Robotic life. Iyon ang buhay na binagsakan ni April Rose Nuyda pagkaraan ng dalawang trahedyang kumuha sa dalawang importanteng tao sa buhay niya– first was her unborn child at kalaunan naman ay ang kanyang asawa.
Nawalan ng saysay ang existence niya sa mundo. She has a life but she doesn't feel alive. That she only exists to survive at para maging tagasalo ng hagupit ng kapalaran. Hanggang sa huminto ang krisis na kinakaharap niya at sa hindi inaasahang pagpihit ng tadhana ay naging instant foster mother siya ng malulusog at makukulit na Triplets. It's true that after a rain, there's a rainbow. The Triplets is her rainbow. Sila ang naging kulay sa kumupas na mundo ni April.
One stormy night, isang mala-griyegong bathala ang nag-entrude sa teritoryo niya. Ang nilalang na iyon na kalaunan ay nagsilbing napakalaking tinik sa kanyang lalamunan sapagkat inaangkin lang naman nito na ito ang biological father ng Triplets.
Hanggang saan kayang ipaglaban ni April ang multong karapatan niya sa triplets? Hanggang saan niya kayang magtigas-tigasan kung halos sa araw-araw ay nagpapamalas ang conceited na Bilyonaryong iyon ng mga taktika na nagpapalambot sa mga tuhod niya?
Hanggang saan nga ba?
Don't Mess With The Billionaire