Chereads / My Air to breathe / Chapter 8 - Chapter 7 Mother and daughter

Chapter 8 - Chapter 7 Mother and daughter

"Umalis na! may gagawin pa daw sya." Bumalik na si Yra sa upuan nya at ipinagpatuloy ang naunsyaming pagkain.

"UY! Adobo? Mukhang masarap san galing?!" Nagsimula na ring kumain ang kaibigan nya ." nagluto ka?"

"Dala ni Jion. Di ko lang alam kung sya ang nagluto o binili lang niya." Sagot ni Yra habang sinisipsip ang buto ng manok. Ano? saksakan na ng gwapo tapos masarap pang magluto abay ano na lang ang nangyari sa mundo? Sya na lang ang anak ng Dyos ganon? Sobra naman un.

"Tatanong ko sa kuya nya!" tuloy pa rin si Heshi sa pagsandok ng kanin, "sya nga pala anong update sa inyong dalawa?"

"Sabi nya sa akin gusto nya ako." kaswal na sagot ni Yra.

"Talaga, sinabi nya yun!? Eh anong sagot mo? Magiging bff/sister in-law rin ba kita?" Exaggerated naman ang kaibigan

nya.

"Hay! Kung wala lang ako sa katinuan papatulan ko sya," kaya lang ung mga tipo nya ang hindi pwede sa mga katulad ni Yra.

"So tinanggihan mo si Jion? Kaya pala di ko na sya inabutan dito eh," natatawa na lang ang kaibigan sa sinapit ng brother in law to be nito. "malamang nagsesentir nayun ngayon!"

"Masyado na akong maganda para magkaron ng sobrang gwapong boyfriend kaya tinanggihan ko siya."

Inabutan ni Yra ng tubig ang kaibigan nyang nasamid sa sinabi nya.

"Wow lumalabas ang pagiging narciscist natin ha! Ang taas ng level ganon!" pagkatapos nitong inumin ang tubig na binigay nya."kala ko pa naman kaya mo sya tinanggihan kase di ka pa

nakakarecover kay Winston,"

"Hindi naman kasi ganon kadali yon, wala pa ngang isang buwan nang maghiwalay kami." tumayo na sya para iligpit ang pinagkainan nila. "Tsaka bakit ba botong boto ka kay Jion? Sinuhulan kaba nya o nagpapalapad ka lang ng papel jan sa bayaw to be mo?"

"Di ako nagpapalapad ng papel no! feeling ko lang bagay kayo! Tsaka diba mas masaya kung magiging pareho tayo ng apelyido!" Itinaas pa nito ang dalawang kamay sa ere "Heshi Mikaela S. Guia, diba ang gandang pakinggan? Tapos ikaw naman Yrazelle B. Guia! Diba kambal na kambal ang dating!" sabay palakpak nito na parang penguin.

"Ewan ko sayo!" para talagang sira ang kaibigan niya "advance ka laging magisip eh!"

"Ang babaeng yon!" itinigil muna ni Jion ang Kotse nya sa gilid ng kalsada, kakaalis nya lang sa bahay ni Yra. "Grabe! Ano bang kalokohan ang sinasabi nya? Its just one night? May virgin bang ganon?" di pa rin sya makapaniwala sa isinagot sa kanya ni

Yra.

"Nung una ang sabi nya sakin, kalimutan nalang natin ang nangyari! Kalimot limot ba talaga ako? Tong mukhang to!

Ngayon naman its just one night! Pang isang gabi lang ba talaga ako? Huh! Sumosobra na sya!" titigan pang mabuti ni Jion ang mukha nya sa salamin. Umalis agad sya kanina sa bahay nito

pagkatapos syang tanggihan ng dalaga, nawala kasi lahat ng inihanda nyang speech para dito at na memental block sya, ayaw magprocess ng utak nya, pagkatapos niyang gumising ng

sobrang aga at ipagluto ito ng almusal ay isang malutong na hindi lang ang isasagot nito sa kanya! Nagpakapagod lang pala sya, Pero hindi na bale may oras pa naman sa ngayun. Kailangan

na lng niyang pagisipan ay kung paano niya maipapakita na sincere sya sa dalaga. Mukhang kailangan ilabas lahat ng talent nya para mapaamo ito.

"Sige pa! sa bandang kanan, itaas mo ng konti." Kasalukuyang ginagayakan ni Yra ang likod bahay nila para sa gaganaping 18th birthday ng kapatid niyang si Sabrina, naisipan kasi ng kanyang

mga magulang na doon na lang ganapin ang debu ng kapatid niya para makatipid sila, medyo malawak rin kase ang space doon at magandang ayusan. Naikabit na rin nila ang mga dekorasyon at ung tarpaulin nalang ang kulang.

"nay dumating naba ang magaayos ng make up ni Sab?" baling nya sa kanyang ina na kakapasok lng sa bakuran nila.

"Oo nagsisimula na sila doon sa loob!" inilapag nito ang mga give aways para sa mga bisita ng kapatid niya. "Bakit wala pa si Winston? Sabado naman ngayon ah? May trabaho ba sya anak?" di pa kasi alam ng mga ito na nakipagbrake na sya sa dito.

"Ah, di ko po alam nay, di pa kasi kami naguusap mula nung huling nagpunta sya dito eh!" dinampot nya ang mga lumabis na thumbtacks at ibinalik iyon sa maliit na kahon.

"May problema ba kayo anak? Nag away ba kayo ng boyfriend mo?" di maipaliwanag ni Yra kung nagaalala ang nanay nya o nagdududa sa kanya! Medyo iba kase ang himig ng Boses nito.

"Nay nagbrake na po kami ni Winston." Sinabayan pa iyon ni Yra ng buntong hininga, para magmukha syang nagdadalamhati sa nangyari.

"HUH!? 'bay bakit hija? Anong naging problema ninyo? Bakit biglaan naman ata?" Inulan na sya ng tanong. Lumapit sya sa nanay nya.

"Nay, kung ang gusto nyong malaman ay kung okey lang ako! okey lng ho ako!" nginitian niya ito para patunayan ang

sinasabi nya. "may mga bagay na hindi lang siguro namin napagkasunduan, pero talaga po okey lang ako, pramis!'

"Weh, di nga!?" para talagang bata ang nanay nya paminsan minsan.

"Nay, puntahan nyo muna si Sab at baka kung ano ng ginagawa ng make up artist don sa anak nyo!" pagtataboy nya sa kanyang ina matigil lang ito sa kakatanong. "baka sa halip na kamukha nyo ay si tatay ang maging kamukha, ikaw din!" biro pa niya dito, lagi kasi nitong sinasabi na at ipinagmamalaki na kamukha niya ang kanyang dalawang anak na babae. at isa din iyon sa paraan para mawala ang atensyon nito sa kanya.

"Naku oo nga pala, sige dyan ka na at babantayan ko muna si Sabrina! pero hindi pa tayo tapos, paguusapan ulit natin yan ha." Bago ito pumasok sa loob ng kanilang bahay.