Chereads / DRAGON KNIGHT GANG / Chapter 12 - Black building

Chapter 12 - Black building

Sunday Afternoon

"Dad, malayo pa ba?" Inip kong tanong habang nababagot na nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Nagmamaneho ngayon si Dad at nakaupo naman ako sa backseat. Ngayon na ang lipat ko. I thought bukas pa pero sabi ni Dad dapat ngayon na para may oras pa s'yang tulungan ako sa pag-aayos ng gamit ko. May urgent meeting pa kasi s'ya mamaya kaya baka di na n'ya ako masasamahan bukas. Ang sweet talaga ni Dad.

"Malapit na tayo Princess" He smiled at me. Mukhang isolated na dito, puro malalaking puno na lang ang nakikita ko.

"Dad, I think nagkamali kayo ng address. Mukhang walang naninirahan dito, eh." Kahit saan ako lumingon, puro puno ang nakikita ko. Walang bahay kahit ni isa man lang. Halos five hours na din ang byahe.

"Don't worry anak, you'll be fine. Oh, nandito na pala tayo."

Sa wakas nakarating na rin kami, all I could see is a huge gate, bumusina si Daddy. In just a seconds ay bigla na lang bumukas yung gate. Unti-unti ko ng nakikita ang nasa likod ng malaking gate. Nagkaroon ng kulay ang mata ko.

"Dad, it's beautiful." I said with full of amusement. School ba 'to o Palasyo? Ang lawak ng school. Di makakailang pang mayaman ang paaralan dahil sa laki at ganda ng paligid. May mga statue na makikita sa paligid. Ang tagal namin nakarating ni Daddy sa Main Building dahil pagkapasok mo pa lang ng gate ay madadatnan mo ang malawak na hardin ng mga bulaklak. Kung lalakarin mo siguro ay aabot ng 25 mins. di ko alam na may nage-exist na ganitong kagandang paaralan dito sa gitna ng kagubatan.

"Welcome Mr. Rosencranz," Someone greeted my father. Mukha s'yang butler sa get-up n'ya. "This way please."

Pumasok si Dad with the Butler and they discussed something privately. I clicked my tongue out of irritation. May oras pang mag chismis si Daddy. Ayoko pa naman sa lahat 'yong pinaghihintay ako.

After 30 minutes of waiting. Di maalis ang simangot sa mukha ko.

"Dad, ang bilis n'yo namang mag-usap. Siguro tatlong baso ng kape 'yong naubus mo." sarcastic kong pagkasabi.

Natawa lamang si Daddy sa wika ko. Aish. Nakakainis.

"Haha, sorry anak, marami kasi akong ibinilin sa kanila para mabawasan ang pag-aalala ko" He said and hugged me tightly. Medyo naiiyak na naman ako.

"Dad, I'll miss you." Malambing kong wika kay Daddy. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Gusto ko palagi lang nasa tabi ko si Daddy, but I need to stand alone. Kailangan kong maging matatag para sa sarili ko. "Don't worry dad, I'll be fine." I smiled.

Tinulungan ako ni Daddy sa paglilipat ng mga gamit. Nakakapagod din itong ginagawa namin. Third floor pa naman ang magiging room ko. In fairness ang ganda ng dormitory. 'Yong main Building na napuntahan namin kanina ay ang Admin ng school at sa west side naman ang dormitories. Namangha ako sa lawak ng school. 'Yong mga dormitories ay parang subdivision, 20 students ata yung kada building. Ang yaman talaga ng School Director.

"Princess, I need to go. Magpakabait ka dito, ha? Call me if something happened and don't forget to eat three times a day." Ito na naman si Dad, nagpakananay.

"Dad, stop treating me like a kid." I pouted.

"Oo na po, sige, I have to go. Don't forget to call me, okay?"

"Okay dad, I will." I smiled with sadness in my eyes. Dadating talaga ang panahon kung saan kailangan mong mawalay sa pamilya mo para matutunan mo ring makipagsapalaran ng mag-isa. Not all the time na nasa tabi natin sila. They will support us from afar but being apart from them is painful.

Pumasok na si Dad sa kotse n'ya at pinaandar ito. Na-mi-miss ko na kaagad si Daddy kahit na di pa siya nakaalis. I just waved at him habang papalayo na s'ya. This is it, new school, new life. Just be strong always!

I looked at my wrist watch. It's already 4:30pm. Maglilibot muna ako habang maliwanag pa. Gusto kong malibang dahil ayaw kong malugmok sa silid ko sa lungkot.

Napansin kong walang tao sa loob ng dormitory. Nakapagtataka naman, dapat nandito 'yong mga students dahil walang pasok.

Lumabas ako ng building at naglakad-lakad. Di nagtagal ay natanaw ko sa di kalayuan mula dito sa dormitory ang isang napakalaking building. Di ako mapakali sa building na 'yon. Iba yung pakiramdam ko, parang mapanganib. Kulay itim pa naman ito, which is creepy. Opposite sa kulay ng Admin and Dormitories which is color white.

[Picture of Black Building Above]

Dahil sa namumuong curiousity sa loob ko ay nahanap ko na lang ang sarili kong nakatayo in front of the facade of black creepy building.

Papasok ba ako o hindi? sayang naman ang nilakad ko kung di ako papasok, di ba?

"Geez, papasok ka ba o hindi?" Someone approached me behind which makes me startled a bit. Agad akong tumabi sa daraanan.

"Ah, pasensya na." I apologized. I saw a guy, the one who approached me with rude attitude and beside him is a girl with pretty face.

"No, it's okay," The pretty girl said politely and gently smiled at me. "Amm, I think you're new here." she said with a hint of surprise in her voice.

"Actually yes" I said. Napakamot na lang ako sa hiya. "Gusto ko sanang maglibot kaya lang nahihiya akong pumasok." I added.

"This isn't good. Mas makakabuti sa'yo na bumalik ka muna sa dormitory." She said and her smile faded.

Pero bakit? I am not welcome here?

"Bakit naman?" I asked sadly.

"You'll know later but not now."

I saw in her face that she's worried.

"You don't have to worry Chiyo. All transferees must do that thing, we don't have any choice. It's her fault for understimating this school." The boy said with a stone face. The way he looked at me is quiet disturbing. He looks at me with pity.

Nagtataka na talaga ako. I don't know what are they talking about.

"I don't know what you're talking about. Pwede paki-explain?" I asked with a hint of irritation in my voice. Confused na talaga ako sa nangyayari, I felt nervous at the same time.

"You'll know later." Malamig na wika ng lalaki. Nauna na s'yang pumasok at iniwan kami.

"I'm sorry, I know you're very puzzled about what we said earlier, but you'll find out soon." She said while smiling hesitantly. Hinila n'ya na ako papasok pero di matatago sa ngiti n'yang 'yon ang di mapakali.

Daming tanong ang bumabagabag sa'kin, isa na dito yung kinikilos ng dalawa at yung sinabi nila earlier about sa transferees. I think they are hiding something.

Papaliko na sana kami ng hallway nang makita namin ang isang lalaking pasimpleng nakatayo sa gitna. Pagkakita sa pamilyar na mukha ng lalaki ay bigla na lamang huminto ang oras sa pagitan naming dalawa.

Bakit siya nandito?

My past.

Haunts me again...

I wish that I never come in this school..