Chereads / Death Kill Academy / Chapter 21 - Kabanata 20

Chapter 21 - Kabanata 20

Kabanata 20: House

#Death University

#Denying

****

(Hayden Zyrienne Pov)

Mabuti nga lang mabait si lola. Masaya ako na may tumulong sa amin dito.

Medyo kasya naman kami pero kailangan lang namin magtabi-tabi. Ayaw kung tumabi sa lalaki. Dalawa lang kasi ang kwarto dito. Yung una ay kwarto ni lola yung pangalawa ay sa amin.

Tinulungan ko siyang magluto. Maalam rin ako sa pagluluto. Ako kasi yung tipong tao na hindi iaasa sa iba ang kaya Kong gawin.

Napaisip ako kung hindi sa tulong ni Ate Zyril at Ate Claire ay hindi ko sana malaman ang lahat nalaman ko rin na yung kinakain namin sa canteen ay ang mga katawan ng mga namatay naming kaklase kaya pala iba ang panlasa ko at lagi akong nasusuka. Kaya rin laging may pagkain doon. Si Ate Zyril pala ang gumawa doon sa libro at si Kuya Samuel ang nagtago. Alam na pala ni Ate Zyril kung saan ang lagusan pero bakit hindi siya nakatakas?

Kapag sinabi ko sa kanila ay siguro mandiri  sila. Ayon rin sa huling pahina ng libro dapat masira ito para tuluyan masawalang bahala ang sumpa ng mama ni Micca. May sumpa pala ang ibro na iyon. Kailangan lang namin dalhin ito kay Mang Jose.

At siya lang ang makakatalo sa kanya. Kasi walang marunong bumasa at magsagawa ng orasyon sa amin.

"Tulala ka Riane" Napabalik ako sa reyalidad ng kausapin ako at may tumawag sa Akin.

Umupo ito sa tabi ko.

Himala pinansin niya ako. Anyare? Nakakain ba ito ng masarap na pagkain. Ang alam ko kasi ay palagi niya akong inaasar.

"Iniisip ko kasi ang nangyari kanina"

Umubo naman siya. May Asthma o Tuberculosis ang isang to?

"Ako rin hindi ako makapaniwala na alam mo lahat" Sabi ni Den. Den kasi ang tawag ko sa kanya noong mga bata Pa kami.

Napangiti nalang ako. If I could turn back the time. But every happenings has an reason.

"Sa tulong ni Ate Zyril at  Ate Claire nalaman ko lahat"

Ngumiti siya sa akin. Ewan ko kung bakit ang gwapo niya kahit na bad-boy ang aura niya?

"Ligtas na ba tayo?" Tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin ng tumingin siya sa Akin.

Baka mag-assume Pa ito na crush ko siya. Ang yabang Pa naman niya.

Ang mukha niya kasi ay parang badboy. Tapos the way na maningin siya ay parang badboy or masama na parang kakain ng tao.

"Hindi pa kailangan lang natin ibigay kay Mang Jose ang aklat bago tuluyan maputol ang sumpa"

Sana nga tapos na ang lahat ng ito. Pero natatakot ako sa mangyayari sa Akin kapag may Plano sila Lolo sa kinabukasan ko.

"Mang Jose yung nakatira sa Alberean Sea?" Tumango ako at iniwasang makatingin sa kanya.

Kailan Pa ako nahiya? Eh hindi nga ako kayang talunin sa staring contest.

Tumango ako hindi ko rin akalain na kapatid siya ni Kuya Samuel. Ang bait at gentleman ni Kuya Samuel samnatalang ang isang to ay mayabang at jerk tss

"Kapatid mo pala si Ate Sammantha? Hindi halata maganda siya ikaw panget"

Ito na naman ang pagkukumpara? Tss

Ako panget? Nasaan ang Hustisya. Pero maganda talaga si Ate Zyril.

"Anong sabi mo?!"

Pigilan niyo ako? Masasapak ko ang sira-ulong ito.

Tumawa lang siya hinampas ko naman siya.

Natigil lang kami ng may tumikhim. May sakit rin ba itong Asthma?

"Ehem. Baka kayo magkatuluyan ha, Hindi ko talaga akalain Hayden na kapatid mo si  Ate Sammantha" Ngumiti Pa ako. Na ngayon ko lang nagawa.

Nakita ko sa gilid ng making mata ang pagkunot-noo ni Den. Problema ng ungas na ito?

"Ako rin hindi ako makapaniwala na kapatid mo si Kyle Miko Santiago"

Tumawa lang siya sana makaligtas kami at walang mabawasan. Nagulat kami ng biglang tumayo si Den at nandabog umalis. Tss ang laki ng problema ng isang iyon.

"I smell something buzzy"

Buzzy? Baka fishy. Sira-ulo rin yata ang isang to

"Kainan na!" Masiglang sabi ni Crissa.

Basta pagkain hindi magpapaawat si Crissa. Patay gutom ang isang to eh.

Umupo ako sa pinakadulo sa kanan tumabi naman sa akin si Crissa at sa harap ko ay si Alden. Tss hanggang ngayon ay nakunot-noo ang mukha niya

Habang kumakain kami ay nagsalit si lola.

"Ano nga pala nangyari sa inyo?"

Ewan ko kung bakit bigla kaming napatahimik lahat. Parang may dumaan na ang anghel.

Ako nalang ang sasagot mukhang wala silang balak na sumagot. Saka nasa state Pa sila ng shock.

"May namatay po sa amin pagpasok namin sa Death University"

tumigil sa pagkain si Lola at tiningnan kami.

Parang may pahiwatig ang tingin niya sa amin. Kasi tiningnan niya kaming lahat.

"Matagal na tinayo yang paaralan na yan. Dati naman ay hindi yan ganyan nagsimula lang maging ganyan noong nakaraang sampong taon"

Oo nga pala si Ate Claire yung anak ng Principal. Ay hindi pala niya anak kasi iba ang ina ni Claire.

"Ahmm. Lola kilala niyo ba si Mang Jose?"

Kilala ko lang si Mang Jose sa pangalan nito at hindi mukha. Sino ba kasi yan? Bakit kasi siya ang sinulat ni Ate sa libro. Eh hindi nga namin kilala.

"Si Mang Jose ay kilala sa tawag na Jo. Ayon sa chismis nakatira siya sa Alberean Sea. Pero maraming nagsasabi na patay na siya"

Tumahimik nalang ako panay kami lang kasi ni lola ang nag-uusap. Siguro naalala Pa nila. Pagkatapos namin kumain ay naglinis na ako ng aking katawan binigyan rin kami ni lola ng mga damit, uniform nalang kasi ang palagi kong sout. Mabuti nalang nakakain na ako at nakapagdamit ng damit na walang mantsa ng dugo.

Humiga na ako katabi ko pa si Crissa at Jeseryll. Medyo masama ang pakiramdam ko kaya pero pinabayaan ko na tanging ilaw ng gasera lang ang ilaw namin. Kaya ko naman tiisin ang sakit.

This is Long Tiring Day.

****

(Alden Zack Pov)

Hindi ako makatulog kanina pa ako palipat-lipat sa higaan ko. Wala naman akong Insomia.

Bumangon ako at tumingin sa mga kaklase ko. Hihiga na sana ako ng may naririnig akong umiiyak. Tang*na naman nito baka broken hearted.

Agad akong tumayo at lumapit sa mga kasama ko. Napatigil ako ng makita ko umiiyak si Riane. Sa hula ko ay nanaginip siya

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang noo niya. Ang init niya kaya pala ang matamlay siya kanina. Pansin ko rin na namumutla siya kasi ang kinis niya kaya mahalata mo talaga.

Pumunta ako sa kusina ng makita ko si lola. Mabuti naman at gising pa si Lola. Wala akong alam na gamot sa may sakita.

"Hijo bakit gising ka pa?"

Gising pala si Lola. Nakita ko na inaayos niya ang mga plato.

Paano ko ba sasabihin to.

"Lola. May sakit ko po kasi si Hayden, Ano po ang gamot sa may lagnat?"

Ngayon lang ako gagamot ng may sakit. Kaya to.

"Mainit na tubig at bempo lang. tapos mo sa katawan niya"

Ang bait niyang lola. Kung buhay sana si Lola. Ipunas sa katawan? Kaya ko ba?

"Sige po. Salamat"

Ngumiti sa akin si lola.

"Bagay kayo ni Hayden, o siya ito gamutin muna ang girlfriend mo"

Ang raming nagsasabi na bagay kami.

Girlfriend? Kailan ko pa na girlfriend yun napakamot nalang ako sa buhok ko iniwaksi ko nalang yun sa isipan ko. Hindi ganun ang type ko sa babae.

Lumapit ako kay Hayden at pinunasan ang leeg niya at ang kamay niya.  Maganda naman siya. Inilagay ko ang towel sa ulo niya. Agad kong tinapos ang ginagawa ko sa kanya baka may magawa pa akong masama. Baka saniban ako ng spirito ng kamanyakan.

Iniusog ko si Crissa at tumabi ako kay Hayden at natulog. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa?

***

(Kinabukasan)

Nagising ako ng may narinig ako nag- uusap. Ang aga naman nitong mambulabog.

"Paano nakarating si Alden dito?"

"At ang mas worse pa sa tabi ni Hayden"

"Diba katabi ko siya kahapon?"

Bumangon na ako at napatingin ako kina Greg, John, Arth, Jerome at Jerald. Tumingin sila sa akin ng nagdududa. Pero si Greg at John ay biglang ngumisi. Akala mo ay may nagawa akong masama.

"Problema niyo mg ungas. Alam niyo naman na hindi ako nakatulog ng maayos"

Umaga na may problema. Nakakasira ng tulog.

"Alden. May ginawa ka bang kababalaghan kagabi at wala kang tulog" Nakangising sabi ni John. Agad naman siyang binatukan ni Jerome.

"Ang dudumi ng isip niyo. Ginamot ko siya kagabi mga ungas!"

Masama bang tumabi kay Hayden? Ang weird ng tanong niya. Masama bang gumamot ng may sakit?

"Ikaw John. Umayos ka. Baka hiwalayan ka ni Jeseryll dahil sa kamanyakan mo"

"Sus may resepeto ako kay Jeseryll"

Bahala sila dyan.

Tumayo na ako at pumasok sa banyo. Naghilamos ako sa lababo at saka na lumabas. Pumunta ako sa hapagkainan napatingin ako kay Hayden.

Mukhang magaling na siya. Syempre magaling kaya ang gumamot sa kanya

"Salamat pala sa paggamot mo sa akin" Lumingon siya sa Akin at ngumiti.

Ito ang kauna-unahang na ngumiti siya sa Akin. Yung hindi peke para siyang anghel.

"Your welcome"

Iniwas ko ang tingin ko sakanya. Anak ng tokwa.

****

(Greg Mike Pov)

Hokage talaga si Alden akalain mo yun nakatabi ang crush niya alam kong matagal nang crush ni Alden si Hayden pero hindi niya lang maamin. Torpe ang loko. Saka sabi Pa niya na hindi niya type si Hayden. Naku utot niya star.

"Bukas na tayo aalis dito hindi pa tayo ligtas hanggang nasa ating libro at hindi pa tayo nakalayo" Biglang sabi ni Hayden at tumayo sa gitna namin.

Nakatingin siya sa amin. Anong pinapahiwatig niya?  Akala ko ligtas na kami since nakalabas na kami sa DU.

"What do you mean akala ko tapos na?" Maarteng sabi ni Beatrice at pasimpleng umirap kay Hayden.

May galit yata ang isang to kay Hayden.

"We are not safe here. Until the curse is not end. We need to break this book"

Tama naman siya.

"Paano natin masisira ang libro? Susunugin ba?" Tanong ni Arth

Susunugin? Bakit kailangan pang sunugin?

"Hindi susunugin ang libro, We need to give it to Mang Jose that live in Alberean Sea"

Napaisip kami tama siya dapat bukas makaalis na kami dito lalo na hindi pa kami nakalayo sa D.U baka madamay pa si lola. Saka ayon sa chismis matagal nang patay si Mang Jose.

Napatingin ako kay Alden na nakatulala lang kay Hayden. Torpe talaga ang isang to bakit hindi nalang niya ligawan?

Pero isa rin ako sa torpe. Na hindi kayang umamin sa taong napusuan niya.

***

P/S: Sorry for the late update. Co'z today is our exam.

-@missHYchii