero deep inside gusto ka na nila makasama." Lumanghap ako ng hangin sa haba ng sinabi ko at pinagpatuloy.

"You don't need to bring the 'past Lester' back if that's what you think everyone wanted. Wag mong piliting maging masaya kung hindi ka naman masaya. Maging masaya ka if that's what your heart really needed and wanted." Taimtim na tinititigan nya ako sa mata at parang nakikinig talaga siya sa mga sinasabi ko.

"Take a break Lester. You don't always have to hold unto the past because it's already happened. Hindi ka namin pinipilit na bumalik sa usual self mo. Only you will be the one to decide whether you're ready or still not. Lagi naman kami maghihintay sayo na babalik ka Les."

"Tandaan mo, nandidito lang kami para sayo—mga pinsan mo. Nandito lang ako para sayo Les, okay?" Hindi pa rin niya hinihiwalay ang tingin niya sakin kaya ako na ang umiwas.

"O sige na, may gagawin pako. At baka maya-maya, balak naming pumunta sa dagat. Sabay ka ha?" Tumalikod na ako at didiretso na sana sa hallway nang may nakalimutan akong sabihin.

Lumingon ako sa kanya at nakatingin na ito sa harap.

"Les." Lumingon siya sakin agad at tinaas ang kilay.

"We will wait for you." Tumalikod na talaga ako at dumiretso sa kwarto namin at sinirado ang pintuan.

Bakit parang hingal na hingal ako? Dahil ba ang haba ng sinabi ko kanina? O dahil naiilang ako sa mga mata nyang titig na titig sa akin? Pfft, ang harot ko naman. Pinsan mo yan no! Kahit hindi mo pa kadugo yan, tinuring mo siya na parang kapatid mo na! Okay? Wala lang to. Yan siguro ang napala ko sa habaaa ng sinabi ko kanya.

Pumunta ako kung nasan ang mga bag ko at kinuha ang isang camera ko sa backpack na puro collection ng mga magagandang landscapes at ng mga magagandang bagay na nakikita ko.

Kinuha ko ang battery nito at pinalit sa lumang battery at hindi na gumagana sa camera ni Tita Hannah.

Chinarge ko naman ito bago kami dumating dito kaya alam kong mga 80-90 percent na lang to.

Binalik ko na ang camera ko sa bag at lumabas na ng kwarto. Buti na lang at cinonfiscate ni Lola ang mga gadgets namin para makapagbonding kami at walang distractions. Pero hindi ko binigay ang laptop ko. Syempre, ginagamit ko lang naman yun para makapag-edit ako ng pictures at videos o kaya manood ng movies sa laptop. Mas masaya kung manonood kami tuwing gabi.

Napansin ko na wala na si Lester sa terrace at baka sumama na sa mga pinsan ko. Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako habang iniisip na makakasama na namin si Lester.

Napawi lang ang ngiti ko nang makita si Lester na nakahiga sa kama at nakatalikod sa pintuan at parang natutulog sa katabing kwarto namin. Ang kwarto nya ang pinakamalapit sa hagdan. Baka sa ilang taon na pagbabakasyon nya dito, dyan siya namamalagi habang ang ibang pinsan namin nagkakasiyahan.

Kahit sa kwarto, nag-iisa pa rin siya? Pero bawal naman siya makitulog sa kwarto namin dahil baka magalit si Lola dahil kahit pinsan namin siya, lalake pa rin siya at dapat hindi tumatabi sa mga babae. At isa pa malaki na si Lester, kailangan niya ng sariling kama. Pero nakakalungkot lang dahil nagmumukmok na naman siya.

I'm still holding unto the chance that he'll come back.

Hindi pa ata siya ready ngayon pero dapat magmark sa kanya ang mga sinabi ko kanina. Sana.

Pagod kong tinatahak ang hagdan pababa at binalewala muna ang iniisip.

Lumabas ako ng bahay at naabutan silang nakatambay na lang sa labas ng gate at parang may hinihintay.

"Uy Ate Sum! Kanina ka pa namin hinihintay. Kanina pa namin pinagmamasdan ang seryosong usapan nyo ni Lester." Pagsisimula ng topic ni Loreign. Nakita pala nila yun?

"First time ko nakita sa kanya yun ah? " Pagsagot ni Tinay.

"What do you mean?" I asked.

"Hindi naging open samin si Kuya Lester Ate. Sayo lang." Ashlee said. I arched an eyebrow and tama nga ako na ngayon niya lang nilabas ang kinikimkim niya.

"Anong pinag-usapan nyo 'te?"

"Mamaya ko na sasabihin kung nasa dagat na tayo. Dali na punta tayo dun." Sumang-ayon naman ang lahat at kinuha ko na ang bike ko sa bakuran. Nauna na sila magbike and before ako sumunod, lumingon ako sa terrace kung nasan kami nag-usap kanina ni Lester. I heaved a sigh and go after them.

As we arrived by the coast, umupo lang kami sa buhangin at hindi sa cottage. I told them everything we discussed and the advices I taught to Lester. Ngayon sinisink in nila ang mga sinabi ko at narealize ang sitwasyon ni Lester. Ito namang si Loreign nagpoprotesta.

"Gusto nga namin ule mapalapit sa kanya pero siya 'tong layo nang layo eh."

"Ano ba, intindihin mo na lang. Kung nasa position ka nya, malalaman mo rin ang feeling na naleleft out."

"Tanggap naman namin siya eh. Siya 'tong nagdadrama at nag-iisip ng kung anu-ano. Hayst!"

"Sabi nga ni Ate di pa daw siya ready na humarap sa atin." Pagdedefend ni Tin sa kuya niya.

"Hanggang ngayon Loreign ang hard mo pa rin kay Lester? Lambutin mo nga yang puso mo kahit kunti." Pagbibiro ko sa kanya. Sila ni Lester ang tinutukoy kong palaging nag-aaway nung bata palang kami.

Loreign surrendered to us at nagtaas pa ng kamay at humingi ng tawad samin. Pagkatapos ng pag-uusap namin, bumalik sila sa paglalaro at naligo na sa dagat.

Eto ako ngayon, nagmumuni-muni ulit. Nakaupo lang sa buhangin at parang may hinihintay.

Wala lang.. Namiss ko lang talaga si Lester sa pagkukulit nya samin. Inaasahan ko pa namang magiging magulo ulit ang bakasyon ko dito. Hindi mabubuo ang araw namin pag hindi namin kasama si Lester. Feeling ko may kulang.

Kinuha ko ang camera ko na nasa dibdib ko lang na nakasabit sa leeg ko at sinusubukang paandarin. Nung nagclick yung camera bigla nalang ako sumigaw sa saya dahil gumagana pa at buti nalang magkapareho kami ng camera ni Tita.

Tinignan ko ang memory nito kung full na at buti naman kasi hindi. I still have 200 more shots. Bago ko man buksan ang mga pictures na nandito, I grab the opportunity to take few shots with this vintage camera.

Tumayo ako at pinipicturan ang mga nagagandahang larawan sa harap ko—ang langit at ng dagat at ang mga naglalarong mga bata kuno.

Mga kalahating oras na kami nandidito at naliligo pa ang mga bata habang ako busy dito sa ginagawa ko. Tinitignan ko kung ilan nalang ang memory at halos 10 plus shots na nakuha ko.

Hinarap ko ang camera sa dagat ulit at inaadjust ko ang sarili ko para makuha pati ang langit at sinisigurado kong hindi tabingi ang makuha ko. Zinozoom out ko para makita ang buong picture ng view. Clinick ko na ang capture at huli nako makapagreact na may nagblock na figure sa harap ko at nagsisilbing silhouette.

Dali-dali kong binalik ito sa gallery at pinagmasdang mabuti ang larawan.

"Aaishh! Tignan mong ginawa mo!"

Dahil sa inis ko, hinampas ko ang taong nasa harap ko kahit hindi ko alam kung sino habang tumitingin pa rin sa kamera ko.

"Aray naman Summer! Ganyan pala ang pagbati mo sakin ha." Inangat ko ang ulo ko at tinaas ang aking kilay. Sino to? Pero ba't pamilyar? Hinihikap nya ang balikat nya kung san ko sya hinampas habang tumatawa pa ito.

"Who are you? Sorry sa nagawa ko pero hindi makatarungan yung ginawa mo eh." Sinira ba naman ang view. Ugh! Binalik ko ang tingin ko sa kamera at hmm.. Di naman siya panget. Parang dumagdag pa nga ang ginanda nito eh. Tutal malapit na ang paglubog ng araw at halo-halo pa ang kulay ng ulap.

Kaya kahit naguiguilty ako sa paghampas sa kanya hindi pa rin ako makaget-over sa ginawa nya. Tinititigan ko siya ng masama.

"Uy? Sorry Sum! Di ko naman sinasadya eh." Bago ako makasagot sa kanya may biglang yumakap sa likod ko.

"Ate Sum! Namiss kita!" Kinuha ko ang mga kamay na nakayakap sakin at hinarap ang isang magandang dalagang babae.

"Hindi mo na ako naaalala, Ate Sum? I'm Elise!" Natatandaan ko ang pangalan pero nakalimutan ko na ang mukha.

"Elise? Ikaw na ba yan? Ang laki mo na ah?!" Niyakap ko siya at niyakap din ako pabalik.

"Kuya Sed—Elise! Akala ko ba bukas pa kayo dadating?" Ang mga pinsan ko naman umahon na sa dagat at akmang yayakapin nila si Elise pero napagtanto nila na basa sila.

"Uy Ate Sum! Naaalala mo pa ba si Kuya Sed? Nandito na si Kuya Sedri oh?" Agad na sinabi ni Tinay nung mapansin nyang litong-lito na ako. Agad ko naman tinititigan siya ng masama at huwag banggitin ang napag-usapan namin kanina.

"Napaaga kami eh at mas maganda na yun dahil nasurprise namin kayong lahat. Lalo na si Sum." Binalik ni Sedri ang tingin nya sakin mula sa mga pinsan ko. Ngayon tinitignan na nila akong lahat. Ako naman, eto nanlalaki ang mga mata. Hindi alam kung anong gagawin at sasabihin.

"Ah—ano—uhmm—" Andito parin ba ang tama ni Sedri sakin? Hanggang ngayon?

"Sup! Hindi nyo man lang ako inantay, Kuya—Elise."  Biglang may umakbay sakin at lahat ng mga mata nila lumipat sa gawing kanan ko. Lumingon ako dito at si Lester ang bumungad sakin.