Epilogue
Prince
Sobrang hirap sa akin para lumayo sa kanya, but this is my decision, so I have to stand for it. Ginawa ko lang 'yon kung saan sa tingin ko ay tama and at the same time, kung saan sa tingin ko ay hindi ako masasaktan, but there's a part from me saying it was a wrong move. Kasi ngayon, hindi ako sanay kapag hindi ko siya nasusulyapan. Although, everytime she was leaving on her house, I simly open the window and watching her walking out.
Walang oras ang lumilipas na hindi ko siya iniisip, especially sa desisyon kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa akin. Madalas ko rin tinatanong ang sarili kung tunay nga ba 'yong sinabi niya sa akin. The last time when we talk, sinabi niya sa akin na may pag-asa naman daw ako at may space na raw ako sa puso niya, but I know that she still not sure with that pero gusto kong panghawakan iyon. 'Di bale na, kung ano man ang desisyon niya, buong puso ko itong tatanggapin. Masaktan kung masasaktan man pero alam kong may plano ang kapalaran para sa akin.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil sa isang maingay na alarm mula sa telopono ko, hudyat na kailangan ko ng bumangon. Pinatay ko agad iyon pero napakunot ako ng noo dahil 6 AM ito tumunog imbes na 7. Tanda ko sinet ko ito sa 7 AM kagabi pero bakit napaaga?
Hindi ko na lang iyon pinansin dahil bumangon na rin agad ako. Nawala na rin naman kasi 'yong antok ko.
Papasok na sana ako ng banyo when I saw a sticky note posted to the door.
Look at your
Back
"Ano ito?" sabi ko sa sarili ko. Sandali akong natigilan. Wala naman siguro masama kapag sinunod ko itong nakasulat. Lumapit ako sa salamin at tumalikod para tingnan 'yong likuran ko. Pagkatingin ko, there's another sticky note.
Look at your
Bedroom door
"Ano bang meron? Sino naglagay nito sa likuran ko?"
Pumunta ako sa labas ng kuwarto para makita kung anong meron doon. Napakamot na lamang ako ng ulo nang makakita ulit ng isa pang sticky note.
Go to your sink at your kitchen.
Wash your face!
Puno na ako ng pagtataka pero sinunod ko pa rin 'yong utos. Kahit hindi talaga ako sa kitchen naghihilamos ng mukha tuwing umaga, sa banyo ko kasi usually ginagawa talaga iyon. Pagkatapos kong maghilamos ay nakakita ako ng sticky note sa tuwalya na pinangpupunas ko sa mukha ko.
Open your
Refrigerator
"Hays," singhal ko.
Walang gana akong tumungo sa Refrigerator ko dito sa kusina at binuksan ito. May nakita akong bottled of milk at may note ulit na nakalagay.
Drink it well!
After that, go to your
Dining table
Sinunod ko ulit ang utos at pumunta agad sa dining table. May sandwich akong nakita and as usual, there's another sticky note glued on it. Hindi ko alam kung bakit sinusunod ko itong mga note na ito. Basta, na-cucurious ako kung anong hahatungan nito.
Your Breakfast is ready!
After you eat that, go to
Your Bathroom
Sino kayang may pakana nito? At paano siya nakapasok sa loob ng bahay ko? Hindi ko na lang pinansin ang mga iniisip ko dahil pagkatapos kong kainin 'yong sandwich ay pumunta na agad akong banyo.
Brush your teeth!
And after that, take a bath.
And after you did that two. You may now
Change your outfit. Go to your cabinet.
Ayos din itong mga sticky note na ito, ah. Pinapagawa sa akin 'yong mga morning routine ko. Sinadya kong bilisan maligo dahil sa excitement na nararamdaman ko. Excitement sa bawat utos na pinapagawa ng mga notes, especially sa kung anong wakas nito.
Wear this. :)
Kumunot ang noo ko nang makakita ako ng hoodie jacket dito. Wala naman akong natatandaan na bumili ako ng ganito, ah. Color cream yellow ito at may nakalagay na little heart shape sa left side.
Kahit hindi ko alam kung saan nanggaling ito ay isinuot ko pa rin. Kasama kasi ito sa mga utos ng notes, so I have to obey it. Pagkasuot ko ay may naramdaman akong papel sa loob. Kinapa ko ito at nakitang may sticky note ulit.
Fix your hair!
You need to be decent.
Sinunod ko ang utos at sinuklayan ang buhok. Kung iisipin mukha na akong uto-uto rito, na sinusunod ang mga utos na hindi ko naman alam kung sino ang gumawa nito. Pagkaharap ko sa salamin ay nakakita ulit ako ng sticky note.
I guess, you are now
Ready. Get out of your house,
Your Happiness is
Waiting for you
Hawak-hawak ko 'yong last sticky note pagkalabas ko ng bahay. Dismayado akong lumabas dahil wala naman akong nakikitang kakaiba rito. Walang tao. Pinaglololoko lang ako nitong mga sticky note na ito, eh. Lumipas pa ang ilan segundo kaso wala talagang nangyayari rito.
Papasok na sana ulit ako ng bahay when I heard the sounds from the gate of my neighbor's house. Nakita ko si Jamilla. Nagtama ang mga paningin namin pero bumaba ang tingin ko sa suot niya, nakahoodie jacket din siya katulad ng akin. Aaminin ko, kinilig ako sa mga suot namin, feeling ko naka-couple shirt kami.
"Hi? G-good Morning?" awkward niyang bati.
"Good Morning," bati ko pabalik.
"Ikaw ba may gawa nitong mga sticky note?" Hawak-hawak niya lahat ng sticky note na nakuha niya. Bahagya akong umiling bilang sagot. Kung meron din siya ng ganoon, e di, pareho kaming inuutusan no'n. "Sino kayang gumawa ng mga ito?"
"I had no idea."
"Baka may nangloloko lang sa atin. Look, we were wearing a same jackets. Cool."
"Siguro nga. Sige, papasok na ako." I was about to take a step when she pulled my arm.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya. "B-bakit?"
"Prince.." Deretso lang ang tingin namin sa isa't isa. Punyeta, nakakatunaw ang titig nitong babaeng ito. My heart accelerated. "I don't know how could I start this but I guess I will begin with saying thank you?"
"F-for what?"
"For staying, for waiting, for loving and for everything." Hindi ko alam kung anong i-rereact ko, pero pinili ko na lang hintayin ang sunod niya pang sasabihin. "Sa araw-araw mong panunuyo sa akin, sa araw-araw kang nand'yan para sa akin at sa araw-araw na pinapasaya mo ako, sobra akong thankful dahil nakilala kita. Ang dami mong binago sa akin. I don't know what did you do to me. Siguro itong nararamdaman ko para sa iyo, matagal na itong nandito pero pinili ko lang magbulagbulagan kasi akala ko siya pa rin 'yong mahal ko. Ang tang* ko lang sa part na I still wait for him if the right person for me has always proved that he is the right one. You deserve my love."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwalang nakatitig pa rin sa kanya. "Huh?" 'yan lang ang nakayanan sabihin ng bibig ko.
"'Yan lang reaction mo?" matawa-tawa niyang sambit. "Sinasagot na kita, Prince. Dapat nga matagal ko na itong ginawa. Pero here we go. Oo na, Prince. Oo na."
Hindi pa rin ako makagalaw at deresto pa rin ang titig ko sa kanya. For seven years I've been waiting for this moment, hindi lang ako makapaniwalang sa wakas, sinasagot na ako ng babaeng gusto ko, babaeng matagal ko ng gusto.
"Hindi ka manlang ba talaga gagalaw d'yan? Huy!"
"I just speechless."
"Ayun!" She chuckled. "Nagsalita ka rin."
"S-sigurado ka na bang 'Oo' ang sagot mo sa akin? No doubts?"
"No doubts, siguradong-sigurado."
"Weh?" She wittingly beaten my arm.
"Oo nga! Sinasagot na nga kita! Ikaw na 'yong mahal ko. Tayo na! Hindi ka ba masaya?"
"Masaya pero paano ka nakakasiguro na mahal mo ako?"
"Explain ko pa ba?" Hindi ako sumagot pero nagpatuloy siya. "Nakausap ko na si Oliver. Nagkita na kami. Nakakatuwa lang isipin na pinapamukha sa amin ng kapalaran na hindi talaga kami para sa isa't isa. Maraming nagbago sa kanya, at nagbago rin ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, basta ikaw na ang pumalit. Ikaw na ng mahal ko. Ikaw at ikaw lang."
"T-talaga?" Nanaginip ba ako? Kung panaginip man ito, punyeta, ayaw ko pang magising pa. "Sure ka na sa akin?"
Mariin siyang tumawa. "Sure na sure."
Naramdaman kong may kaunting luha ang pumatak mula sa mga mata ko. Hindi dahil sa lungkot, kung hindi sa kasiyahan ko. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. From this moment, worth it ang paghihintay ko sa kanya. Matagal man iyon pero at least, nandito na 'yon.
"I love you," sabi ko.
"I love you, too." Mas lalo ko pa siyang niyakap nang mahigpit dahil sa tugon niya. Ngayon ko lang narinig ang mga salitang iyan sa kanya, hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya ngayon.
Ang babaeng sabi ko sa sarili ko na imposible para magustuhan ako. Ang babaeng halos sukuan ko na. Ang babaeng sinasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak sa ibang lalaki. Ang babaeng akala ko, hindi niya nakikita ang halaga ko sa kanya. Ang babaeng unang nagpatibok ng puso ko. Hindi-hindi ko siyang papakawalan. Sa pitong taong kong paghihintay, sisiguraduhin kong siya na ang para sa akin.
-
Oliver
[Play ''Kung 'di na ako' by Agsunta]
Nandito ako sa tabi ng puno, kung saan pinapanood ang dalawa. Kitang-kita sa mga mata nila kung gaano sila kasaya para sa isa't isa. Ako ang may pakana ng mga sticky note na iyon, ginawa ko 'yon para pagtagpuin sila, hindi naman ako nabigo doon dahil nagkita rin sila.
Masakit. Mahirap. Masaya. Masakit, kasi 'yong taong hindi ko sineryoso noon, nakikita ko nang hindi na ako 'yong mahal niya kasi may bago na siya. Mahirap, kasi kung kailan huli na ang lahat, saka ko lang naramdam na mahal ko pala talaga siya at mahaga pala siya sa akin. Hindi ako makapaniwala na 'yong taong sinaktan ko noon ay ngayon hinahanap-hanap ko pa. Masaya, kasi she finally found someone that she deserve to be with. Hindi siya kayang saktan, hindi siya kayang pakawalan, hindi katulad ko na ilan beses akong nagsinungaling sa kanya.
Tila binabato ako ng mga salitang 'Nasa ang huli ang pagsisisi'. Ramdam na ramdam ko 'yon. Iniisip ko kung ipinagpatuloy kong isugal 'yong pagmamahal ko sa kanya noon, siguro ako 'yong kayakap niya ngayon at ako 'yong sasabihan niya ng 'mahal kita'. Sana dapat pala, ipinaglaban ko siya. Sana dapat pala, bumalik ako nang maaga pa lang. Sana dapat pala, hindi ko siya binalewala. Punyeta, ito ang ganti ng kapalaran sa mga ginawa ko sa kanya.
Bakit kasi no'ng mga panahon na pinagtagpo kami ay hindi pa ako nakaka-move on kay Angel? Bakit kasi naisipan kong gamitin siya bilang panakip butas? Bakit kasi hindi ako ang para sa kanya? Bakit kasi hindi ko siya kayang mahalin noon? Bakit kung kailan huli na, saka ko lang siya minahal?
Dati, 'yong mga ngiti niya ay sa akin nanggagaling. Pero ngayon, nasa ibang tao na iyon. I never beg her to stay with me, kasi naniniwala ako na kung mahal mo 'yong isang tao ay papalayain mo ito. And in my case, pinalaya ko siya. Sabi ng iba, dapat ipaglaban mo kung mahal mo talaga, kaso hindi na iyon maaari kasi 'yong taong mahal ko, iba na ang minamahal. Ayaw kong lumaban sa isang pag-ibig na wala rin akong ipanglalaban. Ayaw kong maging desperado.
"Daddy? Who are they?" tanong ng anak ko. Isa rin siya sa rason kung bakit nagsisisi ako ngayon pero kahit ganoon, mahal ko pa rin itong anak ko.
"Wala lang iyon."
"Are you crying?" Hindi ko namamalayan na naiyak na pala ako. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang palad ko pero hindi pa rin ito natigil sa pag-agos.
I lifted him up and hugged him tightly. "Don't cry, daddy!" kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya pero nanatili pa rin na buhat ko siya. Bahagya niyang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.
"Gutom ka na ba?"
"Opo!"
"Sige, tara na. Uwi na tayo."
Bago kami tuluyan makalayo. Sumulyap muna ako nang sandali sa dalawa, na magkayakap pa rin. Ang sakit pala. Ganito rin ba 'yong naramdaman ni Jamilla noon dahil sa akin? Ang sakit naman pala talaga.
Kung saan ka man sasaya, Jamilla. Na'ndito lang ako sa malayo, nakangiti. Pinagmamasdan ka habang nakangiti kasama siya. Mahal kita, tandaan mo iyan. Malaya ka na. Salamat at pasensiya. Nandito ka lang sa puso ko. Hindi kita kakalimutan. Paalam.
---The End---
[January 14, 2020]