Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

the revange or ROSES

🇵🇭RILL_CRUZ
--
chs / week
--
NOT RATINGS
6.3k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1 devotion for life

isang tahimik na umaga.. tahimik na umagang nanggaling sa pagod at maingay na gabi.. mahinahong ang bawat lansanga't daanan at mabibilang mo lamang ang mga sasakyang nagdadaan. doon ay malalasap mo pa ang naiwang amoy ng mga pulbura at mga nagkalat ng mga paputok na iniwan mula pa sa sinalubong na bagong taon.
bagong taon, bagong pag asa o bagong taon lamang ngunit ang pagbabago o pagasa ay di mo makikita.
habang ang araw ay tumatakbo unti unting umiingay ang bawat paligid. habang dumadami ang mga tao. magulong imahe na araw araw mong makikita at araw araw na magpapaalala sayo na ganon parin naman ang buhay at wala naman pagbabago. ngunit ang lahat ng nito ay di mo na iniinda at pinapansin dahil sa isang rason na namumugad sa isipan mo. ang magtrabaho, magsumikap, mag ipon para sa pangarap at kinabukasan mo. dahil tulad ng marami.. naniniwala ka na ang pangarap mo ay iyong makukuha at makakamtan kung ikaw ay may tyaga at marunong sa buhay. ngunit hindi iyon ang sandata ng iilan.. iilan na nananalig sa swerte o sa himala at milagro na araw araw nilang dinarasal na araw araw naman daw nilang nakukuha.
tuwing ika siyam ng enero ay ipinagdiriwang ng buong kamaynilaan ang kapistahan ng itim na poong nazareno na nasa pangangalaga ng antigong simbahan ng quaipo. mula sa libo libong mga deboto nito ay mararamdaman mo na ganoon na lamang ang pananalig na meron sila sa naturang poon. dahil ni minsan ay hindi daw sila binigo ng itim ng nazareno sa kanilang mga kahilingan. kaya ganoon na lamang ang kanilang mga tapang upang suungin ang rumaragasang mga tao na tila alon sa dagat mahawakan lamang ang poon o kahit ang lubid na lamang syang humihila sa milagrosong poon na syang didinig sa kanilang mga hiling at mga panalangin.
sa kabilang banda kasabay ng mga libo libong taong nag siksikan at nagkakagulo ng mga sandaling iyon ay may isang taong pilit lumalaban at tumatakas sa kamatayang maaari nyang kahantungan ng mga oras na iyon.
mula sa kumpol ng mga tao ay lumitaw ang isang babaeng baon ang mga hingal habang nakaposas ang mga kamay nito. ang kanyang bawat hakbang ay walang kasiguraduhan. lahat ng masisikip na daanan na maari nyang daanan ay walang takot nyang sinusuong upang ang kaligtasan ay kanyang matagpuan. isang pagkakamali para sa paningin ng iba ngunit isang pakikipaglaban para sa kanya. ...
sya si ROSARIO ABRERA
mula sa mga kamay nyang nakaposas ay hindi mapigilan ng kanyang mga paa na tumakas mula sa kamatayan. dahil alam niya na nasa paligid at nasa likuran nya lamang ang mga taong pilit na humahabol sa kanya para sya ay patayin.
at mula nga sa di kalayuan. sa di sinasadya ay nakita niya ang isang lalaki na tangkang papatayin ng isang armadong lalaking may hawak ng baril
" ano pa ba ang gusto nyo.. kinuha nyo na ang lahat saakin maawa naman kayo " wika ng lalaki. nang mga sandaling inyo alam ni Rosario na ang buhay niya ay nasa panganib ngunit alam niya rin ang buhay ng lalaking iyon ay nasa panganib din.. at kahit alam nyang mahirap para sa kanya ay tinulungan nya parin ang lalaki. dahan dahan ito pumunta sa likuran ng armadong lalaki at agad nya itong sinipa ng malakas na siyang nagpatumba sa armadong lalaki. nang tumumba ang armadong lalaki ay agad nya ring nabitawan ang kanyang baril na agad naman naagaw ng lalaki balak nya patayin.. sa paglingon ng armadong lalaki ay nakita nyang si Rosario ang sumipa sa kanya.. kaya binalak nya itong sugurin.. ngunit hindi na nagawa pang humakbang ng armadong lalaki dahil agad sya binaril ng lalaking balak nyang patayin. sa pag tumba ng armadong lalaki ay nagkatinginan sila Rosario at ang lalaki "sino ka" wika ng lalaki. "hindi na mahalaga kung sino ako..ang mahalaga ay iligtas mo na ang sarili mo.. baka madamay ka pa" wika ni rosario. " sino ka ba bakit ka nakaposas bakit ganyan ang itsura mo? pugante kaba? " tanong ng lalaki. " umalis kana.. may mga taong humahabol saakin at balak nila akong patayin..at hindi ko na kaya pang ipaliwanang sayo.. ngayon kung gusto mo pang mabuhay umalis kana( wika ni rosario bago tumakbo palayo at iniwan ang lalaki) maya maya lamang habang tumatakbo si Rosario ay nagulat ito ng tumamban sa kanyang harapan ang isang lalaki na may hawak na baril habang nakatutok sa kanya. " at saan mo naman balak pumunta abrera " wika ng pulis. binalak man ni rosario na tumakbong muli ay di nya na ito nagawa dahil may isang pulis nanaman ang lumabas mula sa kanyang likuran. " subukan mo ulit kaming takasan...napakatinik mo talaga abrera.. biruin mo hanggang ngayon buhay kapa" wika ng isang pulis. " pero ngayon sisigurado namin sayo na wala ka nang kawala( tinutukan ng baril) mag dasal dasal kana.." wika ng isang pulis. bago marinig sa lugar na iyo ang dalawang putok ng baril..
dahil narin siguro sa ingay at gulo ng kapistahan ng nazareno ay hindi na nila napansin ang mga putok ng baril na inakala nilang mga paputok lamang.