Chereads / Upside Down (Taglish) / Chapter 2 - Chapter 1: Decision

Chapter 2 - Chapter 1: Decision

* * * * * *

"Don't you want to be with me? Together?"

Inaalala ko ang buong eksenang nangyari kagabi sa dulo ng isla. Alam kong bawal pero may kasabihan ngang masarap ang bawal. Kung susundin ko tong puso ko, alam kong hindi ako magsisisi sa huli pero kung utak ang ipapairalin ko alam kong magsisisi ako at tatawaging tanga ang sarili ko dahil sa maling ginawa ko, namin.

"Bok~" Tila nag-alala ang boses ng alaga kong si Bok, isang pillare, an adorable flying creature, kulay dilaw na baboy na mabalahibo at mayroong bilog na fluffy na buntot. Nakawala ako sa iniisip ko at nilingon si Bok na bahagyang nakakunot na tumitingin sa akin.

"Wala kang dapat na ipag-alala, Bok. Okay lang ako." Pilit akong ngumiti sa kanya habang nangangamba kung ano ang dapat gawin.

Pupunta ba ako sa itaas?

Sa Fikovia?

Eh kung mamamatay rin ako katulad ng nasa kwento? O baka makukulong din ako doon?

"What's wrong, Krystel?" Nilingon ko agad ang lalaking nakatayo sa pintuan ng bahay namin. Nasa labas kasi ako, sa porch namin at nakaupo sa hagdanan namin na gawa sa kahoy at pinagmamasdan ang ulap sa itaas at malalim ang iniisip.

"Nothing." Binalik ko ang atensyon ko kay Bok. "May itatanong ako sayo Kuya." Tumingin ako sa taas at bumuntong hininga.

"Ano naman yun?" Hindi ko na nilingon ang mukhang alam ko na kung anong nandoon.

"Kung mayroon kang minahal na taga highlands at gusto mo siyang makasama habang buhay sa itaas, itutuloy mo ba ang balak mo kahit mali?" Naiisip ko ang mukha ni Lian at paulit-ulit ang kanyang sinabi kagabi sa utak ko.

"K-Kung talaga yun ang makapagpasaya sa akin at talikuran itong mundo dito sa ibaba, bakit hindi? I will and we will take all those risks and consequences basta lang makasama ko siya kahit buhay ko pa ang kapalit." Parang makahulugan ang sinasabi niya at parang naranasan nya na ito noon pa.

"Nangyare ba ito sa iyo noon, Kuya Kleven?" Tinignan ko sya nang nagtataka sa likod ko.

Humakbang siya palapit sa akin at tumingin sa itaas.

"Alam mo ba ang kwento ng isang babae at ang isang lalake na nag-iibigan noong halos isang daan na ang nakalilipas?" Yes. Almost a century ago.

Tumango naman ako sa kanya. "Ano naman ang tungkol dun?" Sinasabi ko yun habang nakatingala sa kanya.

"Yung babae namatay sa aksidente at ang lalaki naman ay nakulong sa taas. Yung babae mayroon na yun pamilya ngunit hindi naman sila nagkasundo ng kanyang asawa kaya naiwan ang kanyang dalawang anak." Yun ang hindi ko alam, yung huling sinabi niya. Itinuon ko ang tingin ko kay Bok na natutulog na sa hita ko. Hinihikap ko ang kanyang balahibo at patuloy na nakikinig kay Kuya.

"Yung lalake pinauwi dito sa baba nung nakalaya siya sa kulungan. Nagkaroon siya ng sariling pamilya dito at patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak habang inaalala ang nangyare sa babae." Parang ang unfair nun sa naging asawa niya kasi yung puso't-isipan niya ay nasa babae parin.

"Nagkaroon siya ng isang lalaking anak at doon nya nakuha ang dalawa nyang apo. Isang lalaki at isang babae. Tayo yun." Agad ko siya nilingon habang nanlalaki ang mga mata. Parang dumagdag pa ang pagkasakit ng ulo ko sa nalaman ko dahil at the same time iniisip ko din ang gagawin ko mamaya.

Napapikit ako nang madiin nang maalala ko na mamaya na pala ang pagkikita namin.

"Teka-teka nalilito ako. Ano ulit ang sabi mo?"

"Ang lalaking nakulong ay nagkaroon ng isang anak sa asawa niya. Nung lumaki na ang nag-iisang lalakeng anak niya ay nakapag-asawa at nagkaroon ng dalawang anak." He paused and says,

"Our grandfather, the man in the legend story, did the forbidden rule, that is to cross to the other island."

"Yung lolo natin? Ang gumawa nun?!" Halos pasigaw na sabi ko sa kanya kasi hindi ako makapaniwala.

He nodded and his eyes remained at the sky.

"Who told you about that? I mean, are you even sure na siya talaga gumawa nun?" Binalik ko ang tingin ko sa alaga ko.

"Of course our father told me about the whole story. Hindi mo siya naabutan at nakilala dahil maaga syang namatay kaya walang may nagsabi sayo."

"Eh ikaw pala yung may alam eh sana sinabi mo na rin sa akin. Parte naman ako ng pamilya nato ah?"

"Hindi ka nagtanong eh." Nilingon ko siya at pinandidilatan pero hindi pa rin umaalis ang tingin niya sa langit.

"Pero alam mo, may nakakabalaghang nangyari sa lolo natin." Napatingin ako kay Kuya na nakakunot.

"Ano naman yun?"

"Ewan ko basta humigit daw sa isa ang kapangyarihan niya nung pinabalik siya dito. Isa ako sa mga nakasaksi dahil syempre naabutan ko siya." Parang ang dami na hindi ko naabutan ah?

"What was his first element before he was imprisoned or before he returned back?"

"Water." Biglang nanlaki yung mata ko sa narinig. Imposible ata yun. May naririnig akong kwento na halo-halo ang kapangyarihan pero hindi ko alam kung bakit naging posible yun. Pero hindi ko naman pinapaniwalaan yun.

"You're lucky to inherit the element our grandfather had. Kung dumoble yan baka mas malakas kana na Magian kesa sakin."

Magian (majiyan) is what we call ourselves; people who possessed supernatural powers or elements. Huli na yan naimbento na salita to identify what we are. Those legend people who possessed more than one element are called Multi-elementors. But not at least one of them I have witnessed or seen a Magian with more than one element.

I don't care about that inheritance part, instead, iniisip ko pa rin na lolo pala namin ang gumawa nun. Naririnig ko lang naman yan nung bata pa ako. Hindi ko alam na related pala kami sa lalakeng nasa istorya.

Parang mabibiyak na ata ang ulo ko sa dami ng iniisip ko.

"Balik tayo sayo Krystel. Kung ako sayo, huwag mo na gagawin. Don't mind what I said earlier. Baka ikakapahamak mo pa kung sinunod mo ang sinabi ko sayo. At isa pa, doon din ang punta mo bakit ka pa tatakas?" Ni hindi ko nga alam kung anong gagawin ko kasi tama naman siya eh. Susunod kay Lian o sundin si Kuya?

"Bakit may nakilala ka ba?" Nabigla ako sa tanong niya at pinipigilan ang bibig ko na magsalita. Alam ba niya? Alam ba niya na nagkikita kami ni Lian?

"O-Oo nga pala diba dapat kasama ka sa secret mission nyo? Anyare?"

"Huwag mong ibahin ang usapan Krystel. Alam ko kung bakit lumalabas ka ng paaralan para makipagkita sa kanya. Alam mo bang ako yung guwardiya doon at alam ko kung nasaan itinatapon ang mga basura, hindi sa dulo ng isla." Diretsong sabi niya na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"P-Paano mo yun n-nalaman?" Iniwasan ko ang tingin niya at tumungo bahagya.

"Alam ko ang ginagawa mo Krystel kasi kapatid kita." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at mararamdaman ko dahil nalaman na niya.

"Kung ibang guwardiya siguro ako dati pa kita sinumbong sa paaralan niyo."

"Pero hindi ka lang ang nagkamali, Krystel. Ako din." Dugtong nya. Tinignan ko si Kuya at naabotan siyang tumitingin na sa taas.

"Hindi ako nakapasa sa final exam namin para sa misyon na yun. Ang tanging nakapasa lang ang pwedeng sumali sa misyon. Pero dahil sa gusto kong pumunta doon at makawala sa lugar na to. Gusto kong mamuhay ng maayos at magkaroon ng magaganda at mamahaling damit, bahay at gamit. Pero hindi ko man lang naisip na maiiwan ko kayo dito at makukulong pa ako, sino ang mag-aalaga sayo at kay inay? Bata ka pa nun at hindi mo pa kayang kontrolin ang kapangyarihan mo." 8 years ang agwat namin ni Kuya at natapos na niya ang walong taong pag-aaral ng mahika at nung time na yun 10 pa lang ako at hindi pa nag-aaral.

Dito kasi sa Margard, there are 5 elementals: the Fire, Water, Ice, Air and Dark Earth. Lahat ng tao dito sa Margard ay may kapangyarihan either sa limang elemento na yan at naka base siya sa mga ninuno mo kung anong kapangyarihan ang mayroon sila. Rare lang yung mga taong may halong kapangyarihan o higit sa isa ang kapangyarihan. I have the Water element which nakuha ko daw sa lolo ko at si Kuya naman ay mayroong Ice element na nakuha sa nanay at tatay namin.

May 6 junior years ka para pag-aralin ang sariling kapangyarihan mo at kung papaano mo siya kokontrolin. Pinapasok ang mga batang nasa 11 years old sa paaralan at pinaghahati kayo base sa kapangyarihan niyo.

Madaming sections each year level kasi madaming bata at immature pa ang mga kapangyarihan nila kaya minsan 2-6 yung section each nature element.

Pagtapak mo sa 17 ay magsisimula ang senior years mo which dalawa lang naman ang taon na yun. At ngayon nasa 18 na ako ay nasa ika-dalawang taon nako ng senior years. Hindi na kayo nun pinaghahati base sa kapangyarihan. Halo-halo na ang mga taong may iba't-ibang kapangyarihan ang makakasama mo sa isang section.

Pinapag-aaralan doon ang tungkol sa Fikovia dahil sa nag-aabang na secret mission mo pagtapos mo ng senior years. Secret mission siya dahil tanging ang students na nasa senior years lang ang nakakaalam nun. Sabi nga ni Kuya, makakasali ka lang sa secret mission na yun kapag nakapasa ka sa final exam. But neither of us know why the mission has to be in the highlands.

Baka gawin lang kaming alipin doon at pakainin ng sarili nilang basura.

"Hindi ka nakapasa? Ang lakas-lakas mo Kuya? Ba't ano ba nangyari sa exam mo ha?" Hindi niya ako nilingon at hindi umimik.

"Hmmp.. I'm that stupid Krystel. I took advantage on my power. Naging kampante ako kasi malakas ako but I act rather than think first. I really just thought that we are just going to use our abilities and I didn't thought to use our brain also. Akala ko yun lang yung requirement para makapasa sa exam na yun."

"Eh bobo ka pala eh! Hindi ka pala nag-aral nang maayos." Then I rolled my eyes at him.

"Shut up! Yes I know that already! I only think that I must go up there and enjoy myself. I only think of myself." I finally got his attention. He glared at me and heaved a sigh. Then he looked up again.

"Makasarili ako, Krystel. Hindi ko man lang inisip na kapag pumunta ako doon sa itaas, maiiwan kayo ni Inay. At sa panahong iyon, mayroong sakit si Inay. Inisip ko muna ng maigi ang magiging desisyon ko. Mabuti at nakontrol ko ang sarili ko." Binalik niya sa akin ang kanyang tingin habang nginitian niya ako.

"Kung anong mas makakabuti sayo, Krystel, sundin mo. Delikado ang kabaliwang iniisip nyong dalawa nitong nakilala mo sa highlands. Kapag nahuli kayo, ikaw lang naman ang makukulong Krystel. Hindi siya." Parang nanigas ang buong katawan ko.

Nagpapakita na parang kami pa yung duwag kaysa sa highlands. Itong nagmumuno naman sa Margard, they let us controlled by those Fikovian people. Kahit hindi ikaw ang may sala  at mismo yung kapwa highlands nila, ikaw pa rin ang makukulong.

Lintek na batas na 'to!

"And remember, you can't fully trust a Fikovian." He added. I looked him in the eye and he looked back with no emotions seen on his face. And I then noticed the concern in his eyes.

Napaka seryoso ng titig niya sa akin.

He walks away like nothing happened. His words strucked me as if he punched me in the gut. My head throbbed as I remember that we'll meet again hours from now.

Binalik ko ang tingin sa taas at iniisip pa din ang sinabi sakin ni Lian.

Iiwan ko rin ba si Kuya? Should I follow my heart? What if... he'll betray me? Thinking about that part weakens my whole body to think he would betray me. I hope he'll not.

Sinasabi ko ang mga iyan na parang naghihintay din ako ng makakasagot sa mga katanungan ko na tanging ako lamang ang makakasagot at gagawa.

* * *

Gabi na at nitong mga oras kami magkikita ni Lian.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang kagubatan. Dala-dala ko ang sapatos na napulot ko kahapon dahil ibabalik ko to sa may-ari nito. Nakikita ko mula rito ang mga cute na mga hayop na nakipaglaruan sa kapwa nila hayop sa mga dambuhalang metal na nakakalat sa loob ng bakod. Medyo madumi sila dahil sa dumi na tinatapon sa amin. They're not dangerous because first, they don't have powers but only have the ability to fly.

Hindi ko sinama si Bok dahil baka mawala pa siya dito sa gubat.

Ginamitan ko ulit ang kapangyarihan ko sa bakod na may kuryente at nagsimula itong umusok at kumikislap pa ng kaunti ang ibang bahagi ng bakod. Binuksan ko ang bakod ng ganun kasimple.

Sasabihin ko na kay Lian ang desisyon ko.

Habang naglalakad ako pinagmamasdan ko muli ang langit na puno ng ilaw mula sa highlands. Sana tama tong desisyon ko.

Para naman ito sa ikabubuti namin.

Nilakad ko ang kagubatan papunta sa dulo ng isla, medyo malamig dito dahil sa hamog na tinatakpan ang kagubatan. Nakarating ako sa napakalaking bato na inakyat ko kahapon. Inakyat ko muli ang bato at medyo makapal ang hamog na sa ibaba ko lang.

Naghintay ako nang naghintay habang nakaupo nang naaaninag ko na siyang papalapit sa lugar na tinatayuan niya kahapon.

"Uy! Andyan kana pala Joy!" Nag-eecho ang kanyang boses dahilan na marinig ko pa siya lalo. Tinugon ko lang siya ng ngiti.

"May paraan na ako kung paano kita mapupunta dito at para mas matagalan ang gravity mo dito sa highlands." Masaya niya yun binanggit sa akin. Hindi mawala-wala sa kanyang labi ang ngiting hindi ko na makikita muli.

"Nandito ang sagot, Joy!" Ipinakita niya sa akin ang maliit na bote na may laman na likido na kulay asul at gumagalaw ito sa loob ng bote.

"Ihahagis ko diyan ang kabilang dulo ng lubid, saluhin mo ha?" Pinagmamasdan ko lamang siya at akmang ihahagis niya nga ang lubid nang magsalita ako.

"No." Natigilan siya sa kanyang gagawin at tinitigan ako nang nagtataka.

I looked away and stared at the spot where the moon once appeared. Nawala naman ito na parang bula.

"H-Ha?" Ang kanyang ngiti at ang masayang mukha niya ay napalitan ng pagtataka at pagkalungkot sa kanyang mga mata. Hinawakan ko ang aking dibdib at itinigil muna ang aking paghinga.

"Hindi matutupad ang kagustuhan mo, Lian." Iniiwasan ko na kumurap para hindi mahulog ang luhang namumuo sa mga mata ko.

"A-anong ibig m-mong sabihin?" Unti-unti niyang binababa ang lubid na hawak niya and stared at me warily.

"Hindi ako susunod sayo, Lian. Hindi ako kahit kailan mapupunta dyan. At kapag nandyan man ako, habang buhay akong taga lowlands. Unti-unti mawawala ang bahid ng potion na gagamitin mo sa akin. Sa huli, babalik din ako kung saan ako nanggaling, kung saan ako nararapat." Tuluyan nang bumigay ang luhang tinitipon ko sa mata ko. Lumanghap ako nang malalim at parang nahihirapan akong ilabas ang hangin na naipon ko.

"N-no... W-why?" Parang hindi makapaniwala si Lian sa kanyang narinig mula sa akin. Bumagsak nang mabilis ang mga luha ko.

Hinagis ko ng malakas ang sapatos na hawak-hawak ko papunta sa kanya. Nasalo niya rin ito at tinititigan ang sapatos.

"I love you, Lian. Kahit kailan hindi kita malilimutan. You're my first Fikovian best friend. Hanggang dito na lang ang ating pagkikita." Tumigil ako ilang sandali dahil hindi ko na kaya huminga. "P-Patawarin mo ako kung hindi ako susunod sayo." Ramdam ko ang hapdi sa aking mga mata. Hindi ako makahinga. Kailangan ko nang umalis dito.

"Thank you for all the efforts, Lian. A-Alis nako." Pinahiran ko muna ang mga luha ko bago tumayo. Bababa na sana ako nang may sumigaw.

"Sinong nandyan?!"

* * * * * *

A/N:

Ginagamit ko po yung term na "highlands" at "lowlands" with different meaning hindi yung nasa dictionary. Yan lang po ang tinatawag ko sa dalawang island para hindi tayo malito kung nasaan yung totoong nasa taas at baba.

Ang totoong nasa ilalim ay ang "Margard" which tinatawag kong "lowlands"

At ang totoong nasa itaas ay ang "Fikovia" which is the "highlands" namention ko na po ito sa first chap. :)