"Nag-enjoy ka ba?" tanong na lamang sa kanya ni Vincent habang naglalakad sila pabalik sa sa condo nila.
Ibinaling ni Robin ang tingin sa katabi. "Ha? Syempre naman." Tapos ngumiti siya. "Di ko ine-expect na weaboo ka rin pala gaya ko. Thanks nga pala dito, ha?" Tinaas niya ang hawak na paper bag mula sa isang anime merch shop.
"Welcome."
"Pero nakakahiya rin, ah? Ang mahal din nito."
"Sus, wag ka nang mahiya. Consider that as a gift from your new friend." Kinindatan siya nito.
With that, hindi niya maiwasang kiligin. Kinagat pa niya ang labi saka yumuko para pigilan iyon.
Kakagaling lang nila sa SM City Manila. Niyaya kasi siya nitong kumain sa isang Indian restaurant doon. Tapos, nagkataon din na napadaan sila sa Anime merch shop kung saan nga siya nito nilibre.
Sa wakas ay nakarating na sila sa condo. Saktong may elevator na pababa noon. They waited in front of it.
"Free ka ba bukas ng gabi?" tanong nito sa kanya.
"Bakit?"
"Wala lang. Imbitahan kita sa bar ko. Don't worry, libre ko naman."
Napakamot siya ng ulo. "Di kasi ako nagba-bar, e. Di ako umiinom."
"Try mo lang naman. Saka kahit isang shot lang." Nang hindi siya sumagot, bigla nitong kinurot ang pisngi niya. "Sige, ito naman. Libre ko naman. Saka malapit lang iyon. Kahit one hour lang. Para makita mo lang."
Ba't ba ang daming mahilig mangurot ng pisngi ko? Normally, Robin would be annoyed, lalo na kapag hindi naman niya ka-close. But he was really fine with Vincent. Gusto pa nga niyang ulitin nito. Maybe, a headpat would be nice too.
He just realized na ang bilis niyang nagtiwala kay Vincent. That was so not him. But he shrugged that thought off. Mukha namang katiwa-tiwala ang lalaki.
"Sige na nga. Saglit lang, ha?" pagsang-ayon niya.
"Yun! Don't worry, di naman kita lalasingin. Gusto ko lang talagang makita mo."
Saktong bumukas na ang elevator. Sabay silang napatingin doon.
"Hoy, Aliyah, san ang punta mo?" nandidilat na sita niya sa kapatid. Pasado alas nueve na rin kasi no'n.
Samantalang, nagulat din ito nang datnan siya. "Ikaw, ba't ngayon ka lang?"
"Sagutin mo ang tanong ko bago kita kalbuhin."
Nag-make face muna ito. "Sa 7-Eleven lang. Papa-load."
"Gabi na, gaga."
"Kailangan kong magpa-load! Paano ako gagamit ng Sakay.ph bukas, sige nga?" Medyo tanga rin sa direksyon si Aliyah, gaya niya, kaya umaasa pa rin ito sa GPS sa pagpasok.
Sasagot pa sana siya pero nagtaray ang babaeng di niya namalayan ay nasa likod pala niya. Agad naman siyang humingi ng paumanhin saka umusog para paraanin ito.
Samantalang, ngiti-ngiti naman si Vincent nang tingnan niya ito.
"Oh, paano, p're, una na ako, ha?" sabi nito habang papasok ng elevator. "Bukas na lang."
"Sige."
The door finally closed.
"Sino iyon, Kuya?" tanong ni Aliyah.
"Ah, new friend ko. Nakilala ko kanina sa gym. Taga-36M."
"Ah." Aliyah shrugged her shoulder, as if showing disinterest. "Anyway, samahan mo na lang akong magpa-load."
"Ano pa nga ba? Di pa kasi ginawa kanina, e."
Aliyah repeated what he just said in a mocking, nasal tone. Tapos, sabay silang lumabas ng condo.
"Ano naman iyang hawak mo?" Nginusuan nito ang paper bag na hawak. "Wow, Comic Alley? Sa'n kayo galing?"
Agad niyang tinago sa tagiliran iyon na para bang natatakot agawin nito. "This is mine!"
"Wala naman akong sinasabing kukuhanin ko." Napaikot ito ng mga mata.
"Boku no Hero keychains."
"What?!" Napamulagat ang kapatid. "Patingin!"
"Ayoko nga! Wala rin naman akong biniling Todoroki. Para wala kang aagawin." Patay na patay kasi ang kapatid niya sa nasabing character. Meron pa nga itong bolster na Todoroki na lagi nitong niyayakap sa pagtulog.
"What the heck?! Ang daya mo!"
Binelatan niya ito.
Di nagtagal, narating na nila ang 7-Eleven. While waiting for Aliyah, umupo siya saka binuklat ang key chain. Chibi ang disenyo niyon tapos hard laminated. When he first saw it, kulang na lang ay mangislap ang mga mata niya dahil sobrang cute kasi.
"Ay ang daya. Wala talagang Todoroki."
Mabilis niyang tinakpan ang mga key chain na nasa mesa.
"Parang tanga ito." Inirapan siya ni Aliyah saka inokyupa ang upuang katapat ng kanya. "Ba't kasi di mo ko binilan ng Todoroki?" nakangusong anito habang binabalatan ang biniling drum stick.
Robin complained na hindi siya nito binilhan ng ice cream. Aliyah said, "Nagpabili ka ba?". Inirapan lang niya ito saka tiningnan ulit ang key chains.
"Walang Todoroki," sabi niya ulit.
"Weh?"
"E kung lumpuhin kaya kita? Saka alam mo namang popular si Todoroki kaya mabilis maubos ang merch. Tamo, wala ring Bakugo." Pinakita niya sa kapatid ang key chains.
"Okay! Ang sungit na naman nito." Kinagatan nito ang ice cream. "San ka naman nanguha ng pambili niyan? Akala ko wala kang pera? Mahal kaya ng merch sa Comic Alley."
"Libre lang to. Bigay ni Vincent."
"Ay weh?"
"Oo nga!" Then, Robin began telling her about he found out about Vincent. Pati kung paano ito napasayaw ng marinig nila ang isang kanta ng TWICE sa mall, sinabi rin niya.
"Jusko, ang sagwa kaya niya panoorin kanina!" tawang-tawang aniya saka dinescribe kung gaano katigas ang katawan nito.
Tatango-tango lang si Aliyah. Mukhang hindi ito interesado sa kwento niya.
Despite that, hindi pa rin naman siya tumigil. Punom-puno siya ng happy vibe today, at gusto niyang ilabas iyon.
-
Sa totoo lang, may pagkakataon talagang gustong gulpihin ni Aliyah ang kuya niya. Napakatigas kasi ng ulo nito. Lalo na ngayong pinapalampas nito ang isang Aldous Fortaleja.
Hindi ko ba maintindihan itong si Kuya. Di alam kung wala bang taste o sadyang bulag.
She was sure na apektado ang kapatid niya sa charms ni Aldous. Ilang beses na rin niyang nakitang nag-blush ito. But for whatever reason, parang mas type pa nito si Vincent kesa kay Aldous.
Pocha, ano bang nagustuhan niya kay Vincent? E hipon naman iyon!
Hindi naman pangit ang lalaki talaga. Vincent has a portruding jawlines and a very manly aura. Ang ganda nga ng pagka-tan ng balat nito. Siguro, kung pakikinisin ang mukha nito (medyo malalaki kasi ang pores), baka gumwapo ito sa paningin niya.
But then, Aldous was among Robin's choices, and he was undoubtedly the best pick. Si Aliyah na mismo ang nanghihinayang sa ginagawa ng kuya niya.
Kaya naman iyon siya at natagpuan ang sariling nakatambay sa Clarksons. Half day lang ang klase niya noon dahil may faculty meeting raw pero hindi niya iyon sinabi kay Robin. Not when she was planning to fix Robin's mistake.
Base sa kanyang source, madalas naroon si Aldous tuwing Thursday.
Kaso bakit ang tagal? Kanina pa siya sumisilip sa cashier sa pagba-baka sakaling makita ito. Two hours na akong naghihintay, jusko. Gusto ko nang umuwi.
Biglang bumukas ang main entrance. Pagbaling niya ng tingin doon, kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa. Si Aldous kasi ang pumasok.
'Shet, pogi niya talaga.' Hindi pa niya maiwasang kiligin. Hapit na puting long sleeves at high waist na skinny Korean pants ang suot nito pero sobrang lakas ng dating dahil na rin siguro sa matikas na tindig.
"Kuya Aldous!" pagtawag niya sa lalaki.
Ibinaling nito ang tingin sa kanya at sumilay ang pamatay nitong ngiti. Humakbang ito palapit sa kanya. "Kumusta?" bati nito. Tapos, naiwang nakaawang ang labi sa ilang segundo na para bang napaisip. "Teka, ano na nga ulit pangalan mo? Ikaw yung kapatid ni Robin, di ba? A… Alyssa ba?"
O di ba? Si Kuya, naalala niya ang name pero ako, hindi. Nakapagpalitan na kami ng number ng lagay na yan, ah? She actually wished Robin was right there to witness it. "Aliyah. Ba iyan, Kuya Aldous! Hindi naalala name ko," pabirong tampo niya na sinamahan pa ng pagnguso.
Natawa ang lalaki saka humingin ng paumanhin sa kanya. "Pasensya na. Hindi kasi ako magaling magtanda ng pangalan, sa totoo lang," sabi naman nito. Tapos, tumingin sa paligid. "Si Kuya mo pala?"
Ayie, hinahanap niya. "Wala. Mag-isa lang ako actually."
Nabawasan ang ngiti nito. "Pero susunduin ka niya?"
Umiling siya. "Hindi na siguro ako papasundo. Mga bandang four ako uuwi. Maliwanag pa naman kaya keri na."
At tuluyan na ngang nawala ang maganda nitong ngiti. Ang pumalit ay disappointment. "I see." Tumango-tango ito saka umiwas ng tingin.
Napansin ni Aliyah na talagang lumungkot ito. Okay, that was a good sign, and she knew it was the cue for her to fulfill her plan.
"Saka ayoko kasing abalahin si Kuya. Busy e," dugtong pa niya. Below the table, her fingers were crossing. Gumana ka! Sana gumana ka!
Suddenly, Aldous's eyes flickered. Success! Nakuha niya ang attention nito.
"Bakit? Marami ba siyang sinusulat ngayon?"
"Sinusulat? Nope. He's busy with someone." Pasimple siyang sumipsip sa binili niyang coffee jelly. Ramdam kasi niyang mapapangiti siya, and she did not want to ruin her plan.
As expected, biglang kumunot ang noo nito. "With someone? Sino?"
"Yung nakilala niya sa gym dun sa condo. Last night, magkasama sila e. Nanood daw sila ng film tapos kumain ng ramen." The latter part was a lie. But Aliyah needed to make it sounded like they're dating. Kailangan niyang pagselosin si Aldous.
Kaso tinitigan lamang siya ni Aldous.
What the heck? Saglit siyang sumimsim sa inumin saka muling nagsalita. "And I think mamaya, lalabas sila ulit. Ewan ko ba doon kay Kuya. Di naman siya palakaibigan na tao pero out of nowhere, parang ang biglang super friendly niya sa isang taong kakakilala lang niya."
"Kailan lang ba sila nagkakilala?" Monotone ang boses ni Aldous pero randam na ramdam ni Aliyah ang tensyon doon. Ni hindi nga makatingin si Aldous sa kanya.
'Success!'
"Kahapon lang. Saka parang ang gagawin yata nila mamaya e movie marathon sa unit ni Kuya Vincent. Mag-isa lang kasi iyon doon sa tinitirahan niya." Sorry, God! Ang dami ko nang kasinungalingan today.
Napakamot ng ulo si Aldous. "I see." Tumango-tango ito. Tapos, ngumiti rin. "Sige, punta na ako sa counter, ha? Enjoy your drinks na lang." Tumalikod na ito at bumuntonghininga.
'Ano ba iyan? Ang bilis!' Hindi niya nasisiguro kung pipilitin ba ni Aldous na makipagkaibagan ulit sa kuya niya. Baka kasi mag-backfire ang ginawa niya. Baka tuluyan na itong sumuko dahil naisip na hindi talaga interesado si Robin na makipagkaibigan dito.
'Pero paano? Isip, Aliyah! Isip!'
Then, an idea popped in her head. Muli niyang tinawag ang lalaki. Tapos, tumayo siya para lumapit dito.
"By the way pala, birthday ni Kuya sa Sunday. Unfortunately, di kami makakauwi dahil may activity ako sa Lunes." Totoong hindi talaga siya makakauwi, pero hindi totoong birthday ni Robin. January ang birthday nito. Mas mauuna pa siya ng ilang araw.
Tulad nga ng inasahan niya, biglang bumalik ang kinang ng mata nito. Lalo na nang yayain niya itong sumama. "Well, kung free ka lang naman. Baka busy ka--"
"I'll join you. Saan ba?" Medyo napalakas pa ang boses ni Aldous noon. Halata rin sa mata ang excitement. Gusto na lang tuloy matawa ni Aliyah.
"Wala pa kaming plano e. Pero knowing Kuya, baka pumunta kami sa National Museum siguro. Matagal na kasi niyang gustong puntahan iyon ever since tumira kami dito. Di lang talaga siya magkaroon ng time."
Tumango-tango ito. "I see. Mahilig siya sa arts, ano? Nakita ko nga sa Instagram niya."
Umawang ang labi niya. "Nakikita mo?"
"Naka-follow ako sa kanya, actually."
'Grabe ka talaga, Kuya! Tingnan mo kung anong pinapalampas mo!' Aliyah concluded na hindi pa rin aware si Robin na naka-follow na si Aldous dahil hindi pa ito nagkwekwento. Siguro dahil hindi rin kasi ito ganoon ka-active o kaya ay baka ibang account ang gamit ni Aldous. "Sige. Basta, sama ka, ha? Wag mong kalilimutan."
"Sure. Ano nga palang gusto niyang regalo?"
Saglit siyang nag-isip. "Books. Fiction books. Iyon lang naman ang gusto niya. Pero kung bibilhan mo siya ng libro, go for crime or fantasy siguro. Wag yung mainstream, at baka meron na kami."
"Books, huh? Sige, sige."
"Also, Kuya, favor lang?"
"Ano iyon?"
"Wag kang magbabanggit ng happy birthday sa kanya. Wag mong ipapahalatang alam mong birthday niya. Basta, sama ka lang sa amin. Isipin mo na lang, gumagala tayo. Parang gano'n lang."
Kumunot ang noo nito. "Pero bakit?"
"Kasi…" Oh my God! "Ano… ah! Kasi conscious siya sa age niya. Ewan ko rin ba sa lokong iyon. Akala mo naman, matanda na kung ayawan ang pagse-celebrate ng birthday."
Nakita kasi niya sa isang status nito sa Facebook last year na ayaw nitong nagse-celebrate ng birthday. "Birthday is just a reminder that you are a year less from dying," was the exact quote.
Tumango-tango ulit si Aldous. "I see. Medyo emo talaga ang kuya mo, ano?"
Aliyah was not sure where did Aldous get that, but she still agreed anyway. She even rolled her eyes, then added: "And as for your gift, siguro… sabihin mo na lang na peace offering mo iyon. Remember, nagalit si Tita dahil pinapasok ka niya? Gano'n na lang ang gawin mo."
Bigla itong napakamot ng ulo. "About that, sorry. Di ko pa siya nakakausap kasi nahihiya ako, lalo na sa kanya. Hindi ko rin naman kasi alam na bawal pala ang bisita. You should have told me."
Napaikot siya ng mga mata. 'Ba't parang kasalanan ko? Sabagay, kasalanan ko naman talaga.'
"Wala iyon, sus! Sanay na rin naman ako dun. I actually grew up with a monster mom, you know?" Tinawanan niya ang sariling biro.
"Monster mom?"
Iling lang ang sinagot niya. She would not deny that their mom is quite scary, but it did not mean she would humiliate her. Mama pa rin naman niya ito at mahal pa rin naman niya kahit toxic ang ugali.
Aldous decided to bid his farewell after that. Si Aliyah naman ay nagbilin muna tungkol sa "birthday" ni Robin.
"Makakaasa kang pupunta ako. I'll free my schedule just for him." Kumindat pa ito.
Namula naman siya dahi sa ginawa nito. 'Paksyet ka, Kuya! Lakas talaga magpakilig nitong admirer mo!'
Saka lang sila tuluyang nagpaalam sa isa't isa. Nagdesisyon na si Aliyah na umuwi na. Bitbit ang bag at ang cup ng coffee jelly, ngingiti-ngiti siya habang palabas ng shop.
'Kaloka talaga! Ang sarap talagang mag-matchmake ng dalawang guy.' To think pa na isang bigating artista ang ipa-partner niya sa sariling kapatid? Aba, isang malaking fulfillment iyon para sa kanya!