Chereads / Living With The Six Gangsters / Chapter 4 - Chapter Two

Chapter 4 - Chapter Two

— Zhanaira —

Kasalukuyan na kaming nag-aayos ng anim na lalaking tumulong sa 'kin. One week na rin ang nakalipas at pwede na raw akong lumabas ng hospital.

Binayaran na rin nila ang natitira pang hospital bills dahil sa pananatili ko rito.

"All settled, Zhanaira?" tanong ni Ice na ikinatango ko.

"Good. Let's go," sabi ni Zack at nauna nang lumabas ng kwarto'ng 'to.

For the passed one week, lagi naman nila akong dinadalaw rito pero hindi sila buong araw nandito dahil hindi lang naman sa 'kin umiikot ang mundo nila. Kailangan din nilang pumasok at mag-aral.

Minsan nga ay pupunta pa sila rito na may mga pasa sa mga mukha nila. Kapag tinatanong ko naman kung saan galing ang mga 'yon ay hindi nila masagot.

Bahala na nga sila diyan. Ang mahalaga ay may matitirahan na ako pero sila ang makakasama ko.

"Tsk. Aalalayan na nga kita," sabi ni Fire at mabilis na lumapit sa akin.

Napangiti ako at tumango. Hinawakan niya ang siko at baywang ko para alalayang lumakad palabas.

Buti na lang at hindi na gano'n kasungit si Fire sa 'kin gaya ng dati. Parang ayaw niya kasi sa 'kin noong una, e.

"Saan ba ang mansion niyo?" tanong ko sa kaniya habang nakasunod sa limang nasa harap namin.

"Sa Zamboanga, Batanes, Palawan, at dito sa Maynila. Bakit?" Nanlaki agad ang mata ko sa naging sagot niya.

May mga mansion sila sa mga lugar na 'yon? Talaga? Ganoon sila kayaman?

Sana all. Ako kasi, sa maliit na bahay lang nakatira noon.

"Magkaano-ano ba kayo? Bakit naman magkakasama kayo sa iisang mansion?" sunod na tanong ko.

"We're friends," tipid na sagot niya na hindi nakatingin sa 'kin na ikinakunot ng noo ko. "Stop asking," sabi niya na ikinatikom na lang ng bibig ko.

Nagtatanong lang naman ako, e.

Nang makalabas na kami ng hospital ay dumiretso kami sa parking lot kung saan nandoon ang puting van nila.

"Ako na," sabi ni Zack at agad akong inagaw kay Fire. "Kayo na bahala sa mga gamit," sabi naman niya sa iba na ikinatango nila. Si Raiven naman ay dumiretso sa driver's seat.

Binuksan ni Zack ang pinto at inalalayan akong makapasok sa loob. Hindi na gano'n kasakit ang sugat ko kaya hindi na ako nahirapan sa pagpasok. Umupo ako sa tabi ng bintana, sumunod naman si Zack at umupo sa tabi ko. Si Ice naman ay umupo sa tabi niya.

Nang matapos sila sa paglagay ng mga gamit sa sasakyan ay nagsipasok na rin silang lahat. Si Railey ang nasa tabi ni Raiven sa harap.

Ang laki naman ng van na 'to para sa kanilang anim. Okay naman na 'yung kotse but whatever.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana nang umandar na ang van. Ramdam na ramdam ko rin ang pagdikit ng siko ni Zack sa balat ko kaya medyo sumisiksik ako sa pinto.

Napatakip ako sa ilong ko nang makaramdam ng hilo dahil sa aircon. Hindi ako sanay sa mga ganitong sasakyan kaya siguro nahihilo ako.

"Why? Am I smell unpleasant?" Bigla akong napalingon kay Zack nang magtanong siya. Nakakunot noo syang nakatitig sa 'kin kaya umiling ako nang ilang beses.

"H-hindi, a." Ang bango mo nga, e. "Nahihilo lang ako sa aircon," sagot ko.

Tumango siya at tumingin sa harap. "Turn off the aircon here, Raiven," utos ni Zack kay Raiven na agad nitong sinunod.

Nagulat na lang ako nang lumapit nang mas malapit si Zack sa akin. Akala ko kung anong gagawin niya pero binuksan niya lang ang bintana dahilan para malanghap ko ang sariwang hangin galing sa labas.

"T-thank you," sabi ko na ikinatango niya lang at bahagyang lumayo sa 'kin.

Sumilip ako sa bintana para makalanghap ng sariwang hangin at hindi na mahilo pa.

"Mamaya bibili tayo ng school supplies mo, or baka bukas na lang kung gusto mo." Mabilis ulit akong lumingon kay Zack nang magsalita siya dahilan para liparin ang buhok ko.

"Sige, mamaya na lang," sagot ko at tipid na ngumiti. Tumango-tango lang siya at tumingin na ulit sa harap.

Napatitig na lang ako sa mukha niya. Grabe pala talaga tangos ng ilong niya, nahiya 'yung ilong ko e. Tapos mapanga pa siya. Ang ganda niya, gandang lalaki. Psh.

"Don't stare." Mabilis akong napaiwas nang sabihin niya 'yon habang hindi pa rin nakatingin sa 'kin. "Sleep if you want. Matagal pa ang biyahe," dugtong niya na ikinatango ko na lang.

Medyo sinara ko nang kaunti ang bintana ng van dahil dumarami na ang sasakyan sa paligid at nahihilo na rin ako sa usok ng mga 'yon. Pumikit ako para matulog dahil nakakaramdam na ako ng antok.

*****

"Wake up.."

"Zhanaira, wake up." Bumaling ako sa kabilang side nang maalimpungatan ako. "Zhanaira. We're here, wake up."

"Wake up or I'll carry you."

Mabilis akong napadilat dahil sa pagtapik sa pisngi ko at sa boses na naririnig ko.

"Anak ng tinapa ka!" Gulat na sabi ko nang mukha agad ni Zack ang pambungad sa pagdilat ko.

Mabilis at mahina ko siyang tinulak sa dibdib. Tumingin ako sa labas ng bintana at magdidilim na pala, nasa harap ang isang malaking mansion na bukas na ang lahat ng ilaw.

Nandito na yata kami..

"Tsk. Tagal magising, ha." Napalingon ulit ako kay Zack.

Bigla akong nahiya. Dios mio naman!

"S-sorry.."

"Let's go," sabi niya at binuksan na ang pinto. Pansin ko rin na kami na lang palang dalawa ang nandito sa loob ng sasakyan.

Inalalayan niya 'kong makababa. Tiningnan ko agad ang malaking mansion pagkababa ko.

Grabe, silang anim lang ba ang nakatira sa mansion na 'to? Bakit naman sobrang laki? Ang liwa-liwanag pa kaya mas lalo itong gumanda. May tatlong fountain pa rito sa harap at parang nasa apat na floor pa ang buong mansion.

Parang nahiya 'yung katawan kong pumasok sa mansion. I'm just a squater girl, feeling ko ay hindi ako bagay sa mga ganiyang kalaking tirahan.

"Tutunganga ka lang ba diyan? Nasa loob na sila," tanong ni Zack kaya napaiwas agad ako ng tingin sa mansion at tiningnan siya. "Let's go." Mabilis n'yang hinawakan ang kamay ko at hinila.

"O-okay lang ba talaga na tumira ako rito... Kasama niyo?" tanong ko sa kaniya.

Baka kasi may mgagalit pala, gano'n.

Napasulyap siya saglit sa 'kin at sumagot. "Yes." Tumango na lang ako at nagpahila sa kaniya. "Bukas na lang tayo mamili, maggagabi na." Tumango na lang ulit ako.

"Gwapo ko ba?"

"Hindi. Ako lang gwapo rito."

"Ay gano'n ba, edi fuck you."

Pagpasok namin sa loob ay si Fire at Cedrick agad ang narinig naming nag-uusap. Nakasalampak silang lahat sa mga set sa living room.

"Mas habulin kasi ako ng chicks kaysa sa 'yo," sabi ni Cedrick na hindi kami pinansin ni Zack.

"Pero mas marami na akong nakama kaysa sa 'yo. Poging hot kasi ako," sagot naman ni Fire na ikinakunot ng noo ko.

Mga babaerong 'to!

Tiningnan ko na lang ang buong paligid nitong loob ng mansion. May malaking chandelier sa gitna, ang mga hagdan ay pa-round ang style.

Ang pinaka-nagpamangha sa akin ay ang kisame nilang gawa sa salamin kaya nakikita mula rito ang madilim na langit.

Ang galing, kapag maliwanag, puwede nang hindi buksan ang mga ilaw.

"Zhanaira!" Napalingon agad ako sa anim nang may tumawag sa 'kin. "Do you know how to cook?" Tanong ni Railey na ikinatango ko.

"Ipagluto mo naman kami." Gatong ni Cedrick.

Wala ba silang maid? Ang laki-laki ng mansion nila, e.

"Hindi pa namin napapabalik 'yung maids namin, bukas pa. Tinamad kasi kami," sagot ni Fire sa tanong sa isip ko.

Tsk! One week na ang nakalipas, hindi pa nila napapabalik ang mga maid? Ang gagaling!

"She's maybe tired, huwag na---"

Pinutol ko agad ang sasabihin sana ni Raiven. "H-hindi, okay lang. Ipagluluto ko kayo."

Kahit sa maliit na gawain lang ay masuklian ko sana unti-unti ang mga mabuting nagawa at ginagawa nila para sa akin.

"Chicken curry, please," inaantok na sabi ni Ice na ikinatango ko na lang.

"May ingredients ba?" kunot-noong tanong ni Zack sa kanila.

"Meron. Inutusan ko kanina 'yung isang maid nating mamili bago tayo makauwi pero sinabi kong bukas na silang lahat bumalik dito."  Sagot ni Railey at tumayo. "Tara, samahan na kita sa kitchen," sabi niya at lumapit sa 'kin.

Tumango ako at hindi na pinansin ang lima pa. Sumunod ako kay Railey. Sana lang ay hindi ako maligaw sa mansion nila, ang laki, e.

"I'm glad to know that you know how to cook," Sabi niya bago tinulak ang isang glass door at pumasok doon kasunod ako.

"Co-chef kasi ako sa restaurant na pinapasukan ko," sagot ko na agad niyang ikinalingon sa 'kin.

"Restaurant? May trabaho ka?" gulat na tanong niya na ikinatango ko.

Meron. Hindi sikat 'yung restaurant pero marami ring kumakain doon.

"Co-chef? Hindi ka pa nakakapagtapos ha, buti natanggap ka," sabi niya na ikinangiti ko.

"Buti nga, e. May tumulong kasi sa 'kin," sagot ko.

"Ah, talaga. Isang linggo ka ring na-hospital, a. Baka naman natanggalan ka na ng trabaho nang hindi mo alam," sagot niya na ikinakibit balikat ko.

Sana, hindi. Kailangan ko ang trabahong 'yon.

Sigurado ring nag-aalala na sa 'kin si Yuri. Wala kaming naging balita sa isa't isa sa loob ng isang linggo.

Tiningnan ko na lang ang buong kusina. G-shaped ang style. Ang ganda, parang mas malaki pa sa bahay namin ang kusina nila.

Lumapit na ako sa refrigerator at kumuha ng mga ingredients.

"Iiwan na ba kita rito or you need help?" tanong ni Railey.

"Sige, iwan mo na 'ko. Kaya ko naman na 'to." Sagot ko dahil sanay na rin naman ako sa mga equipments dito dahil ganito rin ang mga nasa restaurant na pinapasukan ko.

"Nasa labas lang kami. Tumawag ka lang kung may kailangan ka." Sabi nya na ikinatango ko.

Tipid akong ngumiti. "Maraming salamat."

Nang makalabas na si Railey ay tumulo ang mga luha ko na hindi ko alam kung bakit meron na naman.

Para kasing napakaduwag ko para harapin ang mga problemang iniwan ko at sumama sa anim na lalaking 'to.

Sana lang ay matulungan nila akong makabangon.

I feel so hopeless.

Kailangan ko ng pag-asa. Kailangan kong maging malakas dahil alam kong maliit lang ang mundo at makakaharap ko ulit isang araw ang mga taong sumira sa buhay ko.

I hope I'll be better while living here.. With them.

----

Ms. A Notes,

Any guess what happened to Zhanaira?