Don't Mess With The Billionaire
Chapter 1
"TATANGGAPIN namin sa ospital na ito ang anak-anakan mo pero alam mo na siguro ang kapalit nito bago ka pa nakapagdesisyun na isugod siya rito? Tama ba ako, Miss Nuyda?"
Miss Nuyda? Miss?
Hilam pa rin ang paningin ni April nang matapang niyang sinalubong ang puno ng galit na mga mata ng kanyang kausap– si doktor Zelma Trujillo na tumatayong resident physician ng medical center na pinakamalapit sa bahay nila.
Kahit mahigit dalawang taon na ang lumipas ay hindi maikakailang ganoon pa rin ang poot na nararamdaman ng Ginang sa kanya. O mas tamang sabihin na nadagdagan pa.
Hindi rin niya masisisi ang Ginang. Kung galit man ito sa kanya, mas galit siya sa sarili niya.
Liningon niya ang apat na taong gulang na si Aba o Alabama. Nagbabadya na namang pumuslit ang mga luha niyang parang walang hangganan. Awang-awa siya sa kalagayan ni Aba. Kung maaari lang sana na siya ang umako sa sakit na dinaranas nito. Siya na lang sana.
Bakit ang mga mahal niya ang kailangang magdusa kung nakahanda naman siyang akuin ang lahat ng hirap?
Bakas sa maamong mukha ng natutulog niyang anak ang hirap at pagod sa halos dalawang araw na naranasan na naman nito ang sakit na pertussis o whooping cough. Lumala pa ito ngayon dahil nagka–diarrhea pa ito.
"Pero magbabayad naman ako sa ospital na ito, Doktora."
"At alam mong hindi iyon ang nais ko."
"Pero..."
"Nag-aatubili ka? Kung ganoon naman pala, bakit nandito ka?"
Dahil wala na akong mapagpipilian, nais niyang isigaw.
Ito lang ang pinakamalapit na ospital at malabong makarating pa siya sa ibang medical center gayung masama ang panahon. She can't risk her daughter's life. Not again.
"H–hindi. Payag na ako, Ma—"
"Don't you dare!" Doctor Trujillo warned her immediately.
Huminga ng malalim si April. "Ang titulo... K–kukunin ko na po basta ipangako ninyo na hindi ninyo papabayaan ang anak ko. Huwag n'yo siyang papabayaan."
Victory twirled in Zelma Trujillo's eyes. "Go, then. Ang usapan ay usapan, April Rose Nuyda. Huwag kang magkakamaling iputan ako sa ulo dahil nakasalalay na sa mga kamay ko ang kaligtasan ng anak-anakan mo."
I'm sorry, Gino. I'm sorry. Si Aba ang higit na mas mahalaga ngayon.
Nang matiyak ni April na maayos nang inaasikaso ni Ginang Trujillo si Aba ay kaagad niyang nilisan ang nasabing ospital.
Nanghihina niyang minaneyobra ang may kalumaan niyang sasakyan at sinuong ang masungit na panahon. Kumagat na ang dilim kasabay ng unti-unting paglitaw ng mga imahen ng isang madugong trahedyang nakaukit na sa kasaysayan ng buhay niya.
Two years before the present.
"GARETT, sa tingin mo, alin ang mas magandang honeymoon destination? Somewhere in Europe like France, Greece or Italy maybe? Or puwede rin sa Morocco, what do you think? Pero sabi ni Gracie maganda rin daw sa Cappadocia since June naman ngayon. Perfect time to explore the place." Walang mapagsidlan ng tuwa ang puso ni April habang nagba-browse siya sa laptop ni Garett. Umaapaw sa excitement ang bawat kilos niya.
Hindi niya kasi lubos maisip na yayayain siya ng asawa niyang si Gino para sa isang out of the country honeymoon. Noong nakaraang taon pa sila ikinasal pero walang masyadong ganap dahil sa financial issue. On the process pa kasi ang manang iniwan para kay Gino. Isang secret marriage lang ang namagitan sa kanila dahil sa issue na hindi maawat kaya doon sila bumagsak. Ganoon pa man ay masaya naman ang pagsasama nila ni Gino. He's a perfect partner, a perfect husband. Hindi siya nagkamali na ito ang pinakasalan niya.
Sakto lang na inaya siya ni Gino para sa isang honeymoon dahil may surpresa rin siya sa asawa na tiyak na ikakatuwa nito ng husto.
"Sa Rizal na lang o Laguna. Marami namang magagandang pasyalan doon. Bakit pa kayo lalayo?" May napunang kakaiba si April sa himig ng kanyang best friend slash brother-in-law na si Garett.
Matagal na niyang nahahalata na medyo distant na ito sa kanya. Minsan pa nga ay binabaan siya nito ng telepono which is so unusual. Nagsimula ang kakaibang pakikitungo nito sa kanya ng kumalat sa munisipyo nila na ikinasal siya kay Gino na kalaunan nga ay inanim na nila.
Hindi iyon ang Garett na kilala niya. Bago pa niya nakilala si Gino na asawa na niya ngayon ay matagal na silang matalik na magkaibigan ni Garett. Anak sa labas si Garett ng Daddy ni Gino. Magkababata sila kaya kabisado na niya ito.
"Problema mo riyan? Aburido ka yata. Kinukulit ka na naman ba ni Gracie?"
Inabandona ni April ang ginagawa upang ihatid ang kanyang sarili sa tabi ni Garett at dinaklot ang shot glass na hawak nito. Bago pa man siya dumating sa bahay ng mag-inang Delia at Garett ay alam na niyang umiinom na ito.
Magkasusyo sila ni Garett sa isang maliit nilang negosyo sa pusod ng kanilang munisipyo. Isang tindahan ng mga native delicacy sa kanilang lugar na puwedeng gawing pasalubong. Madalas ay siya ang namamahala no'n dahil palaging wala sa eksena itong si Garett. Wala naman siyang ideya kung saan-saan ito pumupunta.
"Tss. Ayaw ko siyang pag-usapan." She was shock to the core when Garett scolded her and walked out briskly. Dinampot pa nito ang bote na may natitira pang alak. He's heading towards his bedroom.
Saulo na rin niya ang bawat bahagi ng bahay sapagkat naging pangalawang bahay niya na rin iyon. Noon.
Sinundan niya ang kaibigan. Naiinis siya sa inaakto nito. "Ano nga ang problema mo? Tell me! Bakit ka ganiyan? Ang sungit mo na tapos pakiramdam ko iniiwasan mo ako. Tapatin mo nga ako, Garett? Sa akin ka ba may problema?"
Hindi ito nag-abala na pagtuunan ng atensyon ang mga hinaing niya.
"Garett!" Sigaw niya nang hindi pa siya nito pinansin. Humiga lang ito sa kama matapos i-straight ang natitirang alak sa bote.
"Stop shouting, will you?"
"Gusto kitang murahin, alam mo ba iyon? Nakakainis ka!"
"Cuss me, then. I won't stop you, though. Go ahead!" Anito. His eyes were hooded. Lasing na ito.
"So, ano ngang problema?" Bumaba na ang tono ni April. Hindi rin naman niya matitiis ang kaibigan. Kahit pa sabihin na mas matanda ng isang taon sa kanya si Garett, higit na mas matured naman siya mag-isip kaysa rito. Alam niya kung kailan siya magpapakumbaba.
"You..."
"Ha? Me? Bakit ako?"
"Because I hate you. Really." Paasik na sabi ni Garett. Prente itong nakatihaya sa double sized bed nito. Ang isang braso ay nakatakip sa mga mata nito.
"Oh, you do? Why?"
Batid niyang may suliranin ito at bilang isang matalik na kaibigan ay may umuudyok sa kanya na manatili at pakinggan kung ano man ang iniindang problema ni Garett.
"I hate it when you play the role of a stupid matchmaker. You're a terrible case, Ms. April Rose Nuyda. Alam mo namang malabong magustuhan ko si Gracie. I hate everything about her."
"It's Mrs. Gino Trujillo. Devil! Then why did you corrupt her virginity? Man!"
"I am just a man—"
"A stupid one. At oportunista!" She piped in. Her body is screaming an urge to punch all the shit out of Garett.
Akala niya nagkakamabutihan na ang dalawa kaya todo suporta siya kay Gracie. Tapos ngayon sasabihin ni Garett na he hates everything about her? Oh boy?
She wants to kneel down in front of poor Gracie and apologize a million times.
"That is not a manly excuse, Garett. Kung ayaw mo naman pala sa kanya, bakit ginawa n'yo pa rin? Paano kung mabuntis mo siya?"
"We were both under the influence of alcohol that time. You can't blame me. She wanted it, too after all." Rason pa ni Garett. So lame!
"Bahala ka na nga sa buhay mo! Tutal matanda ka na. Alam mo na kung ano ang mali at tama."
"Kailan ang honeymoon ninyo?"
"Next Monday until twentieth of the month." Pahapyaw niyang tugon atsaka inihanda ang sarili para sa pag-alis.
Her mood lit up upon remembering that her husband will be home tonight. Gino is a PNP officer. Sa karatig na bayan ito naka-destino kaya once a week lang kung makauwi ito.
Kailangan na niyang magmadali at baka mauna pa itong makauwi sa bahay nila. Maghahanda pa siya ng espesyal na hapunan.
"Buti pumayag ang asawa mo na gumastos para lang sa walang kuwentang honeymoon na iyan? Humingi ba siya ng donasyon doon sa matapobre niyang Nanay para lamang magpasikat saiyo na kaya niyang tuparin ang ambisyon mong makaapak sa ibang bansa?"
"Garett! Sumusobra ka na!"
Sino ba itong kausap ko? He's not the same Garett who was always patient and smooth as before. Totally not. He's like a different person. A person who is about to start a relentless war.
Bumangon si Garett at mataman siyang hinarap. Nababalot ng kung anong emosyon ang mga mata nito na ngayon lamang niya napuna sa tanang buhay niya.
"Minahal mo ba si Gino dahil bawat luho mo ay naibibigay n'ya? Spoiled niya na ang pagiging ambisyosa mo! Mahal mo siya dahil nabibili niya ang bawat latest gadgets na gusto mo? Lahat ng branded cosmetics, damit, sapatos pati relo. E putangina! Kung hindi lang ganid ang ina ng asawa mo at hinayaang mapunta sa akin ang manang para sa akin, sana ay mas lamang pa sa mga iyan ang maibibigay ko saiyo!"
Pakiramdam ni April ay sinuntok nang pagkalakas-lakas ang dibdib niya. "Ganoon na rin pala ang tingin mo sa akin. Hindi ako aware. Iisa na pala ang pananaw ninyo ng Mommy ni Gino. Ang buong akala ko ay iba ka kasi, Garett best friend kita. Aware ka pa ba? O ako na lang pala ang nakaalam no'n?" Bumuhos ang masaganang luha ni April.
Daig pa niya ang pinagtaksilan ng mundo. Sa lahat ng insulto sa kanya ng mga kamag-anak ni Gino ay pinalampas niya pero bakit kailangang pati si Garett rin?
"Rose, I... I'm sorry..." Para itong natauhan nang humagulhol siya.
"April... Damn!"
Nanghihina niyang nilisan ang bahay ni Garett sa kabila ng panghihina ng kanyang mga tuhod.
Hindi niya mapigil ang sarili na hindi magdamdam habang binabaybay niya ang daan pauwi sa inuupahan nilang apartment ni Gino. Lumabo ang paningin ni April dahil sa walang humpay na pag-iyak hanggang sa hindi niya napansin ang isang concrete barrier dahilan upang sumalpok doon ang minamaneho niyang kotse.
"HALOS dalawang buwan ka nang hindi nauwi. Gusto mo ba na ako na lang ang pumasyal diyan?" Malambing na saad ni April sa asawang nasa kabilang linya.
Naroon ang pag-aalala, pagdududa at pagkasabik sa kanyang anyo.
"Huwag na, mapapagod ka lang. Uuwi naman ako." Walang ganang sagot ang natanggap niya mula kay Gino.
Hindi na bago iyon. Buhat nang maaksidente siya at malaglag ang ipinagbubuntis niya ay naging malamig na ang pakikitungo sa kanya ng asawa. Umuuwi naman ito, iyon lang ay kung kukuwa lang ito ng mga damit. Halos mga gamit na nga lang niya ang nasa kanilang cabinet.
She vanished the lump lodges in her throat. "Siya nga? Pero kailan?"
"Basta uuwi sabi ako."
"Gin, anak. Bilisan mo na riyan at kanina pa nandito sa baba si Julia."
She froze when she accidentally heared the voice of Gino's mother. Naroon pala ito sa bahay nila. Bakit hindi nito ipinaalam sa kanya?
Parang pinipilipit ang sikmura niya.
"Gino?" Untag niya nang masigurong nasa linya pa rin ang kanyang asawa.
"April, ano kasi..."
At sa puntong iyon ay kusa nang nagsitakas ang mga luha niya na inipon niya mula nang mawala ang anak nila ni Gino. Iyong luhang lubos na nagpapabigat sa kalooban niya.
"Julia? Siya iyong dati mong nobya at kung hindi ako nagkakamali ay siya ang babaeng gusto ng Nanay mo para saiyo. So, do you have an affair now kaya hindi ka na nauwi sa akin?" Pumiyok ang boses niya.
"What? Ano'ng pinagsasabi mo riyan? No! April Rose, magpapaliwanag ako."
Ano pa ang magagawa ng paliwanag ni Gino? Nasaktan na siya. Paulit-paulit na lang ba?
"FILE an annulment. Take the full charges tutal mayaman naman kayo. Sa milyun-milyong manang napasaiyo at idagdag pa roon ang manag dapat ay kay Garett, tiyak na barya lang saiyo ang gagastusin sa annulment." Dapit-hapon nang umuwi si Gino. Nagulantang ito nang madatnan siyang nag-iimpake.
"Tapos ano? Sasama ka kay Garett? Letse pala kayo e!" Sigaw sa kanya ni Gino. "So totoo ngang may relasyon kayo! Tama nga siguro ang sapantaha kong sinadya mong patayin ang anak natin para walang sagabal sa relasyon ninyo ng kapatid ko. Tangina, April! Sana hindi mo na ako pinakasalan kung ganito rin lang."
Hindi siya umimik sa aligasyon na sobrang gasgas na.
"Sige! Lumayas ka! Lumayas ka! Ihahatid pa kita sa kalaguyo mo!" Kinaladkad ni Gino ang kanyang maleta at ibinalibag sa trunk ng kotse nito.
Wala na rin sa tamang pag-iisip si April. Pagod na siyang makipagtalo kaya pumasok na lang din siya sa passenger side.
"Gino, reckless driving itong ginagawa mo. Ano ba?"
Nagtalo ang mag-asawa habang matulin ang pagpapatakbo ni Gino. Namumutla na sa takot si April.
"Gino... Gino, madidisgrasya tayo. Gino!"
"Ayaw mo no'n? Magsasama-sama na tayong buong pamilya sa kabilang mundo." Tila wala sa sariling usal ni Gino. Pula ang mga mata nito. Umiiyak.
At sa pangalawang beses ay nakadaupang-palad muli ni April si kamatayan nang isang SUV ang bumulaga sa harapan nila.
"Gino....."
PINALIS NI April ang preskong luha na lumandas sa kanyang pisngi habang dahan-dahan niyang isinilid sa isang plastic envelope ang lahat ng titulo at dokumento na iniwan sa kanya ng pinagkakatiwalaang abogado noon ni Gino. Namana iyon ni Gino sa yumao nitong Ama. Lahat ng ari-arian ng mga Trujillo ay ibinilin sa kanya ni Gino at iyon ang matagal nang inaasam na makuha ni Doctor Zelma Trujillo. Kaya lahat ng oportunidad na masilip nito upang makamkam ang mga iyon ay hindi nito pinapalagpas.
Legal ang proseso kung paano napunta sa pangalan ni April ang naturang mana dahil ipinaayos iyon ni Gino sa matalik na kaibigan ng kanyang Ama na isang attorney isang linggo bago ito tuluyang pumanaw. Wala siyang gaanong ginalaw sa mga iyon bukod sa ibinenta niya ang isang property para gawing pambayad sa babaeng nag-iwan ng triplets sa kanya noon.
Mabilisang inimpake ni April ang mahahalagang gamit niya at ng mga bata. Hanggang sa makalawa lang ang ibinigay na palugit sa kanya ni Ginang Trujillo kaya ngayon palang ay inaayos na niya ang kanilang pag-alis sa bahay na iyon.
Panahon na rin siguro upang tuluyan nang matahimik ang buhay niya. Panahon na rin para lumayo siya kasama ang tatlong paslit at magsimula ng bagong yugto malayo sa mahaderang Nanay ng kanyang yumaong asawa. Dapat ay noon pa niya ito ginawa kung hindi lang sa binitiwan niyang pangako kay Gino.
Nasa kalagitnaan si April ng pag-iimpake nang isang ingay mula sa labas ang nagpahinto sa kanya.
Tinakbo niya ang distansya patungo sa bintana ng kanyang silid-tulugan at sumilip sa baba.
Isang Ford Mustang ang umararo sa mga alaga niyang halaman sa front yard ng bahay. Sunud-sunod na mabibigat na kalampag sa main door ang sumunod na naganap, dahilan upang humagod ang takot sa kalooban niya.
Mula sa isang drawer ay kinuha niya ang isang kahon at kinuha mula roon ang isang baril na pag-aari ng kanyang asawa.
Tinutok niya ng diretso ang baril nang pagbuksan niya ang hindi kilalang panauhin sa kalagitnaan ng bumabagyong takip-silim.
"S–sino ka?"
Malaking bulto ng isang lalaki ang bumulaga sa kanya. He was dripping wet from head to toe. Nakatalukbong sa ulo nito ang hood ng jacket na suot nito kung kaya't halos hindi niya maklaro ang kabuuan ng mukha nito. The man is tall, bulk and subtly dangerous. A Herculean person. A mythical ideal built that surely every man's dreaming to possessed. He has this self-destructive quality in someone else.
A loud groan escape from the unknown man, making her recover from her quick unconsciousness. Napaatras ng isang hakbang si April nang ginawang barrier ng lalaki ang malalaki at mahaba nitong mga braso sa magkabilang panig ng nakabukas na pinto. Animo'y sinusukol siya.
She has no idea who the hell the guy is!
"S—sino ka sabi? Ano ang pakay mo?"
At ganoon na lamang ang pagsinghap ni April nang umangat ang mukha ng lalaki, dahilan upang masindak siya sa deep blue eyes na angkin ng lalaki. Kumalampag ang dibdib niya nang mapagtantong kapareho ang mga nito sa mata ni Aba, Alamo at Aragon.
She doesn't know him at all but why does her heart beats rapidly?
"I am Wolf Atlas and I am here to claim what's rightfully mine, Miss."