* * * * * *
"Sinong nandyan?!"
O_O Hala ang mga Margard Keepers nandidito! Paano ako makababa nito? Kung makita nila ang mukha ko siguradong makukulong ako ng napakaaga at paano na si Kuya? Saan ako dadaan? Anong gagawin ko?
"Kung sino man ang nasa taas bumaba ka na dito! Kung hindi, kami ang aakyat dyan!"
"Ang taas nyan pre ah, kaya ba nating akyatin yan?" Tugon ng isang kasama nya.
"Tumahimik ka!" Sigaw sa kasama nito. Pakiramdam ko dalawa sila ang nasa baba.
"Joy!" Tumingin agad ako sa taas.
"Saluhin mo ang lubid dali!" Inihagis niya ang kabilang dulo ng lubid at sinalo ko naman ito. Tinititigan ko muna ito at napaisip. Susunod ba ako kay Lian? Iiwan ko ba talaga si Kuya mag-isa dito sa baba? Magiging makasarili din ba ako katulad niya? Gusto kong makasama si Lian pero naaawa ako kay Kuya! Ano nang gagawin ko?!
"Hindi ka pa bababa ha?! Ako ang aakyat dyan!" Rinig ko ang yapak ng mga paa nya sa napakalaking bato na parang umaakyat na.
"Kaya mo na yan, pre." Sabi ng kasama niya at parang nagkasagutan ang dalawa na hindi ko marinig at maintindihan.
"Ano na Joy?! Bilisan mo baka maabutan ka niya!" Taranta kong tinali ang lubid sa bewang ko at nang makasigurado na ligtas ang pagkakatali ko sumigaw ako.
"Okay na!" Sinimulan niyang hilain ang lubid at medyo mabagal ito dahil sa gravity na pumapagitan sa amin. Tumingin ako sa baba at hindi ko pa nakikita ang kamay ng tagapagbantay so ibig sabihin matatagalan siya sa pag-akyat.
"Hindi kita b-bibitawan." Binalik ko ang tingin sa taas. May diin ang pagkakasabi niya dahil sa hirap na dinadanas niya ngayon sa paghila sa akin papunta sa kinaroroonan niya.
"Hindi ako mamamatay." Bulong ko sa sarili ko. Sana hindi maulit sa akin ang nangyare sa babae na minahal ni Lolo. Sana maging matagumpay si Lian sa paghila sa akin.
"Hoy-asdfghjkl!" Narinig ko mula rito ang boses ng tagapagbantay. Ibig sabihin malapit niya ng abutin ang tuktok ng bato.
"Dali-an mo, Lian!"
Pagkatapos nun sumakit nang grabe ang ulo ko. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Nagmamanhid na ang buong katawan ko pero ramdam ko pa rin ang bawat kirot sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Bigla akong nanghina at lumalabo ang paningin at pandinig.
Anong nangyayare sa'kin?
Ganito ba ang pakiramdam kung tumawid ang mga lowlanders sa itaas? Parang lalagnatin ako na parang maraming sugat ang natamo ko.
Ang tanging alam ko lang, hinihila ako pataas ni Lian habang bakas sa mukha niya ang hirap at hindi ko na naririnig ang mga sinasabi niya.
Sumulyap ako sa malaking bilog na kasing liwanag ng mga kaulapan. Ito na siguro ang huling sandali na makikita ko ang buwan.
At tuluyan na akong nawalan nang malay.
* * *
Hindi ko na alam ang nangyari kasunod nun. Parang tumigil ang oras at hindi ko na maalala ang sumunod na nangyare dahil pagkagising ko nakikita kong puting kisame at hindi ako makapagmuklat ng maayos dahil sa matinding sinag ng ilaw na bumabalot sa kwarto. Ginalaw ko ang ulo ko nang mahina para makita ang loob ng kwarto. My head throbbed when I tried to turn my head. So hindi pa pala nawala ang nararamdaman ko sa mga oras na yun.
Ang dingding ay kulay puti at itim naman ang mga haligi at sa kanang gawi ko ay may naaaninag akong silweta ng isang tao.
"Are you awake?" Hindi ko masyado marinig ang sinabi niya dahil wala pa ako sa tamang isip. Medyo malabo pa ang paningin at pandinig ko. Ramdam ko ang kaunting kirot sa bandang likod ng ulo ko. I focused my eyes on the person that was talking to me. Si Lian ba to? Bakit mahaba ang buhok?
Nang umayos na ang paningin at pandinig ko nakita ko na nang klaro ang mukha ng babaeng nakatayo sa gilid ng kama.
"S-sino ka?" Bigla akong napaatras sa higaan. Dahil sa galaw kong iyon, bahagyang kumirot ang ulo ko. Kung kailan kailangan ko si Lian, wala siya dito.
"I'm glad you're awake. Lian was already at school and I'm the one who'll take care of you while he's not here. By the way, I'm Lilly, Lian's mother." Nanlaki ang dalawang mata ko nang marinig iyon. Ibig sabihin, nasa bahay ako ni Lian?! O_O
"Don't be too shock, dear. He told me what happened so I let you stay in my house." She started to pat my head and smiled. Alam ba niya na taga lowlands ako? "If you're hungry, I'll be downstairs." Nagsimula siyang tumalikod at naglakad papuntang pintuan at lumabas.
Ano ba ang nangyare sa akin kagabi? Pilit kong inaalala pagkatapos ng nangyare kagabi pero wala talaga. Kung nandito na ako sa Fikovia, ibig sabihin tagumpay ang paghila ni Lian sa'kin.
Hindi ako namatay. Hindi ako naaksidente o nabagok ang ulo. Naligtas ako ni Lian.
Nakahiga parin ang katawan ko sa malambot na kama. Parang wala akong balak na bumangon dahil parang masama pa rin ang pakiramdam ko.
Unti-unti akong umupo at nilibot ang paningin ko sa kwarto. Kanino kayang kwarto to? Hindi naman ito kay Lian or sa mama niya dahil wala masyadong details ang makikita mo sa kwarto. Niisang picture frame o tv wala. So nasa guest room ako nila.
Itinapak ko ang mga paa ko sa sahig habang nakaupo pa rin ako. Medyo nahihilo pa rin ako.
Pumunta ako sa isang itim na full-body length na akala ko salamin. Hindi pala salamin 'to kasi black lahat ng nasa screen. Tv kaya nila ito?
Nabigla ako when it started shimmering in front of me at unti-unting naging salamin ang akala ko ay tv.
I was frightened to the girl who's staring at me. Is that my reflection? I look so horrible. Ang dumi-dumi ko nang tignan. Hindi ko na nakikilala ang sarili ko.
My white hair was a mess, my violet highlights are everywhere: I look like worse. Ugh.
There's a heavy shadow under my eyes. I look into it and mesmerized by my own eyes. Napakaganda kasi nito kahit ako parang mahyhypnotize sa kulay ng mata ko. Stormy grey ang kulay ng mata ko at parang crystal kung titignan. Tama nga si Papa na pinangalanan akong Krystel. I do have crystal eyes.
I look really pale. Parehong-pareho na sa puting buhok ko ang kulay ng balat ko. Ang payat-payat ko na at basang-basa ng pawis. Actually, ang pawis ko ay nanggagaling sa kapangyarihan ko. Kung mainit ang katawan ko, parang nagboboil ang katawan ko at maraming lumalabas na tubig. Ibig sabihin mabilis ako mapagod at manghina kapag mainit na mainit ang katawan ko.
I asked Kuya Klev kung anong mangyayari sa katawan ko kung sobrang galit ako, magiging mahina din ba ako?
Para hindi magtaka si Lilly kung bakit basang-basa ako, I placed my left hand in front of my face and closed my eyes.
I gathered all the flowing water above my skin as possible as I can. I opened my eyes and see myself in the reflection. My hair was floating and my crystal eyes were glowing when I'm using my power. I observe as the water merged and forms a huge ball of water.
This was the first time that too much water depleted from my body. Hindi tinotolerate ng katawan ko ang highlands. Hindi na lang sana ako pumunta dito. Baka ano pa ang mangyare sa'kin.
Nung tumawid ako dito, hindi na naging mabuti ang pakiramdam ko.
Naghanap ako ng mga halaman para dun ibuhos ang malaking bola na tubig. Buti nalang they also keep indoor plants here.
Tumingin ako sa ibabang parte ng damit ko. Wala akong suot na sapatos. Hinanap ko ang sapatos ko at nadatnan ko ito sa ilalim ng cabinet. Nasa tabi ng sapatos ko ang isang piraso na sapatos na napulot ko nung nasa Margard pa ako.
Kinuha ko ang sapatos na yun at ngayon ko lang napansin na parang may nakatiklop na puting papel sa loob ng sapatos.
Kinuha ko naman ito at inunfold.
Don't trust him.
Yan ang nakalagay sa papel.
Wait. So the owner purposely put this paper in here and trying to deliver some message? So hindi lang pala sadya ang pagpapahulog niya sa sapatos niya. May gusto din siyang mensahe na ipaabot sa akin. Pero ako ba dapat makapulot nito? Baka dapat ibang tao dito sa Margard ang inaasahan niyang nakapulot nito?
Kilala niya ba ako? Alam niya ba ang mangyayare kagabe? At unang-una sa lahat bakit naman magkakaroon siya ng pake sa isang tao sa Margard?
At sino naman ang tinutukoy niya sa sulat? Him? Was he referring to Lian?
Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko. Nanginginig ang aking kamay habang hawak-hawak ang papel.
I shook my head and realized I shouldn't confuse myself about this nonsense. I don't know who he is and I don't know what he was planning to do with me and most of all, I don't know why he's doing this.
This is not true because I trust Lian.
Grabe ang paghihirap na dinanas niya nung binubutong niya pa lang ako pataas. And all of I could think of is, that was sincere. Gustong-gusto nya ako makasama dito. Hindi naman siya mag-eeffort kung wala lang ako sa kanya eh.
But I still should be aware of my surroundings and once and for all, I am in a mysterious, strange and foreign island. Hindi ko pa kilala kung anong klaseng tao ang mga naninirahan dito.
Kahit kaibigan ko pa si Lian, hindi ko dapat ibigay ang buong tiwala ko sa kanya. Hindi ko pa siya gaanong kilala.
Napalingon ako sa malaking bintana na nagbibigay ng napakaliwanag na ilaw sa gilid ng cabinet. Ano kaya ang itsura ng Fikovia?
Lumapit ako sa bintana na hanggang hawak ko ang haba nito at 2 ft mula sa ulo ko. Nakabukas ang dalawang pintuan nito.
Kailangan ko pa talagang iblock yung matinding ilaw na nagmumula sa labas gamit ang dalawang braso ko.
Nabigla ako sa nakita ko. Nasa Fikovia na ba talaga ako? Ito ang tinatawag na totoong siyudad! Hindi tulad ng Margard na puro basura ang palibot.
Napakalawak na siyudad! Maraming malalaking gusali saan man ako tumingin. Napakataas ng building na tinitirhan ni Lian. Makikita mo mula dito ang mga sasakyan na parang nakaangat sa kalsada na parang lumulutang lang.
Nabigla ako nang may dumaan na mahabang asul na tren sa harap ko at kitang-kita ang mga taong nasa loob dahil hanggang bubong ang glass window ilang metro lang ang distansya sa building. Tinignan ko ang riles pero wala akong may nakikitang riles.
Lumilipad lang ba ang tren nila dito? Hindi sila dumadaan sa riles?
Nahagip ng mga mata ko ang gumagalaw sa langit kaya tumingala ako sa langit at may nakitang isa pang mahabang asul na tren.
Halos puti ang makikita mo sa paligid. Hindi ko na masyadong makikita ang mismong tao na sumusuot ng puting damit na nakatayo sa isang mahabang platform na parang konektado ito sa isang building na hindi masyado malayo dito.
Ganito ba ang lugar dito? Tumingin muli ako sa taas at nakikita ko mula rito ang medyo malaki na butas sa may ulap at kulay itim ang nasa butas nito. Yun na siguro ang Margard kung saan ako nagmula. Makikita din ito ng ibang tao dahil sa dumi ng Margard.
Nilabas ko ang ulo ko sa bintana at tumingin sa kanan. Ang tower na nakikita ko sa baba nakikita ko na mismo dito sa highlands na hindi na baliktad. Ang tuktok nito ay hindi na masyadong makita dahil sa mga makakapal na ulap.
Masyadong malinis ang Fikovia. Siguradong lahat ng tao dito ay mga mayayaman at mayroong mga trabaho at walang mahirap.
Nahagip ng mga mata ko ang malaking tao na gumagalaw sa napakalaking tv sa may northwest ko na humahawak ng isang malaking potion na may liquid na pink na sumasayaw sa loob ng bote.
Ngayon lang ako nakakita ng tv na umaandar at mas malaki pa to! Puro lang naman basag na tv ang nakikita ko sa ibaba at wala kaming tv.
Nakasuot ito ng lab gown na parang isang scientist. Kaya pala nagawa nilang patagalin ang mga gamit na itatapon nila sa lowlands dahil sila mismo ang gumagawa ng mga potion kaya rin ako nandito nakatayo dahil sa potion na nilikha nila.
Baka pinaghintay ko nang matagal ang mama ni Lian sa baba so aayusin ko muna ang sarili ko. Pumunta ako sa cabinet na katabi ko lang at binuksan ang isa sa mga drawers doon, baka dito nakalagay ang suklay o ano pang mga gamit kahit wala namang tao ang natutulog dito.
Wala akong may nakita at nakuha doon kasi walang laman. Syempre dadalawa lang sila ni Lian at mama niya dito. Pwera na lang kung may kapatid siya na hindi niya sinasabi sa akin.
Dahil wala naman akong choice, buti na lang dala-dala ko pa din ang pangtali sa buhok ko. Sinuklay ko na lang nang sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Kinuha ko ang sapatos ko at umupo sa kama para suotin ito.
Bumalik ako sa salamin at pinagmamasdan ang mukha ko. Baka may muta pa o anong dumi sa mukha ko nakakahiya sa mama ni Lian.
Dito na ba talaga ako titira? Eh kung papalayasin ako ng mama niya pag nalaman niya na isang hamak na lowlander ako? At ihuli sa mga kawal nila dito?
Ano na kaya ang iniisip ngayon ni Kuya? Hinahanap niya ba ako ngayon? Nag-alala kaya siya sa akin na hindi ako umuwi kagabi?
Habang iniisip ko yan ay patuloy ko tinititigan at hinahawakan ang bracelet na nasa kaliwang kamay ko. This is purely made of water na nababalutan ng violet na ice gamit ang kapangyarihan ni Kuya. Nasa gitna nito ay isang rosas na nakaukit dahil mahilig ako sa mga bulaklak.
Madumi nga ang Margard at puno ng basura pero meron ding part sa isla na puro damuhan at medyo madumi din pero tumutubo pa naman ang mga halaman sa Margard.
Hindi natuloy ang aking pagdadalamhati ba nawalay ako kay Kuya nang may narinig akong ungol. Nanigas ang buong katawan ko at nakinig nang mabuti sa tunog na narinig ko.
"Ruru~" Para itong murmur na parang natutulog na nilalang. Alam ko ang uri ng tunog nito. Mayroon na ito sa amin at kalahi ni Bok. The Pillares (Pilyares). Hindi ko alam na may nag-eexist din dito sa kanila. Alaga siguro ito nina Lian.
Tinungo ko kung saan nanggagaling ang tunog at natagpuan ito sa ilalim ng kama. Binuksan ko ang bed sheet na humaharang sa ilalim ng kama at natagpuang natutulog ang isang malaking pillare, its size was like the half of my arm at medyo mataba ito. Ang itsura niya ay parang hamster or big rat pero in cuter version. Sky blue ang kanyang makakapal na balahibo at may dalawang parihabang linya na puti sa mataas na bahagi ng kanyang katawan at may collar sa kanyang leeg. As if leeg dyan ang tawag kasi wala namang leeg kasi mataba yung buong katawan.
Habang tinititigan ko siya at kitang-kita ang sipon na nagbabubble sa ilong niya bigla itong pumutok at agad minulat ang mga mata. Nagulat ako doon kaya dali-dali akong napatayo.
Hindi ko alam kung ganun din ba ang ugali ng mga pillares dito sa highlands sa lowlands. Mas mabait at maamo ang mga pillares sa lowlands eh.
Lumabas ito at kinakamot ng mahaba niyang apat na kuko ang kanyang ulo at humikab kasabay ang pagtaas ng kanyang dalawang maliliit na braso.
Nang finocus niya ang tingin niya sa akin, biglang kumunot ang mukha niya.
"Who are you?"
* * * * * *