"Wow!!!bestie mag-asawa ka na, ang sarap ng mga niluto mo ohh.. Pwede na ba Tita?"excited na tanong ni Kris kay Mama. Natapos na naming planuhin ang mga idadagdag at babaguhin sa kwarto ko at kasalukuyan kaming naghahapunan. Kris is my childhood friend, naging classmate ko siya mula elementary hanggang highschool at nagkahiwalay lang kami nang dalhin ako nina Mama at Papa sa London para doon mag-aral ng college. She's always there when I need someone to talk to other than my parents. She's the only friend and a sister I have.
"Aba't pwede na Kris, ewan ko lang dyan sa kaibigan mo at mukhang walang balak mag-asawa, ni nobyo wala pang naipapakilala sa akin. Hanapan na kaya natin?" kumindat si Mama kay Kris at sabay na nag-apir ang dalawa.
"Ma naman..."nakangusong saway ko sa kanila. Tumawa lang sila kaya wala akong nagawa kundi ang makitawa na rin. Alam kong talo ako pag nagsama ang dalawang ito sa panunukso sa akin.
Natapos na kaming kumain at naiwan akong mag-isang nagliligpit ng aming pinagkainan dahil sina Mama at Kris ay nagkayayaan na ayusin ang sala. Magaling sa interior design si Kris. Isa siya sa most-sought Architect dahil na rin sa kanyang kakayahan. Maybe your thinking "Bakit wala kaming yaya gayong mayaman naman kami? Actually we have, before. But ever since we moved to London my parents trained me to be self-reliant so I do most of my personal things like paglalaba and pagluluto. Si Manang Guada na dati'y nagsisilbihan sa amin ay tuwing sabado na lang namin pinapapasok dahil may katandaan na rin ito. Nasa gitna ako ng paghuhugas ng pinggan nang may kung ano akong naramdaman.
Nafeel niyo na ba yung parang may nakamasid sa inyo??? That's what I'm feeling right now.
Napalingon ako sa bintana na pinagmumulan ng malamig na hangin. May kung anong gumalaw sa itaas ng puno. Sinilip ko ito ngunit naglalagasang dahon ng puno ang tanging nandoon. Medyo kinilabutan ako nang may naalala ako bigla.
Diba usually sa horror film, meron talaga pero hindi lang alam ng bida??? Napailing na lang ako nang magsimula na namang maglakbay ang aking imahinasyon. Minabuti ko na lamang isara ang bintana at bumalik na sa paghuhugas ng pinggan.
"Me and my wild imagination"bulong ko sa sarili.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagluto ng agahan. Sinasabayan ko ng pagkanta ang bawat kilos ko. Nang makaluto na ay tinungo ko ang kwarto ni Mama.
"Maaaaa..."malambing kong tawag sa kanya.
"Gising na po at naihanda ko na ang agahan natin"tumabi ako sa kanya at nahiga sa tabi niya. Nakapikit pa rin ito. Hindi pa rin kumukupas ang kagandahan ni Mama.
She's sleeping well.
"Mama Dear gising na po"tawag ko ulit sa kanya.
"Anna baby" medyo paos nitong sabi.
"Goodmorning Mom" ngumiti ako at humalik sa kanyang pisngi. Nakangiting papungas-pungas ng mata si Mama. Tumayo ako at hinawi ang mga kurtinang nakatabing sa kanyang bintana. Nakasilip na si Haring Araw kasabay ng nagliliparan at nagkakantahang mga ibon. Liningon ko si Mama na nakatingin lang sa akin. I smiled at her.
"Oh hayan na nakabangon na"natatawang pahayag ni Mama.
"I'll wait for you outside"sabi ko at lumabas na sa kwarto niya.
I feel light-hearted. This is happiness. A simple moment like this is precious.
"At dahil masaya ako, magpapatugtog ako ng paborito kong kanta" I played Dusk till Dawn. This song has a soft spot to me. I feel attached to the lyrics itself. Sinasabayan ko si Zayn sa pag kanta. Kahit para na akong manok na tumitilaok Go Lang!!!!! Sabi ni Mama noong bata pa ako ay mabisa daw na pantaboy ng masamang espirito ang boses ko kaya mas ginanahan akong paunlarin ang aking talent sa pagkanta. Mayamaya pa ay bumaba na si Mama. Nakangiti ito habang pumapalakpak.
"Ang ganda talaga ng boses ng anak ko"nakangiting puri ni Mama sa akin. Kaya nabo-boost ang aking self-confidence sa pagkanta ay dahil na rin sa suporta na pinapakita ni Mama tulad ngayon.
"Of course po. Saan pa po ba magmamana?"nakangiting sagot ko sa kanya.
"Of course sa akin noh"segunda ni Mama saka ako sinabayan ng kanta...at napuno ng 'magandang tinig/ingay' ang bahay ng mga Montague.
"Kain na po tayo" yaya ni Cassandra sa ina matapos ang kanilang munting konsyerto.
After namin mag breakfast ay umalis na muna ako to attend a meeting with my potential investor sa Clothing line ko. I may not have mentioned this before but since I'm a fashion designer, obvious namang mainvolve ako sa ganitong business. So except from fashion designing school, I also run a known clothing line here in the Philippines. We planned to meet up at the nearest coffee shop.
I made sure that I'm thirty minutes earlier than the appointed time so as to make things prepared before he arrives. I wore my favorite dress and even had my hair done to make myself more presentable.
"Perfect"I mouthed before stepping outside my car. I went inside the coffee shop and as I looked around, my eyes landed on the man wearing dark blue long sleeves and gray pants. I checked my watch to make sure I wasn't hallucinating when I checked it before. It's still 8:30 in the morning.
Damn!!! He went so early!!!
Nakatungo ito sa newspaper kaya di niya namalayang nakatayo na ako sa harapan niya. I cough intentionally to get his attention. Nagtaas ito ng tingin at bahagyang kumunot ang kanyang noo. He smiled when he realized it was me. Ngumiti ako at binati siya ng magandang umaga. Sinuklian niya naman ito ng "Goodmorning" at nang ilahad ko ang aking kamay para makipagkamay sa kanya ay nagulat ako nang yumukod ito at bahagyang hinagkan ang aking kamay. So old-fashioned but I like it.
Medyo nabigla ako pero hindi na ako nagpahalata. Uso pa pala ang ganito??
Gusto kong kiligin pero...
I composed myself. This is pure business. This attractive man right here is my investor. After this meeting. No personal strings attached.
Umupo na kami at nagsimulang mag-usap tungkol sa business. Makalipas ang sampung minuto ay hindi ko napansing nagsimula na palang maglibot ang aking mata sa kanyang mukha.
This man is freaking handsome. I can smell his after shaved cream from here. He has taper haircut, a pair of thick eyebrows, an ocean blue deep set of eyes paired with his attractive long eyelashes. A straight-edged nose and a thin moistened lips that complements his overall features. He's more like beautiful to me.
Napakurap ako ng mabilis nang biglang umangat ang gilid ng kanyang labi.
He's smirking... Wait! Did I just get caught?!! My Gosh Cassandra!!! Staring is bad!!!
"Are you okay Ms. Montague?"tanong ni Devans sa akin. Tumikhim na muna ako bago nagsalita.
Nakakahiya ka self!!!
"Yes, of course Mr. Devans, I just thought that this is a good day to invest in my clothing business since..."haysss malapit na ako dun, sa isip ko. Sa huli ay tumango ito bilang pagsang-ayon.
Tulala ka self? buti na lang at nakabawi ako agad sa tulaley moment ko.
"Good, then it's settled. I'm looking forward to a fruitful business partnership with you" sabi ko at nag firm handshake kami. Magalang itong nagpaalam bago umalis. Naiwan akong masaya sa kinalabasan ng meeting namin maliban sa "tulala moment" ko. Buti na lang talaga at mabilis akong magpalusot. I looked at him at nakatalikod na ito papunta sa kanyang kotse. Matangkad ang lalaki at may matikas na pangangatawan. At...at...
Napailing na lang ako nang magsimula na naman ako sa physical assessment sa kanya. Since when pa nang huli akong tumingin sa lalaki ng ganito???
"Tsk. Tsk. Anna Cassandra. Don't get too far or you'll get yourself in trouble"tinig ng aking isip.
"Why would I be in trouble??? I'm just admiring an art"sagot ko naman sa right side of my brain. Ewan ko ba kung si right-side nga ba ng utak ko ito o si konsensiya.
Lumabas na rin ako at tinungo ang aking kotse.
Dumaan na muna ako sa Cussalea Fashion School, ang school na ipinangalan ko sa aking papa at mama.