Chapter 3 - 3

Lisa

Ang sarap ng tulog ko kagabi. Nakita ko ulit yung lalakeng nagligtas sa akin kahapon sa panaginip ko and it's freaking better kasi napaka-gentleman niya dun sa panaginip ko! Nilapitan niya ako tapos hinigit niya ako papalapit sa kanya, nagkatinginan kami, nagkakalapit yung mga labi namin sa isa't-isa, pumula yung mga pisngi ko at—

"Hooooooooooooooooooooy!!!",

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!",

"Kanina ka pa tulala 'jan?! Ano bang ipinakain ng kapatid mo sayo?"

"Mama naman oh! Nawala tuloy yung daydream ko!"

"Daydream pagmumukha mo! Late ka na sa school, upakan kita 'jan!"

I looked at my phone and it's already seven-thirty. Holy shit! at first subject pa namin yung Calculus!

Nagmamadali akong nagbihis, kinuha yung bag ko at lalabas na sana sa gate pero hinarangan ako ni mama.

"Hoy! Hindi ka naligo!"

"Ssssh… Ma wag kang maingay! Kitang nagmamadali yung tao eh!"

Kiniss ko siya sa pisngi sabay hug at nagba-bye. Mukhang na tulala siya nung ginawa ko yun at di bale na! Late na talaga ako! Malapit nang mag alas-otso! Binilisan ko ang aking paglakad patungong waiting shed sa may bandang eskinita.

"Kuya pasakay!", Hay nako! Kanina pa ako rito ni walang kahit isa sa mga pedicab na ito ang may bakante! Halos maluto na ako sa init dito. A few moments, may nag-park na motor sa gilid ng waiting shed, 'di ko sana namalayan yung pag-park ng motor kung hindi ako tumingin sa likod. Biglang bumaba yung driver na may dala-dalang pink na helmet. Medyo may katangkaran ang taong ito at nakasuot ito ng itim na jacket, levi strauss na pantalon, at naka-helmet na kulay itim. Inihagis ng driver yung pink na helmet na dala niya sa akin. Mabuti nalang nasalo ko kundi ano pang gagawin ng taong 'to kung hindi ko nasalo yun. Napatulala ako ng ilang saglit at bigla nitong tinanggal yung helmet niya. Si-si Steven, friend ng ex ko.

"Ano pang tinitingnan mo diyan? 'di ka ba sasakay?",

"'Ano na naman kailangan mo Steven?", nag cross-arms ako. May balak na naman 'to.

"Sabay na tayo sa school! 'di ka talaga makakasakay niyan kasi ang daming pasahero dun sa may kabilang eskinita! Buti nakita kita rito kundi stranded ka talaga buong mag-hapon kakahintay!"

What an opportunity! Hahaha buti nga talaga na dumating siya kundi mababaliw na talaga ako sa init dun kakahintay, hay naku nakakaloka! Pero di pa rin ako kumportable sa taong 'to. Manliligaw ko 'tong si Steven and it's almost three months na yung panliligaw niya sa akin, 'di ko parin siya sinasagot. I don't know lang talaga… mabait naman si Steven, gwapo, tapos ang caring pa kaya sigurong napilitan akong mag "oo" nung tinanong niya ako na pwede ba siyang manligaw sa akin. Pero sadyang, hindi ko lang talaga siya type or anything? Kahit magka-crush lang? wala talaga.

Habang nasa motor kami, tumingin siya sa likod upang I check ako sabay sabing, "napaisip ako….", 'di ko gaanong narinig pero sure ako na meron siyang sinasabi sa'kin. Pagkalipas ng ilang minuto, nandito na kami sa wakas sa school! Tinangal ko yung helmet at napawave yung hair ko sa hangin. "Ang init!", napuno yung katawan ko sa pawis na para bang kakaligo lang. Napatingin ako kay Steven na naghihintay na bumaba ako. Heck! Kita yung color orange kong bra! Agad kong tinakpan yung harapan ko ng bag ko sabay patingin-tingin sa kaliwa't kanan.

"Ano, bababa ka ba?", higit niya.

"Sandali lang! Kita namang nahihirapan yung tao oh!",

"So, ano pala sagot mo dun sa tanong ko sayo kanina?",

"Ha? May tinanong ka sa akin kanina? Sorry 'di ko narinig.",

Tinangal niya yung helmet niya at intinali ang strap nito sa manubela ng motor at lumingon siya sa akin.

"So kalian mo ako planong sagutin?",

Natulala lamang ako sa sinabi niya. Sinabi niya ito ulit sa ikalawang pagkakataon.

"S-Steven… may klase pa ako hehe… si-siguro mamaya nalang natin yan pag-usapan!",

Dali-dali akong bumaba sa kanyang motor at kinuha yung mga gamit ko at nagba-bye sa kanya.

Kita sa mukha niya yung pagkadismaya. Wala akong magagawa dun. Hindi ko talaga siya gusto eh!

Alangan naman ipipilit ko yung nararamdaman ko sa kanya, siya lang yung masasaktan sa huli.

Shit! Eight-twenty five na! 'di na talaga ako aabot nito sa klase namin sa Calculus! Naglalakad na ako sa hallway at hindi ako nag-pay attention sa dinadaanan ko. Ilang minuto nalang at papasok na yung second subject namin. Biglang,

"Dugggsh!!",

"Aray!", bigla akong nabangga sa pader, nauntog yung ulo ko.

Napayuko ako sa sakit at hinihimas-himas ko ang ulo ko sabay kuha nung bag. Biglaang may tumatawa sa likod ko. Galit na galit akong nag dramatic-turn upang makita kung sino at may pa tigre ampeg na yung handang pumatay kahit anumang oras. Napaamo yung mala-tigre kong mukha nung makita ko yung tao na tumatawa sa likod ko. Holy shit! Siya yung tarantadong geek na nagligtas sa akin kahapon! Nag-smirk pa ito! Ang gwapo mo po! Please kunin mo na ako—

"Brrrrrrrrgshs…", shake your self up Lisa!

"Oh my kabbalistic keter entity! What the hell did I just witnessed?", Sabay smirk ulit.

Ang gwapo niya talaga… No! Lisa ilabas mo yung galit sa kanya! Kahapon pa 'tong mokong nato! 'di man lamang nag-sorry sa ginawa niya?! Bwesit ka! 'di ko napigilan yung sarili ko, sinuntok ko yung sikmura niya, alam kong napakalakas ng suntok na iyon kasi na pa-iling ito. Huh? Ang tigas ng sikmura ng lalakeng 'to ah? May abs ba?

"Holy Shit!", napasigaw ako sabay blush nung nahimas ko yung… Abs nga!

"What the fuck?!", Sigaw niya sabay tulak sa akin. Napaatras kaming dalawa.

Hindi ko alam pero tarantang-taranta yung mukha nung gago at hawak-hawak pa yung tiyan niya. Alam kong 'di yon nasaktan sa suntok ko. May abs nga diba?! May abs! Natawa na lamang ako sa itsura at reaksyon niya.

"What the hell did you just do?! You violated my body!", WHAT?! 'di naman yun siguro tungkol sa paghimas ko sa sikmura niya.

"Hoy! Ang arte mo! Tsaka hindi ko 'yon magagawa kung hindi ka nambibwesit ng ganito kaaga!",

Napablush nalamang ako at kita sa mukha ko na nahihiya ako. Stagnated sa kinatatayuan habang tinitingnan ko siyang abala sa pagtingin kung nasugatan ba yung sikmura niya dahil sa suntok ko. May sayad kaya 'tong mokong na ito? Bigla niya akong tinuro,

"You woman—aahh-achoooo!!", Na-hatsing ito. 'di ko napigilang tumawa. Nakakatawa kasi siyang tingnan.

"Hoy babae ka! Lagot ka talaga kapag isinumbong ko ito sa faculty! You just committed a major offense of physical and sexual harassment!", 'di ko parin napigilang tumawa.

"Kalalake mong tao ganyan ka maka-asta sa isang babae?! Hahaha!", Napansin kong nabibwesit na talaga siya. Nilapitan niya ako at hinigit papalapit sa kanya.

"Hoyyyy!", sigaw ko. Hinawakan niya yung dalawang braso ko.

Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Oh no! Napalunok ako tsaka namula yung mga pisngi ko. Hindi ako makatitig sa kanyang mga mata! Please wag mo rin akong tignan! Ahhh! Is this a daydream coming true?!!! Ahhh!

"Then what if I do this to you and stimulate those mammary glands of yours, will you still conclude that what I'm doing to you is still not physical or sexual harassment?!", Hanu daw?! Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya!

Itinulak niya ako sabay talikod at umalis na nakapamulsa pa. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hinihingal ako! Ano ba sa tingin niya yung ginagawa niya? At tsaka…. Hoy! Hindi pa siya nakapagsorry sa akin! Bwesit kang geek ka! Late na nga ako 'di pa niya nabayaran atraso niya sa akin! T****na!!!