Chereads / Hacienda Casteel / Chapter 1 - Chapter 1 Season One - Getting To Know You

Hacienda Casteel

🇵🇭Jannmr
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 118.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1 Season One - Getting To Know You

Isa sa pinakamayaman ang pamilyang Casteel sa buong Pilipinas pero nanatiling mapagkumbaba ang patriarch na si Don Fausto Casteel, na isang negosyante, ang produktong binebenta nila ay sabon, shampoo at conditioner, na isa sa mga mabebentang products sa Pilipinas. May iba't ibang variant pa ito at mga scents. Pawang mga sikat na modelo, aktor at aktres ang kanilang mga commercial models.

Maging ang kanyang anak na si Vernon Faust Casteel ay ganoon din, mapagkumbaba, ang ama ni Charlotte Monica Casteel, na ngayon ay syang namamahala sa negosyo ng kanilang pamilya na nasa Manila pa ang pangunahing gusali at ang factory kung saan ginagawa ang mga produkto. Matapos ipasa sa anak na si Vernon ang pamamahala ng negosyo ay nanatili na lamang ang matanda sa kanilang hacienda at pinaguukulan na lamang ngayon ang pamamahala ng farm nila kung saan parang namamahala parin sya ng negosyo, dahil nagbebenta parin sila ng produkto tulad ng prutas, gulay at karne mula sa farm.

Charlotte Monica Casteel ang nag-iisang heredera ng Hacienda Casteel. Ang Hacienda Casteel ang pinaka-paborito nyang lugar sa buong mundo. Mula noong supling pa lamang ito hanggang nag-dalaga ay dito na ito naninirahan. Maliban sa parents nya, ang Lolo Fausto ang isa sa pinakamamahal nyang tao sa buong mundo. Nag-iisang apo lang din sya kung kaya lahat ng atensyon ng matanda ay sa kanya lamang nakatuon. Biyaya nga daw ang pagdating nya sa buhay nila, ilang beses na din daw kasi nagkaroon ng miscarriage ang kanyang ina, kaya tuwang-tuwa lahat nang iluwal sya. Noong nag-isang taon si Charl, kung tawagin nila ngayon ay nagkaroon ng engrandeng pagsasalo kung saan halos lahat ng kanilang trabahante, iilang kamag-anak dahil halos lahat ng kanyang mga tito at tita syempre kasama mga pinsan nya ay sa Australia na naninirahan, mga kaibigan at mga business partner ng kanilang kompanya ay imbetado.

Noong nagpitong taong gulang naman sya ay ganoon din pero invited lamang ay mga klasmeyt nya sa kindergarten na sina, Chris, Jeane at Erica, na sobrang malapit sa kanya. Wala naman mga pinsan nya dahil nasa ibang ibang bansa ito naninirahn at ilang kaibigan ng kanyang magulang at mga anak nito na kasing edad lang din nya, na mga kinakapatid nya, na sina, Angelique, Savannah,  Enrique at Brian. Isang kinakapatid lang ang hindi nya kilala ng personal at kilala lamang nya sa pangalan na Thirdy, dahil migrated na daw ang pamilya nila sa Europe, yun ang sabi ng kanyang Papa. Minsan nalang daw ito umuuwi ng Pilipinas kapag hindi busy sa trabaho ang mga magulang nito, doon na din nag-aaral si Thirdy. Pero narinig nya nabanggit ng kanyang Papa na kasalukuyan daw nagbabaksyon ang pamilya nila dito sa Pilipinas at inimbeta nila itong pumunta sa kaarawan nya, sabi nya sa mga kausap nito. Hindi nya maintindihan yung nararamdaman nya, may halong kaba at tuwa dahil first time nya makikita si Thirdy, palagi kasi itong bida sa mga magulang nya, kung gaano katalino at guwapo ng bata yun. Excited na sya.

Natapos na lang hipan ang kandila sa kanyang cake ay hindi padin dumadating ang Thirdy na sinasabi nila. Nagsi-uwian na ang kanyang mga bisita. Natapos na lang ang birthday party nya ay wala na talagang Thirdy ang dumating. Nawalan na sya ng pag-asang makikita ito. Tumulong na lamang sya sa pagligpit ng mga kalat sa sala nila, nang biglang may nagdoor bell sa main door ng kanilang bahay. Biglang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Natapos ang kaarawan nya ng maganda.

Tuwing sumasapit ang summer, ito lamang ang panahon na mas nagbo-bonding ang mag-lolo, dahil bakasyon na mula sa pag-aaral ay laging nananatili lamang ang dalaga sa Hacienda Casteel at tuwing umaga pagkagising nito ay agad pumupunta sa kwarto ng kanyang Lolo Fausto para kulitin itong pumunta sa farm. Ang Hacienda Casteel ay hindi lang basta hacienda na may malaking lupain at magandang bahay kundi may napakalaking farm, sari-saring gulay ang pananim, manukan, babuyan, isdaan, at hindi mawawala ang mga prutasan, katulad na lamang ng mangga, star apple, balimbing, bayabas, rambutan, lansones at marami pa. Hindi lang pagkain ang meron sa farm pati pag-aalaga ng mga hayop meron din tulad ng kambing, kabayo at baka, napakalawak talaga ng lupain nila. Kaya mula pagkabata lumaking hindi mapili sa pagkain itong si Charlotte Monica, mapa-prutas o gulay kinakain nito ng walang karekla-reklamo bagkus mas gusto pa nya. Kahit lumaki itong may "silver-spoon" sa bibig ay pinalaki itong magalang sa mga nakakatanda sa kanya. Pala-kaibigan din sya na bata, mga anak ng magsasaka ay lagi nyang kalaro maliban sa mga kaklase nya at mga kinakapatid, lahat kasundo nya at gustong-gusto sya ng mga ito.

Hindi lang tuwing bakasyon ang maganda dito sa Hacienda Casteel kundi tuwing fiesta. Sa tuwing may fiesta palaging engrande ang handaan dahil pati trabahante o magsasaka nito sa farm ay laging imbetado, minsan meron ding taga-ibang barangay o lugar ang dumadayo sa fiesta para makisalo. Pati mga kasosyo sa negosyo, kamag-anak, mga malalapit na kaibigan at iba ay imbetado din. Bukas ang pinto ng hacienda sa lahat ng gustong makapasok, pero hindi nakakalimutan ng pamilya Casteel na kailangan padin maingat, kumukuha sila ng securities, bodyguards para magbantay at sinisiguradong walang pangit na mangyari sa pagtitipon.  Ang Hacienda Casteel ay nasa Probinsya ng Sta. Maria, Davao Occidental. Sikat din ang Hacienda Casteel kahit sa mga karatig-lugar dahil sa laki ng farm nito, maganda ang reputasyon ng farm,  maraming dumadayo para magtrabaho sa kanila. Alam ng buong Sta. Maria na mababait at matulungin ang pamilya Casteel, sila ay ginagalang.

Lumaki ang batang Charlotte Monica Casteel na protektado at masayahin. Lahat na ata ng kailangan nya ay nasa kanya na. Wala na syang hihilingin pa. Binibigay naman ng mga magulang nya kung ano ang nararapat para sa kanilang nag-iisang anak.  Mahal na mahal sya ng mga ito. At mahal na mahal nya din ang mga ito lalong lalo na ang kanyang Lolo Faust. Kahit musmos palang ang kanyang isipan nakatatak na sa kanya na pagbubutihan nya ang kanyang pag-aaral, wag suwayin ang mga magulang, at wag biguin sa mga nais nito para sa ikabubuti nya.

To be continued..

📝 Jannmr