Chereads / ASSASSINATING PSYCHOLOGY / Chapter 6 - CHAPTER THREE

Chapter 6 - CHAPTER THREE

[ THIRD ]

"POST TRAUMATIC STRESS DISORDER" deklara ni Dra. Sobejana sa kaharap nitong kamag-anak ng pasyente.

"A-Ano ho yun, Doc?" Kinakabahang tanong ni Amalia na siyang nakakatandang kapatid ng pasyente na ngayon ay nakahiga sa hospital bed at walang malay. Bakas sa tono ng boses nito ang pag-aalala para sa kapatid.

"PTSD ay isang psychological condition kung saan ang isang tao ay nagkakaroon ng matinding trauma mula sa isang matinding trahedya. Tulad ng condisyon ngayon ni Nathalie, Ms. Amalia. Maaaring nakuha niya ito sa nangyari doon sa kweninto mo kanina. Symptoms of PTSD are having traumatic flashbacks, nightmares, panic attacks and jumpy. Ito yung sa kung saan madaling magulat ang isang tao sa isang simpleng ingay lang. Natri-trigger ang isipan nila at naaalala nito ang mga nangyari" paliwanag ng doktora.

"G-Ganun po ba? Ano naman po ang maaaring gawin para gumaling ang kapatid ko?"

"May mga therapies na gagawin para sa kaniya. Cognitive Behavior Therapy. Dito ay unti-unti nating ipapaintindi sa kaniya ang mga nangyari. Unti-unti nating aalisin ang mga pangyayaring iyon para sa sununod ay hindi na ito ang mangyayari sa kaniya" mahinahong sagot ng doktora.

"S-Sige po. Gawin po natin ang lahat para bumalik na sa dating sigla ang kapatid ko" nag-aalala nitong saad. Lumapit ito sa kapatid at mahinang hinaplos ang buhok nito.

"Sana pagkatapos ng therapies niya ay bumalik na siya sa dati niyang sigla. Miss na miss ko na ang kapatid ko. Malayong malayo siya sa kung ano siya noon at ngayon. Nag-aalala ako ng sobra" tipid na ngumiti ang doktor.

"Hwag kang mag-alala, Ms. Amalia. Gagawin namin ang lahat para sa kapatid ninyo" pagpapakalma nito.

"Anyway, we have to go now. May mga iba pa akong pasyente na kailangang asikasuhin. Babalik na lang dito si Einver para sabihin sa inyo ang schedules ng session namin ng kapatid mo. Take care, Ms. Amalia. Good day!" Paalam ng doktora habang nakangiti.

"Sige. Maraming salamat" paalam din nito. Tipid na ngumiti lang ito bilang tugon at sabay silang lumabas ng room.

Rinig niya ang pagbuntong hininga nito kaya napatingin siya dito.

"Hayy.. Nakaka-awa sila. Nathalie is just 10 years old pero naranasan na niya ang ganitong trauma. I hope she will get better" malungkot nitong pahayag.

He gently tap her head. "It will be fine, Sept. Don't worry too much okay?" Pagpapakalma niya dito. Ngumiti naman ito at biglang ipinulupot ang kamay sa kaliwa niyang braso.

"Thank you. Tara na?" Tumango lang siya.

Habang naglalakad sila pabalik sa opisina ay nakasalubong nila si Dr. Salvador kasama ang assistant nurse nito.

"Hi, Israel!" Masiyahing bati ng doktora. Ngumiti ang doktor.

"Hi to you too, Sept" balik nitong tugon. Napatingin naman ito sa kaniya at bumaba ang tingin sa kamay ng doktora na nasa braso niya.

Kitang kita niya ang pagguhit ng ngisi nito sa mga labi at may halong pang-aasar na tumingin sa kanilang dalawa.

"I see.. Mukhang nagkakamabutihan na kayo ah" ngising asar nito na hindi niya binigyang pansin.

Waka siyang paki-alam sa kung ano man ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanilang dalawa. They're just co-workers. Nothing more and less. At alam naman niyang ganun din ang doktora sa kaniya.

Tumawa ang kasama sa kaharap. "Ano ka ba! Mag-kaibigan lang naman kami ni Einver, diba?" Ngiting humarap ito sa kaniya.

Inalis naman niya ang kamay nito at walang ganang sumagot.

"No, we're not friends" sagot niya. Nakita niya ang gulat sa mga mukha nito dahil sa sinabi niya kaya mahinahon ngunit wakang emosyon siyang nagpatuloy.

"We're just co-workers." Malamig niyang wika at nagpatuloy na sa paglakad. Iniwan niya ang mga ito na gulat na gulat sa sinabi niya.

Mahina na lamang siyang napa-ismid at winaksi sa isipan anang nangyari.

Nagtuloy tuloy siya sa pagpasok at dumiretso kaagad sa lamesa. Inabot niya ang ipod at napagdesisyunang ituon ang pansin sa kung ano man ang nangyari kanina.

She's really a professional. Aminin man niya o hindi ay talagang napahanga siya sa galing nitong kumilatis ng isang tao. Alam na alam nito kung ano nga ba ang sinasabi at tinatanong sa kausap. Kakaiba rin ang talaga ang pamamaraan nito at napapahanga na lang siya kapag napapakinggan ito.

"Hmm.." Umangat ang tingin niya sa pintuan ng marinig ang pagbukas nito at ng isang tinig.

Nakabalik na rin ito. At kagaya ng inaasahan niya ay akala niya'y lalapit ito upang yumakap ngunit dire-diretso lang ito sa paglakad at umupo na sa desk nito. Hindi rin ito tumitingin sa kaniya na parang hindi siya nakitang naka-upo. Which is very unusual, usually ay lumalapit talaga ito para panandaliang yumakap sa kaniya at binibigyan pa siya ng isang malapad na ngiti.

He sigh. Na-offend ko ba siya? Yan ang katanungang pumasok kaagad sa isipan niya ng maalala ang sinabi kanina. Co-workers.. Yan naman talaga ang estado nilang dalawa, diba? Well.. Para sa kaniya, Oo pero mukhang iba para sa doktora.

He sigh. But he don't care at all. Ano naman ngayon kung yun nga? Wala siyang paki-alam kung nagalit ito o ano man. Kung hindi siya nito papansinin ay ayos lang sa kaniya. Wala naman siyang balak makipag-kaibigan sa kung sino mang narito sa hospital.

And they might just pretending as if they don't know me. He smirk at that thought. Yun nga naman diba? Klarong klaro na sa pangalan kung sino nga ba siya. Baka nga ito lang ang dahilan kung bakit ito naging ganiyan sa kaniya eh. Who is he? He won't discuss it anyway.

"Na-set mo na ba ang schedule ni Nathalie?" Mahina siyang nagitla ng marinig ang doktora.

"Hindi pa" sagot niya. Tumango ito habang nasa folder ang tingin.

"Then do it now. Baka magising na siya. Kailangan mo ng ipaalam ang schedule para maayos na din nila. Naghihintay rin sila dun sa room" saad nito. He just nod and look at his ipod.

He then set the schedule. Tumayo siya pagkatapos at lumapit dito.

"Friday, 3:00 P.M. and Monday, 10:00 A.M. That's her schedule. Ayos na ba yun?" Tanong niya. Tumango lang ito at mukhang abala pa sa pagbasa sa kung ano yung nasa folder.

He sigh. "I'll go ahead" muli na naman itong tumango bilang tugon kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumalikod na para umalis.

Nasa tapat na siya ng pintuan at aakmang lalabas na para umalis ng marinig ang tili nito.

"OMO!" Mabilis siyang humarap at nakita itong mahinang nagtatalon. Malapadang ngiti nito sa mukha at mukhang masayang masaya pa. Kumunot ang noo niya.

"Anong--"

"Yes! I need a happy hug now!" Masigla nitong sambit at bitbit ang folder na biglang tumakbo.

He sigh. He expected her to hug him but to his shock was she just pass him like he's just an air. Kumaripas ito ng takbo palabas at narinig na niya ang masaya nitong tili.

"Israel, My Friend! I need a hug because I have good news!"

Naiwan naman siya sa loob at medyo napaawang pa ang labi sa gulat. What was that?

To be continued..