Flash back
"Shaina!" untag sa kaniya ni Ken dahil kulang na nga lang ay parang kainin na siya nito, highschool pa lang sila ay nagka-syota na siya.
Masaya siya kapag kasama niya Ken, lalo pa't classmate sila, yun nga lang gusto niyang sakmalin ang babaeng dumidikit rito kahit taken na 'bakit kaya nagliparan na mga linta sa mundo.'
"Ito nga pala ang juice para sa'yo."
"Sweet naman."
"Here!" abot nito ng juice sa kaniya, sabay kiss sa pisngi, kahit magsyota na sila ay di humahalik sa mismong labi niya at yakap pati hawak lang magagawa nito dahil mas gusto nito kapag kasal na sila duon lang daw niya ito pagbigyan.
Pero sa di inaasahan, nakita niya ito may iba, at katabi sa kama. "Let me explain" ngunit dali siya kumaripas ng takbo, 'bakit?' Umiiyak siya nang umiyak saka sinabi ang mga katagang "hiwalay na tayo."
Ang huling narinig na lang niya ay umalis ito at nagtungo sa America para ipagpatuloy ang pagaaral at dun magtrabaho.
End of Flash Back
Ngayong kaharap ulit ang dating ex ay di niya alam kung ano ang gagawin niya, naiilang siya sa bawat tingin nito sa kaniya. "Shaina! Puwede bang-" di natuloy ang sasabihin nang pinutol niya yun.
"No! I'm a afraid, I can't." tatalikod na sana siya ngunit pinigilan siya nito.
"Please!"
"Di pa ba tayo aalis!" sabi ni Orlando habang lumalapit sa kanila at pinukulan siya nito ng tingin. "MISS TANGA-TANGA, ano pang ginagawa mo dito?"
"Paki mo! Bakit sa'yo ba daanan ito!? Binili mo ba to huh!?" talagang inis na inis na siya sa lalaki to.
"Seriously guys, di pa ba tayo aalis at baka malate pa tayo nito."sabay sipat sa relo, at nilapitan siya. "Kung kailangan mo ay pera sige bibigyan kita!"
Dahil sa sinabi nito, mabilis kumilos ang kamay niya papunta sa mukha nito, di niya matatanggap ang painsulto nito.
'Pak'
Sapo nito ang pisngi at hinaplos nito iyon, nginig na nginig na mga kamay niya sa sobrang galit.
"Wag mo akong insultuhin Orlando." may kalakip na panduduro. Nakita niya balewala lang ang sampal saka nakapamulsa ang mga kamay sa magkabilaang bulsa ng pantalon nito." So what?"
Bahagya itong lumapit at ilang milya lang ng mukha nito sa kaniya kaya di niya akalaing bakit ganito ang epekto nito sa kaniya, habang lumalapit ito sa kaniya ay paatras naman siya.
Nang aatras ulit siya bigla na lang siya nito sinalo upang di siya mapaupo sa plastik na basurahan