Chereads / Better than Never / Chapter 1 - 1 | The New Cafe

Better than Never

🇵🇭zyronbenedict
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 18.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - 1 | The New Cafe

Madalang magtungo si Robin sa isang lugar na hindi siya pamilyar, gaya na lamang ng bagong bukas na coffee shop na iyon na sa tapat ng main gate ng UST malapit sa foot bridge. Madalas, sa Starbucks ng car park niya malimit hinihintay ang kapatid.

Pero dahil umuulan ng araw na iyon, doon na lamang siya nagdesisyong tumambay habang hinintay ang kapatid.

Now, what to buy? Tanong niya sa sarili habang nakatingin sa menu board. He decided to order espresso. "Saka honey glazed doughnut na rin," dugtong pa niya habang nakatingin sa cake stand. Tapos, minasa-masahe niya ang kaliwang panga. Bagong adjust kasi ang brace niya at naiirita siya.

"With ice?"

"Ha?" Ibinaling niya ang tingin sa tao sa kaha. Noon lang niya napagtantong ang gwapong lalaki nito. Slim face with strong jawline tapos matangos ang ilong. Magulo ang buhok nito pero bumagay naman.

"Do you want your espresso cold or not?" Ngumiti ang lalaki.

Ilang ulit siyang napakurap. He had to admit, gumwapo lalo ang lalaki nang ngumiti. "Oh no, he's hot," bulong niya. Tapos, napatakip siya ng bibig. 'Shit! Narinig kaya niya?'

The guy looked at him for seconds. "You like it hot, huh?" saad nito in a husky tone. At ngumisi pa pagkatapos!

Napamulagat tuloy siya. 'Shit!' Gusto niyang sapukin ang sarili. But rather than explaining himself, tumango na lang siya at kunwari'y iyon talaga ang ibig niyang sabihin. Nilabas rin niya ang PWD ID for a discount.

"So you're Maximus Robin. Nice name," kumento nito matapos tingnan ang ID niya. Nakangisi pa rin at nanatiling husky ang boses.

'What the fuck?' Napakunot siya ng noo. This guy was surely going overboard.

Thankfully, the guy did not say anything after. Inabala na kasi nito ang sarili sa pag-aasikaso ng order niya.

"Enjoy your meal." Binalik nito ang ID niya saka kumindat.

Kamuntikan na siyang mapaikot ng mga mata. Ayaw tumigil? And yet despite that, ramdam din niya ang matinding kilig.

-

SA TOTOO LANG, pinagsisihan ni Robin na dumating siya nang maaga. Buryong-buryo kasi siya dahil dalawang oras siyang nakatunganga sa coffee shop. Mabagal kasi ang data niya kaya hindi siya makapag-internet. Wala rin siyang dalang libro dahil natakot siyang mabasa iyon.

Biglang nag-alert ang phone niya. Nag-text na ang kapatid niya na pababa na raw ito.

"Hay, salamat naman," usal niya saka tumayo at nag-inat.

Makapagligpit na nga. Inipon niya ang mga pinagkainan sa tray saka dumiretso sa banyo. Pagkalabas, nagdesisyon din siyang lumapit ulit sa counter para humingi ng tubig. Noon lang niya napansin na babae pala ang nakatoka roon.

'Nasaan na kaya siya?' He looked around, hoping to see the handsome guy earlier. Tapos, natigilan siya at napakunot ng noo. 'Teka nga? Bakit ba hinahanap ko siya?' Pinilit niyang iwaglit sa isip ang lalaki.

Dumating din ang tubig niya na nakalagay sa puting paper cup. He thanked the woman before leaving.

Saktong pagtalikod niya, bumungad sa kanya si Aliyah.

"Kuya!" bungad pa nga nito dahilan para mapitlag siya at kamuntikan pang mabitiwan ang hawak na paper cup. Tumawa naman nang malakas ang kapatid niya dahil sa reaksyon niya.

He hissed. "Mahiya ka nga. Nasa coffee shop tayo."

Napaikot naman ito ng mga mata. "Hay nako, Kuya. Napaka mo talaga."

"Napaka ano?"

"Napaka… uh, ewan. Di ko alam ang term. Di naman ako writer gaya mo, e. Sareeeh!" Tapos, umabresiete ito sa kanya. "Tara na. Uwi na tayo bago pa umulan ulit."

Kaso unang hakbang niya'y nakahagip ng tingin niya ang lalaki kanina. Nasa may doorway ito, kausap ang guard.

Tinamaan ng magaling! Sakto pa ang pagharap nito sa pagpukaw ng tingin niya rito.

Natigilan siya at napalunok. Pakiramdam niya'y bumagal ang oras.

The guy was tall with amazing figure. Ang haba ng binti nito. Hindi tuloy niya maiwasang hagurin ng tingin, lalo na sa malaman nitong pang-upo. Hapit pa naman ang suot nitong uniporme na kulay brown kaya napakahalay tingnan.

'Shit! Shit!' Sigaw ng isip niya nang bigla itong ngumiti. 'What to do?' He knew it was the cue for him to look away, but alas, he was paralyzed!

His thought was interrupted when Aliyah suddenly screamed.

"Oh my God, si Aldous!" Niyugyog pa siya nito. "Kuya pa-pic tayo!"

"Ha? Sino--whoa!" Hinatak siya ni Aliyah hanggang sa malapitan na nila ang lalaki.

"Hello, you're Aldous, right?" tanong nito sa lalaki. "Pwedeng magpa-pic?"

Robin noticed the name tag of the guy. It said, "Hi, I'm ALDOUS". But who's Aldous, anyway? Bakit parang sobrang excited naman yata ni Aliyah?

Aldous expressed his approval with an enthusiastic, "Sure!" while that beautiful smile was still plastered on his face. Kinilig na naman si Aliyah. Bumungisngis pa nga sabay hampas sa kanya.

Pinandilatan naman ni Robin ang kapatid. "Masakit, ha?"

The guard volunteered to take the picture. Samantalang, pinagitnaan nila ang lalaki.

'Ang tangkad niya talaga, grabe,' isip ni Robin habang nakatingin sa mukha nito. Nasa leeg lang siya nito.

Suddenly, Aldous looked his way. Napitlag tuloy siya sabay iwas ng tingin. Then, he felt Aldous's arm on his shoulders. Hinigit siya nito palapit. Robin swore he felt some static electricity when their skin rubbed. Napalunok na naman siya saka pinilit ngumiti dahil nagbibilang na ang guard.

After three shoots with different poses, Aliyah decided it was enough. Kinuha nito ang phone sa guard at nagpasalamat. Pati kay Aldous, nagpasalamat ito.

"Welcome! Balik kayo ulit dito, ha?" sabi ng lalaki.

Tumango si Aliyah. "By any chance ba, you own this shop?"

"Actually, this is my mom's. During my free time, I help. Wala lang. It is just my way of unwinding from the limelight."

'Limelight? Celebrity ba ito?' Naningkit ang mga mata ni Robin habang nakatingin sa lalaki. Now that Aliyah mentioned it, parang pamilyar nga siya. Parang nakikita ko sa mga billboard?

Bigla na naman nitong ibinaling ang tingin sa kanya. And much like earlier, it caught him by surprise. Napitlag siya saka tarantang umiwas ng tingin.

Tumawa naman ang lalaki. "Ikaw rin, Max. Balik ka rito."

"Max?" nagtatakang aniya.

"Is it Robin? Di ba, Maximus Robin ang pangalan mo? I saw it on your PWD ID earlier."

"Oh." Napakamot siya ng ulo at umiwas ng tingin. "It's Robin."

"I see." Tumango-tango si Aldous. "So see you soon, Robin, okay? Aasahan kong makikita ulit kita sa ibang araw."

"Yeah, sure." He eyed Aliyah and pleaded with her to get out of here.

Agad namang pumayag si Aliyah, bagaman nakaukit sa mukha nito ang kakaibang ngisi. And with that, Robin already knew what she was thinking. Malisyosa pa naman ito!

"Taray! Naalala ni Aldous ang name niya," maya-maya'y bulong ni Aliyah sa kanya habang nilalabas niya ang payong mula sa bag pack niya.

"Stop it, Aliyah. It means nothing." Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Alam kong nabubuhay na naman ang dugong fujoshi mo."

Bigla itong tumawa. Napatalak na lang tuloy siya saka pinindot ang payong para bumukas iyon.

"Kung wala lang pala iyon, bakit nakatingin pa rin siya sa atin?"

Natigilan siya. "Ha?"

Aliyah puckered her lips and gestured him to look at the direction of the door.

Agad naman siyang sumunod dahilan para mapamaang siya. Aliyah was right. Nakatunghay sa nakabukas na pinto si Aldous. Sa direksyon nila ito nakatingin.

And the moment their eyes met again, Aldous smiled. Tapos, kumaway rin.

Robin's eyes widened. No, this was not real. Baka nagkakamali lang siya. Baka iba ang tinitingnan nito.

But when he looked around, he found no one. At nang ibaling niya ulit ang tingin kay Aldous, naroon pa rin ito. Ngumiti na naman nang magkatinginan sila.

Napalunok siya sabay hawak sa braso ni Aliyah.

"Umalis na nga tayo rito," tarantang bulong niya saka ito hinila.

Of course, Aliyah complained. Nasasaktan daw ito. But Robin ignored. Gusto lang niyang makalayo agad doon. It was creeping him out. No, not Aldous, but with his own feelings.

Because right then, his heart was thrashing so hard against his rib cage. Parang nais nitong kumawala sa dibdib niya. And he did not want that, especially not with a guy like that.