Chereads / Better than Never / Chapter 3 - 3 | The Terror Aunt

Chapter 3 - 3 | The Terror Aunt

Sabado noon, pero mag-isa lang si Robin sa kanilang unit. May pasok kasi si Aliyah hanggang sabado, habang ang tita naman niya ay pumasok din. Workaholic talaga ito, at tuwing linggo lang nagpapahinga.

"Gusto ko nang umuwi ng Bataan!" reklamo niya habang sinasalang ang mga maruruming damit sa washing machine na auto.

Matapos i-set iyon sa gustong linis, nagtungo siya sa sala at pabagsak na dumapa sa sofa bed. Tapos nagpapadyak siyang parang bata bago padabog na dumapa.

"Nakakainis!" singhal na lamang niya. Hindi talaga niya gustong manirahan sa Maynila. He hates the crowd. Not to mention the noise sa tuwing lalabas siya.

Natigilan na lamang si Robin nang biglang magtumunog ang door bell. Kumunot ang noo niya. Magla-lunch time pa lang noon, at maghapon ang klase ni Aliyah. Gabi naman umuuwi ang tita niya.

Tumayo siya saka sumilip sa peep hole, dahilan para mapasinghap siya.

'Aldous?!' Napaatras siya. 'What the hell?'

Alam ni Aldous kung saan ang condo na tinutuluyan nila pero hindi nito alam kung ano ang unit number. Besides, hindi rin pwedeng pumasok ang outsider maliban na lang kung kasama ng tenant.

Maya-maya'y kumatok ito. "Robin? Si Aldous ito."

Napakamot siya ng ulo. Papapasukin ba niya? Instruction kasi ni Lani na huwag magpapapasok ng hindi nila kamag-anak. Ah, di bale na. Wala naman si tita.

Pinihit niya ang bolt para pagbuksan ito.

Pagngiti ang unang ginawa ng lalaki nang bumungad siya rito. "Hi?" masayang sabi pa nito.

"Bakit ka nandito?" nagtataka niyang tanong. "Paano ka nakaakyat? Bawal outsider dito."

Napawi ang ngiti ni Aldous. "Bawal ba?" Napakamot ito ng ulo. "Kasama ko si Aliyah pero bumaba siya ulit dahil may nakalimutan daw siyang bilhin."

Tumaas ang isa niyang kilay saka dumungaw sa labas para hanapin ang kapatid. She was nowhere to be found. "Hanggang hapon pa ang klase ni Aliyah, ha?"

"Half day lang daw sila ngayon. Wala raw ang prof niya sa accounting. Bale, nagkasalubong lang kami kanina kaya sinabay ko na rin siya tutal pauwi na ako," paliwanag naman ni Aldous. "Tapos, iyon, inimbitahan niya akong umakyat. Para raw makita ko ang unit n'yo."

Tinitigan lang niya ito saka kumurap.

"Anyway, may dala nga pala akong cake. Galing sa shop." Tinaas nito ang hawak na maliit na cake box na may lasong pula. "Dinalhan kita kasi sabi ni Aliyah baka raw hindi ka kumakain. Tamad ka raw kasing bumaba at kumain mag-isa kaya baka di ka pa kumakain."

Sa box naman napunta ang tingin niya. 'At ngayon, dinalhan din niya ako ng pagkain. What's going on?' Nakakagulat na nga ang kaibiganin siya ng isang Aldous Fortaleja, tapos ngayon may home visit at pa-cake pa ito. Aba, matindi! Kaunti na lang, maniniwala na siyang nananaginip lang siya.

"Ah, bawal ba akong pumasok?"

Napitlag siya. Hindi niya na-realize na napatagal pala ang pag-space out niya.

'Kaso si Tita? Ah, bahala na.' Sinagad niya ang pinto. "Tuloy ka."

He led Aldous inside. Shit, naglalaba nga pala ako! Mabuti na lang pala at sa kwarto niya pinaghiwa-hiwalay ang mga damit.

Ginala naman ni Aldous ang tingin sa kabuuan ng condo. "This looks nice. I love the simplicity."

Wala naman kasi masyadong gamit ang condo, palibhasa'y minimalist ang lifestyle ng tita nila.

Pinatong ni Aldous ang cake sa mesa. "Kumain ka na ba? Gusto mo, text ko si Aliyah tapos sabihan siyang ibili ka rin ng take out?"

'Wow, nagpalitan na sila ng number.' "Don't bother, Aldous. Kumain na ako." That was a lie, though. Wala pa siyang kain talaga mula pa kanina. Tanging dalawang tasa ng kape lang ang nagpabusog sa kanya.

"Oh, I see." Tumango-tango si Aldous. "Anyway, cake?"

Tumango siya saka kumuha ng dalawang saucer at tinidor mula sa cupboard. Nagsama rin siya ng bread knife. Nilapag niya iyon sa mesa.

Si Aldous naman ang naglabas ng cake. Noon lang napansin na ang metikuloso ng pagkakatali ng laso niyon. That thought made him smile. 'Siya kaya nag-ribbon niyan? Ang effort, ha?' Bigla siyang napakunot ng noo. 'Syet ka, Robin. Wag assuming. syempre, staff nila ang nag-ayos niyan.'

Cream cheesecake pala ang laman niyon. The sight made him drool, lalo na nang makita niya ang blueberries na nasa ibabaw niyon.

"Mahilig ka raw sa blueberry, sabi ni Aliyah, kaya ito ang kinuha ko." Ngumiti muli ang lalaki.

"Thanks." Pinilit niya ang sariling huwag ipahalata ang kilig.

Ngiti lang ang sinagot ni Aldous saka kinuha ang kutsilyo sa kanya. He sliced the cake into eight. Tapos, ito rin ang naglagay sa plato niya.

"Here. Enjoy." Kinindatan siya niya.

Kinuha niya ang tinidor at tinikman iyon. Kulang na lang ay magningning ang mga mata niya nang malasahan iyon. It was perfect! Balanse ang tamis at asim.

"Wow, this is good!" bulalas niya. "I should have tried it noong una akong tumambay sa shop ninyo." Nakita rin niya kasi niya iyon pero hindi niya pinili dahil mahal.

"Thanks. I made that."

Susubo na sana siya ulit noon, but the spoon left hanging. "You… made this?" Sinadya niya iyong gawin for me?

Tumango ito. "I made this last night, para sana kay Clark. Kaso nang magising kanina, sore throat na naman. Kaya iyan, binigay ko na lang sa iyo tutal sabi ni Aliyah, favorite mo raw."

Tumango-tango siya. He was disappointed. Akala niya, especially made for him. Sabagay, hindi naman kasi mabilis gawin ang cheese cake. 'Ikaw naman, self, sobrang assuming mo! Sino ka ba para ipaggawa ni Aldous ng cake?' Gusto niyang batukan ang sarili dahil doon.

So, to hide his frustration, binilisan na lamang niya ang pagkain. Inubos niya lahat sa dalawang subo.

"This is good," payak niyang sabi. He could not even look at him. The truth was parang nawalan siya bigla ng gana. "Really, really good."

"Bakit parang napipilitan ka lang?" bakas sa boses ni Aldous na parang nalungkot ito.

"Luh? Hindi ah? I really meant what I say. Isang slice pa nga." Nilapit niya ang platito rito.

"Okay, sabi mo." Muli itong naglagay ng isa pang slice sa plato nito. "Another slice for you, Mr. Robin

Tejada." Binalik nito sa kanya ang platito.

Kakainin na sana niya ito pero biglang hinawakan ng lalaki ang mukha niya. Nandilat tuloy siya, kasabay ay naramdaman niya ang tila kilabot na iyon.

Aldous wiped the left side of his lips. "Sige na nga, naniniwala na akong nagustuhan mo talaga," nakangiting aniya saka pinakita sa kanya ang bread crumbs na nasa hinlalaki nito.

Napalunok siya saka umiwas ng tingin. 'Kalma self aba!' Bumilis kasi ang tibok ng puso niya.

To distract himself, he focused on eating. Kaso hindi pa siya nakakasubo, biglang tumunog ang washing machine. Senyales na tapos na ang nilalaban niyon.

Agad siyang tumayo at lumapit doon. It was located beside the entrance door, opposite the toilet.

Inangat niya ang lid at dinakma ang mga laman niyong kulay puting damit.

"Naglalaba ka pala?" tanong ni Aldous habang nakapamaywang na lumalakad palapit sa kanya.

"Y-Yeah," hirap na aniya habang pilit na inaabot ang kailaliman ng washing machine. Ang lalim kasi niyon. The clothes he was already holding was making it harder.

"Let me."

Biglang sumiksik si Aldous sa tabi niya.

Nandilat tuloy siya. But before he could react, naamoy niya ang pabango nito. Allergic talaga siya sa pabango, pero hindi naman matapang ang amoy ng perfume ni Aldous. Parang hindi naman ito gumamit nang marami. Mas nangibabaw kasi ang natural nitong amoy.

Ibinaling nito ang tingin sa kanya. Tapos, bigla na namang ngumiti.

Pakiramdam ni Robin ay naging triple ang bilis ng tibok ng puso niya. 'Shit, ba't ganito?' Napalunok pa siya.' Don't react this way, Robin! Masyadong mataas si Aldous. He's beyond your reach! Masasaktan ka lang kapag umasa ka!'

And yet, his body would not listen. Na-estatwa siya habang nakikipagtitigan dito.

But what confused him was the fact that Aldous was not moving away either. Sa halip, hinawi nito ang bangs niya. Medyo mahaba na kasi iyon at natatakpan na ang kaliwa niyang mata.

Then, Aldous touched his cheek. Ngumiti na naman ito pagkatapos.

Napalunok na naman siya. 'Shit! Shit! Shit!'

He did not like what was happening. Para itong nababasa lang niya sa mga sobrang idealistic na romance fiction. This cannot be happening.

Kaso, biglang tumunog ang doorbell.

Taranta siyang napatayo nang tuwid. 'Oh my God,' sigaw niya sa isip habang naghahabol ng hininga. He was actually sweating now!

Muli na namang nag-doorbell. "Sandali!" iritadong aniya. Sino ba ito? Di makapag-antay? Sumilip siya sa peephole dahilan para mapabulong ng mura. Si Lani!

Nakaawang ang labing napatinign siya kay Aldous.

"Di mo ba pagbubuksan?" nagtataka nitong tanong. "Baka si Aliyah na iyan."

"No, it's not her. Si Tita--" Napaigik siya nang kalampagin ni Lani ang pinto.

"Robin, ano ba?" Sa boses pa lang, alam na niyang mainit ang ulo nito!

Napapikit na lamang siya saka tahimik na nagdasal na sana huwag itong magalit. Saka lang niya sinubukang pihitin ang bolt. Pero dahil sa mga hawak niya, nahirapan siya.

"Ako na," pagboboluntaryo ni Aldous saka nagkusang gawin iyon.

"Wag--"

Too late. Nabuksan na ni Aldous ang pinto.

"Ano ba at ang--" Natigilan si Lani nang makitang iba ang taong nagbukas.

Ngumiti si Aldous. "Magandang tanghali po," magiliw na bati nito saka sinagad ang pinto. "Aldous po pala. Kaibigan po ako nina Robin at Aliyah."

Samantalang, kung wala siyang hawak, sapo na ni Robin ang mukha. Hindi na niya kailangang hintayin ang mangyayari. Alam niyang mambubulyaw ang tiyahin niya!

At iyon nga ang nangyari.

Hinarap siya ng masungit na tita. "Sino ito, ha? Hindi ba sinabi kong huwag magpapapasok ng hindi natin kamag-anak, ha?! Lalo na kung walang paalam sa akin!" Sa lakas ng boses nito, umalingawngaw pa iyon sa hallway. Narinig din ni Robin ang pagbukas ng ilang kalapit ng pinto, para siguro maki-usyo sa kaganapan.

Robin wanted to explain, but knowing his aunt, he just decided to look down. Mainit ang ulo nito. He was sure that no amount of explaining would convince her.

Hinarapan ni Lani si Aldous. "Ikaw, lumayas ka rito!" Hinila nito ang shirt ni Aldous saka pinagtulakan palabas. Once he's out, Lani added, "Wag kang babalik dito!" Sabay balibag ng pinto at lock ng bolt.

Hinarap siya ng tiyahan at sinermunan. Dinuro-duro pa nga.

"Kung simpleng bilin ko lang, hindi mo pa masunod, mag-empake na kayo at maghanap ng ibang matitirahan!" huling sabi nito saka pumasok sa kwarto at binalibag ang pinto.

Di rin nagtagal, bumukas ulit iyon saka pinagbabato ang mga maruruming damit naroon. "Ayusin mo ang trabaho mo! Punyeta!" Tapos, muling binalibag ang pinto.

Napalunok na lang si Robin at pinilit ang sariling huwag maiyak. Humila siya ng isang upuan sa dining area at pinatong doon ang mga kakalabang damit. Tapos, isa-isa niyang pinulot ang mga nagkalat na maruruming damit at nilagay iyon sa washing machine.

Pagkatapos niyang mag-set ay saka lang niyang hinayaang bumuhos ang mga luha.

E bigla na namang may nag-door bell.

"Ano ba iyan? Nag-eemote ako dito, e," reklamo niya habang pinupunasan ang luha.

Tapos, sumilip siya sa peephole. Si Aliyah pala iyon. Agad niya itong pinagbuksan. Nakayuko pa siya nang gawin iyon para hindi makita ng kapatid ang pag-iyak niya.

Kaso parang aware na yata si Aliyah sa nangyari. "Kuya?" nag-aalalang anito.

"Oh?" Suminghot siya.

Aliyah did not say anything, though. Lumapit lang ito saka siya niyakap.

"Sorry. It's my fault," sabi pa nito saka dinukdok ang mukha sa balikat niya. "Kung alam ko lang na maagang uuwi si Tita, di ko sana niyaya si Kuya Aldous dito."

"Buti alam mo," mataray naman niyang sabat. Pero gumanti siya ng yakap sa kapatid at hinayaang tumulo ang luhang pinipigilan kanina.

Maybe he was overreacting, pero pakiramdam talaga niya'y aping-api siya kanina.