Panay ang tingin ni Jion sa suot na wristwatch dahil kanina pa sila nakatayo sa labas ng simbahan ay hindi pa rin dumarating ang kotseng sinasakyan ni Yra, halos sampung minuto lang ang layo ng hotel na tinuluyan ni Yra para sa kasal nila.
"Matagal pa po ba ang bride? medyo naiinip na po kase si Father!" tanong kay Jion ng Mother Butler sa simbahang iyon.
"Sandali nalang po iyon, baka nagkaaberya lang sa daan!" si Mrs. Odette Guia na ang sumagot dito dahil nababakas na ang pag aalala sa mukha ni Jion.
"I've been calling Heshi for a couple of times pero hindi sya sumasagot!" report naman ng kuya Juno niya.
Napansin na rin nila ang pagkabalisa ng mga magulang ni Yra, "Son is there something wrong with Yra? bakit wala pa sya?" tanong na rin ni Mr. Lorenzo sa kanya.
"I- I don't know dad, magkakasama kami sa hotel kanina at nauna lang akong umalis sa kanya kaya nagtataka rin ako kung bakit wala pa sya!" sagot niya sa ama.
Napalingon nalang silang lahat ng tumigil na sasakyan nito sa harapan ng simbahan. Para namang nabunutan ng tinik si Jion ng makitang bumaba na ang hipag at kapatid nya sa kotse, sinenyasan na niya ang coordinator na magsisimula na sila.
"Bakit daw sila nalate?" tanong ni Juno kina Minjy at Vince habang nakatayo sila sa harap ng altar.
"Nahilo daw si Yra kanina bago sila umalis sa hotel kaya hindi kaagad sila nakaalis.
Napako ang mga mata ni Jion sa bumubukas na pinto ng simbahan, there she is standing.
Yra started her walk slowly, para kasing bibigay ang mga tuhod niya sa bawat paghakbang. This is it! ang napakatagal na niyang hinintay na sandali, pagkatapos ng lahat ng takot at pagsubok ay matutuloy rin sa wakas pagharap nila sa altar ni Jion.
She smiled from ear to ear ng makarating siya sa gitna ng aisle at salubungin ng kanyang mga ama at ina para ihatid sa naghihintay na Groom.
" Anak, masaya ako para sayo!" bulong kay Yra ng nanay niya habang yakap yakap sya nito.
"Salamat po! Salamat po sa inyo ni tatay!" pinipigil talaga niya ang sarili para hindi sya maiyak, Baka masira ang make up nya.
"Sa wakas Bro, matatapos na rin ang kabanata ng pagkabinata mo!" bulong kay Jion ni Vince na nakatulala sa papalapit na bride.
"Kung makapagsalita ka parang hindi ikaw ang susunod ah!" biro ni Minjy kay Vince na ikinagulat ng binata.
"Bakit ako? baka ikaw!" ganting biro ni Vince dito. "Ikaw ang may Girlfriend eh!"
"Tumigil na kayong dalawa at naagawan ako ng spotlight!" saway ni Jion sa dalawang katabi, "Hindi naman magtatagal at susunod na kayong pareho!"
Pinigil ni Yra ang pagpatak ng luha niya ng makarating sila sa dulo ng altar, Pareho lang sila ni Jion na abot sa magkabilang tainga ang mga ngiti.
"Akala ko tinakbuhan mo na ako eh!" bulong ni Jion kay Yra habang nagsisimula na ang pari sa homily nito.
"Imposible yan, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan kong hirap mapasakin kalang, ngayun paba kita tatakbuhan?." sagot niya dito.
"I'm so thankful Yra, Ikaw ang binigay sakin ng Dyos para makasama ko habang buhay, kayo ni Xymon ay napakalaking biyaya nya sakin!" punong puno ng pagmamahal ang boses ni Jion habang nakatitig iyon kay Yra.
Napangiti naman si Yra, "Mahal ko, Hindi nalang si Xymon ang biyayang binigay satin ni God dahil may isa pa!"
"May isa pa!" dagling nagisip si Jion, "What do you mean may isa pa?"
"Magiging kuya na si Xymon, mahal ko!" Pinigil naman ni Jion ang sariling mapalundag sa sobrang tuwa, Pinagpala talaga sya! Ito ang pinakamasayang araw ng buhay niya.
"Ako na ata ang pinakamasayang tao sa mundong ito ngayun mahal ko!" bulong niya sa asawa.
Ng iabot ni Xymon kay Jion ang singsing nila ni Yra ay pinupog muna niya ng halik ang anak.
"Yra, isuot mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking walang hanggan pagmamahal at katapatan," nanginginig ang mga kamay ni Jion habang isinusuot ang singsing sa daliri ni Yra, "Kaylanman hindi kita pagtataksilan, sa hirap o ginhawa, sa sakit at kalungkutan, tanging kamatayan lang ang makakapaghihiwalay sa ating dalawa!"
Tuluyan ng lumaglag ang mga luha ni Yra, wala na syang pakealam kahit masira pa ang make up niya habang isinusuot nya ang singsing kay Jion. Sa dami ng pagsubok na kanilang nilampasan umabot lang sila bahaging ito. "Jion, Isuot mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking walang hanggang pagmamahal,"
Sa halip na si Yra ang kargahin ni Jion palabas ng simbahan pagkatapos ng kasal nila ay si Xymon ang binuhat niya dahil antok na antok na ang bata, "Mahal ko, Ihagis mo na yang bulaklak at ng makaalis na tayo dito!" sabi niya sa asawa.
Hinalikan ni Yra sa labi ang asawa, "Wag kang magmadali mahal ko, napakarami pa nating oras para jan!" Pero hinanap tinawag parin ni Yra ang coordinator nila para sa bouquet niya.
"Okey gurls!" sigaw ni Anjo, "Ihahagis na daw ng nagmamadaling bride at groom ang bouquet para matakasan na nila tayong lahat!" biro pa nito.
"Anu ba yan di na makaintay!" segunda naman ni Heshi, "Parang gusto na agad sundan si Xymon!"
Nagkatinginan naman ang mga bagong kasal, "Yra is pregnant again!" anounce ni Jion kaya napa wow at nagpalakpakan lahat ng tao roon.
"Congregations bro, doble celebration pala ito!" ani Juno, "Naunahan mo na naman ako!"
Naghiyawan ang mga bisita nila ng ihagis ni Yra ang bulaklak at tumama iyon kay Cielo.
"Ako naba ang susunod na ikakasal?" natatawang sabi nito, "Siguraduhin nyong totoo yung pamahiin na to ha!"
"Don't worry Princess, totoong totoo yan!" saad ni Jion sa kapatid, "tinatamad palang kumilos yung magiging groom mo kaya wait kalang!" napangiwi naman si Cielo sa sinabi ng kuya niya.
"Yrazelle," tawag ni Jion sa asawa ng sakay na sila sa kotse nito papuntang reception. "I love you!"
Napangiti nalang si Yra, ngayun lang kase niya narinig na tinawag siya ni Jion sa buong pangalan, "I love you too, Jion Azzel!"
The end.