Chereads / ASSASSINATING PSYCHOLOGY / Chapter 7 - CHAPTER THREE

Chapter 7 - CHAPTER THREE

LUMIPAS ANG DALAWANG ORAS ay muli itong bumalik sa loob ng opisina kasama si Dr. Salvador. Napansin naman niyang nakangiti parin ito ng malapad. Mukhang masayang masaya ito and yeah, he's damn curious.

"Congrats, Sept!" Masayang sambit ni Dr. Salvador na siyang ikinagulo niya. Congrats? Why? Naitanong niya sa sarili.

"Congrats agad? Hindi pa nga eh. May isa pa akong assignment na kailangang gawin bago mangyari yun, Is!" Natatawang tugon naman nito. Tumawa rin ang doktor.

"Nah! That assignment is just easy. Siguradong malalampasan mo din yun then viola! You'll be promoted!" Muli namang nagtawanan ang dalawa kaya mas lalo siyang naguluhan ngunit ng marinig ang mga salitang assignment and promoted ay alam na niya ang ibig sabihin nun.

Lumapit ang doktora sa kasamahan ay yumakap ito.

"Thank you, Is!" Masayang saad nito kaya umiwas na lang siya ng tingin at ibinalik ang tingin sa ipod.

"Anyway, how about dinner? Gusto mo? Para mapag-usapan na rin natin yung tungkol sa assignment mo at matulungan kita. My treat" rinig niyang sabi ng lalaking doktor.

"Dinner? Hmm.. Sige!" Payag ng doktora.

"Then see you later, September. Take care" umangat ang tingin niya at sakto namang nakitang magkayakap parin ang dalawa. Humalik pa ang lalaking doktor sa noo ng doktora kaya wala sa sariling naibagsak niya ang hawak.

Sandaling tumingin ang dalawa sa kaniya dahil sa lumikha ito ng tunog pero kalauna'y hindi na siya pinansin.

"See you, Is!" Paalam ng doktora na hinatid pa ito sa may pintuan. Nang tuluyan ng naka-alis ang doktor ay muli itong bumalik sa desk at binasa ulit ang folder.

Huminga naman siya ng malalim at tumayo. Nagtimpla siya ng isang cold chocolate drink na may maraming marshmallows sa ibabaw at inilapag iyon sa harap.

Napatigil naman ito at napatingin sa drink bago sa kaniya. Tipid itong ngumiti.

"Thanks.." Simpleng sabi nito at ininom na ang tinimpla niya.

Sandali siyang naghintay sa susunod nitong gagawin at ng mapansing wala itong balak ay napabuga siya ng hangin at tumalikod na. I guess hindi ko na--

Stilled. He stilled when he felt a soft arms that suddenly envelope him. Bumaba ang tingin niya dito at nakitang nakayakap na ito sa kaniya galing sa likod.

"Sept.."

Ngunit sandali lang ito at kaagad humiwalay sa kaniya. Hinarap naman niya ito at nakita ang mukha nitong mukhang na-iilang.

"Ahm, I'm sorry for that. Old habbit dies hard" ilang nitong sabi.

"Why said sorry, Sept?" Taka niyang tanong.

"Ahm, naisip ko kasi na hindi talagang tama na mangyayakap na lang ako ng kung sino" lumalim ang gatla sa noo niya.

"Ng kung sino?" Mahina itong tumango.

"Yes, lalo na kung hindi ko naman kaibigan" natigilan naman siya sa sinabi nito.

"W-What?"

"I'm really sorry if I'm clingy to you, Mr. Cruz. Nakasanayan ko na talaga kasing yumakap eh. I'm the Hugging Monster Doctor, right? But I realize that it was wrong so I'm very sorry" paumanhin nito.

"But don't worry anyway. Hindi ko na yun uulitin. Ahm, sa iba maybe pero sa'yo talagang hindi na" ngiti nito at itinaas pa ang isang kamay na parang nanunumpa.

"Bakit sa akin lang?" Hind niya maiwasang itanong dito.

"Cause we are just co-workers. That word is equivalent to stranger to me, Mr. Cruz" direktang sagot nito. Hindi naman siya makasagot sa sinabi nito. Natahimik siya.

"But I want to say thank you" napatitig siya dito.

"Why?"

"That was an eye opener. Thank you for saying that kasi may natutunan ako. Dapat pala may label ang lahat para alam mo kung ano yung dapat gawin. Like limitations. So yeah, thanks for that.. Einver" ngumiti ulit ito at naglakad na paalis.

Napatitig naman siya dito at sa hindi malamang kadahilanan ay nilapitan niya ito at hinawakan ang braso. He deeply sigh.

"Let's be friends, September" napatigil ito at gulat na tumingin sa kaniya.

"What?"

"Let's be friends.." Nakita niyang magsasalita sana ito ngunit agad niya itong pinigilan.

"AND! No questions why, okay?" Kaagad na tumikom ang bibig nito. Natahimik sila sandali kaya siya na ang unang kumilos.

Lumapit siya dito at kaagad na yumakap. Naramdaman niyang natigilan ito ngunit agad ding yumakap pabalik ng mahigpit sa kaniya.

"Thank you.." Bulong nito na ikinangiti niya ng palihim.

It's settled then, September Sobejana. We are now officially friends.. Thank you.

***

Feedbacks..