Chereads / Don't Mess With The Billionaire / Chapter 4 - CHAPTER 3

Chapter 4 - CHAPTER 3

Don't Mess With The Billionaire

Chapter 3

"TALAGA ho, Manang Carletta?" Napangiti si April matapos marinig mula sa kausap niya sa kabilang linya ang isang magandang balita sa hapong iyon.

Si Manang Carletta ay ang matandang dalaga na nakatira malapit sa dating bahay na kanilang tinitirahan. Ito rin ang madalas na kaagapay niya sa pag-aalaga ng triplets. Parang ina na rin ang turing ni April sa matanda kaya halos araw-araw ay tinatawagan niya ito upang kumustahin.

Hindi lang ang bahay na iyon ang nami-miss niya, maging si Manang Carletta rin.

"Oo, anak. Mabait ang nakabili ng bahay. Katunayan niyan ay sumadya ako kahapon doon at pinagdalhan ko ng paborito nating ulam iyong bagong may-ari ng bahay. At alam mo ba, Rose masayang tinanggap ng lalaki ang binigay ko nang walang pag-aalinlangan. Kaya masasabi kong mabait ang taong iyon." Masayang kuwento sa kanya ni Manang Carletta.

"Baka naman patay-gutom lang ho, Manang kaya hindi tumanggi." Siste ni April.

"Loko itong batang 'to." Natatawang saad ni Manang Carletta. "Hindi naman siguro. Halatang mapera ang binatang iyon, anak. Bukod sa saksakan ng guwapo e mukhang mayaman talaga. Pakiwari ko nga'y artista ang batang iyon. Atsaka mabait at magalang, pansin ko. Alam mo bang pumayag siya na kunin mo iyong mga naiwan ninyong gamit doon."

"Seryoso ho? Hindi pa ipinatapon ng Mommy ni Gino?"

"Nandoon pa lahat, Rose. Nakita ko kahapon nang pumunta ako. Mabuti na lang at tumawag ka ngayon. Naalala ko kasi na paluwas ng Maynila ang bagong may-ari at ayon sa nabanggit niya ay baka sa susunod na buwan pa siya makakabalik. Sadyain mo na muna kaya ngayon, maliwanag pa naman."

"Ho? Ah sige po, Manang. Magpapaalam lang ho ako sa mga bata at kay Garett."

"Oh sige. Doble ingat sa pagmamaneho, anak. Ihalik mo ako sa mga bata. Sa Sabado, susubukan kong pumasyal diyan sa inyo ng mga apo ko. Nakakalungkot na napalayo kayo sa akin."

"Manang Carletta naman, huwag na ho kayong mag-emote diyan. Hayaan mo't kukunin din kita kapag nabuksan ko ulit ang delicacy outlet ko rito sa munisipyo. Pangako po iyan."

"Aasahan ko iyan, anak. Oh s'ya, ingat. Daanan mo ako rito bago ka umuwi."

"Opo. Kayo pa ba?" Hindi na umalpas ang makintab na ngiti sa labi ni April hanggang sa maputol ang linya.

PASADO ALAS SINGKO ng hapon nang makarating si April sa dati nilang bahay. Inulan na naman siya ng masasayang alaala na naipon niya sa ilang taong nakasama niya sa bahay na iyon ang kanyang mga anak. Pawang masasayang alaala ang inukit nila sa tahanang iyon kaya masakit sa kanya na isuko iyon sa Mommy ni Gino.

Pero gayon pa man ay hindi na niya masyadong iisipin ang mga nangyari. Ang mahalaga'y maayos na ang kalagayan ni Aba ngayon. Nagpapasalamat din siya at tumupad si doktora Zelma Trujillo sa kanilang usapan dahil kung hindi ay habangbuhay niyang pagsisisihan kung may mangyari mang masama sa anak niya.

Napasimangot si April nang wala pa ring response mula sa loob kahit hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang kumatok sa pinto at nag-doorbell.

Nang mapag-alamang hindi iyon naka-lock ay kusa na niyang inimbitahan ang sarili sa loob.

"Tao po... M–magandang hapon ho." She politely greeted no one when she stepped inside.

Nasaksihan niya na nasa tamang ayos pa rin ang lahat ng mga naiwan niyang appliances at palamuti sa sala de bisita na ikinalugod naman ng kanyang damdamin. Maging ang malalaking picture frame na may litrato nilang mag-iina ay naroon pa rin sa puwesto nito. Sinadya niyang iwan ang mga iyon dahil mabibigatan lamang siya. Pero balak na niyang kunin ang mga iyon ngayon. Kotse naman ni Garett ang dala niya kaya alam niyang magkakasya pa ang mga iyon.

Inulit pa niya ng ilang beses ang pagtawag sa may-ari ng bahay pero wala talaga ni bakas o anino nito. Kaya naman ay maingat na lamang niya na isinilid sa nahanap niyang malaking kahon ang mga kagamitan na may halaga pa at mapapakinabangan nila.

Pagkatapos niya sa sala de bisita at kusina ay umakyat din siya sa ikalawang palapag at dumiretso sa nursery room ng triplets. Kukunin niya ang mga laruan ng mga ito.

Habang abala sa paghahalungkat ng mga naiwang laruan sa imbakan ng mga iyon ay napansin ni April na parang may mga matang nakamasid sa kanya.

Binale-wala naman niya iyon ngunit doon na siya napalingon nang marinig niya ang pag-click ng pinto ng silid.

Halos matunaw si April sa kanyang kinatatayuan nang sa kanyang paglingon ay ang pamilyar na bultong iyon ang sa kanya'y bumulaga. Ang balangkas ng naturang tao na ilang araw nang nagmumulto sa kanyang isipan.

An intense panic and astonishment grasped to her inside like a colony of a  honeybee settled uncontrollably in a hive. The feeling is ruthless but April is too damn good to make a numb show. Nagawa pa rin niyang huwag magpakita ng kahit na anong emosyon.

"Boa tarde. Welcome..." (Good afternoon.) The man who has a paired of deep blue eyes like a newly born wolf gave her a lopsided smile. A smile which hide a lot of dangerous thing. Hakut-hakot nito ang isang box ng doughnut at sa kaliwang kamay naman ay bottled soya milk drink. Iyong kaliwang kamay siguro ang ipinang-lock nito sa pinto. "...in my house." He continued with now a friendly smile.

Sumandal ito sa likod ng nakasarang pinto ng silid at humabhab ng doughnut direkta sa box habang nasa ganoon itong puwesto. Ang dugyot nitong tignan kung tutuusin ngunit tila yata siya'y nagising sa maling katawan nitong umaga at ganoon kabighani ang tingin niya sa taong iyon.

"Ilang araw na pala itong naka-stock sa refrigerator ninyo?"

What? Alam naman pala nitong magsalita ng Filipino. Wala sa mukha. Tapos ang tigas pa ng accent.

Pero teka! Iyan ba iyong doughnut na pasalubong ni Gareth sa kambal last week? Nine days to be exact. Pinanliitan niya ng mata ang lalaki habang ito ay hindi magawang putulin ang contact ng mga mata nito sa kanya na para bang inaabangan ang bawat kilos niya.

"N–nine days na." Wala sa sariling naisagot ni April.

"Oh, seriously? Still have a great taste, though. Ang sarap..." Nakangising anito. Nailang si April nang mahuli niya kung paano nito sinadyang hagurin ng malagkit na tingin ang parte ng kanyang katawan kung saan naroon ang Cup C niyang dibdib.

Upang kontrahin ang manyak nitong mga mata ay itinaas na lamang niya ang isang piraso ng puzzle mat sa kanyang dibdib.

"So, ikaw pala ang nakabili ng bahay na ito?" Malamig niyang sabi. Nananatili pa ring walang emosyon ang kanyang mukha.

"Mismo." Agarang tugon nito kahit na puno ng doughnut ang bibig. April rolled her eyes, shuddering in disgust.

"Did someone tells you not to talk when your mouth is full, Sir? I bet that's a basic etiquette that everyone must know."

"But in my bed rules, I'd prefer much talking when our mouths are full." Preskong saad nito na medyo nagpagulat kay April.

Ang dumi pala ng bibig ng isang 'to. Ngitngit ni April sa sarili. Mukhang madali sa lalaki na ito ang inisin siya.

"I am not interested with your bed rules, Sir." Sarkastikong buwelta niya.  "Why did you buy the house?" She asked, getting casual again and trying to shook off the bad vibes growing inside of her.

Does it mean that this man is only after this house? Kung ganoon ay wala siyang dapat ikabahala.

"You asked me why?" The man mimicked jokingly. "Simply because gusto ko at lahat ng gusto ko ay binibili ko. Nakukuha ko."

Hindi lang pala manyak, hambog din!

"Ang yaman mo pala. Sana all."

And the guy raised her thick brow conceitedly as she told him that sarcastic blow.

"Ah... Wala ba sa hitsura ko?" Mayabang nitong iminuwestra ang sarili sa paningin niya. Simpleng white fitted sando lamang ang suot nito at ripped rider's jeans pero halimaw ang dating kaso sa kayabangang taglay nito ay parang naturn-off si April. Mayayabang na tao pa naman ang pinakaayaw niya.

"Wala. Mukha ka lang bayarang gigolo na inaalagaan ng isang matrona."

"Holy foda–se! Such a rude mouth you have there." (Holy fuck.) "Mukhang kulang iyan sa aruga." His dramatic jawline clenched. He finally stopped chewing on the doughnut. Ibinaba nito ang box sa sofabed na malapit sa kinaroroonan nito.

"Excuse me?"

"Iyang bibig mo, ang sabi ko kulang sa aruga. I wonder when did the last time that someone gave your rude mouth a compassionate kiss?" He asked ironically then straightened the soya milk bottomed up.

Patay-gutom!

With eyes turned into slits, April answered all to quickly, "I am also wondering when did the last time that someone tells you to back off and mind your own business, Sir."

"Por favor, let's stop flashing such nonsense things." (Please.) Ginulo pa nito ang medyo magulo na nitong buhok na para bang nasukol ito at napahamak sa sarili nitong laro.

"I bet we should. Anyway gusto ko lang humingi ng paumanhin kasi hindi ko na nagawang magpaalam na kukunin ko iyong mga naiwang gamit namin. I looked for you downstairs pero wala ka kaya umakyat na lang ako kahit wala ang permiso mo."

Oh here you go, April. Mabuti na lang at magaling kang umarteng mabait kahit na buwisit na buwisit ka na.

"Yeah? But... but I was just in your room, which is mine now."

"Sorry, hindi ko napansin na nandoon ka pala."

"I can't blame you. Nasa banyo rin kasi ako, jacking off. Men's thing, you know," walang piltrong anito nang nakangisi at kunwari pa nitong idi-nemo ang malaswang bagay na iyon gamit ang bote ng soya milk.

Ang walanghiya! Kaya ba hindi nito hinahawakan ang doughnut kasi...

Magtigil ka, April Rose. Nahahawa ka na sa kamanyakan ng taong iyan. Kastigo ni April sa sarili.

Napipilan siya. Nag-iwas ng tingin si April nang maramdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi. Tuloy ay parang siya pa ang nahihiya sa kabastusan ng bunganga ng lalaki.

"Kung hindi kalabisan, maaari mo ba akong iwan ng mag-isa para matapos ko na itong ginagawa ko, Sir?"

"Oh no! Wait, I think I should help you." Volunteer nito na ikina-init na ng ulo ni April. Halos tumaob ang sikmura niya nang hindi niya napansing nakalapit na pala ito sa kanya at kapwa nilang nahawakan ang harmonica ni Aragon. Nasa ilalim ang kamay niya at nasa ibabaw naman ang kamay ng lalaki.

Jacking off... He used that hand when he jacked off. Hesus ko!

Dala ng pagkagulat at pandidire ay tinuktukan ni April ang lalaki gamit ang harmonica dahilan upang mapadaing ito at umatras.

"Bakit mo ako hinawakan? Ang baboy mo!" Bulyaw niya rito. But the man gave her an innocent 'what?'.

"Ang ibang babae lumuluha pa ng dugo, mahawakan lang ako tapos ikaw diring-diri ka? Where's the fun in you?" Parang ito pa ang aburido kung magsalita.

Nagtagis nang husto ang mga ngipin ni April. Tuloy ngayon ay sising-sisi siya kung bakit bumalik pa siya sa bahay na iyon. Mula nang magtagpo ang landas nila ng lalaking ito ay parang mas lalong minamalas pa siya. Wala talagang pakundangan ang mundo.

"Baboy!"

"I am not baboy, okay? I am Wolf Atlas, baby. Wolf Atlas. Wolf kasi iyon ang ipinangalan sa akin ng ermat ko kasi raw kapareho ng mga mata ko ang mata ng isang sanggol na lobo. And you know what, nangangain din  ako. Iyon lang ay sa paraan na gusto ng mga babae." Seryosong sabi nito na direktang nakatitig sa mukha niyang namumula na sa galit. As if naman may paki siya sa history ng buhay nito. "Atsaka maiba nga tayo, bakit ba ang init ng dugo mo sa 'kin?"

Hindi na ito pinansin ni April at mas binilisan na lamang niya ang pagsilid ng ilang laruan sa kahon. Gayunpaman ay nahahalata pa rin niya na hindi siya tinatantanan ng titig ng lalaki.

Wolf Atlas my ass!

Nang siya ay matapos, kaagad niyang tinungo ang pinto ngunit napaatras siya nang iharang ng lalaki ang katawan nito roon. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakapag-preno ng kanyang mga paa kung hindi  malamang ay nakahalik na ngayon ang mukha niya sa matipunong dibdib ng hinayupak.

Pinanlisikan niya ito ng mata. Pikon na pikon na talaga siya. "I didn't dismissed you yet, woman." Nabigla si April nang sa puntong iyon ay nawala na lang bigla ang humorous vibes ng lalaki.

"Stay and you have to answer every fucking questions that were confusing my head for how many days now." He snapped and sent her a dangerous and threatening look.

Hindi nagpatinag si April. Sinasabi na nga ba...

"Let me pass, Mister Atlas or else..."

"Or else what, April Rose Nuyda? You will put a gun on my face again, won't you?" Umangat ang mukha ni April nang banggitin nito ang buo niyang pangalan. "The kids..."

And the beat of her heart drastically changed when he mentioned that words. Labis na kaba at takot ang sumukob sa kalooban niya sa mga oras na iyon.

"Kids? Sino ang tinutukoy mo?" Maang-maangan niya.

Sinalubong ni April ang mabibigat na tingin nito hanggang sa may dinukot itong litrato mula sa bulsa ng pantalon nito. Picture iyon ng triplets na kinunan noong ika-apat na kaarawan nila. Lalong nanlamig si April pero hindi niya gaanong ipinahalata iyon.

"Oh... My kids. Ano namang kinalaman nila sa mga tanong na gumugulo sa isipan mo?"

"Your kids?" Dudusong pag-uulit nito. "Saiyo ba talaga o kay Caroline Aguilera? Would you mind telling me the truth, pretty woman?"

Fuck! Paanong... Holy fuck! No!

"They are Caroline's children, am I right? At kaya nandito ako dahil malakas ang kutob ko na ako ang Ama nila. Gusto kong malaman kung paano napunta saiyo ang mga bata? Where's Caroline?" Magulong tanong nito. He's getting more frustrated as seconds gone by. "Answer me, damn it! Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sasabihin sa akin ang lahat. I know you could give me every single truth that I want to know. So please!"

"I am sorry pero wala akong alam sa mga sinasabi mo. These kids are mine. Mine!" Giit ni April. Iyon ang kamaliang igigiit at ipaglalaban niya hanggang kamatayan.

"I don't believe you and still won't be able to listen to you unless you show me some proofs. Yes, a proof." Unconvinced na pahayag ng lalaki. Naroon ang determination sa himig nito. Sandali itong pumikit at parang may tinitimbang sa utak nito. Yamot nitong menasahe ang linya ng ilong nito na animo ay nagkaroon ng instant migraine.

"Hangal ka! Wala sa akin ang mga anak na hinahanap mo."

"Fine! Kung anak mo nga sila then I am asking you to show me every documents and papers na magsasabing anak mo nga sila at hindi kay Caroline. That maybe I am just barking at a wrong tree. Yeah, do that and if ever you have proven me that my assumptions were all wrong then I will give this house back to you for free."

Wala siya no'n. Damn it! At hindi hamak na mas mahalaga ang mga anak niya kumpara sa bahay na iyon.

"Sinasayang mo lang ang oras ko. Sino ka para sundin ko?" Pagmamatigas pa rin niya.

"Bakit? Natatakot ka?"

"Kung si Kamatayan nga ay dalawang beses akong hinamon ngunit hindi ako natinag, ikaw pa kaya. Wala kang mapapala sa akin. Nagsasayang ka lang ng oras!"

Mabilis na naman itong humarang nang akmang bubuksan niya ang pinto. Sinasagad talaga nito ang pasensya niya.

"Believe me, I also encountered death before, face to face. And no, hindi kita hinahamon. Katotohanan lang ang hahabulin ko saiyo."

Kailangan na niyang makaalis sa harapan nito bago pa siya sumabog. Isang peligrosong ideya ang lumitaw sa isipan niya. Natatanging paraan upang takasan niya ang lalaking may potensiyal na gumunaw sa mundong pinaghirapan niyang buuin kasama ang triplets.

She secured first Aragon's harmonica instrument inside her pocket then she quickly ran towards the open window. Iyon lang naman ang pinakamahalaga sa mga laruan na iyon. Ang harmonica ni Aragon.

"Oh shit!" Marahas na mura ng lalaki na parang hindi kaagad nakakilos nang tumalon siya mula sa bintana papunta sa sanga ng malaking puno na kaharap niyon. "Siraulo ka bang babae ka? Fuck! Shit! Oh shit! Careful you sick woman!" Sigaw ng sigaw ang lalaki habang hindi makapaniwala na nagawa niya ang peligrosong stunt na iyon. Partida naka-shorts short pa siya niyan at crop top.

Safe siyang nakababa roon ng buhay at tumakbo patungo sa kotse niya. Tiningala niya sa huling pagkakataon ang shock na anyo ng lalaki roon sa bintana.

"Leave us alone, you bastard!" And she lifted her hand and showed him her dirty finger then quickly drove away.