Florencio
-
MAAGA akong nagpunta sa school at dumiretso sa chemistry lab upang manghiram ng Bunsen burner para sa gagawing project mamaya sa chemistry, first subject namin. Naglakad ako sa hallway at lumiko sa may kanan sa harap ng Floor Management Room at sa gilid ng room ay may daanan patungo sa Chemistry at Bio Lab. Eksaktong nakasalubong ko si Selena, babaeng maputla yung mukha na may kagandahan naman, may pagkakulot yung buhok at palaging naka-lab gown at glasses. From what I've heard, siya yung Chemistry Goddess dito sa eskwelahang 'to, sabi nga nila. She stared at me for a few seconds and she pushed her glasses up her nose bridge. I took my chance at sumenyas ako.
"Good morning! May I come with you?", Alam kong papunta siya sa Chemistry Lab.
"Sure. I'll just go and get the laboratory keys from the faculty room or you can go ahead and wait for me there if you want to." She smiled and turned around.
I beamed a smile back at her and I continued to walk. Naglalakad sa maliit na hallway patungo sa lab, I was fascinated from all the portraits of some famous scientists and philosophers na maayos ang pagkakalagay sa gilid ng bubungan ng hallway. I named them all one by one,
"Aristotle… Galen… Theophrastus… Lamarck… Darwin—" Napatingin ako sa likod ng biglang may nagsalita ng malakas. "Gutenberg… Mohorovicic…", Nakita ko si Selena dala-dala ang isang puting box na may nakalagay na mga portraits ng iba pang mga tao ng siyensya. Sa isipan ko, may nag-flashback at biglang nag-iba yung hininga ko. Bigla akong nagalit.
I turned around and started walking towards her at habang papalapit ako sa kanya, I can see her face na parang nagtataka kung bakit may galit na torro na handang bumangga sa kanya. A few centimeters away from her, I smacked the wall at huminto. Napa-cover siya ng braso niya sa ulo at napa-iling dahil sa takot. Kumunot yung nook o at sinigawan ko siya dahil sa galit.
"A vast cosmos has its microcosms and I can't even believe that sa dinami-dami pang mga eskwelahan, I found one of those mind-critters inside my microcosm.", Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin basta hindi ko mapigilan yung galit na nararamdaman ko. "Tell me, if a fortune teller gave you a fortune cookie and the text inscribed inside the paper was "A good time to finish old tasks", would you rather believe a fifty-to-one hundred chance that sticking your tongue and presence inside this school would slowly take me down? I already found one of the sources of this toxic waste and it's time to put an end to this one!" Hinigit ko yung collar niya at nahulog yung glasses niya sa sahig. Kitang-kita sa mukha ni Selena yung takot at kaba, her tears were starting to fall but I did not care.
"You're one of them, am I right?! YOU ARE ONE OF THEM?! ANSWER ME!",
"I don't know what you're talking—", Biglang may humampas sa likod ko. I fell on the floor at natapakan ko yung glasses ni Selena. "Miss, okay ka lang?!", nakita ko yung janitor na hawak si Selena na umiiyak. "Hoy! Ano ba sa tingin mo'ng ginagawa mo?!", sumbat ng janitor. Napayuko lamang ako dahil sa hiya. Ano ba 'tong pumasok sa isip ko? Bakit nag-trigger yung mga masasamang alaala ko dati? Dahil lang sa pagsabi niya ng mga names nag-trigger agad? Ano ba 'tong nangyayari sa akin?! Biglang nagtitiliian ang mga estudyante sa labas ng hallway, scandal na naman ito, masisira na naman reputasyon ko dito. Bwisit.
"This is your first incident in this school Mister Aremos." Sinabi ni Sir Marcus, yung Guidance Counsellor, habang may tinitingnan na mga papeles. "Well, I've heard negative reports of you from your previous school and somehow the details mentioned were actually similar sa ginawa mo kanina kay Miss Rivera." Napatingin ako kay Selena na nakaupo sa tabi ng aircon sa may pintuan. Pinupunasan nito yung mga luha niya at tumingin rin siya sa akin.
Bigla akong napayuko. "Sa ganitong insidente, masisira talaga ang reputasyon mo rito Mister Aremos! Ikaw yung top one sa acads dito sa buong school at lahat yun ay madudungisan lang dahil sa ipinakita mong masamang ugali." I shrugged at nagshow lang ako ng i-don't-care look. Pero sa totoo lang, 'di ko naman talaga sinadya iyon! Nagi-guilty nga ako nung nakita kong umiyak si Selena dahil sa ginawa ko.
"How can we settle this… uhmmm…", Napahawak yung Guidance Counsellor sa baba niya. "Sir, I'm okay! Alam kong hindi 'yon sinasadya ni Mister Aremos." Bigla akong napatingin kay Selena na nakangiti. Yumuko ulit ako dahil na gi-guilty talaga ako. "No!" sigaw ko. "I'll face the consequences…", "No… I'm fine really, please wag mo ng ituloy Sir Marcus". Napatingin ulit ako kay Selena at ngumiti lamang siya.
"According to the law of this school, what Mister Aremos did was a major violation of—", napatigil ng pagsalita si Sir Marcus ng biglang sumabat si Selena, "The code zero-two-three policy which states that no bullying must be done inside the school premises. In which also states that the bullied person must immediately report to the faculty for no further harassments. The bullied person must elaborate the situation clearly and the faculty is up to decide. In this situation, I was the one na na-bully and you can hear me say directly to you that it is just alright with me so with my testimony itself concludes that Mister Aremos' violation is futile towards him, Sir."
Napatulala na lamang kaming dalawa ni Sir Marcus. Tumingin ulit si Selena sa akin at nag-smile. Hindi ko alam 'tong nararamdaman ko. I felt harassed sa sinabi ni Selena at the same time, na feel ko yun guilt. I show no outside reaction baka kasi mag bunga na naman ito ng issue.
Ilang oras rin tinagal naming sa Guidance Office at sa wakas, na-lift na rin yung mental-degrading-case ko. Salamat dito kay Miss Four Eyes sa pagliligtas sa akin.
"I'm… I'm really sorry, Selena." Napakamot ako sa ulo ko.
"It's okay… I know na hindi mo naman talaga sinasadya 'yon. Every action has its underlying reason. Atoms existed with a principle that we call as Electronegativity which states that two atoms when looking at its valence electrons, we can distinguish between the two to whom has the highest electronegativity and by placing a negative symbol above it. The bond occurs in order for it to become stable. To attain stability was the underlying reason." Tumingin ako kay Selena at yung mukha niya ay parang kalmado lang na parang walang nangyari kanina.
"Bakit ba kasi nagawa mo 'yon?", tanong niya. "Every action has its underlying reason indeed. There was a known principle that we call as Electron Shielding which states that valence electrons must be shielded from the force of the positive-charged nucleus. I have some reasons to keep my personally-based associates but whatever I do, it always randomly trigger a reaction and I don't want to ignite the tinderbox. I already achieved stabilization. So it's not worth mentioning. It's just crass." Nakita ko yung reaksyon niya na nag-sigh.
"Can I trigger a destabilization then?" Tumingin ulit siya sa akin. "I lifted up your case that is supposed to be kicking you out of this school right now so it's time for you to pay me back. I'm only asking for the reason." Nag-smile siya sa akin. Cute naman pala 'to tingnan si Miss Four Eyes. Nag-sigh ako. Bakit ba kasi intersadong-interesado siya sa past ko?
I'm doing all my best nga na i-avoid 'tong past ko at parang pinipilit niya akong pabalikin sa past which is torturing as hell. "Why are you so interested about it?", Tumingin ako sa kaniya at tumingin rin siya sa akin. Nagkatinginan kami. "Will it be the same thing as, I am interested in you?", Wow! Red Herring is this? Namula yung mga pisngi ni Selena. Should I do the same thing as well? Hell no. I patted her head sabay sabing,
"Bayaran ko nalang glasses mo tomorrow.",
"E-eh?!",
"Lumagpas ka na. Nasa Biology Lab na tayo. Dito ka na, mauna na ako sayo." Nag-wave ako sa kanya and somehow yung itsura niya nakakatawa na para bang tuta na iniwan ng amo niya.
"Agapo Tou Theo!!!", sigaw ko sabay strech ng dalawang braso ko sa ere. Patuloy akong naglakad papunta sa room ko. I glanced towards the hallway from the entrance and I saw a woman who's probably on her way to hell since the time is already eight twenty-five. Kaninang seven pa nag-start lahat ng classes so I'm pretty sure na late 'tong babaeng—Wait a minute! Pamilyar sa'kin 'tong babaeng 'to ah.
Lumapit ako at nagtago sa may glass door in front of a wall that separates the grade twelve and the grade eleven hallway. Oo nga! Siya yung babaeng niligtas ko kahapon! Ba't ang basa-basa niya, naligo ba siya rito sa school? Naglakihan yung mga mata ko nung nakita ko yung may kalakihang dibdib niya at yung bra niyang color orange na dumikit sa kanyang basang uniporme sabay tingin pataas from her neck with a slow motion effect, her kissable lips, yung face niyang tila alalang-alala na but she's still beautiful to look at, and her eyes, it's so tempting! Mesmerizing! Shit ang hot—Sinampal ko yung sarili ko. Hoy Florencio umayos ka!
Nagtago ako sa likod ng glass door hoping na 'di ako napansin. Yun nga 'di ako napansin at nagpatuloy lang ito sa paglalakad ng biglang,
"Dugggsh!!",
"Aray!",
Oooof! Nabangga yung babae sa pader! 'di ko napigilan yung pagtawa ko to the point na napahawak ako sa tiyan ko dahil sa nangyari! Grabe kung nakita mo lang 'yon, mismo matatawa ka rin ng ganito ka lakas.
Biglang lumingon yung babae patungo sa akin na may pa-tigre yung expression niya sa mukha na kahit anumang oras ay handang manungab. Nabwisit siguro 'tong babaeng 'to sa lakas ng pagtawa ko. Pero ang cute niyang tingnan though para bang maliit na kuting na nagagalit. Nag-smirk ako sabay tingin sa kanya.
"Oh my kabbalistic keter entity! What the hell did I just witnessed?", Nang biglang sinuntok niya yung sikmura ko. Hindi naman kalakasan pero napa-iling ako kasi may naramdaman akong sakit sa tahi ko sa tiyan. Hala! Baka napunit yung tahi at may nararamdaman akong may ginagawa siya sa tiyan ko. Ba't parang hinihimas-himas niya—
"Holy Shit!", nagulat ako ng biglang sumigaw yung babae. Napatingin siya sa'kin at pumula yung mga pisngi niya. Pag tingin ko sa baba– "What the fuck?!" Tinulak ko siya palayo sa akin. Aba bastusan pala 'to?! Nagkunwari akong chini-check yung sikmura ko at pasimpleng lumilingon sa kanya. Aba, aba! Nakuha pa nitong tumawa?! Sabagay, parang ganti na rin niya 'yon para sa ginawa ko kanina pero parang sinira na rin niya yung dignidad ko! Wala pang nakakagawa nito sa akin! Bwisit kang babae ka!
"What the hell did you just do?! You violated my body!", napatawa lamang siya.
"Hoy! Ang arte mo! Tsaka hindi ko 'yon magagawa kung hindi ka nambibwesit ng ganito kaaga!",
Ang kapal ng mukha ng babaeng 'to! Siya pa yung may kasalanan, nakuha pa niyang mag impose ng invalid na rason?! Gago pala 'to!
"You woman—aahh-achoooo!!", Bwisit 'tong hatsing na'to! Kung kalian pa naka-load yung belt ng machinegun ko 'dun pa talaga umepal. Lumakas pa yung tawa ng babae. Nakakabwisit na talaga 'to!
"Hoy babae ka! Lagot ka talaga kapag isinumbong ko ito sa faculty! You just committed a major offense of physical and sexual harassment!" 'di parin siya tumitigil sa pagtawa. She's gonna trigger a nuclear fission if magpatuloy pa 'tong babaeng 'to.
"Kalalake mong tao ganyan ka maka-asta sa isang babae?! Hahaha!", T****na! Punong-puno na talaga ako sa babaeng 'to! Hinatak ko siya papalapit sa akin. Nagulat siya sabay sigaw ng "Hoy!" at inilapit ko yung mukha ko sa kanya, kunot yung noo, sabay tingin sa kanya ng dalawa kong naglalakihang mata at nag-aabutan kong kilay. Napansin ko yata na pulang-pula ang pisngi ng babaeng 'to sabay iwas ng tingin. Feelingera? Nakuha pa niyang magpaka-feelingera sa harap ko o sadyang part lang 'to sa pambibwisit niya?! Masasabi ko na talaga ang ipinagbabawal,
"Then what if I do this to you and stimulate those mammary glands of yours, will you still conclude that what I'm doing to you is still not physical or sexual harassment?!"
Nako shit! Tinuluyan na talaga! Pasimpleng sabay tingin sa dibdib niya. Shit, No! Tinulak ko siya at nagmamadali akong naglakad palayo. Shit! Shit! Shit! Dumiretso ako sa comfort room sa tabi ng room ng grade ten at nanghilamos. Namumula yung mga pisngi ko!
"Hoy Florencio 'di ka naman ganito! Ano bang nangyayari sa'yo?!" At naghilamos ulit ako. Sana 'di yun napansin ng babae ang pamumula ng mga pisngi ko. Bwisit talaga.