Chapter 3
Arietta's POV
Ano kaya ang ginagawa niya rito? Mabuti na lang at tulog siya kaya malaya pa rin akong nakakagalaw.
Tinignan ko naman siya nang mabuti. Mukhang masarap ang tulog niya, hindi man lang niya alam na nandito pala ako sa harapan niya. Okay naman siya kapag tulog. Parang napakabait ng mukha niya hindi katulad kanina sa room na parang kakainin niya na ako ng buhay.
Napapikit naman ako nang biglang umihip ang malakas na hangin. Sobrang sarap naman sa pakiramdam ng hangin na iyon. Napadilat ako at napatingin sa kaniya. Mukhang masarap talaga ang tulog niya dahil hindi siya nagigising.
Nakita ko naman 'yong ilang buhok niya na nilipad papunta sa mata niya. Panigurado akong hangin ang dahilan no'n. Tatanggalin ko sana nang makita kong napadilat siya at diretsong nakatingin sa akin. Huli na bago ako makaiwas.
"What are you doing lady?" malalim na boses na tanong niya. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko. Ilang segundo pa akong nakatingin ng diretso sa kaniya bago ko iniwas ang tingin ko.
"Y-Yong buhok mo," kinakabahang sagot ko. Napaatras naman ako nang tumayo siya.
"Tsk," maikling sagot niya lang at 'saka naglakad palayo sa akin. Pero parang may pumipigil sa akin na huwag siyang paalisin kaya pikit matang tinawag ko siya.
"Jaypee!" tawag ko. Napahinto naman siya pero nakatalikod siya sa akin. "Ano kasi," kinakabahang pagsisimula ko. Paano ko ba sasabihin 'yong gusto kong tanungin sa kaniya? Baka naman mapahiya lang ako.
"Puwede bang makipag-kaibigan?" nahihiyang tanong ko. Napalingon naman siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy akong nahiya sa itsura ko. Hindi ko alam kung bakit ayon ang tinanong ko. Siguro napansin ko na siya lang 'yong taong walang interes sa buhay. Sino nga naman ba ako? Hindi naman ako kagandahan katulad ng mga babaeng nakakasalamuha niya.
"Ayoko," maikling sagot niya at naglakad na palayo sa akin.
Wow! Direct to the point, walang explanation kung bakit.
Napanguso na lang ako. Mukhang tama nga si Kuya, hindi ka papansinin ng lalaking 'yon unless maganda ka.
Okay lang 'yan Arietta, first day mo pa lang naman ngayon. Makakahanap ka rin ng magiging kaibigan mo, yong totoong kaibigan. Iniligpit ko na lang ang gamit na pinagkainan ko at dinala ito sa cafeteria bago ako bumalik sa room ko.
Mabilis na natapos ang klase at masasabi kong success ang unang araw ko ngayon. Hindi man ako nagkaroon ng kaibigan pero at least walang nagtapon ng spaghetti at nagbuhos ng malagkit na juice sa katawan ko.
Mas okay na iyon, compared sa mga bully. It will be easier and safer for me to enter this school kung ganito lang ang mangyayari sa araw-araw.
I immediately arrange my things nang matapos ang klase. Pasimpleng nag-text din ako kay Kuya kanina na hindi na ako sasabay sa kaniya pauwi at sinabing magco-commute na lang. Alam kong hindi siya papayag sa gusto ko kaya hindi na rin ako nagreply sa kaniya. Mas mabuti kung tatakas na lang ako.
Sanay na rin naman akong magcommute. Noong hindi pa ako nag-aaral dito ay mas madalas kong ginagawa iyon kapag hindi ako nasusundo nila Daddy. Katulad ni Kuya ay hindi rin sila payag sa mga nagiging desisyon ko, pero wala na silang magawa. Palagi ko kasing dinadahilan na wala namang nangyayaring masama sa akin at safe naman ang pag-uwi ko. Pero hindi pa rin sila kumbinsido. Tanggap ko naman iyon dahil nag-aalala sila sa kaligtasan ko.
Nang makita ko si Kuya na busy sa pakikipag-usap sa kaibigan niya ay nagmadali akong lumabas sa classroom. Mas okay na kung mauuna ako sa kaniya.
"Where's the girl beside me?" Narinig ko pang tanong niya sa kaibigan niya nang makalabas ako sa silid. Hindi ko na pinakinggan ang huling sinabi niya at umalis na ako sa lugar na iyon.
Matagumpay naman akong nakaalis sa building, pero hindi pa ako naglalakad paabante nang marinig ko ang pangalan ko kaya napatigil ako.
"I don't like her. Unang araw pa lang niya masyado na siyang pabida."
"Anong gusto mong gawin ko sa kaniya?" tanong ng kausap niya. Boses lalaki.
"Just don't mind her. I will look at her for now." Bigla naman akong nakahinga sa sinabi ng babae. Hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino ang mga taong 'yon at 'saka umalis na sa lugar na 'yon.
Mabuti na lang at mabilis lang akong nakasakay sa bus. Walang masyadong pasahero at walang traffic. Paniguradong mas mabilis lang akong makakauwi nito.
Pagdating ko sa bahay namin ay nakahinga ako ng maluwag. Wala pa ang sasakyan ni Kuya Reed. Naunahan ko pa siyang makauwi rito kasi panigurado yari na naman ako sa kaniya.
Nagulat pa nga si Manong guard nang makita ako sa labas ng gate. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat nang buksan niya ang gate para papasukin ako. Mabilis din akong sinalubong ng mga maids at bumati kasabay ng pagkuha ng isa ng gamit ko.
Pagkarating ko sa may sala ay laking gulat ko na nandoon silang tatlo. Si Mommy, si Daddy at si Kuya. Nakatayo habang nakatingin ng diretso sa akin.
"Oh no!" bulong ko sa sarili ko. Nagpapanic ako at hindi ko alam ang gagawin ko.
"You are doing it again, Arietta!" galit na sabi ni Kuya. Napayuko na lang ako. Paanong nandito siya pero wala ang sasakyan niya?
"Lumapit ka rito Arietta," utos ni Daddy kaya sumunod ako. Takot ko lang sa kaniya, masyado pa naman siyang strict kapag nagagalit. Ayoko nang maulit 'yong nangyari dati noong gumawa kami ng kalokohan ni Kuya. Grabe 'yong pagparusa niya sa amin. Naranasan kong lumuhod sa asin at mapalo ng belt niya. Hindi pa sana niya kami papatayuin nang makita niyang dumudugo na 'yong tuhod ko. After no'n, hindi ko na talaga inulit. Mabuti nga at isang beses lang nangyari 'yon sa amin ni Kuya.
Si Mommy naman kapag nagagalit o naiinis bigla na lang nangungurot at iyon ang pinakaayaw ko. Pero hindi naman ako puwedeng magalit sa ginawa ni Mimi dahil in the first place kasalanan ko naman din 'yon.
"Ilang beses ba naming ipapaalala sa iyo na bawal kang mag-commute?" galit na tanong ni Mommy.
"Mimi kasi baka makita ng mga ka-schoolmate ko po na magkasama kami ni Kuya," pagpapaliwanag ko.
"Valid reason ba iyon, Arietta? Ano naman kung makita kayong dalawa? Magkapatid naman kayo," sagot ni Mommy.
"That's the reason po Mimi. Ayokong malaman nila na magkapatid kami ni Kuya. Ayoko pong lumapit sila sa akin dahil may kailangan sila kay Kuya. Sikat po si Kuya sa School. Mimi, alam niyo naman pong ayoko sa gano'n. Hindi ko nga po pinapaalam na ako ang may-ari ng school na 'yon. Please Mimi, Dada, Kuya pumayag na kayo na magcommute na lang ako. Marunong naman po ako e. Hindi ko po pababayaan 'yong sarili ko. Sige na Mi, Da," pangungumbinsi ko sa kanila.
"Okay," sagot ni Daddy kaya napatingin ako sa kaniya. Did he say okay? Ilang beses pa akong napakurap bago ako lumapit kay Daddy at mahigpit siyang niyakap.
"Thank you po!" sagot ko at hinalikan si Daddy sa pisngi.
"What? No! Francis naman! Hindi puwedeng mag-commute si Arietta. It's either sasabay siya sa Kuya niya o ipapahatid ko siya!" sagot naman ni Mommy at masamang tinignan si Daddy. Napahiwalay naman ako sa yakap kay Daddy. Sabi ko na nga ba at hindi siya papayag.
"Malaki na siya at sa tingin ko kaya niya namang protektahan ang sarili niya."
"She's a girl Daddy," sagot naman ni Kuya.
"I know Reed but think of it. Ayaw rin ni Mommy mo na mag-drive ka ng sasakyan but here you are, driving with your own car. Isipin mo rin na gano'n ang nararamdaman ni Arietta noong gusto mong mag-drive pero hindi ka pinapayagan ng Mommy mo." Napabuntong hininga naman si Kuya at wala na siyang nagawa.
"Don't worry baby. I talk with your Mimi later," nakangiting sabi ni Daddy sa akin. "Anyway, we need to prepare. Birthday ng Daddy ni Jaypee and we are invited, please wear formal."
"I forgot," mabilis na sabi ni Kuya at mabilis na umakyat sa taas. Sa tingin ko ay maghahanda na iyon. Hindi siya puwedeng mawala sa birthday ng Daddy ng kaibigan niya.
"Mag-ayos ka na Arietta," utos ni Mommy. Napatingin naman ako kay Daddy. Do I really need to go?
"Puwede po bang magpa-iwan na lang ako rito? I'm not into this kind of celebration po," sabi ko sa parents ko. Kahit noon naman hindi rin ako sumasama kapag may event. Palagi akong naghahanap ng dahilan.
"No, you need to come. Pinayagan na kita sa gusto mo and as a return you need to come," sabi ni Daddy kaya wala na akong nagawa. Baka kasi bawiin niya ang pagpayag kanina na mag-commute na lang ako sa pagpasok sa school. "Nasa kama mo na iyong susuotin mo."
"Okay po." Pumunta naman ako sa kuwarto ko. Nakita ko roon 'yong above the knee na yellow dress. Hindi ako mahilig sa dress, pero si Daddy ang may utos. Ayoko namang suwayin iyon.
Saglit akong naligo at pinatuyo ang buhok at 'saka ko sinuot ang dress. Hindi na ako nag-abala pang maglagay ng kolorete sa mukha at isinuot ko na lang ang salamin ko sa mata.
Palabas na ako ng aking kuwarto nang bigla may mag-sink in sa utak ko. Ang sabi kanina ni Daddy ay aalis kami dahil birthday ng Daddy ni Jaypee. Si Jaypee ang kaibigan ni kuya na classmate ko rin. Hindi niya puwedeng malaman na magkapatid kami ni Reed.
Mabilis akong pumunta sa kuwarto ni Mommy. Hindi na ako nag-abala pang kumatok. Nakita kong kakatapos lang ni Mommy na mag-ayos habang si Daddy naman ay nakatingin sa kaniya.
Nagulat naman sila nang makita ako.
"May problema ba Arietta?" tanong ni Daddy.
"Mimi tapos na po ba kayo?" tanong ko kay Mommy.
"Yeah, why?"
"Puwede niyo po ba akong lagyan ng make up?" Parehas naman silang nagkatinginan sa isa't isa nang sabihin ko 'yon. Kailangan ko lang talaga para hindi ako makilala.
"Are you okay baby?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Daddy. Tumango naman ako at naglakad papunta kay Mommy. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at umupo na.
Alam kong gusto rin ito ni Mommy. Nakita ko ang reflection niya sa salamin na nakangiti. Gustong gusto niya talaga na ayusan ako.
"Please make it dense, Mimi." Naguluhan man ay sumunod na lang si Mommy sa gusto ko. After kong maayusan ay nagpasalamat ako sa kanila. Nagulat pa nga si Kuya sa itsura ko.
"You look so beautiful baby," sabi ni Daddy sa akin. "Manang mana ka talaga sa Mom mo at mana naman si Reed sa kagwapuhan ko." Nakita ko naman ang pagtawa ni Mommy at Kuya.
"Let's go," Kuya said.
Sa isang sasakyan lang kami lahat at si Daddy 'yong nagda-drive. Nakita ko pang napapatingin si Kuya at Mommy sa akin. Hindi pa rin siguro sila makapaniwala.
Nakarating kami sa isang hotel at sa tingin ko mga mayayaman ang imbitado roon. Isa ang Daddy ni Jaypee sa mga business partner ni Daddy. Kung tutuusin sobrang dami niyang partners at alam kong kasama na roon ang mga parents ng kaibigan ni Kuya.
Pagkarating namin sa loob ay ramdam ko ang tensyon. Nakita ko kung paano lingunin ng mga tao ang pagpasok namin. Lahat ng attention ay napunta sa amin. Marami rin ang nakipagkamay kay Mommy at Daddy. Sino ba namang tao ang lalagpasan ang parents ko? Kilala silang dalawa dahil na rin sa marami itong business na pinapatakbo at sa tingin ko lahat ng mga nakipagkamay sa kanila ay nameet nila sa negosyo.
Bigla akong kinabahan nang lumapit ang pamilya nila Jaypee sa amin. Hindi ko alam kung napapansin ba ako ni Jaypee dahil parang wala itong paki-alam sa akin. Binati niya lang si Kuya at bumalik na naman 'yong walang pakialam na reaksyon niya.
"I'm glad you came," sabi ng isang matanda na sa tingin ko ay tatay ni Jaypee. May ilang bagay pa sila na pinag-usapan na hindi ko maintindihan. Pero nang mapadako ang tingin sa akin ng tatay ni Jaypee ay bigla akong kinabahan.
"Is that your daughter? Ngayon ko pa lang siya nakita," sabi nito at nginitian ako. "She looks like her mom, beautiful. What's her name?"
"Arietta," sagot ni Daddy na siyang ikinalingon ko sa kaniya. Kasabay ng paglingon ni Jaypee sa akin.
To be continue..