Chereads / Godly Mana Cultivator (TAGALOG) / Chapter 4 - Heaven and Hell Devourer Technique

Chapter 4 - Heaven and Hell Devourer Technique

Sa pagpapatuloy.

Habang nilalakbay ng duo na sina Rafael at ang Mysteryosong Boses ang masukal na forest, ay 'di maiwasang ni Rafael ma-curious kung ano at sino 'tong pumasok sa kanyang katawan. Nag aalala siyang baka isa itong entity na galing sa mundo ng mga halimaw o di kaya'y isang masamang elemento na mag te-takeover sa kanyang katawan in the future.

Kailangan niya munang siguraduhin ang kanyang kaligtasan bago magtiwala sa Misteryosong Boses na ito. Wala pa naman gamot sa pagsi-sisi, diba?

Dahil dito, balisa si Rafael at 'di nakatiis na mag-tanong, "Ahmmm.. kanina ko pa 'to gustong itanong, wag kang magagalit ah?"

"...at ano naman iyon?"

"Lalaki kaba o b-babae?" May halong hesitation ang tono ni Rafael.

Nahihirapan siyang makipag communicate, lalo na't 'di niya alam kung paano niya i a-address ang Misteryosong boses.

"Hmmp! Dami mong tanong, ikaw na bahala kung ano sa tingin mo ang kasarian ko."

No way... wag mong sabihing, 'di niya alam kasarian niya? Isa kaya siyang Human, Beast o 'di kaya'y isang Spiritual Being? Flabbergasted si Rafael sa reply ng Misteryosong boses sa kanya.

"Pwede ko din bang malaman kung ano iyong pangalan at kung taga saan ka talaga?"

"....." Napakunot ng noo ang Misteryosong boses sa tanong ni Rafael.

Biglang nagsisi si Rafael na kung bakit nagtanong pa siya, halatang iritang-irita ang Misteryosong boses sa kakulitan niya.

"Ahmm. Ok lang kung ayaw mong sabihi-" Pero bago pa matapos ang salita ni Rafael ay biglang nag suggest ang Misteryosong Boses.

"'Di mo kailangan malaman ang pangalan ko, bigyan mo nalang ako ng nickname kung gusto mo..." Sabi ng Misteryosong boses kay Rafael, sa ayaw man o gusto niya, hindi niya matandaan kung saan talaga siya nangaling. Basta isa lang alam ng Misterysong boses, may special relationship siya sa genius cultivator sa kanyang shattered memories.

"Kung ganon, tatawagin kitang... Azul" Dahil galing sa Blue Card ang Misteryosong boses ay dun nakuha ni Rafael ang nickname na ibinigay niya. Azul means Blue.

Hindi na umimik si Azul, tumango lang ito na nagpapahiwatig ng approval sa kanyang bagong pangalan.

...

Yun!

Gamit parin ang scanning ability ni Azul, sa itaas ng himpapawid ay kitang-kita nila sa baba ang isang Demonic beast na pagala-gala sa loob ng forest. Hindi na sila nag aksaya pa ng oras at bumamaba agad para paslangin ito.

Sa loob ng Soul Space, nakita ni Rafael ang walang kamalay-malay na target nilang Demonic beast, isa itong evolved version ng baboy ramo, mas malaki, mas malakas at may abilities!

Ang katawan ng Demonic Baboy Ramo na ito ay puno ng tinik na nag sisilbing defense mechanism at ang tankad nito ay nasa sampung talampakan, habang ang dalawang matutulis na sungay nito na nakakabit sa bibig ay parang isang drilling machine na umiikot at nag va-vibrate.

Dahil sa concealment ability na gamit ni Azul ay hindi na de-detect ng mga mababang uri na mga Demonic beast ang kanilang posisyon. Hindi alam ng Demonic beast na'to na para lamang siyang tupa na makakatay na walang kaalam-alam!

"Tignan mo ko kung pano ko 'to papaslangin! Wag na wag kang kukurap," Pagmamayabang ni Azul.

First time ni Rafael na makakita ng Demonic beast na ganito kalaki at kabangis, maliban sa mga Demonic beast na harmless tulad ng mga manok, kalabaw at ibang hayop ay malabo siyang makaka-encounter ng mga Demonic beast na aggressive katulad nito.

Habang kontrol parin ang katawan ni Rafael, ibinaba ito ni Azul at pumatong sa isang malaking puno. Kumuha siya ng isang sanga na nasa isang pulgada ang haba.

Hawak ang maliit na sanga ay ipinokus ni Azul ang Mana sa loob ng katawan ni Rafael papunta sa kanyang mga kamay. Ilang saglit lang ay pumasok at binalot na ng Mana essence ang sanga.

Go!

Sa gesture ni Azul ay lumutang sa taas ng kanyang palad ang sanga at nagpa ikot-ikot. Ang dating boring at normal na sanga, ngayon ay parang naging may sariling pag-iisip na! Mag-isa itong lumipad at inatake ang Demonic beast!

Peng!

Diretso itong tumama sa bandang leeg, pero hindi ito naging fatal. Bahagya lamang pumasok sa makapal na balahibo ng Demonic na Baboy Ramo.

Tsk... Napa click ng dila si Azul.

Waah... Kahit hindi naging 1 hit ang atakeng iyon ay mangha-mangha si Rafael sa kanyang nakita. Ang sangang madaling mabali ay talagang kayang tumusok ng Demonic beast? Hindi nga lang malalim ang pagka-tuhog nito sa leeg ng Demonic Baboy Ramo, gayon paman, bilib na bilib si Rafael dahil hindi isang ordinaryong Baboy Ramo ang kanilang kinalaban. Ang Demonic beast na ito ay punong-puno ng matitigas na balahibo na naging tinik at idagdag mo pa ang thick skin nito!

Habang nanlalaki ang mga mata ni Rafael na parang nanonood lamang ng telebisyon sa loob ng Soul Space niya, si Azul naman na kontrolado ang katawan ni Rafael ang naka kunot ang noo at naka simangot. Hindi niya akalaing hindi niya napatay ng isang tirahan lang ang lowly Demonic beast na ito!

Tsk... napaka walang kwenta naman ng katawan na'to, kulang sa mana, 'di ko tuloy magamit ang tunay kong kapangyarihan.

Tama, hindi magagamit ni Azul ang tunay niyang lakas lalo na't nakihiram lamang siya ng katawan, tsaka ang base level ng cultivation ni Rafael ay nasa level 0. Pero dahil sa kontrolado ni Azul ang katawan ni Rafael, currently nasa level 5 ito kaso parang hindi ito sapat na talunin ng madali ang Demonic beast na Baboy ramo.

Dahil sa inis ay binali ni Azul ang mga sanga sa puno at kumuha pa ng marami, "Tch.. Matigas kang hayop ka ah!"

Sampung sanga ang lumulutang sa hangin, dahil sa inis ay 'di niya afford magsayang ng oras dahil limitado lamang ang mana na tagalay ng katawan ni Rafael. Tatapusin na niya ito ng madalian.

Go!

Sabay-sabay lumipad ang sampung sanga na may nakabalot na mana essence, ang sangang ito ay may talim na parang sa espada.

Shooo shooo shoooo shooo...

Dahil sa unang atake na ginawa ni Azul na tumama sa Demonic baboy ramo ay naging mas alerto ito, kaya nang pinaulanan ni Azul ang Baboy na'to for the second time ay naghanda na ito para iligan ang mga sanga na nagbabanta sa kanyang buhay.

Eeeeiikkkkk! Tumili ang Demonic baboy ramo habang iniilagan ang mga sangang naka target sa kanya. Kahit mataba at malaki ang pangangatawan nito ay 'di nawala ang speed at evasion kahit may mabigat itong timbang.

Dito na magtatapos ang iyong hibang na buhay. Pasimpleng sabi ni Azul na may halong ismid sa nag-struggling na Demonic baboy ramo. Kumuha siya ng isa pang sanga na mas mataas ang haba nito kaysa sa dating ginamit niya.

Shoom! Biglang naglaho sa taas ng puno si Azul, nang lumabas ang pigura nito ay nasa likuran na agad siya ng Demonic baboy ramo. Dahil sa busy kakailag ang Demonic baboy ramo sa sanga ay 'di nito namalayan na may sakunang paparating sa kanyang likuran.

Bago pa tuluyang mapansin ng Demonic baboy ramo, ay huli na ang lahat! Rumaragasa na ang hagupit ng sanga na hawak-hawak ni Azul na ginamit niya bilang isang spear. Itinusok ni Azul sa likod ang hawak na sanga na parang isang tunay na spear. Dahil sa unknown level stage ni Azul nung nabubuhay pa siya, ang simple na atake na ito ay kayang bumasag ng maliit na bundok, ano pa kaya ang lowly Demonic beast na ito? Pero syempre mas mahina ang atakeng ito kaysa sa peak level ni Azul nung may physical body pa siya thousand years ago. Pero ganon paman, sapat na ito para patumbahin ang low level Demonic beast tulad ng baboy ramo.

Peng!

Tumuhog ang sanga sa katawan ng Demonic baboy ramo na parang isang Cake na hinati ng kitchen knife. Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi alam ng Demonic beast na ito kung sino ang pumaslang sa kanya. Basta isa lang alam niya, may hinayupak na nag backstab sa kanya! Pagkatapos nito ay hindi hinila palabas ni Azul ang nakatusok na sanga sa katawan ng Demonic beast, kundi ay mas diniinan pa niya ito at inikot at sabay swing ng pa vertical hanggang sa maputol ang katawan ng Demonic baboy ramo.

Errrkk!!!

Napatili sa sakit at puot ang Demonic baboy ramo pero bago pa matapos ang kanyang struggle ay bumagsak na ang putol niyang katawan na magkahiwalay sa lupa at dumanak ang napakaraming dugo at gutay gutay na lamang loob.

Hah... Napaka mahina talaga ng katawan na'to, limitado ang ability skill na magagamit dahil sa kakulangan sa Mana... Bulong ni Azul sa kanyang sarili habang tinitignan ang wala nang buhay na

Demonic baboy ramo. Nakakahiya man, aminado siya na nahirapan siya tapusin agad ang lowly Demonic beast na ito.

"Galing mo talaga Azul! Astig! Napakalakas mo!," Halos mapatalon si Rafael sa loob ng Soul Space dahil sa excitement ng labanan. First time niya makasaksi na ganitong eksena, lalo na't ang nakatalo sa Demonic beast na kinakatakutan ng mga katulad niyang Commoner na umaasa lamang sa protection ng isang Mana Cultivator ay ang sarili niyang katawan. Kahit 'di man siya ang nakapatay nito literally ay randam niya ang self accomplishment.

"Ang nakita mo ngayon ay ang tip palang sa Iceberg, marami kapang makikitang heaven defying skill kung susundin mo lahat ng mga utos ko!" Nagbigay hint si Azul sa idiotic na si Rafael, kung susunod ito sa lahat ng kanyang instructions ay mas marami pa siyang makikitang ability at pwedeng matutunan.

Nilapitan agad ni Azul ang patay na katawan ng baboy ramo. Binalatan at kinuha niya ang mga karne at mga buto nito. Ang karne ng Demonic beast ay napaka sustansya para sa mga Cultivator, ito ang pangunahing kinakain nila, 'di lamang nagpapalakas ito ng katawan, tumutulong din ito sa pag taas ng cultivation levels. Mas mataas na uri ng Demonic beast, mas masagana ang sustansya na bigay nito.

This time, nakuha na nila ang buto na kailangan nila para gumawa ng elixirs, dahil dito tapos na ang kanilang mission at lumipad pabalik sa village nila Rafael.

•••••••

Pagkarating nila sa village, naghanap agad sila ng secret hideout para sa kanilang base of operations, pagkatapos ay isinauli agad ni Azul ang pagkontrol ng katawan kay Rafael, dahil sa labanan ay halos naubos ang laman ng mana pool ni Rafael kaya wala nang lakas si Azul na ipagpatuloy ang pag kontrol nito.

"Dahil exhausted na ang mana pool sa iyong katawan, wala na akong kakayahan na kontrolin pa ito kaya matutulog ako ng mga ilang araw kaya ikaw na bahala rito," mahinang boses na narinig ni Rafael sa kanyang isipan.

"Eh paano yung elixir?" Tarantang tanong ni Rafael kay Azul, kung wala si Azul, hindi niya alam kung anong gagawin. Isa lamang siyang ordinaryong tao, wala siyang alam tungkol sa mga elixirs.

"Don't worry, mag bibigay ako ng instructions bago ako matulog," mahinang boses ni Azul.

Sa gabing iyon, nag prepare agad si Rafael ng mga kakailanganin niya sa paggawa ng elixirs, 'di siya makapaniwala na napaka dali lamang pala nito. Sinunod niya ang formula na in-imprint ni Azul sa kanyang isipan na walang kahirap-hirap, buti nalang, bukod sa buto ng Demonic beast, ang mga ingredients na panghalo nito ay mga basic herbals na nakuha ni Rafael sa forest.

Unlike sa paggawa ng mga pills, ang elixirs ay walang requirements na profession para makagawa nito, as long as may formula kang nalalaman, kahit sino ay pwede gumawa. Ang mga pills naman ay tanging mga certified Mana Alchemist lamang ang nakakagawa.

Simple lamang ang paggawa ng elixirs, una, dikdikin ang buto ng demonic beast hanggang sa maging powder ito saka ilagay sa kalan na may kumukulong tubig, pangalawa, pigain ang mga herbs para makuha ang katas na nakatago sa halaman at ihalo kasunod sa powdered bones. Ganyan lamang ang proseso sa paggawa ng elixirs na siyang ikinagulat ni Rafael dahil sa sobrang dali nito, newbie friendly ika nga, ngunit lingid sa kaalaman ni Rafael na ang elixirs na kanyang ginawa ay siyang dahilan kung bakit magkakagulo sa Malkam Town.

Kaya sa isang gabi lamang ay nakagawa na agad ng 40 bottles of elixirs si Rafael batay sa instructions sa kanya ni Azul. 20 pieces each ng High grade healing elixirs at High grade talent opening elixirs.

Then, nagsimula ng mag meditate ni Rafael para i-cultivate o matutunan ang cultivation technique na in-imprint ni Azul sa kanya. Ang tawag sa cultivation technique na ito ay Heaven and Hell Devourer technique, ayon kay Azul, isa itong ancient technique na niluto sa impyerno at blessed by the heavens. Ang technique na ito ay may dalawang cultivation path, divinity path at demonic path, depende sa users kung anong path ang pipiliian at iku-cultivate. Suitable ang technique na ito para sa mga sword users who pursue speed, power, mercy and killing.

After an hour ng meditating, ibinuka ni Rafael ang kanyang mata, ramdam niya ang epekto ng cultivation technique sa kanya, para siyang lumulutang sa hangin sa sobrang gaan ng kanyang katawan. Kahit na wala pa siyang tulog dahil sa paggawa ng elixirs at pag meditate, feeling niya ay punong puno siya ng enerhiya na parang bagong gising!

"Ganito pala feeling ng isang cultivator! Teka.... a-ano to?"

Bago pa malunod sa ecstasy si Rafael sa newfound power niya, may napansin siya sa kanyang paligid. Mga maliliit na ilaw, na kasing laki lamang ng munggo. Dahil sa curiousity, hinawakan niya ito.

What!?

Biglang pumasok sa daliri ni Rafael ang ilaw na parang hinila ng kung anong force papunta sa loob ng kanyang katawan. Ramdam niya ang pag sanib ng ilaw sa kanyang Spiritual core, na siyang pag-gninig ng seed sa loob ng kanyang soul space.

"Ba't ang gaan sa pakiramdam?"

Para siyang kumain at super satisfied dahil sa sarap nito, ito ang feeling ni Rafael ngayon. Kaya't parang nabubuang, hinagilap ni Rafael ang ang mga ilaw na naka scattered sa hangin, "Wow, sa tingin ko, paunti-unti akong lumalakas dahil sa mga munting ilaw na ito."

Nakakahinayang, iilan lang ang mga ilaw na nakikita ni Rafael, kung marami lang sana ito hindi magdadalawang isip si Rafael na ubusin ito. Dismayadong umalis si Rafael sa hideout nila ni Azul at umuwi na sa bahay dahil 4am na.

•••••••

Nang papasok na si Rafael sa loob ng bahay ay napansin niyang hindi pala naka-lock ang pinto.

Bago ako umalis kanina ay sinigurado kong naka lock ang mga pinto...

"Ate!?"

Kinabahan at puting-puti ang mukha ni Rafael dahil baka may masamang loob na pumasok sa bahay nila! Pero bago pa mag-sisigaw si Rafael sa kakatawag ng kanyang Ate na si Janina ay may naaninag siyang anino sa bandang likuran ng bahay.

Nagmadaling pinuntahan ni Rafael ang distinasyon ng anino at nakita niya ang kanyang ate na si Janina na busy sa kanyang ginagawa.

"!!!!"

Napa sigh si Rafael at napahawak sa kanyang dibdib, para siyang nabunutan ng tinik ng makitang ligtas ate niya, hindi na niya ito ginambala at pinagmasdan nalang ito sa malayo.

Kitang-kita niya sa madilim na sulok ang kanyang ate ay gumagawa ng mga walis na gawa sa coconut tree, pamaypay at mga arrows para i-trade sa ilang kilong bigas at iilang karne o prutas.

Kahit mahina ang katawan ni Janina, hindi ito hadlang para magsipag para mayroon silang makakain at maka survive ng isa pang araw. Nang maisip ito ni Rafael ay parang tinutusok at pinipisa ang kanyang dibdib, gusto man niyang tulungan sa gastusin ang kanyang ate ay hindi niya ito magawa. 10% lang kasi ng kanyang kinikita sa pamumulot ng herbal plants ang kino-contribute niya sa expenses nila dahil nag-iipon siya para sa medical fees ni Janina.

Hindi na dinisturbo ni Rafael ang busy na si Janina dahil kahit may sakit ito ay malabo niya itong makumbinse na magpahinga. Kaya minabuti nalang ni Rafael magpahinga para madaling ma replenish ang kanyang mana.

Nang sumikat na ang araw...

"Raf, gumising kana! Mahuhuli tayo sa trading" Malambing na boses na gumising sa mahimbing na tulog ni Rafael.

Tumayo at hinanap ni Rafael ang kung saan galing ang source ng boses. Kita niya na naghahanda na ang ate niyang si Janina sa mga homemade na kagamitan para i-trade sa town merchant.

Itutuloy...

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag