Chereads / Upside Down (Taglish) / Chapter 1 - Prologue

Upside Down (Taglish)

ania_bianca
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 16.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

*  *  *  *  *  *

In Fikovia's Ellesmere Cemetery...

May isang lalaking nakasuot ng formal business attire ang bumaba sa napakamamahaling itim na sasakyan, ito ay nakaangat sa kalsada na parang lumulutang.

Siya ay agad nilapitan ng kanyang mga bodyguards upang sumulong sa kani-kanilang payong dahil umuulan.

Siya ay may dalang isang palumpon na bulaklak at lumapit sa isang City Warden na nagbabantay ng sementeryo habang ang mga bodyguards niya ay sumunod naman sa kanya.

"May I know who's the person you're visiting here, S-Sir?"

Ang City Warden ay hindi mapakali sa tatlong bodyguards na umaaligid sa sa isang respetadong lalaki. Ang lalaki naman ay inangat ang kanyang ulo para makita ng warden kung sino siya.

"Sir O-Obsidian?"

Gulat na sabi ng warden sa lalaki dahio hindi siya makapaniwalang makikita niya muli ang lalaki pagkatapos ng isang taon na dalaw niya sa sementeryo.

"I think you should know that already. Am I wrong?"

Siya ay pinandidilatan ng lalaki kaya'y nanginginig na ang kanyang mga binti at nagsisimulang tumagaktak ang kanyang pawis. Ang kanyang kasamang warden na nasa tinutuluyan nilang gusali sa gilid ng sementeryo ay dali-daling pumasok sa eksena.

"Anong nangyayari dito, Ben?"

Agad niyang nilapitan ang kanyang kasamahan at nilingon ang nakapormang lalaki sa harapan nila. Bigla itong nabigla nang napagtanto niya kung sino ang lalaking ito.

"S-Sir Obsidian! Ika'y nagbalik muli! Pagpasensyahan nyo na po itong kasama ko dahil bago lang siya dito at hindi alam na pumupunta ka dito taon-taon–!"

"You talk too much, no? Let me in. Wait here."

Sinenyasan niya ang kanyang tagabantay na maiwan at kinuha niya ang isang payong sa isa niyang bodyguard at pumasok nang mag-isa.

Sa ilang sandali ay nakita niya na ang dalawang puntod ng kanyang nga magulang. Nakaukit sa mga semento ang mga pangalang Ronill Obsidian at Malneth Obsidian. Lumuhod siya at nilagay ang bouquet.

He turned his head towards the tomb beside his parents: his older brother's. He clenched his fist while remembering the moment he tricked everyone who mourned his death even though all he wanted to do was no one could suspiciously thought about the disappearance of his brother after giving him the position to take care of their father's company.

Everyone thought the cause of his death was an illness.

Kinuha niya ang iilang bulaklak sa bouquet at nilagay sa puntod ng kanyang kapatid.

"I will find you, Kuya. I promise you that. I won't lose you too."

Nagsimula siyang tumayo at nilayo kaunti ang payong sa kanyang  mukha and spent few seconds for raindrops touch his face. He reverted back to present and walks away.

* * *

Nakatingala ako sa makapal na ulap sa labas ng bintana at nakatitig sa tuktok ng tower na lumalabas sa gitna ng mga ulap mula sa itaas. Sino kaya ang gumawa ng mundo at naging ganito ang itsura ng mundong tinitirhan namin? Parang ang daya naman na yung mga taong nakatira sa itaas ang may tsansang mamuhay ng marangal at komportable habang kami naman hirap dito sa ibaba at kami pa ang tinatapunan ng mga basurang hindi na nila magagamit kailanman. Parang nakatira kami sa isang lugar kung saan tinatambak ng kagamitan ng sasakyan at sirang sasakyan. Parang nakatira kami sa malawak na basurahan na kahit kailan hindi malilinisan.

"Ms. Fortellia!" Manipis na boses ang narinig ko. Hindi ko pinansin ang tumawag sa akin—at alam kong guro namin yun.

Ako si Krystel Joy. Malapit sa salitang crystal pero yan daw ang ipinangalan ng tatay ko. At ang joy naman ay bigay ng nanay ko dahil daw napasaya ko ang lahat nung naisilang ako.

Pero habang lumalaki ako unti-unti din napapawi ang kasiyahan sa mukha ko. Una, namatay din nang maaga ang mga magulang ko. Pangalawa, paulit-ulit lamang ako pinapatay sa loob dahil sa nakikita kong madumi, sira–ang lugar kung saan ako isinilang. Kahit kailan hindi ako nagsisi kung bakit nabuhay ako sa mundong ito. Kahit nandito pa ako sa ilalim. Kahit malungkot ang buhay ko dito. Kahit dalawa lang kami ng kapatid ko, patuloy pa rin ang buhay.

"Ms. Krystel Joy Fortellia, are you even listening to me?!" Walang emosyon kong liningon ang guro namin na pulang-pula na ang mukha na kasing pula ng kanyang kabog na kabog na lipstick na nasa lamesa ko. Oo nasa lamesa ko. Kase ganun siya kaliit, ganun din ang boses. Kaya kung nasa harap siya nagtuturo, kailangan niya pang dalhin ang kanyang megaphone para marinig namin ang maliit niyang boses. Ngunit ngayon buti naman dahil hindi megaphone ang nasa harap ko.

Ipinagpatuloy ko parin ang aking posisyon, nilagay ko ang kanang siko ko sa lamesa at pinatong ang baba ko sa palad habang tumitingin sa ibaba para makita ang medyo maliit na palaka.

"Why are you looking at me like that, Ms. Fortellia? Hindi ka ba interesado na malaman ang history ng mundo natin?!" Tinititigan ko lamang siya at bumuntong hininga. Sumandal ako sa upuan ko at nagkrus ng dalawang braso at pinagmamasdan ang paa na patuloy na tinatapik ang lamesa ko dahil nadadala sa kanyang galit.

"Why do I have to listen if I knew the story all along?" Tamad na tinititigan ko siya.

"Kung doon naman kami mapupunta?" I mumbled while I stared sideways. Sana yung nilelesson niya sa amin ang about sa mundong ibabaw kasi para alam namin ang gagawin namin kapag dumating na ang time na ikukuha na kami.

"At saan mo natutunan yun, aber?" Habang nakataas ang kanang kilay niya.

"Of course from what we've learned in our junior years. Tapos ngayon na last senior year na namin ito kailangan pa ba namin malaman ulit ang kasaysayan ng mundo? Parang hindi nagbabago ang lesson natin. Parang hindi nagbabago ang lesson natin. Nakakatamad na makinig, alam mo ba yun sirang palaka?" Naiinis lang ko sa itsura niya, parang maduduwal ako. May nangyare kasi kung bakit naging palaka 'to. Dahil pinarusahan lang naman siya ng taga langit or should I say taga Fikovia.

Tumango-tango naman yung mga kaklase ko at nagrereklamo na din. Kita ko sa kanila kung gaano sila kabored na makinig sa guro naming palaka.

"Shhhh!! Quiet!" sita niya sa mga estudyante. "Sirang palaka pala ha? Pumunta ka sa labas at pulutin mo ang mga metal na nakakalat sa loob ng eskwelahan! Dapat wala na yang mga basura na nakakalat paglabas ko!" Nakakadiring tignan ang kumukulong palaka na to. Hay nako. Heto nanaman tayo.

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palayo sa upuan ko habang ramdam ko pa rin ang masamang titig ni Mrs. Corvales at lumabas ng classroom. Ay hindi na pala Mrs. Corvales kasi iniwan ng asawa dahil naging palaka.

Napabuntong hininga ako ng malalim at tumingin sa itaas. Napakagandang pagmasdan ang mga makukulay na ulap na nagsicircular sa langit. Hindi ko nga alam kung nasaan ang araw eh. Wala namang araw dito. Tanging mga ulap lamang ang nagsisilbing ilaw dito sa ilalim, maputi at hindi madilaw ang paligid.

Nagsimula na akong maghanap ng mga kalat na kailangang kunin at itapon sa dulo ng isla, kahit bawal kami pumunta doon. Oo kailangan kong maghakot ng ilang piraso ng mabibigat na metal at ilagay sa cart na dadalhin ko patungong kagubatan kung saan doon ang dulo ng isla. May lugar kung saan namin itinatapon ang mga ito at hindi doon sa dulo ng isla. So walang nakakaalam kung saan ko to tinatapon. Itong mga gamit na ito ay dapat lumulutang at pabalik sa highlands sapagkat ito ay kanila. Pero may nilalagay silang bagay sa mga metal na nakakalat dito upang mas matagalan ang gravity ng metal dito sa lowlands. Kaya kami dito ay kawawa.

Maraming libong taon na ang nakakaraan, ang sabi nila matagal na daw lumulutang itong dalawang isla ngunit noong unang panahon hindi ito magkahiwalay. Meridia (meridaya) ang orihinal na pangalan ng isla. Malaki ang pagsabog na nanggaling sa loob ng lupa kaya ito nagkahiwalay at nahati sa dalawa ang nag-iisang isla. Noong panahon na iyon ay may mga taong nakatira na sa isla at iilan lang ang nakaligtas sa pagsabog na naganap.

Patuloy pa din ang paglutang ng dalawang isla at parang hinigop sa hilaga ang isang isla pero nakabaliktad at itong isla na tinatayuan namin ay nananatili sa kanyang lugar. Sadyang ang isang isla ay lumipad papuntang langit. Yung islang hinigop sa taas ay tinawag na Fikovia which ang tinatawag namin sa kanila ay highlands; itong isla namang nananatili sa ibaba ay tinatawag na Margard, kung saan tinatawag namin ay lowlands for us to identify clearly that Fikovia is above Margard. Tapos yung araw daw nag-eexist noon and it rises every morning but couldn't be seen by the naked eye since the morning is covered by thick luminous clouds. Also, what they call moon rises in the evening but never seen again since the world became upside down.

Niisa sa mga taong nakasaksi hindi maintindihan ang nangyare. May nakaligtas nga na mga tao ngunit ang iba ay naiwan sa kabilang isla.

Lumipas ang mahigit isang daang libong taon, may dalawang nag-iibigan; ang isa ay mula sa itaas at ang isa ay mula sa ibaba. Naging mahirap ang pagtawid ng lalake sa highlands para makasama ang babae na nasa highlands ngunit may nangyare na hindi nila inaasahan, may nangyareng masama sa babae habang hinahabol sila ng mga tagapagbantay sa Fikovia, at ang lalake ang dapat daw sisihin sa nangyare.

Mas lalong humigpit ang awtoridad ng Fikovia at pinagbabawalan na tumawid sa kabilang isla. At dahil doon pinagbabawalan na ang komunikasyon sa pagitan ng dalawang isla, except those officials and have authorities that governed in each island.

Pero ewan ko ba kung bakit sa secret mission namin pagtapos ng senior years namin ay ikukuha kami ng taga Fikovia. Hindi ko alam kung anong dahilan. Akala ko ba illegal yun.

Nakakulong ang lalakeng nakaligtas sa Fikovia dahil hindi nila sinunod ang patakaran at namatayan pa sila ng kapwa.

Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyare.

"Kuya lalabas ulit ako." Sabi ko sa guwardiya na nagbabantay sa paaralan.

"Ganito ka nalang palagi Krystel? Laging pasaway sa klase?" Mahina siyang tumawa at tinignan ako ng nakakaloko.

"Wala kang pakealam, Kuya." Opo. Totoong kuya ko po siya. Isang guwardiya ng paaralan ko. Hindi naman niya pinapakealaman ang buhay ko sa loob ng paaralan at dahil hindi naman siya ang nagbabayad ng tuition ko dito sa school. Nakatanggap ako ng scholarship nang may tinulungan akong importanteng tao na kabilang sa namumuno dito sa Margard. Ginalingan ko rin naman ang pag-aaral ko pero hindi sa teacher na nagtuturo ng history. Nasusuka ako sa itsura niya at siya lang ang kaisa-isang hayop na teacher.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at mahaba-haba yung nilakbay ko. Nadatnan ko ang nasa 5 ft na bakod na kapag hinawakan mo ito ay makukuryente ka dahil bawal pumasok sa loob nito. Ginamitan ko ng kapangyarihan ko para mawala yung kuryente. Habang umuusok pa ang bakod, binuksan ko na ang bakod at pinasok ang cart.

Hindi alam ng mga taong in-charge dito kung sino o bakit namamatay ang kuryente na nilalagay nila sa bakod. Dumiretso ako sa madilim na kagubatan hanggang narating ko na ang pinakadulo nito.

Sinimulan ko ang pagbubuhat at pagtatapon ng mga mabibigat na metal sa bangin nang biglang may sumigaw.

"Napagalitan ka nanaman? Hahaha." Rinig ko nanaman ang tawa niyang nakakakilig. Kung alam niya lang.

"Eh ikaw, tumakas ka nanaman? Tsk." Ganito palagi ang ginagawa namin araw-araw ng bestfriend ko. Hindi ko siya nakikita kasi natatabunan siya ng makakapal na ulap.

Katulad ng nasa kwento, may nakilala din akong taga Fikovia na si Lian. Kahit bawal man ay hindi tumigil ang pagkikita naming dalawa. Kaya ko ginawa ang ganoong ugali sa guro namin para palagi kami magkikita ni Lian. Kahit isang oras lang sa umaga, makita ko lang siya ulit. Ganun din ang ginagawa niya, gumagawa siya ng excuse para magkausap ulit kami. Ano kaya ang dinadahilan niya eh wala namang basurang metal ang natatapon sa kanila. Sa amin lang.

"Hindi ah! I excused myself again. Syempre pinayagan ako. Ako lang naman ang pinakapaboritong istudyante ni Ms. Castillo, and ginalingan ko talaga sa klase para payagan ako." Ang yabang ha? Nakakangalay man ang ginagawa namin dahil nakatunganga buong magdamag habang nagkukwentuhan sa isa't-isa. Kahit hindi namin nakikita ang isa't-isa. Pero hindi ko naman siya nakikita eh kaya hindi ko alam kung nakatunganga siya. Pero kung magkikita kami sa gabi parang mababali yung leeg namin.

"Ok." Ang tanging sagot ko lang sa kanya.

"Ano sabi mo?" Pasigaw na tanong niya.

"Sabi ko okay!" Sumigaw din ako pabalik. Malayo ang agwat namin dalawa. Pero dahil kaming dalawa lang dito naririnig ko naman kaunti ang sinasabi niya–at nag-eecho pa.

"Kahit kailan matipid ka pa rin sumagot. Oo nga pala!" this time tumingin ako sa itaas at hinintay ang sasabihin niya. "May sasabihin ako sayo mamayang gabi!"

"Ano naman? Hindi pwede na ngayon mo nalang sasabihin?!" Parang galit kami sa isa't-isa dahil sa pagsisigaw.

"Mamaya na! Basta pumunta ka dito, mamayang gabi, 8 o'clock!" Bumalik ako sa ginagawa ko at sabay tango sa kanya kahit hindi niya naman ako nakikita.

"O sige balik nako sa klase! 40 minutes na ako naghihintay sayo dito at 40 minutes lang ang hiningi ko kay maam." Mahabang paliwanag niya. Tumango naman ako sa kanya.

"Swerte ka mahal kita." May sinabi siya na hindi ko narinig. Tumingala ako at sinabing,

"Anong sabi mo?!" Matagal pa bago siya sumagot.

"Wala! Mamaya na!" Parang naging excited ako para mamaya. What would he tell me?

*  *  *

Kasalukuyan akong naglalakad patungong kagubatan habang ako ay nakatingala sa itaas at pinagmamasdan ang maraming ilaw mula sa itaas na nagsisilbing ilaw na din sa amin. Kay lawak nga naman ng Fikovia.

Wala nang makakapal na ulap tuwing gabi kaya makikita ko siya mamaya. Wala nang ulap na sasagabal sa amin.

Binalik ko ang tingin ko sa daan pero may napansin ako sa itaas. Nahagip ng mga mata ko ang isang bagay na nahuhulog mula sa itaas. Pinuntahan ko agad ang bagay kung saan nahulog ito at pinulot.

Isang sapatos. Hindi naman bago ang paghuhulog ng mga gamit nila dito pero bakit mukhang bagong-bago ito. Tumingin ako sa itaas kung nasaan nahulog ito at mariin kong tinititigan ang parte na yun dahil madilim. Ito'y parang malawak na kagubatan. Was there a person who purposely let this fall here? Syempre sinasadya nila yun kasi tinatrato nila kaming basura.

"Mukhang bago pa naman to. Bago palang itinatapon na? Hay nako. Rich kid eh. Tsk." Sabi ko habang umiiling pa. Itim ang katawan nito at kulay asul naman ang sintas at ang ibabang bahagi ng sapatos. Ang laki ng sapatos kaya baka pagmamay-ari ito ng isang lalake. Hindi magtatagal lilipad ito pabalik sa taas. Kinuha ko na lang ito at dinala ko papuntang dulo ng isla kung saan kami magkikita ni Lian.

Inakyat ko ang malahiganteng bato para malapit lang ang agwat namin ni Lian hindi tulad kanina nagsisigawan kaming dalawa. Nasanay na ako na umakyat at pinipilit kong hindi matakot sa taas nito. Pagkarating ko sa tuktok, yung hamog nasa ibaba ko na ng ilang metro.

Umupo ako doon at binabalanse ang sarili ko para maiwasan kong mahulog sa medyo mataas at mabato na mala isang maliit na klaseng bundok. Pinagmamasdan ko ang sapatos at inikot ito at inoobserbahan ang itsura.

"Ang aga ah." Nabigla ako na muntik ko nang mabitawan ang sapatos at muntik pa akong mahulog. Tinignan ko siya ng masama sa itaas.

"Di mo ba alam na malapit na akong mamatay nang dahil sayo?" Pakiramdam ko nakakatawa tong sitwasyon namin, nakatingala. At ako naman nakakunot ang noo dahil sa kanya.

"Sorry naman. Akala ko alam mo na nandito ako kanina pa eh." He grinned at dahil dun tinanong ko siya.

"So pinagmamasdan mo ako all this time?" Tumango naman siya habang nakangiti parin. "Oh ano ng sasabihin mo." Itinuon ko nalang ang tingin ko sa sapatos at inoobserba ito ulit.

"San mo nakuha yang sapatos na hawak mo?" Pag-iiba niya ng topic.

"Nahulog to mula dyan. Baka kilala mo kung kanino to?" Tas tumingin sa kanya na may halong pagtataka.

"Malawak ang Fikovia, Joy." Joy lang ang pangalan na binanggit ko sa kanya nung first meet namin. Joy ang tawag sa akin ng mga tao para madalas kong naaalala si Mama.

"Malay mo may-ari ito ng isa sa mga kakilala mo."

"I don't know." He then shrugged at tinitigan lang ako.

"Hindi na ako mag-aaksaya ng oras dito. Sabihin mo na ang dapat mong sabihin." Binalik ko ang tingin sa sapatos.

"Naiinis ka na siguro na maghintay at makita ang pagkagwapo kong mukha. Kahit kailan talaga ang cold mo, Joy. That's what I like about you." My body became stiff after what he said and I looked at him wide-eyed.

"Hindi ka ba nakikilabutan sa pinagsasabi mo, Lian? At wala ako sa mood para makipaglaruan sayo." Nakakunot ang noo kong tinignan siya.

"I'm serious, Joy. Thank you for being my lowland friend even though it's forbidden. I want you to be here with me, Joy." Nanlaki ulit ang mata ko sa huling sinabi niya habang siya naman ay sumeryoso. Masakit mang sabihin na taga lowlands ako but that's the truth.

"What did you say? There? You want me to be with you, there? That's impossible, Lian."

"Gagawa ako ng paraan, Joy. Please let me." I couldn't see the emotion in his eyes clearly since it's dark but I can tell that he's determined to help me get there.

I noticed a bright light in the corner of my eyes. I turned towards it and see a big circle shining in the night on the far side of the island. Is this what they call the moon? But it's impossible! It vanished hundreds of years ago!

"No, it's not gonna happen Lian. Bawal Lian. Bawal tayo." May naramdaman akong kaunting kirot sa dibdib ko and any moment from now bibigay na ako. Binalik ko ang tingin ko sa sapatos para hindi niya makita ang malungkot-na-parang-maiiyak na mukha ko.

"Yes, it's going to happen Joy. Soon. Kapag may naisip nakong paraan kung paano kita papuntahin dito sa taas, alam kong magiging masaya ka. Alam ko na mahal mo rin ako, Joy. Don't you want to be with me? Together?"

Then, in that moment, I realized when the moon appeared in front of me there were still chances that the impossible could be possible, somehow. And this situation where I am right now is the thing that I really want it to become possible and could happen just for once.

*  *  *  *  *  *

Sorry guys for the typos and grammatical errors. Just let me know if there are errors that i must change. Thanks!