Chapter 5 - 5

Lisa

-

Hayop talaga yung mokong na 'yun! Hindi niya ba talaga alam na may atraso siya sa 'kin o sadyang wala lang talaga siyang pake sa mga pinaggagawa niya? Hay nako! Late na nga ako, umepal pa yong weirdo. Buhay nga naman, 'di talaga nawawalan ng problema pero at least hindi dumagdag yung pagmumukha niya. Maswerte yun dahil nagagwapohan ako sa kaniya dahil kung hindi, malamang ay nahampas ko na 'tong dala-dala kong bag na may lamang isang-daang pursyento ng paghihiganti sa pagmumukha niya.

Pero kahit kalian ay 'di ko talaga matanggap na ganun niya tratuhin yung kagaya naming mga babae, I mean, wala naman akong pake sa attitude niya pero kahit konting respeto lang tsaka pagiging gentleman lang 'di pa niya kayang magawa? Chivalry is dead nga naman. Hala! Baka bakla yung mokong na 'yun? Please wag lang! Sayang naman yung kagwapohan nun. Calm down lisa! Wag mo na 'tong idag-dag sa mga problema mo.

"Miss Villanueva?" boses na may pagka-husky ang tumawag sa pangalan ko. Pamilyar sa akin yung boses na 'to ah. Lumingon ako at nakita ko si Sir Lewis Emmancio, Physical Education teacher namin dati sa grade eleven. Akala ko ba nag-iba na siya ng school kasi nasangkot siya last year sa isang iskandalo na nakipag-flirt daw siya sa isang estudyante at nahuli sa CCTV camera. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa katunayan, nanliligaw kasi 'tong si Sir sa akin. Apat na buwan na niya yung ginagawa at hindi ko talaga siya sasagutin. Useless yung pagka-Jake Cuenca niyang mukha at katawan kung ka-grupo niya pala yung mga masasamang damo.

I've heard a lot of hearsays about him na namba-blackmail siya ng mga babaeng estudyante in which may sensitive information siyang nakukuha at hindi siya mag-dadalawang isip na ikalat 'yon sa buong campus if hindi nag-comply yung nasasakdal sa mga inuutos niya. Tapos na report pa siya dahil yun nga, nahuli siyang nakipag-flirt siya sa isang estudyante dito sa school so obviously na meron talaga 'tong dala-dalang masamang balak si Sir.

Dahan-dahan akong tumayo at kinuha yung bag ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan yung braso ko ng napakahigpit.

"Aray!", napasigaw ako sa sakit.

"Hindi ka man lang mage-greet sa Sir mo Miss Villanueva?", nag-smirk at titig na titig yung mga mata niya sa mukha ko. Umiwas nalang ako ng tingin. Napansin kong pababa ng pababa yung pagtitig niya, from my head down to my neck. Hindi na ako nakapagtiis at hinablot ko yung braso ko sa pagkakahawak niya.

"Goodmorning, S-Sir…" yumuko ako sa takot at dahan-dahang lumakad palayo sa kaniya.

"Pumunta ka mamayang alas-tres sa room ko, may ipapakita ako sa'yo!" Sigaw niya at nag-smirk ulit. Hindi ko na kinaya at mabilis akong naglakad patungong classroom. Walang tao sa loob ng room kasi thirty-minute break namin. Nilagay ko yung bag ko sa upuan ko sabay humarurot ng takbo patungo sa canteen.

Pagdating ko sa canteen, nakita ko yung bestfriend kong si Kyla solo lang na nakaupo sa sulok sa may water dispenser. Naglakad ako papalapit sa kaniya at titig na titg yung problemadong mukha niya sa akin na para bang may sasabihin siya sa aking napakabigat. Eksaktong pag-upo ko sa tabi niya ay bigla niya akong hinatak at inembrace niya ako ng mahigpit sabay tumulo yung luha niya.

"Anong nangyari Sis?", tanong ko.

"I'm sorry…" sabi niya at hinigpitan pa niya yung pagyakap sa akin.

"May sinabi sa akin si Sir Emmancio. Pumunta ka daw sa room niya mamayang alas tres ng hapon dahil kung hindi ay ipapakalat daw niya yung mga kinuha niyang malalaswang litrato sa akin."

Na-shock ako at biglang kinabahan. "Pano niya nagawang kunan ka ng mga malalaswang litrato?" Tanong ko. Kinuha niya yung cellphone niya at nakita kong ang laswa nga ng mga litratong I-sinend niya kay Kyla at kamukhang-kamukha nga ni Kyla yung mga nasa litrato! Nako masama nga ito.

"I report nalang kaya natin sa facul—" bigla niyang tinakpan yung bibig ko.

"Please wag! Kahit pa mag-report ka sa head, Ikakalat pa rin niya yung mga litrato! Please gawin mo ng paraan Lisa! Ayokong masira yung image at reputasyon ko dito sa school!" nakatingin ako sa mukha ni Kyla at parang grabe yung takot na nakikita ko sa mga mata niya. Pinunasan ko yung mga luha niya sabay sabing "Pupuntahan ko siya mamayang alas-tres. Wag ka nang mag-alala dahil sisiguraduhin kong hinding-hindi makakalat ang mga litratong 'yon." Niyakap ko siya ng mahigpit sabay na nag-isip, "Pano ko gagawin 'to?". Wala na akong ibang choice kundi magpakita kay Sir Emmancio mamayang hapon dahil nakasalalay yung image at reputasyon ni Kyla dun.

Lumipas ang mga ilang oras,

Riiiiiiiiiiiiiinng! Alas-tres na, oh no! Bigla akong pinawisan ng matindi at hindi ako makatayo sa upuan ko. "Okay class, see you next week! Umpisahan niyo nang maglinis sa classroom." Shit! Paano na'to? Pagtingin ko sa labas ay nakita ko yung weirdong geek and ngayon ko lang nakita yung bland facial expression niya. Gwapo pa rin siya kahit papaano. Bigla siyang tumingin sa akin at dali-dali kong inilipat yung tingin ko sa blackboard at sa harapan ko'y nakita ko si Kyla na nakatitig sa akin na para bang sumesenyas.

Yumuko ako at nag-sigh. Tumayo ako sa kina-uupuan ko at nag wave sa kaniya sabay smile at dumiretso na ako sa office ni Sir Emmancio. Sa labas pa lang ng room niya ay kinakabahan na ako, pinagpapawisan ako ng matindi. Eksaktong paghatak ko sa doorknob ay biglang bumukas ito at sumenyas si Sir Emmancio, "Pumasok ka!". I gulped at dahan-dahan akong pumasok. Sinalubong ako ng tatlong malalaking monitor at sa table na kinalalagyan nun ay may dalawang holotape at isang flash-drive.

Bigla akong nagulat ng biglang may sumirado sa pinto at napansin kong nasa likuran ko si Sir Emmancio. Hindi ako lilingon! Hindi talaga ako lilingon! Pinagpawisan na ako ng matindi. Bigla niyang hinawakan yung shoulders ko at hinatak ako papalapit sa kanya. Sisigaw sana ako ng bigla niyang tinakpan yung bibig ko. "Subukan mo lang... hehe". Pumikit na lamang ako dahil sa takot. Ilang sandali ay binitawan niya yung pagkakahawak niya sa braso ko.

"This wouldn't be fun and exciting so let's just take things slower…." Dumilat ako at napansin kong itinuro niya yung dalawang holotape na nakalagay sa mesa. "Yung dalawang tape, nakalagay 'jan yung mga pictures ng kaibigan mong si Kyla. Ibibigay ko sa'yo yung isang tape in exchange…" Binitawan niya ako at may kinuha siya sa drawer niya. Isang camera. I don't like this.

"Hubarin mo yung pang-itaas mong uniporme!" Na shock ako at biglang nanginig yung mga paa ko. "S-Sir… please… wag niyo po itong gawin!" nagmamakaawa kong sabi. "You heard me naman diba, simulan mo na!" Nag-smirk lang siya. Nanginginig na talaga ako. "Sir, nagmamakaawa ako! If this is just all about sa panliligaw mo sa akin Sir, sasagutin na kita! Seryoso ako! Please wag mo nang gawin 'to!", Oh Shit! Patay na. Tumingin siya sandali sa akin at somehow nangingilitis yung mga mata niya. Mas kinakabahan na ako ngayon.

Inilagay niya yung camera niya sa mesa at tumayo sa kinauupuan niya. Lumakad siya papalapit sa akin at hinigit yung mga braso ko. "Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon Lisa! Matagal na kitang gustong mapasa-akin." Sinisinghot niya yung buhok ko. Napapikit ako at nanginginig. Bumulong siya sa aking tenga. "Pagbibigyan mo naman boyfriend mo diba?", bigla niyang hinagkan yung leeg ko sabay tangal ng mga butones sa uniporme ko. "Shit ang hot mo Lisa!". Tumutulo na yung mga luha ko.

"S-Sir… wag po please!" tinanggal niya yung mga butones sa uniporme niya. "I love you Lisa!" sigaw niya. Biglang may kumatok sa pintuan, "Good afternoon Sir! Si Kevin 'po ito ng Section D3. Ipapass ko lang 'po itong project ko". "F**k!" narinig kong bulong niya. "Dito ka lang at wag kang mag-ingay!" Nagbihis siya at isinuot yung reading glasses niya. Tinakpan ko yung dibdib ko na halos makita na dahil sa pagtanggal ng butones.

Ilang segundo ang nakalipas, may narinig akong sigaw sa labas. Kahit na takot na takot ako ay binuksan ko pa rin yung pinto at na-shock ako sa nakita ko.

Nakita ko si weirdong geek na tinatapakan ang walang malay na si Sir Emmancio. Duguan yung pisngi ni sir at parang nasira talaga ng todo yung mukha niya. Lumingon yung weirdong geek sa akin at parang na-shock din siya.

"My, my, what do we have here? Oh I see, you're one of those bitches na pumapatol kay Sir Emmancio. Such disappointment! Ang ganda mo pa naman." Teka, tama ba 'tong naririnig ko? Nagagandahan ba sa'kin 'tong weirdong 'to? Akala ko bland yung taste niya sa mga babae. Hindi ko namalayang namumula na pala yung mga pisngi ko.

Nakatitig lamang siya sabay sabing, "Eww…" at tumalikod.

"Hoy! It's not what you think it is!" Bumalik ako sa loob ng office ni Sir Lewis at kinuha yung holotapes sa lamesa niya at lumabas.

"Eto yung ebidensya sa mga kalokohang ginawa ni Sir Lewis sa eskwelahan na ito! Nasa loob dito nakalagay ang mga malalaswang pictures ng kaibigan ko na kinuha ni Sir Emmancio!". Bigla niya akong hinarap. "Sa katunayan, wala na 'jan ang mga litrato." What?! Nanlalaki kong mga mata. "What?! Papaanong? Paano mo nalaman?!" biglang kinuha niya yung selpon niya sa kanyang bulsa. "Na-post na yung mga pictures sa group page. Anonymous yung account na nagpost nun. Buti nalang kasali ako sa moderator ng page kaya na edit ko agad yung privacy ng post." Inilagay niya yung phone niya sa bulsa niya. "Na-track ko yung IP address ng nagpost and I was shocked na ang location sa nagpost nun ay nandito lang sa school. Naisipan ko agad na wala namang ibang tao ang makakagawa nun kundi ang horny na 'mokong na 'to, si Sir Emmancio." Binitawan ko yung tape. "Ginawa ko lamang yun para sa ikabubuti ng bestfriend ko. Muntikan pa akong naloko. Kundi dahil sayo, mabubuntis talaga ako ng maaga." Tumingin ako sa kanya, bland parin yung facial expression niya. "Salamat ah." Nag smile ako sa kanya sabay yuko.

"Lisa!!!" Nakita ko si Kyla na umiiyak at tumatakbo papalapit sa akin. Yumakap siya sa akin ng mahigpit. "Lisa! I owe you everything! Salamat talaga sa risk na ginawa mo!", "Para na kitang kapatid Kyla. Hindi ko hahayaang may mananakit sa iyo." Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

Narinig kong nag yawn ang weirdong geek. "Boring naman nito…" nangiinis ba 'tong taong to o sadyang kulang lang talaga ito sa pansin?! Lumingon ako sa kaniya

"Hoy!" napalingon siya sa'kin. "Thanks a lot. Kung ang lahat ng ito ay nagkataon lang, siguro kami na ang pinakamasuwerteng tao dito sa mundo—"

"It's not entirely coincidental! Araw-araw kong binabantayan 'tong si Sir Emmancio at nagkataon lang sa iyo na ikaw yung nahuli sa bingwit niya." May kinuha siyang flash drive sa bulsa niya at inihagis sa akin. "Diyan naka-save lahat yung mga pictures na inupload ni Sir Lewis. Don't worry hindi ko yan pinagsamantalahan. I present mo 'yan sa faculty para tuluyan nang mabura yung manyak na 'yon sa school na 'to!" Bigla siyang naglakad, papaalis na siguro.

"By the way…" hirit niyang sigaw. Napatingin ako sa kanya. "I am Florencio Mendoza Aremos from Section A1 Class 1. Nice meeting you, Lynn Irene Samantha Andrea… Miss Villanueva." Huh?! 'bat nalaman niya yung pangalan ko?! Tumingin ako kay Kyla baka may sinabi siya pero nag-signal lang siya na wala siyang sinabi. Nabasa niya yata expression ko. Hindi ko alam pero bakit feeling ko na ang special ko ngayon? Ang gaan ng pakiramdam ko nung ini-mention niya yung buong pangalan ko.

"Sis, namumula ata yung mga pisngi mo… okay ka lang?" sabi ni Kyla. "Huh?!" parang nagulat ako sa sinabi niya. "E-ewan… alis na tayo." Tingnan mo nga naman kung sino ang masuwerteng tao ngayon? Kung 'di dahil sa weirdo na 'yun hindi ako male-late, kung 'di rin dahil sa weirdo na 'yun eh baka na-rape na ako. Teka, bat ba kasi 'di mawala sa isip ko yung sinabi niya na maganda ako? Bakit parang naiiba yun sa compliment… hmmm… ewan.

"Pumupula talaga yung pisngi mo Lisa… may pinainom ba si Sir Emmancio sa'yo?" tanong ni Kyla.

"H-huh? Eh—wala hehe wag mo nalang pansinin." Grabe talaga yung impact ng mokong na 'yon sa'kin. Siya lang ang nakakagawa nito. Hay nako Lisa… wag mo sabihing nagkakagusto ka sa weirdong—No! Hindi pa nga kami nagkakakilala nun gusto na kaagad?! I think I'll have to make friends with him but I think imposible talagang mangyari 'yon. Nag-smirk nalang ako sabay yumuko.