CHAPTER 2
[ THIRD ]
"GOOD MORNING, EINVER!" Masayang bati ng doktora sa kaniya ng makita siya sa table niya. Mahina pa siyang nabigla ng marinig ang masigla nitong boses ngunit mas lalo lamang siyang nabigla ng lumapit ito sa kaniya at yumakap na naman.
"E-Err.. M-Morning" mahinang sagot niya at medyo nautal pa dahil sa kilos nito.
Tumawa naman ito at lumayo na sa kaniya. Dumiretso kaagad ito sa sariling lamesa at umupo.
"Schedule?" Tanong nito. He immediately grab his ipod and check her schedule.
"Ahm, you have a new patient this 10:00 A.M. to 11:30 A.M. then in the afternoon.. You have a sessions with Ms. Santisme in 1:00 P.M. to 3:00 P.M., then with Ms. Lin in 3:30 P.M. to 5:00 P.M.,.. And lastly, with Ms. Cabandez in 6:40 P.M. to 8:00 P.M." mahabang saad niya habang nakatingin sa ipod at sinasabi ang mga schedule nito.
Narinig naman niya ang pagbuntong hininga nito.
"8:00 P.M.? Mago-over time na siguro ako" umangat ang tingin niya at kunot noong tinignan ito.
"Over time?" Tumango ito.
"Yes, after 8:00 ay may kailangan pa akong asikasuhin tungkol sa mga conditions ng pasyente" sagot nito.
"Hanggang anong oras ka?"
"Ahm, I think 11? Or more than that I guess. Hmm.. Siguro paghindi pa ako matapos ay sa private office na lang ako magpapahinga" sagot ulit nito.
Napa-isip naman siya. Hindi ba delikado sa ospital? He sigh.
"Then I should--"
Napatigil sa ere ang sasabihin niya sana ng tumunog ang cellphone niya. He pick up his phone and look who is the caller.
At nang makita niya ang pangalang Nana ay agad siyang napatayo at sinagot ito.
"Hello?" Sumenyas siya sa doktora na lumabas muna at nang tumango ito ay kaagad siyang umalis sa opisina.
"Einver.." Tawag ng nasa kabilang linya.
"Nana? Anong kailangan mo?" Kunot noo niyang tanong sa ka-usap.
He heard her sigh and say.. "Kailan ka daw babalik?"
Nang marinig ang mga salitang yun ay walang pag-aalinlangan niyang binaba ang tawag at naglakad pabalik sa opisina na parang wala lang ngunit sa isip niya ay muli na namang bumagabag sa isipan ang tinanong nito.
Kailan nga ba siya babalik? Hindi niya alam ngunit alam niyang hindi pa ito ang tamang oras.
And besides, why are they always pulling me to come back? Hindi naman talaga ako umalis dahil kung ganun nga ay--
He suddenly stop stepping to go inside the office when he saw the doctor hugging another doctor. And it's Dr. Salvador..
Napa-iling na lamang siya at bumalik sa lamesa ng tahimik. Sanay na sanay na talaga siyang nakikita itong may kayakap na kung sino sino na lang. Mukhang hindi na nga siya magugulat kung makitang may kayakap itong kakilala lang. It's like a manner of hers. Hugging everyone like a pillow. Ni hindi nga nito alam kung ano ang epekto ng ginagawa nito sa kaniya. Like how his heart pound fast every time-- No.. Marahan siyang umiling iling sa naiisip.
Kung ano ano na naman yata ang pumapasok sa isipan niya.
"Thank you, Sept" rinig niyang pasasalamat ni Dr. Salvador at saka niya nakita ang papalapit nitong anyo sa may pintuan palabas.
"Welcome, Israel!" Magiliw pang tugon ng doktora dito at saka na tuluyang naka-alis ang doktor.
Sakto namang muling bumukas ulit ang pintuan at pumasok na doon ang dalawang babae. Ang isa pa'y mukhang balisang balisa na sa tingin niya'y magiging pasyente ngayon.
Tumayo naman siya at nilapitan ito.
"How may I help you?" Agad niyang tanong dito. Tumingin naman ito sa kaniya at bahagyang napaatras.
"Hi" bati nung isang babae at inabot pa ang kamay sa kaniya. "I'm Jennalyn Snyder and this is my friend.." Baling nito sa kasama at bahagya pang siniko.
"A-Ahm.. I-I am L-Lilith Renée" pakilala nito na halatang nene-nerbyos. He slightly nod at tumalikod na sa dalawa ng hindi tinatanggap ang kamay ng nagpakilala.
Lumapit siya sa doktora at bahagya pa itong nginitian.
"Your new patient has arrive, Doc" pormal niyang sambit. Ngumiti naman ito.
"Okay, let them come here please" tumango lamang siya bilang tugon at pina-upo na ang dalawang bagong dating.
Siya nama'y binigyan ng maiinom ang kasama ng pasyente na kaagad ngumiti ng makita siyang sumulyap dito.
"H-Hi.." Nahihiya pa nitong bati ngunit tinignan niya lamang ito at kiming tumango bago muling tinalikuran.
Bumalik siya sa lamesa at umupo na sa upuan at tinignan at doktora na ngayon ay bahagyang nakataas ang kilay dahil sa nakitang inakto siya. Nagkibit balikat lamang siya kaya napa-iling ito at nakangiting binalingan ang pasyente.
"Your name?" Ngiting tanong nito.
"L-Lilith Renée" kinakabahang sabi ng kaharap at bigla na lang tumayo. Lumapit ito sa kasama at hinila patayo.
"Ahm, I-I can't do this! L-Let's go home!" Balisang saad nito sa kasama.
"Hey! Napag-usapan na na'tin to diba? Bumalik ka nga dun!" Inis na saad ng kasama. Tinignan naman niya ang doktora at napansing nakatitig lang ito sa dalawa.
"Ayoko na nga eh!"
Tumalim naman ang tingin ng kasama. Mukhang mas lalo itong naiirita sa inaasta ng kaibigan.
"Lilith! Hindi pa nagsisimula!" Galit nitong sambit.
"Ayaw!" Tanggi nito at pinilit pang hilain ang kasama paalis.
"Ms. Renée? You're still a student right?" Biglang tanongng doktora na nagpatigil sa kanila.
"Y-Yes.."
"Ohhh.. A college student?"
"Y-Yes.."
"Course?"
"A-Ahm, e-education.. Err, W-Why?"
"Really?" Masiyahing tanong ng doktora.
"A secondary teacher, right? So how's school? Mahirap ba ang course na yan? Anong kadalasang ginagawa niyo? Ahm, wait.. Anong major subject pala ang kinuha mo? Math? Science--"
"Enough!" Sigaw nung Jennalyn na halata mong naiirita na sa mga sunod sunod na tanong ng doktora.
"Ano bang klaseng mga tanong yan? Akala ko ba psychologist ka? What kind if questions was that? Ano'to?! Interview? Nakakapikon na ka ah!" Galit nitong saad sa doktora na hanggang ngayon ay nakangiti parin sa kanila.
"Anong nginiti-ngiti mo diyan? Stop--"
"Jen!" Pagputol ng kasama at tumingin sa doktora. Nahihiya pa itong ngumiti.
"Pasensiya na po. Ganito po talaga itong si Jen eh. Talagang sinasabi niya yung kung ano ang nasa isipan niya. May pagka-war freak po itong kasama ko"
"Huy! Anong sinasabi mo diyan? Bakit mukhang mas pinapanigan mo sila? Ano?! Kaibigan ba talaga kita?!" Galit na namang sambit nito sa kasama.
"SILENCE!" Biglang sigaw ng doktora na ikinagitla nilang tatlo. Nagbago bigla ang awra nito. Nawala ang masiyahing doktor at napalitan na naman ng ibang ugali.
"Can I ask some questions, Ms. Renée? And please answer it honestly" mahinahong paki-usap ng doktora ngunit bakas sa mukha nitong hindi na natutuwa sa pagsasagutan ng dalawa.
"Y-Yes, of course" sagot naman ng babae.
"Umupo muna kayo" saad nito. Kaagad namang umupo si Renée habang nanatiling nakatayo ang kasama.
"Ikaw? Umupo ka" mahinahong aya ng doktora. Umirap naman ito bago sumunod.
"Now.. Ms. Renée" biglang ngiti nito.
"Is Ms. Snyder easily distracted?" Tanong nito ng nakangiti.
"H-Ha?"
"Is she usually irritated?" Muling tanong nito. Unti-unting namang kumunot ang noo nila.
"Teka.. Anong--"
"Does she often forgetting or losing things? How about in school? Does she even follow instructions well? Ahm, Balisa rin ba siya? Like she's always talking non-stop or rushing around?" Sunod sunod na tanong nito kay Renée ngunit nakatingin naman kay Snyder.
"Yung ugali niya ba? Talagang ganiyan siya magsalita? Does she even consider if she was hurting someone pagnagsasalita siya ng kung ano ano? How about--"
"ANO BA?!" sigaw ni Snyder at muling napatayo.
"Nang-aasar ka ba? Ano ba yang mga tinatanong mo? She.Is.The.Patient. Tandaan mo naman yan--"
"Alam ko--"
"Then bakit tungkol sa akin naman ang tinatanong mo? Tsk! Tara na nga Li! Ginagago naman tayo nito--"
"ADHD" napalingon sila sa doktora.
"What?"
***
To be continue...